CHAPTER 4

1466 Words
“HEY, did you see them? I can’t believe there are hot guys like them in the campus! Mabuti na lang at dito ako nag-enroll!” patiling sabi ni Jenny, isa sa mga kasama ni Patrica sa silid sa dormitory na inuupahan niya. Hindi siya nagangat ng tingin mula sa librong binabasa niya. “Yes! And they are all super cool. Lalo na kapag sabay sabay silang sakay ng mga motor nila. Naku, buti na lang din at dito ang boarding house natin, balita ko madalas dito sila dumadaan eh. Hay, I want to get close to them,” tila nangangarap namang sabi ni Tina. “Close lang? Me, I want to – ” hindi tinapos ni Jenny ang sinasabi at sabay pang humagikhik ang mga ito. She sighed and closed her book. Sinasabi na nga ba niya at mahihirapan siyang magbasa sa loob ng dorm nila. Maiingay ang mga kasama niya at kung magkuwentuhan ay parang pumasok lamang sa unibersidad upang humanap ng lalaki. Tumayo na siya. Hahanap na lang siya ng lugar na tahimik kung saan siya makapagbabasa ng maayos. Ni hindi tumigil ang mga ito sa pagkukuwentuhan. Sabagay, hindi naman siya umaasang makakasundo niya ang mga ito. Pagkalabas pa lamang niya sa hallway ay agad na natuon ang pansin niya sa pinakadulong parte ng second floor na iyon. The fire exit. Ang tambayan niya mula ng tumira siya sa dormitoryo na iyon kapag hindi niya matiis ang ingay ng mga room mates niya. Lumakad siya patungo roon. Maingat niyang binuksan ang pinto. Isang walang katao-taong kalsada ang nabungaran niya. At dahil nasa second floor lang naman siya ay ilang baitang lamang ang pagitan hanggang sa pinaka-kalsada. Mabuti na lang din at may bukas na ilaw doon. Huminga siya ng malalim at umupo sa isang baitang. Now, I can read. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakaupo roon nang makarinig siya ng kakaibang tunog. Napaangat ang tingin niya sa malayong parte ng kalsadang iyon. Parang may naririnig siyang tunog ng motorsiklo, at sigurado siyang hindi lang iyon isa. Maya-maya pa may naaninag na siyang paparating. Pinaningkit niya ang mga mata upang mabistayan kung ano iyon. Kahit kasi nakasalamin na siya sa mga mata ay binibigo pa rin siya ng paningin niya paminsan minsan. Nang maaninag niya ang mga paparating ay hindi niya naiwasang mapasinghap. Napakaraming motor! At base sa tunog niyon ay mukhang napakabilis ng takbo ng mga iyon. Isang bagay lang ang pumasok sa isip niya. They were racing! At sa hindi niya malamang dahilan, natutok ang pansin niya sa sakay ng isang partikular na motor na nauuna kaysa sa karamihan. Pakiramdam niya kilala niya kung sino iyon. Pero hindi niya rin masasabi dahil naka helmet ito. Hindi na naalis ang tingin niya rito habang papalapit ang mga ito sa panig niya. Napasinghap siya ng makilala ito. ang mayabang na lalaki, si George! Pero baka nagkakamali lamang siya. Ngunit bago ito makalampas ay sumulyap ito. Bahagya siyang napaatras ng masalubong niya ang mga mata nito bago ito tuluyang lumampas kasunod ang iba pang motorsiklo. It was just for a few seconds, but she knew, it was George. Because her heart is reacting the way it reacted when she first met his eyes. Katunayan ay nahihirapan pa rin siyang huminga kahit napakatahimik nang muli ng paligid. Why is she really feeling that way towards him? Marahas siyang umiling at paulit ulit na huminga ng malalim. Nang makalma na niya ang sarili ay muli niyang itinutok ang tingin sa binabasa niya. Sigurado naman siyang aksidente lamang ang pagsasalubong ng mga mata nila. Besides, she was sure he doesn’t even remember her. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay nakarinig na naman siya ng tunog ng motorsiklo. Awtomatikong napaangat ang tingin niya. Biglang sumasal ang t***k ng puso niya nang matanaw ang pabalik na motor ni George. At kahit sinasabi ng utak niya na tumayo na siya at pumasok sa loob ng dorm ay hindi siya makagalaw. Well, I am sure dadaan lang uli siya. There is no way – Napasinghap siya ng ihimpil nito ang motor sa mismong tapat ng hagdang kinauupuan niya. Pinatay nito ang makita ng motor nito at hinubad ang helmet. Bahagya siyang natulala sa itsura nito. This man’s looks is really mental. Then he looked at her. “So, it’s really you,” sabi nito. Napamaang siya rito. “You remembered me?” kabadong tanong niya. