✿✿♡ KIM ♡✿✿ Hindi ko nakita ang excitement sa mukha ni Jade nang marinig niya ang boses ni Julian. Tanging si Jayden lamang ang malapad ang ngiti na bumaba sa upuan niya. Naiwan si Jade, patuloy sa pagkain. “Daddyyyy!” Um-echo ang boses ni Jayden. Habang ako naman ay natarantang napatayo sa upuan ko. “Where’s Jade?” “Nasa kitchen po. Kumakain.” Shuta! Bumaling ako sa paligid ko, hindi ko alam kung saan ako magtatago dahil naririnig ko na ang yabag nila palapit sa amin. Sa ilalim ng mesa kaya? Sinubukan kong magtago sa ilalim ng mesa, pero agad kong naisip na ituturo ako ni Jade kapag nagkataon kaya agad din akong umalis. Ahh! Buwisit nauntog pa ako! Nagtatakang nakatingin sa akin si Jade dahil hindi ako mapakali. Pero gustuhin ko man magpaliwanag sa kaniya, wala na akong oras.