✿✿♡ KIM ♡✿✿ “Dad wants to talk to you.” Inunat ni Jayden ang kamay niyang may hawak na cell phone para iabot iyon sa akin, pero hindi ako kumilos. Hindi ako lumapit sa kaniya. Hindi ko kinuha ang cell phone niya. Imbes ay tinitigan ko lamang iyon habang tumatahip ang dibdib ko. Si Julian ba talaga ang narinig ko? Bumaba si Jayden sa upuan niya para lapitan ako. At noong malapit na siya sa akin, pumihit nang bahagya sa akin ang screen ng cell phone na hawak niya, dahilan upang matanaw ko ang mukha ng lalaking kausap niya sa screen. Oh my! Umatras agad ako palayo noong makalapit na sa akin si Jayden. Saka sunud-sunod ang ginawa kong pag-iling sa kaniya at bumulong ako, “Sabihin mo masakit tiyan ko. Punta lang ako banyo.” Nagtatakbo ako paakyat sa taas, sa guest room na itinuro sa ak