“HINDI ko nakita, pero marami ang nagsasabing may kasamang babaeng kumain sina George sa canteen. Hindi naman daw maganda,” sabi ni Jenny.
Napabuntong hininga si Patricia at lumabas na ng silid nila bago pa niya marinig ang sagot na panlalait ni Tina sa kanya. Pero siyempre hindi naman alam ng mga ito na siya ang babaeng tinutukoy ng mga ito.
Just as I thought. Mapapahamak ako dahil sa mga lalaking iyon. Bumuntong hininga siya at napatingin sa fire-exit. Sinabihan na siya ni George na huwag na siyang tatambay uli doon. Pero wala naman siyang ibang pwedeng puntahan ng ganoong oras. At bakit ba ako makikinig sa kanya?
Sa naisip ay deretso siyang lumakad patungo roon. Nang buksan niya iyon ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Si George, patagilid na nakaupo sa motorsiklo nito. Nakatingin ito sa madilim na bahagi ng kalsada at humihithit buga ng sigarilyo. She has always disliked guys smoking. But he looked so cool doing it that her heart skipped.
Nang tumingala ito ay nagtama ang kanilang mga mata. “Sinasabi ko na nga ba at pupunta ka pa rin diyan kahit sinabihan na kita,” basag nito sa katahimikan. Binitawan nito ang sigarilyong hawak at inapakan iyon.
“A-anong ginagawa mo diyan?” kabadong tanong niya.
Nag-iwas ito ng tingin. “Napadaan lang ako.”
Napatitig siya sa mukha nito. Why, he looked a little… embarrassed. Ah, sigurado siyang imahinasyon niya lang iyon. Walang salitang umupo na siya sa baitang na inupuan niya nang nakaraang gabi at binuklat ang algebra textbook niya.
“You’re always studying,” sabi nito.
“Because I am not naturally smart like you. Kaya kailangang idaan sa sipag para pumasa ako,” sabi na lamang niya.
“At ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito.
“Ang sabi ng mga room mates ko running for summa ka raw. At marami pa silang alam tungkol sa inyo. Hindi ko alam na sikat pala kayo,” hindi tumitingin ditong sabi niya. Natatakot kasi siya na baka kapag tiningnan niya ito ay mautal siya. It would be very embarrassing on her part.
“It’s not as if I want it. My parents pressure me to be the best. Kung hindi kukumpiskahin nila ang motorsiklo ko,” sabi nito. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay naglalakad na ito palapit sa kanya. Pagkuwa’y walang anumang sumampa ito sa hagdan.
Bahagya siyang napaatras. “Anong ginagawa mo?” manghang tanong niya.
Umupo muna ito sa tabi niya bago nagsalita. “Sumasakit ang batok ko kakatingala sa iyo. Ano ba ang mayroon sa lugar na ito at bumalik ka pa dito? Sinabi ko na sa iyong delikado rito.”
Huminga muna siya ng malalim upang pawiin ang kakaibang kabang naramdaman niya sa paglapit nito bago sumagot. “Dahil tahimik dito. Makakapag-aral ako rito ng maayos. At kung may makita man akong kahinahinalang tao ay pwede naman akong pumasok kaagad bago pa man sila makaakyat.”
Tumitig ito sa kanya. “You’re really stubborn than you look,” komento nito.
Umismid siya. “Well I am sorry if I look so plain and old fashioned,” sagot niya. Naalala niya na sinabihan na siya nitong old fashioned noon. So what?
Taliwas sa inaasahan niyang reaksiyon nito ay bigla itong tumawa. Manghang napatingin siya rito. “Alam mo pala iyan. But I’m not saying that it’s a bad thing okay? And yet you sound angry,” natatawa pang sabi nito.
Nalilito na talaga siya sa lalaking ito. Ah marahil ay dahil wala siyang karanasang makisalamuha sa lalaki, lalo na sa isang gaya nitong isang tingin pa lamang ay halatang makamundo. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nagtitiyaga itong kausapin siya.
Nang tumingin ito sa kanya ay bahagya siyang napaatras. “Why are you staring at me like that?” tanong nito.
Napakurap siya. “Iniisip ko lang kung bakit ang friendly mo sa akin. Mukha kang aburido nang una tayong magkita at kanina rin sa canteen.”
She was amazed again when he turned away. Tumingala ito sa madilim na langit. “Because I can’t forget someone who calls me bastard,” simpleng sagot nito.
Siya naman ang nag-iwas ng tingin. “Ang sabi mo marami ng nagsabi niyan sa iyo hindi ba?” mahinang sabi niya.
“Yes. But you’re the first one who said it that I didn’t get angry.”
Awtomatiko siyang napatingin na naman dito. Sumasal ang t***k ng puso niya habang nakatingin sa mukha nito. Even on that angle he looks formidable, and handsome. His face is telling her something. As if he’s looking for someone to talk to too.
“Oo nga pala.” Tumingin ito sa kanya. “Hindi pa tayo pormal na magkakilala. I’m George,” inilahad nito ang kamay sa kanya. Napatingin siya roon. Pagkuwa’y sa mukha nito. May tipid na ngiti sa mga labi nito. “I cannot do this properly this afternoon because those guys will surely get in the way. So I’m doing this now, Miss…?”
Napangiti siya. No, erase that formidable part. Tinanggap niya ang kamay nito. “You’re not as scary as you look. Patricia.” Tumawa ito. And her heart leapt. Ah... who would have thought he’s this charming?
MULA ng gabing iyon ay mas madalas ng nagpupunta si Patricia sa fire exit. At sa tuwina ay palagi niyang naaabutan si George doon. Kahit palagi nitong sinasabi na napadaan lang ito ay alam niya na hinihintay talaga siya nito. And it makes her happy.
Madalas ay naguusap sila tungkol sa maraming bagay. Mula sa ekonomiya, sa mga professors, maging sa pagkaing binebenta sa canteen. But he’s livelier when talking about his friends. Ayon dito ay sa kolehiyo lamang daw nagkakilala ang mga ito, maliban kay Yuuji na kilala na nito mula pagkabata, at kay Martin na pinsan pala nito. At hindi pa bilang magkaklase kung hindi sa isang illegal motor racing na nagkataong kasali ang mga ito. Nakapagtatakang kahit alam niyang labag sa batas ang mga sinasabi nito ay hindi siya nailang. In fact, she felt excited while listening to him.
Siya naman ay kinukwento rito ang mama niya, ang kagustuhan niyang bigyan ito ng magandang buhay at kung anu-ano pa. Maging ang mga pinaniniwalaan niya matiyaga nitong pinapakinggan. Sa ilang oras na pananatili nilang dalawa sa fire exit ng dorm niya ay unti-unti nilang nakilala ang isa’t isa. At lingid dito, unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.
Iyon ay hindi lamang dahil sikat ito o guwapo. It was because she realized that there was more to him than he looks. He has depth, he has substance. And he never made her feel ugly because she’s so plain and old fashioned. Katunayan, tuwing tumitingin ito sa kanya, pakiramdam niya ang ganda ganda niya. Bukod doon ay may nalaman siya tungkol dito. That despite his often times rude words, he is really a nice person.
May mga gabi rin namang kagaya sa gabing iyon na hinahayaan siya nitong mag-aral. Basta uupo lang ito sa tabi niya at hindi magsasalita. Pero hindi siya nakakaramdam ng pagkailang tuwing nangyayari iyon. Dahil madalas, pakiramdam niya matagal na nilang ginagawa iyon. Kung tutuusin ay isang buwan pa lang naman silang magkakilala.
“Huwag ka munang pupunta rito bukas ng gabi,” basag nito sa katahimikan.
Napaangat ang tingin niya rito. “Bakit?” takang tanong niya.
“May karera kami bukas. Mapapadaan kami rito,” hindi tumitinging sabi nito.
Napakunot noo siya. “O e di mas dapat akong pumunta. I-che-cheer kita,” nakangiting sabi niya.
Nagbuga ito ng hangin. “Huwag na. Kapag nakita kita rito uli bukas, baka hindi ko na naman matiis at himbis na tapusin ang karera ay bumalik ako rito kagaya noong nakaraan,” mahinang sabi nito.
Napatitig siya rito. Was he pertaining to that first night they really talked with each other? “Kaya ba… ang sabi mo ay natalo ka ‘non? Kasi hindi mo tinapos?” manghang tanong niya.
Tumayo ito. “You don’t have to repeat what I already said. Sa loob ka na mag-aral baka tahimik na ang mga room mates mo.” Pagkasabi niyon ay bumaba na ito ng hagdan at lumapit sa motorsiklo nito. Nang hindi siya sumagot ay tumingin ito sa kanya. “Huwag kang pupunta diyan bukas maliwanag ba?”
Tumawa siya. “Oo na.”
“Good. Alis na ko,” sabi nito at sumampa na sa motor nito. bago nito patakbuhin iyon ay tumingin pa ito sa kanya at bahagyang kumaway. Gumanti siya ng kaway at hinatid ito ng tingin. Pagkuwa’y napabuntong hininga siya.
Alam niyang malabong magkaroon ng ibang kahulugan ang pakikipaglapit nito sa kanya. But deep inside her she hopes there’s a special meaning to it. Because for the past month that she knew him, every moment with him is special for her. Pero siyempre, wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon. Hindi rin siya kumikibo kapag nag-uusap ng room mates niya tungkol kay George at sa mga kaibigan nito. Sapat na sa kanya na magkakilala sila ni George kahit pa walang ibang nakakaalam niyon.