“MAKE-UP!” Nang marinig iyon ni Risha ay napahinga siya ng malalim at umalis sa pagkakapose niya. Nginitian niya ang stylist na lumapit sa kanya upang ayusin ang make-up niya.
“Carry mo pa ba Risha darling?” tanong ni Andi na lumapit rin sa kanya.
“Yes. Don’t worry Andi. I’m getting used to this already,” sagot na lamang niya kahit nakakaramdam na siya ng pagod. Kanina pang umaga nagsimula ang shoot na iyon at tanghalian na ay lampas kalahati pa lamang nila ang trabahong iyon. At kahit nagugutom na siya ay hindi pa siya pwedeng kumain hanggat hindi pa tapos ang shoot. Baka kasi lumaki ang tiyan niya, puro two piece swimsuit pa naman ang suot niya.
Nang matapos ayusin ang make-up niya ay nginitian siya ni Andi. “Well, if that’s what you say. After this shoot I’ll treat you. Papayagan kitang kumain ng kahit anong gusto mo,” pabirong sabi nito.
Napangiti siya. “Sinabi mo iyan ha. I am craving for sweets,” ganting biro niya.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “That’s a lot of calories darling.”
Natawa siya sa reaksiyon nito. Tinapik siya nito bago lumayo sa kanya. Nang lumingon siya sa photographer ay nakatitg lang ito sa kanya, maging ang head ng shoot na iyon at nakamaang sa kanya. Bigla tuloy siyang nailang. “Excuse me?” pukaw niya sa mga ito.
Tumikhim ang photographer. Pagkuwa’y ngumiti. “Sorry about that. You look so beautiful laughing that I suddenly want to change the theme of this shoot,” sabi nitong tumingin pa sa head.
Tumango tango naman ang huli. “I agree. So, Miss Risha, can you smile and if you can laugh like that for this shoot? Gawin nating refreshing ang motif ng calendar natin for next year para maiba naman,” nakangiting suhestiyon nito.
Awtomatiko siyang tumingin kay Andi. Tila naman nag-isip ito bago ngumiti at tumango. Humarap siya sa photographer at ngumiti. “Okay. Pero pwede bang ngiti lang? I might look stupid if I laugh kahit walang nakakatawa,” biro niya na tinawanan naman ng mga ito.
Maya-maya pa ay nagsimula na uli ang shoot nila. Hindi naman siya nahirapang ngumiti ng ngumiti dahil paminsan minsan ay nagpapatawa ang photographer. At tuwing nakikisawsaw si Andi ay napapahalakhak talaga siya. And she can say that for all the years that she was a model that was the first time that she really had fun in the shoot. Ni hindi siya nakaramdam ng pagkailang kahit daring ang mga sinusuot niya roon. Alam niya kasi na ang mukha niya ang tinitingnan ng mga ito at hindi ang katawan niya.
“Okay, this is the last shot, for the month of december,” sabi ng photographer.
She smiled widely. Titingin na sana siya sa camera nang mapatingin siya sa pinto ng studio at makita ang dalawang lalaking nakatayo roon. Bigla siyang nahirapang huminga sa biglang pagsasal ng t***k ng puso niya nang mapatitig siya sa isa sa mga iyon. George!
“Look here Miss Risha,” utos ng photographer. Mabilis niyang iniwas ang tingin at itinutok iyon sa lens ng camera. Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay tinakasan ng init ang mukha niya. No, it’s just a hallucination.There is no way…
Nang magflush ang camera ay pinilit niya pa ring panatilihin ang ngiti niya. Nang sabihin ng photographer na okay na ay saka lamang niya pinalis ang kanyang ngiti. But she didn’t dare look that way again. Bigla siyang nakaramdam ng kaba.
“Sir! Hindi ho namin alam na sisilip kayo rito sa amin,” narinig niyang gulat na sabi ng head ng shoot.
“I just want to see how you’re doing here. I think you are doing a good job.”
Nang marinig ang boses nito ay tuluyan na siyang lumingon sa mga ito. She inhaled sharply when she met those same expressive eyes. It was really George!
“So, may I have the honor to meet our calendar girl?” tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
And no matter how hard she tried to calm her heart, she failed. Now she knew why she suddenly remembered him these past days.
“Ah, of course sir. This is Miss Risha Abejar from Timeless Modeling Agency. Miss Risha this is Mr. George Calma, the future CEO of Calma Food and Beverage Corporations.”
Manghang napatingin lamang siya kay George. Lord, what are you playing at again?
