✿✿♡ KIM ♡✿✿ Hinatid ako ni Julian sa bahay kahit na hindi siya masyadong nag-enjoy sa kiss namin dahil tinulak ko agad siya kanina palayo noong may bumusina sa likuran namin. At dahil nagwawalis si mama sa labas nang huminto ang sasakyan ni Julian sa tapat ng gate, ang magaling kong mama ay ngiting-ngiti na lumapit sa amin at inimbita pa si Julian na pumasok sa loob para magkape raw. Sa halip na uuwi na sana ‘yung tao. Si mama talaga! Minsan parang gusto ko na lang magpalit ng bagong mama. Mama ni Julian. Acckh! Lande! Nga pala, sobrang saya ni mama noong nalaman nilang sinagot ko na si Julian. Aba, gusto pa magpalugaw sa mga kapitbahay namin. Hindi na raw niya ako kailangan ireto sa AFAM dahil kayang-kaya naman daw ni Julian na buhayin ako at bigyan nang magandang kinabukasan pati mg