✿✿♡ KIM ♡✿✿ NAGTATAKA akong bumangon nang imulat ko ang mga mata ko at makitang nasa guestroom ako na okupado ko. Bakit nandito ako? Nilingon ko pa ang magkabilang gilid ko para hanapin si Jayden sa tabi ko, pero wala.‘Di ba sa kwarto n’ya ako natulog kagabi? Ayaw niya kasing umalis ako kaya nakiusap si Julian na mag-stay na lang muna ulit ako. Sinamahan ko ito sa kwarto, habang si Julian naman ay tinabihan si Jade sa kwarto nito dahil ayaw nitong matulog nang walang kasama dahil sa pananakot ni Jayden na pupuntahan siya ng ghost sa kwarto niya. Pero sa pagkakatanda ko, hindi ako masyadong nakatulog nang mahimbing dahil maya’t-maya kong chine-check ang temperature ni Jayden. Lagi ko rin siyang pinupunasan ng basang towel sa katawan sa tuwing mararamdaman kong mainit siya. Dahil doon