Chapter 1. Date

1974 Words
Few months earlier. . . ✿✿♡ KIM ♡✿✿ Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang mag-angat ako ng tingin sa labas at masulyapan ko ang pamilyar na sasakyang halos kahihinto lamang sa tapat. Kay Julian iyon. At bigla akong nataranta nang makita ko nga ang bulto niya na lumabas doon sa puwesto ng driver. Sht! Sabi ko ‘wag s’yang pupunta rito! Tumayo agad ako sa upuan ko para salubungin siya dahil nakita kong sa shop siya papunta, dito sa loob. Nakasuot siya ng plain white shirt na round neck at color khaki na casual short. Naka-sunglasses pa siya, may gold necklace at relo. Sobrang simple ng porma, pero sobrang guwapo at ang lakas ng dating! “Labas! Labas! Labas!” Halos ipagtulakan ko siya nang maunahan niya ako dahil nakapasok na siya sa loob. “Sabi ko ‘wag kang pupunta rito! Aasarin ako ng dalawa!” Si Phoenix at Hanna. Ang mga bestfriend kong taratitat. “Wala naman sila, ah?” sagot niya at luminga pa sa loob ng shop. Hindi rin ako nagtagumpay na itulak siya dahil sinadya niyang magpabigat. Idagdag pa na mas malaki ang katawan niya kaysa sa akin. “Pararting na sila, bumili lang ng pagkain. Lumabas ka na. Umalis ka muna.” Sinimangutan ko agad siya nang sa akin na siya magbaba ng tingin. “Sabi ko sa’yo ‘wag na ‘wag mo ‘kong pupuntahan dito! Ang kulit ng lahi mo!” “I just wanted to see you and ask you out for lunch.” “Ayoko! Ayaw kitang makita at ayaw rin kitang makasamang kumain! Baka mamaya, ako pa gawin mong tanghalian! My ghosh!” Napatitig ako saglit sa kaniya nang humalakhak siya. Shutang ines, mhie! Ang g’wapo ng isang ‘to! “Advance ka masyado mag-isip, Kim. Wala pa ‘ko ro’n. Nasa going out pa lang ako, nasa intimate moments ka na agad. Hindi naman ako mapagsamantala.” “What izzz da meaning of dizzzz?!” Malakas na boses ni Hanna ang narinig namin kasabay ng pagbukas ng pinto. At dahil malapit lamang kami roon ay agad kaming napalingon sa kanila ni Phoenix na kararating lamang. “Hi, Phoenix. Hi, Hanna!” nakangiting bati sa kanila ni Julian. “Yayain ko lang sanang mag-lunch si Kim, sama na rin kayo.” “Hindi na,” sagot agad ni Phoenix. “Okay na kami rito ni Hanna. Kayo na lang ang lumabas.” Ako naman ang lumingon kay Phoenix para barahin siya. “Teka? Sino ba nagsabing sasama ako sa kan’ya?” “Kami!” sabay pa nilang sagot ni Hanna. “Sumabay ka na kay Julian, tutal nakalimutan ka naming bilhan ng munggo with isdang gunggong,” dagdag pa ni Phoenix habang nakangisi. Si Hanna naman ay biglang binalingan si Julian. “Basta ingatan mo lang ‘yung frenny namin, ha? Virgin pa ‘yan. Iche-check namin mamaya kipay n’yan pagbalik dito para sure.” “Abnorm@l!” sita ko agad sa kaniya. Si Julian naman ay bahagyang natatawa sa amin. “Sige na. Humayo na kayo at ‘wag muna magpakarami. Sobrang dami na masyado ng populasyon.” Halos ipagtulakan pa ako ni Phoenix palabas at si Hanna naman ang nagtulak kay Julian. Ayaw nila akong maging marupok pero halos ibugaw nila ako sa lalaking ‘to. My ghosh! ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ Some people are asking me—wow! Napa-English! But kidding aside, may mga taong nagtatanong talaga sa akin kung bakit daw sa edad kong twenty ay wala pa rin akong boyfriend. Kahit nga si mama at papa kung minsan ay nagtatanong na rin, tapos ang biglang sasagot ay ang mga epal kong kapatid, lalo na ‘yung bunsong lalaki at sasabihin pang paano raw ako magkaka-boyfriend kung ang pangit ko at ang bobo pa? Hahaha! Epal talaga ‘yung bunso namin kahit kailan. Minsan nga parang gusto ko na lang magpalit ng bunsong kapatid. Pero hindi naman talaga ako pangit. Well, pangit