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “I rarely forget a person who calls me bastard you know.” Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng mukha niya sa sinabi nito. Bahagya niyang itinaas ang noo. “You deserve it.” Hindi nawala ang ngiti nito, ni hindi man lang na-offend. And somehow it made her curious. “I know that. You’re not the first one to tell me that. In fact I have been called worst names than that.” Wala siyang naapuhap na sagot doon. Iginala nito ang tingin sa paligid pagkuwa’y muling bumaling sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan ng ganitong oras? Akala ko tuloy multo ang nakita ko,” seryosong sabi nito.  Kahit na ayaw niyang magpakita ng emosyon sa harap nito ay bigla pa rin siyang natawa. Bahagyang umangat ang kilay nito. “What’s funny?” “Because you don’t look like someone who believes in ghost,” nakangiting sagot niya. Nawala na ang inis at kaba niya rito. Alam niyang hindi nito intensyong magpatawa – dahil seryoso ang mukha nito – but it really sounds funny for her. Bahagyang nawala ang ngiti niya nang makitang mataman itong nakatingin sa kanya. Bigla na naman tuloy siyang nakaramdam ng kaba. “B-bakit?” Hindi ito natinag. “What are you really doing in there?” Nagkibit-balikat siya. “Reading. Maingay sa loob hindi ako makapagconcentrate,” aniya at nangalumbaba. “E kayo ano ang ginagawa niyo kanina, racing?” “Yes,” simpleng sagot nito. “Nanalo ka ba?” Tila nag-iisip ito ng isasagot sa paraan ng pagkakatingin nito. Pagkuwa’y sinabi nitong “Hindi.” Napatitig siya rito. “Sayang naman. Kung makikipagkarera ka hindi ba mas maganda kung mananalo ka? I saw it, nangunguna ka kanina hindi ba?” Saglit pa itong tumitig sa kanya bago umiling. “You’re weird,” sabi nito himbis na sagutin ang tanong niya. “What?” tanong niya kahit narinig niya ang sinabi nito. Sumulyap ito sa kanya. “Pumasok ka na sa loob. At huwag ka ng tatambay diyan sa fire exit ulit. This road is dangerous for a girl like you.” Girl? Parang hindi niya gusto ang dating ng salitang iyon mula rito. It’s as if he’s looking at her as a child. Yes, she’s sixteen but she knows she doesn’t look like that. Alam niya na mas mukha siyang matanda kaysa sa edad niya dahil sa western blood niya. Mas matangakd siya kaysa sa karaniwan at mas makurba na ang katawan niya kumpara sa mga kaedad niya – hindi nga lamang iyon nahahalata sa maluwag na t-shirt na suot niya. Pero teka, ano ba ang gusto niyang mangyari? Ang mapansin nito na hindi na siya bata? “Ano pang hinihintay mo? Pasok na,” pautos pang sabi nito. Nainis na naman tuloy siya. Hindi lamang dito kung hindi dahil sa mga walang kwentang bagay na naiisip niya.  “Bakit mo ba ako pinapapasok? I find this place convenient for me to study okay. Besides, this is my turf.” Sinalubong nito ang mga mata niya. Hindi na naman tuloy siya makagalaw. What is with his eyes really? It’s as if those eyes always absorb her energy to move. “You don’t really get it don’t you? Don’t think that because you look so old fashioned ay wala ng magtatangkang hindi maganda sa iyo. Madalas gamitin ang kalsada na ito ng masasamang tao, at kapag nakita ka nila ay pwede ka nilang bitbitin bago ka pa man makasigaw at makahingi ng tulong. Be thankful at pinapayuhan pa kita.” Pagkasabi niyon ay muli nitong isinuot ang helmet at binuhay ang makita ng motor nito. “But you also used this road. Does that make you a bad person?” hindi niya napigilang itanong. Tumingin ito sa kanya. Seryoso na ang mukha nito. “Yes. That’s a warning for you Patricia Abejar,” seryosong sabi nito. Bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay pinaandar na nito ang motorsiklo nito. Walang kahirap-hirap na nag-u-turn ito at pinaharurot iyon hanggang sa hindi na niya ito matanaw. Then, something hit her. He called her in her complete name. Paano nito nalaman ang pangalan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD