NAPAKUNOT noo si Patricia nang sa paglabas niya ng building ng dormitory nila ay nakatayo lamang doon si Jenny at Tina. Napakunot noo siya nang makitang parehong naka mini skirt ang mga ito at tight hugging blouse. Tila may inaabangan ang mga ito habang nagbubungisngisan na naman. Napailing siya. Baka ang hinihintay ng mga ito ay ang mga pinag-uusapan ng mga ito kagabi.
“Ah, Patricia papasok ka na?” tanong sa kanya ni Jenny. Nakangiti pa ito sa kanya. Mukhang maganda ang mood nito. Because usually, they don’t talk to her.
“Yes. Kayo?” kaswal na tanong niya.
Nagtinginan pa ang mga ito bago nakangising bumaling sa kanya. “In a while. Sisilay muna kami sa futute boyfriends namin,” sabi ni Tina na nilangkapan pa ng hagikhik.
Alanganin siyang ngumiti. “Okay,” simpleng sagot niya at nilampasan na ang mga ito. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay narinig na naman niya ang pamilyar na tunog ng paparating na mga motirsiklo. Tumigil siya sa paglakad at lumingon.
“Ayan na sila!” excited na sabi ni Jenny na ikinakunot ng noo niya. Lalo lang tuloy niyang inaaninag ang paparating. Then, her heart skipped when she recognized George. Nang malapit na ang mga ito ay narekognisa niya rin ang mga lalaking kasama nito sa umbrella hut. Bahagya siyang napaatras ng biglang tumingin sa kanya si George. At katulad kagabi ay nagtama ang kanilang mga mata. Before she knew it, nakalampas na ang mga ito.
“Hindi man lang nila tayo napansin,” reklamo ni Tina.
Tiningnan niya ang mga ito. “Sino ba sila?”
Tumingin ang mga ito sa kanya. “You don’t know?” manghang tanong ni Jenny. Umiling siya. “They are the infamous Biker’s Club! They are not an official organization in the campus but they are recognized by the students. Sumasali sila sa mga informal racing just for the fun of it and they are all gorgeous! And there is a part of the campus that’s considered their territory na walang pwedeng lumapit or else you’ll be dead. Come on Patricia naka-isang sem ka na rito hindi mo pa rin sila kilala?” animated na sabi ni Tina na kulang na lang ay sabihing ang engot niya at hindi niya kilala ang mga ito.
“And they are influencial hindi lang dahil sa grupo nila but because they are excemplary students. Hindi sila yung tipong grupo na basag ulo lang ang alam. Especially George, the leader of their group. I heard he is running for summa c*m laude in Business Management. Kaya rin siguro walang masabi ang mga professor sa kanila. Hay ano pang hahanapin mo sa kanya hindi ba? That’s why girls are going gaga over them. And swerte ng babaeng mapapalapit sa kanila” dugtong ni Jenny.
Ikinagulat niya iyon. Wala kasi sa aura ni George na nag-aaral itong mabuti, unless he’s naturally intelligent. Besides, last night, he just looked like a wild guy who doesn’t have any care in the world.
“Or rather malas. Dahil siguradong kukuyugin siya ng mga babaeng magseselos. Kahit ako baka ayawin ko kung sino man ang babaeng iyon,” hagikhik pa ni Tina.
Tumango tango na lamang siya. So they are really famous. Kaya pala walang katao tao sa umbrella hut na iyon. Kaya pala manghang mangha sila Yuuji nang makita siya roon. At kaya pala binalaan siya ni Aio na huwag ng mapapadpad doon. Kung ganoon, totoo rin kaya ang sinabi sa kanya ni George na masamang tao ito? Was he warning her not to get close to him?
Ah, tama na nga ang pag-iisip ng mga hindi mahalagang bagay. Simple siyang nagpaalam sa mga ito at lumakad na. Malapit ng magsimula ang klase niya.
That’s right Patricia. Always remember that your priority is your studies. So, forget about them. Besides mapapahamak ka kapag lumapit ka sa kanila.
WALA sa loob na sumipsip si Patricia sa binili niyang juice habang nakatutok ang atensyon niya sa bukas na notes niya. Hindi naman niya naiintindihan iyon. Masyado kasing maraming tao sa canteen at lahat ay maingay na nagkukuwentuhan. It’s just that, she has no one to talk to. Kaya mas mabuti pang magkunwari na lamang siyang abala sa pagbabasa ng notes niya kaysa magmukhang katawa-tawa habang kumakain ng mag-isa.
Maybe it is partly her fault why she doesn’t have any friends. Hindi kasi niya masakyan ang trip ng mga kaklase niya. They are too modern for her. Hindi siya interesado sa mga pinag-uusapan ng mga ito. In fact wala siyang alam sa mga iyon. Mapapahiya lamang siya kung pipilitin niyang maki-jive sa mga ito kahit hindi naman niya gusto. So, she might as well be alone.
Muli siyang sumipsip ng juice. Naipagpasalamat niya na bahagyang tumahimik ang paligid. Marahil ay may ilang grupo na ng estudyante ang lumabas ng canteen. Ngunit hindi siya nag-angat ng tingin. Kahit pa may ilang estudyanteng humatak ng mga upuan sa lamesa kung nasaan siya ay hindi siya natinag sa pagtitig niya sa notes niya. Nakakainis lang na hindi man lang nagpaalam ang mga ito sa kanya.
“Wow, you’re really studious,” manghang sabi ng isa sa umupo sa lamesa niya.
Awtomatiko siyang nag-angat ng tingin. Bahagya siyang napaatras ng masalubong niya ang mga mata ni George na nakaupo sa harapan niya. Ang mga ito pala ang biglang umupo sa lamesa kung nasaan siya. At mukhang ang mga ito rin ang dahilan ng biglang pagtahimik ng mga estudyante. “This is the only table available,” sabi nito.
Napalingon siya kay Yuuji nang tumawa ito. “George you sound so defensive,” sabi nito.
“Shut up,” angil dito ni George.
Sa totoo lang ay hindi niya makuha ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero wala naman siyang maisip na ikomento. Ni hindi nga niya pormal na kilala ang mga ito. Bukod doon ay mas natutuon ang atensyon niya sa kakaibang ekspresyon sa mukha ni George.
“Huwag kayong maingay. Nag-aaral si Patricia,” sabi ni Aio bago kumagat sa sandwich na hawak nito.
Napakunot noo siya. “Teka, paano niyo nalaman ang pangalan ko?” takang tanong niya.
Itinuro nito ang lalaking katabi nito. “Si Martin. Huwag mo ng itanong kung paano magagalit ka lang,” sagot nito.
Tumingin siya kay Martin na simpleng ngumiti. “Mukhang hindi ko nga magugustuhan ang paraang ginawa mo,” komento niya.
Nagtinginan ang mga ito at sabay sabay na tumawa maliban kay George. For a moment, she was amazed that they could actually laugh like that. Mukha kasing gagawa ng hindi maganda ang mga ito nang una niyang makita ang mga ito. Well, aside from Yuuji na mukhang palaging masaya at maloko. Ngunit ang mas ikinagugulat niya ay hindi siya nakakaramdam ng pagkailang sa mga ito kahit pa nalaman na niya ang tungkol sa mga ito at kahit pa may kaangasan talaga magsalita ang mga ito. Well, aside from George who makes her heart bit a little faster than usual.
“That’s because I cannot say no to someone,” nakangiting komento ni Martin.
“Why don’t you just all finish what your eating para makaalis na tayo?” aroganteng singit ni George sa usapan.
“As if you really want to go,” narinig niyang bulong ni Yuuji at nagsimulang magsikain.
Maging siya ay napayuko sa sandwich niya na hindi niya pa nagagalaw. Pagkuwa’y pasimple siyang sumulyap kay George. Sumasal ang t***k ng puso niya ng makitang nakatingin din ito sa kanya. Pagkuwa’y halos sabay pa silang nag-iwas ng tingin.
What was that? Natigilan siya nang makita ang mga pares ng matang nakatingin sa panig nila. Bigla siyang nailang. Lalo pa at naalala niya ang mga sinasabi ni Jenny at Tina sa kanya kaninang umaga. Mabilis na inubos niya ang sandwich at juice niya at tumayo.
“Aalis ka na Patricia?” takang tanong ni Yuuji.
“O-oo. May klase na ako,” hindi tumitinging sagot niya at mabilis na binitbit ang mga libro niya. Wala siyang balak tumingin pero hindi niya rin napigilang sumulyap kay George. Nakatingin lamang din ito sa kanya. “S-sige,” naiusal niya bago mabilis na lumakad palabas ng canteen.
Something is really weird. Kahapon lang naman niya nakilala ang mga ito – especially George. Kaya bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya rito? And honestly, her feelings are starting to scare her.