✿✿♡ KIM ♡✿✿ “Vitamins, huh?” panunukso sa ‘kin ni Phoenix noong kami-kami na lang magkakaibigan ang magkakasama. Nasa likod bahay kami, sa patio, habang ang mga anak naman nila pati ang kambal ay kasalukuyang naglalaro sa paligid. Tanaw pa rin namin sila. Si Julian naman ay nagpaalam kanina na may gagawin sa opisina niya rito sa bahay. Pero sa tingin ko ay gusto niya lamang kaming bigyan ng pagkakataong mag-bonding dahil wala naman siyang mapapala kung makikiharap siya sa amin. Hindi naman kasi kasama ni Phoenix at Hanna ang mga asawa nila na p’wede niya sanang makausap. “I think vitamins from a divorce man is legal and very healthy. No harmful side effects,” dugtong pa ni Hanna habang nakangisi. Isa pa ‘to. S’ya ang pasimuno sa usapang ‘to! “Kung wala na kayong sasabihing makatao