JULIAN WY “Cutie pie . . . make it stop.” I smirk. But then, “Ateeee!” The sound of Tisay’s voice just outside the door rips us apart before our lips meet, and I drop my forehead to hers. “No,” I whisper, sounding pained. “Please, not now.” “Paraan, cutie pie.” Nilapat agad niya ang mga palad niya sa dibdib ko para itulak ako paalis sa ibabaw niya. Kung kailan pumayag na s’ya. Bumaba siya sa kama, sinuot ang tsinelas niya at mabilis na lumabas sa kwarto habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Bumangon na rin ako at sinundan siya. May inabot si Tisay sa kaniya na paper plate, may spaghetti at shanghai at may maliit na slice pa ng cake sa gilid. “Hati na raw kayo ni Kuya Julian d’yan sabi ni mama. Babalik pa ‘ko dadalan ko pa kayo ng buko pandan. May bilo-bilo