“RISHA, masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Andi sa kanya na sumunod pala sa kanya sa dressing room. Naipagpasalamat niya na nagawa pa niyang makapunta roon ng nakataas ang noo. Because honestly, her knees are shaking.
Hindi siya handa na makita si George sa lugar na iyon. Especially when she only had under wear on. Mabuti na lamang at mukhang hindi naman siya nakilala nito. Nang ipakilala kasi siya rito ay wala naman siyang nabanaag na bakas ng rekognisyon sa mukha nito. Maging si Yuuji na mukhang avid fan niya ay hindi siya natandaan.
Saglit siyang nakipagngitian sa mga ito. At nang magaya itong mananghalian muna sila ay tumanggi na siya. Ipinaliwanag na lamang niya sa mga ito na hindi siya kumakain kapag may shoot siya. Mabuti na lamang at binack-upan siya ni Andi. Wala siyang balak makasabay sa pananghalian si George. Not after what he did to her.
Hindi naman kasi niya akalain na si George pala ang anak ni Gilbert Calma, ang tagapagmana ng Calma Food and Beverages Corporation. Wala siyang ideya na ganoon ito kayaman. Thinking back, she really didn’t know anything about him then. Nagkukuwento lang ito noon tungkol sa mga kaibigan nito pero kahit kailan ay hindi ito nagsalita tungkol sa pamilya nito, o sa kahit anong personal na bagay. Well, he didn’t even tell you about his fiancée did he? Mapait na sabi niya sa sarili niya.
“Risha?” pukaw muli sa kanya ni Andi.
Nilingon niya ito at alanganing ngumiti. “Sorry, medyo nahilo lang ako,” dahilan niya.
“Oh, do you need anything? Gamot? O baka naman gutom ka na?” tanong pa nito.
Umiling siya. “Magpapahinga lang muna ako sandali kung pwede. Sumabay ka na lang muna sa kanila mag lunch. Okay lang ako rito.”
“Sigurado ka?” paniniyak nito. Tumango siya. Nang akala niya ay lalabas na ito ng dressing room ay nagkamali siya. Nanatili ito sa kinatatayuan nito at mataman siyang pinagmasdan. “You know them don’t you? Especially that George Calma?” maingat na tanong nito.
Napatitig siya rito. Kahit kailan ay hindi siya nagsinungaling dito. But she was not in the mood to talk about it yet. Lalo pa’t hindi pa tapos ang photoshoot.
Sa huli ay bumuntong hininga ito. “It’s okay if your not ready to tell me about them darling,” tila nakauunawang sabi nito.
She looked at him gratefully. “Thank you Andi. Sige na sumabay ka na sa kanilang kumain. Magpapahinga na lang muna ako rito,” aniyang pilit pang ngumiti.
Saglit pa siyang tiningnan nito bago tumango at lumabas ng dressing room. Napabuntong hininga siya at pumikit. She suddenly felt exhausted.
“What the hell happened to you?”
Awtomatiko siyang napadilat nang marinig ang iritableng boses ni George. Nasalubong niya ang mga mata nito sa salamin. Sumasal ang kaba niya nang mapansin ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Parang… natatandaan siya nito.
Alanganin siyang ngumiti. “Medyo nahilo lang ako Mister Calma.” Nang hindi ito sumagot ay bahagya niyang iniharap ang upuan sa gawi nito at nilingon ito. “A-ano nga ho palang ginagawa niyo rito? I thought you’re going to treat them to lunch?”
Sinalubong nito ang mga mata niya. “Don’t act as if you don’t know me Patricia,” madilim ang mukhang sabi nito.
Bigla siyang naalarma nang magsimula itong lumakad palapit sa kanya. “I haven’t seen you in ten years. Pagkatapos ay makikita kitang halos ipakita na ang lahat lahat sa iyo sa harap ng kamera? Worst, after this month, every man in the country will see your almost n***d photos! What the hell was that!” galit na tanong nito.
Kung ganoon ay nakilala siya nito. Nakaramdam siya ng pagrerebelde sa tono nito. Ano ang karapatan nitong magalit sa kung ano siya ngayon? Ito ang may kasalanan sa kanya! Pinaglaruan siya nito, pinaasa. So he has no right to speak so arrogantly about her job!
Itinaas niya ang noo niya. “As far as I am concerned, there is nothing wrong with my job. Wala akong inaapakan at sinasaktang tao para magkatrabaho. It also pays me well. Besides, ano ba ang ikinagagalit mo diyan? I have been living this kind of life for ten year already. Who do you think you are? You’re just someone I met for a short while when I was young. You have nothing to do with my life!” sagot niya rito sa mataas na rin na tinig.
Tumaas baba ang dibdib niya sa pinipigil na galit. Gusto niyang ipamukha rito ang lahat ng sakit na naramdaman niya dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Pero kapag ginawa niya iyon ay para na rin niyang inamin dito na minahal niya ito noon ng sobra sobra. At ayaw niyang malaman nito iyon.
“It has nothing to do with me huh?” malamig na sabi nito. Napasinghap siya nang bigla itong yumukod at ipatong ang dalawang kamay sa magkabilang arm rest ng kinauupuan niya. “I am just someone you met for a short while?”
Napaatras siya nang ilapit nito sa mukha niya ang mukha nito. His face is so near she could actually feel his breath on her face.
“Whether it has something to do with me or not is not the issue here Patricia. I don’t like it period. At ang lakas pa ng loob mo na ipagmalaking ginagawa mo na iyan sa loob ng sampung taon? Masaya ka ba na pinapantasya ka ng kung sino-sinong lalaki? Komportable ka bang ibilad ang katawan mo katulad ng ginagawa mo kanina? And what’s with your hair? Why did you colored it like that! Do you think that suits you?! It just made you look so cheap! Hindi ka naman ganyan dati. Ano ang nangyari sa iyo?” mariing sabi nito.
Tinitigan niya ito. Cheap…Before she called me old-fashioned. Now cheap. Her heart clenched when she saw a glint in his eyes… it was anger and disappointment. Suddenly, she felt like crying. But she will never cry in front of him. “I just decided I don’t want to be the same naïve girl as I am ten years before. And being a model is a fast way to be rich. Iyon naman talaga ang gusto ko noon pa man,” matatag na sagot niya.
Kumunot ang noo nito. “What are you saying? You said before that you like yourself just as you are. At ikaw rin ang nagsabi na gusto mong bigyan ng magandang buhay ang mama mo sa maayos na paraan. Kaya ka nga nagaaral ng mabuti hindi ba! Then you are telling me that crap!”
She suddenly felt exhausted. There’s no sense talking to him. Naiinis lang siya na kung sermunan siya nito ay parang wala itong ginawang kasalanan sa kanya noon. Na para bang hindi ito aware sa sakit na ipinaranas nito sa kanya. Mapait siyang napangiti nang maalala na naman ang tagpong naabutan niya sa umbrella hut. “You know what? Let’s just stop this conversation. Really Mister Calma, you should not bother yourself about your company’s calendar girl okay?” sarkastiko niyang sabi.
“Pwede bang tigilan mo na ang pagsasalita na parang wala tayong pinagsamahan? Nagagalit na talaga ako Patricia!” sigaw nito.
“Huwag mo akong sigawan! Ano ba talaga ang problema mo? What we had then was just part of the past already. Kinalimutan ko na nga ang lahat ng iyon. Yes, in fact hindi ko na maalala ang mga iyon sa tagal ng panahon. Ni hindi mo nga alam kung bakit ko pinasok ang industriyang ito. Kaya huwag mo akong sermunan na parang ang haba ng pagkakakilala natin okay!” sigaw niya rin.
Tinitigan siya nito. “A ganoon? Kinalimutan mo na ang lahat?” malamig na sabi nito.
“Oo! Kinalimutan ko na ang laha –
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang walang sabi-sabing sinakop nito ang mga labi niya. Time stood still for her. The only thing that she’s aware at that moment was George’s warm and soft lips on hers. Then she remembered that night when they shared lot’s of long passionate kisses. Napapikit siya.
Nang pakawalan siya nito ay awtomatiko siyang napadilat. She met his eyes. “Did you forget about the kisses too?” sarkastikong tanong nito.
That woke her up. Naitakip niya ang kamay sa bibig niya. Her heart is still beating wildly. Dumeretso na ito nang tayo at namulsa. “That’s to make sure you won’t forget it.” Iyon lang at lumabas na ito ng dressing room.
Nang maisara nito ang dressing room ay tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Tarantang kinapa niya ang eyeglasses niya sa bag niya. Nang makita iyon at mabilis niyang inalis ang contact lenses niya. Bawal umiyak kapag naka contacts. Pero sa mga oras na iyon ay hindi niya mapigilan.
Bakit ganoon? Ang sabi pa naman niya sa sarili niya kapag nakita niya si George ay ipapakita niya ritong hindi na siya apektado. But she failed. Isang halik lang nito nakalimutan na niyang maging matatag. Napahikbi siya.
I hate you George.