✿✿♡ KIM ♡✿✿ “Parang ayoko na sa kan’ya, mhie.” Nakapangalumbaba ako sa bilog na mesang tambayan namin dito sa shop ni Phoenix. Kami lang dalawa ang narito ngayon dahil si Hanna ay ilang buwan nang hindi pumapasok. Nag-stop na siya sa pag-aaral dahil nahihirapan daw siya, lalo at lumalaki na ang tiyan niya. “Oy, gagi. ‘Wag ka ngang gan’yan! Ang bait-bait ni Julian,” komento ni Phoenix habang naroon siya sa counter dahil may nakapilang tatlong customer para magbayad. Lumalaki na rin ang tiyan niya kaya halos puro bestida na ang suot niya sa tuwing papasyal ako rito sa shop after ng klase ko. Hindi muna ako kumibo at hinintay ko siyang ma-assist ang mga customers. Noong natapos siya at nakalabas na ‘yung tatlong babae, saka niya ako binalikan sa mesa. Naupo siya sa katapat na upuan. “M