CHAPTER 11

1515 Words
“GOOD afternoon ma’am,” bati sa kanya ng may edad nang security guard ng building ng Timeless Modeling Agency. Tipid niya itong nginitian at dumeretso na sa maliit na elevator na magdadala sa kanya sa fourth floor kung saan naroon ang opisina ng agency. Nang makarating siya ng fourth floor ay may mangilan-ngilan pang tao sa lobby. Mga aspiring model na matiyagang naghihintay ng pagkakataon nila upang mag pa vtr. Tuwing nakakakita siya ng mga tulad ng mga ito, naiisip niya na masuwerte pa rin siya at hindi na niya kinailangang gawin ang ginagawa ng mga ito. Kaya tuwing may trabaho siya ay ibinibigay niya ang best niya. Tipid na ngumiti muna siya sa mga ito bago siya tuluyang pumasok sa opisina. Ang tawanan ni Zander at Erica ang nabungaran niya sa loob. Zander Uijleman is the number one model in Asia. He is also Timeless’ number one asset. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit palagi siyang napapatitig dito nang mga nakaraang buwan. But the fact that he was actually laughing like that. Noong una niya kasi itong makita sampung taon na ang nakararaan ay snob ito at hindi kumakausap o ngumingiti man lang. Nag-iba ito simula nang makilala nito si Erica, ang pamangkin ng handler nito at ngayon ay kasintahan na nito. Si Erica ang unang nakapansin sa kanya. Ngumiti ito. “Good afternoon Risha.” Gumanti siya ng ngiti. She always had a liking of Erica and her almost carefree attitude. Tuwing nakikita niya ito ay parang nahuhulaan na niya kung paano nito napalambot ang puso ng Cold Demigod ng modeling world. “Hi. Nice haircut,” bati niya sa maiksi nang buhok nito. Hinaplos nito ang buhok at ngumiti. “Thank you. Si Darlyn ang may gawa nito.” Sa sinabi nito ay bigla niyang naalala ang habilin ni Andi na magpaayos na siya ng buhok. “Nasa loob na ba si Andi?” tanong niya. “Yes. Kausap niya si Nicolo,” sagot ni Zander. Ngumiti siya. Palakausap na rin ito mula nang makilala nito si Erica. “Okay. Thanks to the two of you.” Nang pumasok nga siya sa opisina ni Nicolo ay nag-uusap na ang mga ito. Halos sabay pang lumingon ang mga ito. “Risha, darling,” nakangiting bati ni Andi. Ginawaran niya ang mga ito ng tig-isang halik sa pisngi. “You’re still lovely as always Risha,” puri ni Niccolo. “Thank you po. That’s because Andi takes good care of me.” “O’ come on,” saway ni Andin a kinumpas pa ang mga kamay. Sabay pa silang tumawa ni Nicolo. “Anyway’s these are the papers. Nakapirma na kami ikaw na lang.” Inabot niya ang kontrata niya sa CFB. Kung pinirmahan na ng mga ito iyon ay ibig sabihin hindi na niya kailangang basahin iyon. May tiwala siya sa mga ito. She just scanned the papers and signed. “Bukas na ang shoot niyan,” biglang sabi ni Andi. “What?” gulat na usal niya. “Bakit parang ang aga? Usually ay after Christmas ang shoot hindi ba?” takang tanong niya. Bumuntong hininga si Andi. “Ewan ko ba sa mga iyon. Ang sabi nila ay kailan lang dumating ang anak ng CEO nila na future boss nila dahil magreretiro na raw si Gilbert Calma. Mukhang magpapasikat sila.” “Well, I know you can do it Risha,” nakangiting sabi ni Nicolo. Ngumiti na lamang siya at sabay na silang nagpaalam ni Andi rito. Lulan na sila ng elevator nang muli itong magsalita. “I heard their future boss is gorgeous,” nakangiting sabi nito. She rolled her eyes. “Kaya naman pala napapayag ka nilang bukas na ang shoot,” komento niya. Tumawa ito. “Of course not darling. I just know you can do it. Sila naman ang magpoprovide ng lahat eh. We just have to show up that’s all. Kayang kaya mo namang magproject.” She sighed. “Hindi pa ako nakakapagpaayos ng buhok,” aniyang hinaplos pa ang buhok niya. “Naku bahala na ang hair stylist nila diyan. Don’t think too much Risha darling. Just go home and have your beauty sleep okay,” sabi nito. “I just wish si Darlyn na lang ang stylist nila,” komento niya nang palapit na sila sa kotse niya. “Unfortunately may ibang trabaho si Darlyn bukas. Don’t worry, kahit sino pa ang stylist ay maganda ka naman talaga. Susunduin na lang kita sa bahay mo bukas ha?” bilin nito. Nginitian niya ito. “Okay. See you Andi.” Hanggang sa nasa biyahe na siya ay nakangiti pa rin siya. Being around them is really refreshing. For a moment, she forget the past that suddenly bothered hee. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kahit maginhawa na ang buhay niya ay hindi siya umalis sa pagmomodelo. Dahil nasa mundong iyon ang mga taong nagpapapalis ng lungkot niya. God, please make tomorrow another happy day for me. So that I can completely forget him.   “YO, Mister CEO, delivery from Sweet Fantasy Cake Shop,” sabi ng pamilyar na boses mula sa pinto ng opisina ni George. Mula sa tambak na papeles ay nagangat siya ng tingin. Kinunutan niya ng noo ang matalik niyang kaibigan na si Yuuji na nakangisi pang pumasok ng opisina niya. Kung paano ito nakapasok sa opisina niya nang hindi sinasabi sa kanya ng sekretarya niya ay parang may ideya na siya. Malamang nadaan ang sekretarya niya sa charm nito. “I’m busy right now Yuuji. Ang daming tinambak na trabaho ni papa sa akin. Saka na tayo magkumustahan,” pagtataboy niya rito at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Hindi pa man kasi pormal na bumababa ang kanyang ama sa posisyon bilang CEO ng Calma Food and Beverages Corporations ay sa kanya na idenederetso ang mga trabaho ng CEO. Siya naman daw ang namamahala ng opisina ng kumpanya nila sa Amerika kaya sigurado raw ng papa niya na kaya na niyang gawin ang mga trabahong siya naman talaga ang gagawa kapag nagretiro na ito. Binabawi talaga nito ang mga taong hinayaan siya nitong gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa buhay niya. Ngayon ay ni hindi niya magawang makipag-reunion sa mga barkada niya noong kolehiyo. Pero wala naman siyang magawa dahil noon pa man ay napag-usapan na nilang mag-ama iyon. Na habang nag-aaral pa siya ay maari niyang gawin ang gusto niya, as long as he had the best grades. At kapag panahon nang pumasok siya sa kumpanya ay kailangan na niyang magseryoso. “Ano ka ba naman pare. Ngayon ka nga lang umuwi ng pilipinas makalipas ang sampung taon ganyan ka pa. Pareho kayo ni Aio. Ano bang mayroon sa amerika at umuuwi kayong bugnutin ha?”  sabi nitong lumapit pa. Ipinatong nito ang dalang plastic ng desserts sa center table niya. “And you know I don’t eat sweets,” komento niya. Tumawa ito. “Alam ko. Pangasar ko lang iyan sa iyo. Ibigay mo na lang sa mga tauhan mo. Langya naman kasi, lahat kayo busy.” “Hindi kami katulad mo na hanggang ngayon ay pa-easy easy pa rin,” sabi na lamang niya at sinimulang pirmahan ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. “Hindi ako pa-easy easy. Hindi lang talaga kasing hirap ng trabaho niyo ang trabaho ko,” dahilan nito. Nagkibit balikat siya. Maraming hindi naniniwala, ngunit isang patessiere si Yuuji. Ito ang nagcoconceptualize at gumagawa ng mga cakes at pastries na ibinibenta sa Sweet Fantasy, ang chain of cake shops ng pamilya nito. “Pare, lumabas ka muna ng opisina mo kahit sandali lang. I heard there’s a photoshoot going on sa second floor. Your company’s calendar girl is really hot you know,” sabi na naman nito. “Yeah I heard,” hindi interesadong sagot niya. “Oo nga pala. Hindi nga pala calendar girl type ang tipo mong babae,” natatawang sabi nito. Ibinaba niya ang fountain pen niya at iritableng tiningnan ito. “Shut up Yuuji.” Lalo pa itong ngumisi. “So? Wanna check her out?” “I told you I’m busy.” Hindi na talaga ito nagbago. Basta babae ay nagiging ganoon ito. “Ang sabihin mo wala ka talagang interes sa babae maliban kay – Marahas siyang tumayo bago pa man nito maituloy ang litanya nitong nakakapagpasakit sa tainga niya. “Fine. Damn it’s almost lunch already. Kapag hindi ko natapos sa oras ang trabaho ko malilintikan ka talaga sa akin Yuuji,” banta niya rito. Tumawa lamang ito at tumayo na rin. “Pare kapag nakita mo siya makakalimutan mo ang trabaho mo,” sabi nitong tinapik pa siya sa balikat. Napailing na lamang siya. Malabong may bagay na makakapagpalimot sa trabaho niya sa mga oras na iyon. Ngunit mas mabuti na ring pagbigyan niya ito para tumigil na ito even though he never got interested in calendar girls.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD