PRESENT ✿✿♡ KIM ♡✿✿ NGAYONG araw ang ika-six months namin ni Julian bilang mag-boyfriend-girlfriend. Hindi ko talaga akalain na darating ako sa point na sasagutin ko siya at magiging opisyal kaming magkarelasyon. Like, mhie, ayoko talaga ng commitment! Pero noong araw na isang linggo siyang hindi nagparamdam sa akin dahil lumipad siya patungong Amerika para dalawin ang parents niya, ay naku! Sobra kong na-miss si loko. Doon ko biglang na-realize na hindi ko rin pala kayang mawala siya sa ‘kin. Imagine, one week lang ‘yon. Paano pa kaya kung tuluyan ko siyang binasted at hindi na kami nagkausap o nagkasama forever? Siguro mababaliw ako. Kaya oras na makabalik siya noon sa bansa, noong pinuntahan niya ako sa bahay namin, kinausap ko siya at pumayag na akong magpaliwag. At si angkol niyon