lang ako dahil hindi ako marunong mag-ayos. Pero kapag ako naligo, nagsuklay, nagpolbo at liptint, naku! Pati b***t ng aso, kikiligin! Maging Hanna at Phoenix din ay minsan na akong tinanong tungkol sa bagay na ‘yon. Alam kasi nila na may mga dating app ako sa phone at talagang gumagastos pa ako sa subscription para lang may makausap o mahanap na jojowain. Pero kung tutuusin, may mga nagtangka namang manligaw sa akin. Kahit noon, mayroon. Kaso, mukhang nasa akin talaga ang problema. Dahil sa tuwing mayroon akong nakakausap sa chat, naka-close at nakagaanan ng loob, kapag ‘yung taong ‘yon ay nagpapakita na ng motibo sa akin or nagtanong na kung puwede niya akong liwagan, doon na ako biglang magiging cold sa kaniya. Ewan ko ba. Parang hindi pa ako handang makipag-commitment. Oo, madalas akong nangangarap na sana magka-boyfriend na ako, pero once na may dumating namang manliligaw, bigla akong natatakot. Natatakot akong matali sa taong ‘yon. Natatakot akong matawag na taken at hindi ko na magawa ang mga bagay na nagagawa ko while single. Idagdag pa na, natatakot akong ma-fall sa isang tao na hindi ko pa sure kung para sa akin ba talaga. Ayokong matulad kay Hanna. Kaya ang ginagawa ko sa ngayon, tamang landi-landi lang muna. May mga ka-talking stage ako, like si Tristan Arena at ngayon ay dumagdag pa si Julian Wy. Pero hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko kay Julian. Oo, guwapo siya at jowable talaga 101%! Nag-e-enjoy akong kausap siya. Mas maboka siya kaysa kay Tristan na sobrang plain at cold kausap. Si Julian, palagi niyang nasasabayan ang energy ko sa tuwing magka-chat kami. Kapag masaya ako, masaya rin siya. Kapag bigla akong nainis, maiinis din siya. Kapag puro kaabnormalan sinasabi ko, sasabayan niya lang ako at magpapaka-siraulo rin siya. Kapag malibog ako, minamanyak niya rin ako. Meaning, nagba-balance kami. Nagpapantay ‘yung level ng energy namin at iyon ang matagal ko nang hinahanap sa isang tao. Swak na swak siya sa panlasa ko kahit na hindi ko pa siya nadidilaa—I mean, natitikman. Pero…wala pa kaming label dahil nasa talking/landian stage pa lang kami. “So, can you give us an update?” may panunuksong sabi ni Hanna habang magkakausap kami nila Phoenix thru video call, sa group chat naming HOMO-GENIUS. Nag-call kasi si Hanna dahil mula kaninang sinundo ako ni Julian sa shop para kumain ay hindi na ako nakabalik dahil na-scammed din ako ng lalaking ‘yon. Ang sabi niya kasi sa akin ay lunch lang, pero nag-mall pa kami. At noong bandang hapon, nagyaya naman siya sa sinehan. “Life update—may ka-talking stage na naman ako pero parang ayokong jowain. Gusto ko landian lang,” sagot ko, na sinundan ko pa ng halakhak. “Luh? Bakit naman? Mukhang okay naman si Julian, ah?” Si Phoenix. “Hindi lang okay. Okay na okay s’ya mga mhie! Kaya lang natatakot ako,” sagot ko. “Bakit? Saan ka natatakot?” Si Hanna, na biglang sumeryoso. “Natatakot akong ma-fall sa kan’ya, mhie. Masyado s’yang too good to be true. Parang wala na s’yang ibang pinoproblema sa buhay bukod sa paghahanap ng asawa. Samantalang ako, problema ko pa kung makakatapos ba ‘ko ng pag-aaral dahil sa kabobohan ko. Kung papasa ba ako!” Bahagya pa akong natawa. “At saka, mukhang hindi kami meant to be. Thirty na rin s’ya tulad ni Jake. Mukhang aasawahin na ang hanap n’ya. Ako, balak ko pa maghanap ng employer pagka-graduate dahil ‘yon din ang inaasahan sa ‘kin nila mama at papa.” “Pero, ano ba? Nagsabi na ba si Julian na liligawan ka n’ya?” usisa ni Phoenix. “Hindi pa. Pero obvious naman na gusto n’ya ‘ko, mhie! Hello! Yayayain n’ya ba akong kumain at