CHAPTER 10

1119 Words
PAGKABABANG pagkababa ni Patricia sa bus na sinakyan niya mula maynila ay dumeretso agad siya sa ospital kung saan daw isinugod ang mama niya. Naabutan niya sa hallway ang kapitbahay nilang si Aling Norma. “Patricia, kapanamu atstuna ka,” bungad nito sa kanya. Mukhang kanina pa nga siya nito hinihintay dahil bakas sa mukha nito ang relief na dumating na siya. “Si mama ho?” Bumakas ang simpatya sa mukha nito. “Nasa ICU room pa siya. Halika,” anito at hinatak siya palapit sa isang silid at pinasilip siya roon. Naitakip niya ang kamay sa bibig niya nang makita ang mama niyang walang malay na nakaratay sa kama. Pinigilan niya ang sariling maiyak. Kailangan niyang maging matatag. “Kahit paapano naman daw ay umayos na ang lagay niya. Pero kailangan pa rin niyang uminom ng gamot at manatili rito sa ospital.   Naku Patricia, napakalaking gastos ito. May kamag-anak ka bang malalapitan para makatulong sa inyo? Alam mo nama’y hirap din ako. Hindi kita matutulungan sa gastos,” problemadong sabi nito. Nahilamos niya ng mga kamay ang kanyang mukha at umiling. Wala siyang kilalang kamag-anak ng mama niya. Nanghihinang lumayo siya sa ICU at umupo sa isang bench doon. Nayakap niya ang bag niya. “Sandali at hahanapin ko ang doctor ng mama mo ha,” paalam ni Aling Norma. Tumango lamang siya at napayuko. Anong gagawin ko? Wala siyang kaibigang malalapitan. Ni wala silang ipon sa bangko. Kung mangungutang siya ay paano naman niya iyon mababayaran? Unless, magkakaroon siya ng trabaho na malaki ang kita… Napakurap siya nang maalala ang bading na nagpakilala sa kanyang talent manager. Mabilis na kinalkal niya ang bag niya. Nakita niya agad ang hinahanap niya. Ang calling card ng bading na nagngangalang Andi. Hindi pa rin siya kumbinsido na papasa siyang modelo pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang pagpipilian. Tumayo siya at nagpunta sa pinakamalapit na pay phone. At that time, she has no idea, that that one phone call will change her life drastically.   NAALIPUNGATAN si Risha sa ringing tone ng cellphone niya. Hindi pa man siya dumidilat ay kilala na niya ang tumatawag. She assigned that tone to Andi. Nang dumilat siya ay ang madilim na kisame ng kanyang silid ang sumalubong sa kanya. So, it was all a dream. No, it was a memory. Masyado niya lang binalewala ang bahaging iyon ng nakaraan niya na nang inentertain niya ay pakiramdam niya kahapon lamang nangyari ang mga iyon. Nang hindi pa rin tumigil sa pagtunog ang cellphone niya ay pinilit niyang bumangon. Kinalakal niya ang shoulder bag niya. Nang mailabas niya ang cellphone niya ay lalong lumakas ang tunog niyon. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot iyon. “Risha darling, I’m glad you’re already awake. Are you still in the province?” bungad nito sa kanya. Muli siyang humiga sa kama. “Yes. Why Andi?” “Pwede ka na bang lumuwas ng Manila today? Dumating na ang bagong contract mo with CFB sa Timeless. Niccolo expects you this afternoon around four.” Inabot niya ang wristwatch niya na ipinatong niya sa lamesa. Alas nuwebe ng umaga. She still got plenty of time. “Okay. I’ll be there by four.” “Great. See you darling.” Nang mawala ito sa linya ay bumangon na siya. Mabuti pa nga siguro na magtrabaho na siya agad para hindi na niya maalala pa si George. Napatingin na naman siya sa tuyong rosas na nasa kama niya. Marahil ay nabitawan niya iyon nang makatulog siya. Nang tanggapin niya ang offer ni Andi na maging modelo ay ito mismo ang nagpahiram sa kanya ng pera na panggastos sa ospital ng mama niya. ito rin ang gumastos ng pambili niya ng mga bagong damit at sapatos, ng pagpapakulay ng buhok niya, ng contact lenses niya at kung anu-ano pa. para itong fairy god mother ni Cinderella na ginawa siyang napakaganda at sopistikadang babae. Nagulat na lang siya na marami na siyang endorsements. Dahil sa dami ng trabaho niya at sa pag-aalaga niya sa mama niya ay hindi na siya nakapasok pagkatapos ng Christmas break. Nang mga panahong iyon ay madalas pang tumawag si Jenny at Tina sa kanya. Sa mga ito rin niya nabalitaan na nagpunta na raw ng Amerika si George para sa masteral nito kasama ang fiancée daw nito. Mukhang hindi na rin daw babalik ang binata sa pilipinas ayon sa chismis. Naalala niya na hindi siya kumikibo habang kinukuwento iyon ni Jenny. But at that time, her heart was still breaking. Because the thought of George leaving the country and not be coming back makes her miss him more. Kahit pa sinaktan at pinaglaruan lang siya nito. In the end, she end up just like her mother, loved a man who didn’t love her back and just took advantage of her innocence. Pero di tulad ng kanyang ina, wala siyang balak tumandang nagpapakatanga sa pag-ibig. Dahil nangako siya na tatayo siya sa sarili niyang paa. And when the time comes that she will see him again, she could look at him straight in the eye. Maipapamukha niya rito na hindi na siya apektado sa ginawa nito. Ngunit kahit ilang beses kong sabihin iyon sa sarili ko ay bakit ba hindi kita magawang itapon? Kausap niya sa tuyong rosas. Sa huli ay napabuntong hininga na lamang siya at maingat iyong hinawakan. Bumangon siya at ibinalik iyon sa pagkakaipit sa algebra book niya. Bigla niyang naalala na ipapamigay na nga pala niya ang mga librong ginamit niya noong kolehiyo. Himbis na ibalik sa book shelf ay ipinasok niya ang librong iyon sa cabinet niya. Mabilis na siyang nag-ayos at lumabas ng kanyang silid. Napangiti siya nang maabutan sa kusina ang mama niya na nagluluto ng almusal. “Ma, huwag kang magluto ng masyadong marami, hindi na talaga ako pwedeng kumain ng sobra, may nakahilera akong shoot,” pukaw niya rito. Lumingon ito sa kanya at tumawa. “Asus, umaga naman eh. Hayaan mo na ako. Teka aalis ka na ba niyan?” “Opo,” aniya at umupo. “Hay, sana naman sa pagbalik mo rito ay may kasama ka na kahit nobyo man lang. para naman mapanatag akong may nag-aalaga sa iyo roon,” biglang sabi nito. Napabuntong hininga siya. “Inaalagaan naman ako ni Andi mama. Huwag kayong mag-alala sa akin,” sabi na lamang niya. Umiling iling ito. “Iba ang pag-aalaga ng manager mo sa pag-aalagang tinutukoy ko Patricia. Wala lang sa iyo ngayon, pero darating ang araw na hahanapin mo ang pag-aalaga ng isang taong mahal mo. Ang ganda ganda mo naman ay wala kang nobyo.” Napabuntong hininga na lamang siya sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD