JULIAN WY I wasn’t lying when I said na si Kim pa lang ang dinala ko rito sa bahay ko. It’s the truth. Whole truth. Sabi ko noon, ‘yung babaeng pakakasalan ko lang ang may karapatang pumunta rito. At kahit na alam kong hindi pa handa si Kim sa usapang pag-aasawa, dinala ko na siya rito. Not to pressure her, kun’di para iparamdam sa kaniya na seryoso ako at hindi basta nagloloko lang. Oo nga't wala pa kaming isang taon, pero para sa 'kin, siya na. Handa na ‘ko. Siya na lang ang hinihintay kong maging handa bago ako mag-propose sa kaniya. Pero alam kong malayo pa ako sa katotohanan dahil ramdam kong ayaw pa niyang mag-asawa. Ramdam ko na sa tuwing binabanggit ko sa kaniya ang tungkol do’n, naiilang siya. But I can wait until she’s ready. Dahil simula noong nakilala ko siya, siya na an