Chapter 2. Baby

1628 Words
Few months earlier . . . ✿✿♡ KIM ♡✿✿ “Sure ka bang thirty ka pa lang?” may pagdududa kong tanong kay Julian habang papunta kami sa sinasabi niyang Korean Restaurant. Kasalukuyan pa kaming nasa sasakyan dahil medyo malayo-layo iyon sa shop. Thirty-five minues drive raw. “Oo nga. Bata pa ‘ko. P’wede pang matawag na baby mo.” Sabay ngiti niya nang malapad nang balingan ako saglit. Pero ako, hindi ako kinilig. Hindi kasi ako sweet na tao, kaya kapag may bumabanat sa akin ng mga ganito, parang gusto ko na lang din banatan sa labi, gamit ang labi ko. Char! “Tigilan mo ‘ko, Julian.” Napapailing akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sa harap na lamang din ako humarap, sa daan na tinatahak namin. “Bakit ba ayaw mo ‘kong seryosohin, Kim? Para kang laging binibiro. Hindi mo ba nararamdaman pagiging sincere ko?” seryoso niyang tanong. “Ayoko muna magseryoso, Julian. Hindi pa time.” “Bakit naman? Nasa tamang edad ka na rin naman na, ‘di ba?” “Mas lalo kasi akong nawalan ng gana sumabak sa love life dahil kay Hanna.” “Hanna? Why her?” kunot-noo niyang tanong. “Di ba nga alam mo namang nabuntis s’ya ni Gino? Tapos parang ayaw pa s’yang panagutan ngayon. E, kung mangyari rin sa ‘kin ‘yon? Bobo pa naman ako at uto-uto.” Natawa siya nang mahina sa sinabi ko. “Bakit ba kasi ang advance mo mag-isip? Liligawan pa lang kita, nasa pagbubuntis ka na agad? Hindi naman ako gano’n klaseng lalaki, Kim. Sa tingin mo ba, sa edad kong ‘to may time pa ‘ko magloko? Pinag-aasawa na nga ako ng parents ko.” Sabay sulyap niya pa sa akin. Kaya tiningnan ko rin siya. “Ang laki ng age gap natin, Julian. Ten years. Feeling ko hindi tayo magkakasundo kapag naging tayo na. At saka ako, hindi pa ako ready sa commitment at mas lalong hindi pa ready mag-settle down. Kaya kung ang hanap mo ay girlfriend na soon-to-be-wife, then I’m sorry. It’s not you, It’s me.” Bahagya pa akong natawa sa sinabi ko. “Edi, sige. Hihintayin na lang kitang maging ready. Pero sana, sa ngayon, payagan mo ‘kong ligawan ka. Deal?” Seryoso ang mukha niya habang nakatingin na sa harapan. Pero hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano magre-respond sa sinabi niya. “Uhm. Julian…” Kung kanina ay bahagya akong nakangiti, ngayon ay naging seryoso na rin ako habang nakalingon sa kaniya. “Ayokong magpaligaw. Mas gusto ko ‘yung ganito lang tayo. ‘Yung parang magtropa.” Biglang nagsalubong ang kilay niya at saglit ulit akong nilingon. “Magtropa? Are you kidding me?” “No. I’m seriously,” maagap kong sagot. “At saka, ano ba’ng nagustuhan mo sa ‘kin? Sa birthday ni Jake lang tayo nagkita at nagkasama, bakit parang gusto mo na agad ako? Hindi mo pa nga ako masyadong kilala." “I don’t know, Kim. Hindi ko rin alam kung ano’ng nagustuhan ko sa’yo. Basta ang alam ko, masaya ‘ko kapag nakakausap kita. I like your personality. Magaan sa loob. Plus, you always make me laugh effortlessly," nakangiti niyang sagot. “Ikaw? Hindi mo ba ‘ko nagustuhan?” “Nagustuhan naman kita. Kaya nga ayaw kitang maging jowa, eh. Sapat na sa ‘kin ‘yung ganito tayo. At parang ayoko na mas hihigit pa rito.” “What?” Natatawa niya muli akong sinulyapan. “I don’t get you. Seriously.” “Hanna, too.” Sabay tawa ko nang bahagya. “Sabi n’ya hindi n’ya rin daw ako maintindihan. Pero that’s okay. Sanay naman ako na sarili ko lang ang nakakaintindi sa ‘kin.” Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Ngunit nagulat ako nang bigla niyang igilid ang sasakyan at saka niya inihinto. “Bakit? Akala ko ba malayo-layo pa tayo?” baling ko sa kaniya. “Kim…” Nilingon niya rin ako at seryoso akong tiningnan sa mga mata. “Ayaw mo ba talaga ‘kong bigyan ng chance?” Ako naman ang hindi nakapagsalita. “You know what? I got the feeling na magiging masaya talaga ‘ko sa’yo kapag naging tayo na. Ayaw mo ba ‘kong maging masaya?” “Hindi naman kailangan maging tayo para sumaya ka, Julian. Dahil kahit hindi maging tayo, kaya pa rin kitang pasayahin. Joker ako baka hindi mo naitatanong?” pabiro kong sagot sa kaniya. Napailing siya bago muling ipagpatuloy ang pagmamaneho papunta sa kakaininan namin. Akala ko maiinis siya sa akin dahil sa pang-re-reject ko sa kaniya, pero he's the same Julian na palagi akong nasasabayan. Ni hindi man lang siya nagtampo. ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ "What’s your favorite food, Kim?" tanong niya sa akin habang nagmamaneho na siya pauwi para ihatid ako. "Bakit?" baling ko sa kaniya. Sumulyap siya sa akin saglit. "Pansin ko kasi na kaunti lang nakain mo kanina. Ayaw mo ba 'yung mga inorder ko?" Siya ang pinag-order ko kanina dahil hindi ako sanay kumain sa mga mamahaling kainan. Pero iyong mga inorder niya, halos hindi ko nagustuhan kaya kaunti lang ang nakain ko. Gusto kong maging honest sa kaniya tungkol sa bagay na 'yon, pero ayokong malungkot siya at magsisi sa mga inorder niya. So, umiling na lang ako. "Okay lang 'yung mga inorder mo. Nagkataon lang kasi na hindi ako gutom kaya hindi ako nakakain masyado." "Tell me your favorite food. I wanna know." Hindi ko alam kung ramdam ba niyang nagpalusot lang ako. "Actually, wala akong favorite. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano’ng favorite food ko. Walang specific. Basta masarap, kinakain ko." Bahagya siyang natawa. "Are you serious?" "Oo nga! Mukha ba 'kong nagloloko?" Napangiti rin ako kahit papaano. "Ikaw ba? Ano'ng favorite food mo?" "Hmm . . ." Saglit siyang nag-isip habang nasa harap pa rin ang tingin. "Marami. Pero I think . . . soon . . . ikaw na ang magiging favorite food ko." "Oy, gagi! Tumaas balahibo ko! Are you c@nnibalism?!" Ito na naman tayo sa English carabao ko. Buti na lang ay nasanay na rin siya sa akin. Parang si Hanna at Phoenix lang, sanay sa katangahan ko. "No. It's not like that." Natatawa niya akong sinulyapan. Litaw na litaw ang perfect niyang ngipin. Ano kayang toothpaste niya? Ako kasi minsan, asin lang kapag nauubusan kami ng toothpaste. "It means that you will be my favorite taste. Soon." "Bakit? Hindi naman ako masarap." Malandi niya akong binalingan ulit. "Sure? I need a taste first. Ako ang magsasabi ko kung hindi ka masarap." Saka siya natatawang nagbalik ng tingin sa harap ng daan. Para naman akong tangang napa-tuck-hair sa gilid ng tainga ko habang nagpipigil ng ngiti. "Baby pa 'ko, Julian. Hindi pa p'wede." "Yeah. I agree. Baby ka pa. Baby ko." Hindi ko napigilang hampasin siya sa braso, sabay, "Parang tangaaa!" "Kinilig ka?" nakangisi niyang tanong. Pero hindi ako sumagot at pinilit ko na lamang pigilan ang ngiti ko dahil baka mapahiyaw ako ng oo. Oo kinilig ako! "Kim, can I ask you a favor?" Sumeryoso bigla ang mukha ko, lalo na nang igilid niya ang sasakyan at ihinto sa tabi ng highway. Saka niya ako binalingan, inabot niya ang isang kamay ko, hawak niya 'yon sa ibabaw ng hita ko. "Ha? Ano 'yon?" Teka? Bakit ako kinakabahan sa tingin niya? Grabe ang titig niya sa akin. Kung nakakatunaw lang ang titig, baka kanina pa ako liquid. "P'wede bang sa 'kin lang 'yung mga ngiti mo na 'yan?" Napalunok ako. "I don't want you to smile like that with other men. Call me selfish, Kim, pero gusto ko, ako lang ngingitian mo. I'm afraid na kapag ngumiti ka sa iba, mainlab sila sa'yo. Paano ako?" "Hoooy!" Natatawa akong kumawala sa hawak niya. "Ano ka ba? Ano'ng gusto mong maging reaksyon ko sa iba? Iyakan ko sila? Taasan ng kilay? Sigawan? Sungitan?" Napahalakhak ako "No. Pero ayokong ngingiti ka ka sa kanila katulad nang ngiti mo sa 'kin kanina." Natahimik ako at napatitig sa kaniya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya takot ako sa commitment. Hindi pa kami, pero feeling ko nasasakal na ako. Hindi pa kami, pero feeling ko, ang dami ko nang hindi p'wedeng gawin. Paano na lang kung maging boyfriend ko pa siya? Baka bawal na rin akong huminga sa harap ng ibang lalaki. Kaloka. "Tara na nga, Julian. Hatid mo na 'ko sa amin. Pinakakaba mo atay ko, eh," biro ko sa kaniya. Bahagya naman siyang natawa para pawiin ang nararamdaman kong pagkailang. "Sorry, Kim. I just . . . like you so goddamn much. And once I get obsessed with something, I don't like sharing it with anyone." In-start na niya ang sasakyan at muling nag-drive nang magtanong ako. "Hindi ba pagiging selfish 'yon?" "No. Hindi 'yon selfish act, Kim. Pag-iingat 'yon. Para hindi s'ya ma-damage ng iba. Parang ikaw." Muli niya akong sinulyapan saglit. "Gusto ko, ako lang mag-iingat sa'yo." "Feeling ko ang hirap mo maging jowa, Julian," seryoso kong sabi. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. "Parang feeling ko, ikaw 'yung tipo ng lalaki na, matindi magmahal at matindi rin magselos. Paano ko kung tayo na, tapos nakita mo akong ngumiti sa iba? Ano'ng gagawin mo? Sasaktan mo ba 'ko dahil sa pagseselos mo? Parang 'yung katulad ng ibang napapanood ko sa SOCO? 'Yung pinatay 'yung partner dahil sa sobrang selos?" "No!" mabilis niyang sagot. "Why would I do that? Grabe naman ang imagination mo, Kim. Nu'ng una, pagbubuntis. Ngayon, crime. What do you think of me? I'm not a fvcking psychopath." Bahagya pa siyang natawa. "Kapag ako nakasama mo, ituturing kitang prinsesa, Kim. Mark my words."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD