JULIAN WY KIM is quiet as she follows me to my home office, and truthfully, I’m not sure what to say either. Ang alam ko lang, gusto siya ng kambal ko. Paano ko nalaman? Kaninang dumating ako, masaya akong sinalubong ni Jayden. Actually, nitong mga nakakaraang linggo namin sa New York, noong nalaman nilang uuwi na kami sa Pilipinas at hindi namin makakasama ang mommy nila, hindi ako kinikibo ni Jayden. Kung kausapin man niya ako, sobrang tipid lang. Si Jade naman, totally hindi ako kinakausap simula noong dumating kami rito dahil noong paalis pa lang kami sa New York, kinuwestyon na niya ‘ko na bakit daw hindi ko isasama ang mommy niya. Wala silang kalam-alam na mommy nila mismo ang ayaw sumama sa amin. Pero ayoko munang sabihin ‘yon sa kanila. Ayokong gawing masama sa paningin nila