mag-sine kung as a friend lang? Babae ako, syempre ramdam ko kung gusto ako ng lalaking kasama ‘ko,” mayabang kong sagot. Pero totoo naman ‘yon. Ramdam ko ‘yon sa bawat galaw niya noong magkasama kaming kumain sa labas. Nakapa-gentleman niya. Pinagbubuksan niya ako ng pinto sa pagpasok at paglabas sa sasakyan niya. Tapos noong kumain kami, sobrang sweet niya, na ultimo kaunting sauce na sumayad sa gilid ng labi ko ay siya ang nagpunas gamit ang tissue. Tapos lagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Maski sa sinehan ay panakaw-nakaw rin siya ng tingin. “Why not give him a chance? Malay mo naman, ‘di ba?” suhestyon ni Hanna. “Ayoko pa nga ng commitment, mhie! At saka hindi naman ako katulad mong marupok, na tatlong segundo lang na-inlab na agad kay Gino! It will take me one million years to fall in love!” “Kakaayaw mo sa commitment, baka magulat ka na lang isang araw kapag nilubayan ka na ni Julian.” Si Phoenix. “Ay, no way! Bago pa mangyari ‘yon, ako na lang mang-go-ghost sa kan’ya! Uunahan ko na s’ya para hindi masyadong masakit.” Humalakhak pa ako. “Sige, i-ghost mo s’ya, tutal mukha ka namang si sadako,” nataawang ganti ni Hanna. “Ikaw nga si Annabelle, eh!” balik ko naman sa kaniya. “Hoy! ‘Wag nga ‘yan pag-usapan n’yo! Gabi na! Patulog na ‘ko maya-maya, nananakot pa kayo!” inis na sabi ni Phoenix. Oo nga pala, saksakan nga pala ng duwag ang isang ‘to. At para mas masaya, tatakutin ko na lang siyang lalo. “Pero, mhie. Alam n’yo ba? Totoo talaga ‘yung mga multo. Kasi ako mismo, nakakita na ng white lady,” seryoso kong sabi. Sumabat naman si Hanna, na mukhang hindi naniniwala. “Weh? Talaga ba? Ano itsura?” “Hindi ko matandaan, eh. Pero nakapula.” Seryoso ang pagkakasabi ko pero biglang natawa ang walang hiyang si Hanna, pati na rin si Phoenix. “Siraulo ka talaga! Oh, sige. Tutal usapang multo, may tanong ako sa inyo,” nangingiting sabi ni Hanna. Tahimik naman kami ni Phoenix habang nakikinig sa kaniya. “Ano tawag sa multong nakikita n’yo sa ilog?” “Ewan ko. Ano?” Si Phoenix. Ngumiti naman si Hanna bago sumagot. “Edi…Aghost!” Si Phoenix lang ang natawa sa joke niya kaya nag-isip din naman ako ng sa akin. “Sige. Ito naman. Ano ang paboritong pagkain ng mga multong kalbo?” tanong ko habang nagpipigil ng tawa. Si Hanna naman ang nagtanong. “Ano?” “Edi…KALBOhydrates!” Humalakhak pa ako, maging si Phoenix. Pero si Hanna ay tila nag-iisip na ng pangbanat niya. “E, ano naman ang buwan na pinakamaraming multo?” tanong niya matapos ang ilang sandali. “Ano?” natatawang tanong ni Phoenix, na walang ambag sa kasiyahan kun’di ang pagtawa niya lang. “Edi…Aughost!” –Hanna. Ako naman ulit ang nagtanong. “Ano naman ang tawag sa mga multong nag-aaway?” “Ano?” –Phoenix. “Fighting spirit,” sagot ko, na muling nagpatawa sa dalawa. Pero agad na rin akong umayos at sumeryoso dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, kasunod ang pagdungaw ng bunso kong kapatid na ang sarap ilampaso ng mukha sa sahig. “Hoy, ate! Patawa-tawa ka pa d’yan! May bisita ka, lumabas ka!” “Sabihin mo tulog na ‘ko!” “Sinabi ko nga! Pero ayaw maniwala dahil hanggang sa sala dinig pagtawa mo! Lakas-lakas!” “Sino ba ‘yon? Wala naman akong alam na pupunta rito ngayon?” tanong ko pa. Si Hanna at Phoenix naman ay tahimik lang na nakikinig muna sa amin ni Raven. “Julian daw!” Dali-dali akong napatayo sa kama at hindi ko na nagawa pang magpaalam sa dalawa dahil ini-end ko agad ang call para labasin ang buwisit na lalaking ‘yon. Sinabi ko na nga na huwag pupunta rito sa bahay, ang kulit talaga ng lahi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD