Few months earlier. . . ✿✿♡ KIM ♡✿✿ “Aaaaaackh! P*tangina moooooo! Aaaaaackh! Mamamatay na ‘ko, Juliaaaaan! Hayop kaaaaaa!” Walang tigil ang pagtili ko habang nakasakay kami sa roller coaster. Iba ang inaasahan kong lugar na pagdadalhan niya sa akin nang sabihin niya na gusto niya akong masolo. Hindi amusement park ang nasa isip ko at mas lalong hindi ko inisip na isasakay niya ako sa rides na ‘to kung saan tila humihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko, habang siya naman ay walang tigil ang pagtawa sa tabi ko. Halatang enjoy na enjoy siya dahil nakataas pa ang mga kamay niya sa ere. “Mamaaaaaaa! Papaaaaaa! Tisaaaaaaay! Bunsoooooo! Waaaaaaah! Mahal ko kayong lahaaaaaat! Aaaaaaackh! Paalaaaaaaam!” Hindi ko na napigilan ang luha ko sa takot. Hilong-hilo na ako at hindi ko na t