NAKAPANGALUMBABA na si Patricia habang nakaupo sa baitang nang fire exit nang dumating si George. Bakas ang gulat sa mukha nito nang ihimpil nito ang motorsiklo nito.
“I told you to go there after fifteen minutes.”
Ngumiti siya. “For a change. Palagi na lang ikaw ang naghihintay sa akin eh.”
Iiling-iling itong bumaba ng motor nito at lumapit sa kanya. Inaasahan na niyang sasampa na ito sa baitang. Ngunit himbis na gawin iyon ay tumayo lamang ito roon at tumingala sa kanya.
“Hindi ka pa ba aakyat?” takang tanong niya.
Ngumiti ito at itinaas ang kamay. Natulala siya nang makita niya ang hawak nito. A red rose. “Merry Christmas,” sabi nito na ikinatingin niya rito. Nakangiti pa rin ito sa kanya. “Ito na lang muna ang regalo ko sa iyo. Kunin mo na para makaakyat na ako.”
Hindi pa rin makapagsalitang kinuha niya iyon. Kahit na kumilos na si George para umakyat ay hindi niya inalis ang tingin sa rosas. Iyon ang unang beses na may nagbigay niyon sa kanya.
“Hoy, diyan ka na lang nakatingin, hindi mo na ako tiningnan,” pukaw nito sa kanya nang makaupo na ito sa tabi niya.
Tiningnan niya ito at malawak na ngumiti. “Thank you.”
Tila natigilan ito at tumitig sa kanya. Pagkuwa’y tipid itong ngumiti. “Don’t smile like that in front of other people okay?” mahinang sabi nito.
Biglang sumasal ang t***k ng puso niya sa tono nito. “B-bakit?”
Muling humaplos ang kamay nito sa mukha niya. “Because I will consider that smile as my Christmas gift. Kaya akin lang iyan maliwanag?”
Tumango na lamang siya dahil hindi siya makapagsalita sa kabang biglang lumukob sa kanya. She suddenly became aware that they are alone on that secluded place. And they were too close for comfort. Wala sa loob na napalunok siya.
“Patricia,” mahinang usal nito.
Lalo lamang siyang kinabahan. “B-bakit?”
Ngumiti ito. “Wala ka bang ibang sasabihin kung hindi bakit?”
“A-ano namang sasabihin ko?”
Himbis na magsalita ay tumitig ito sa kanya. Pagkuwa’y gumalaw ang mga kamay nito at tinanggal ang eye glasses niya. Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay nito. “Hindi kita makikita,” saway niya rito.
Mahina itong tumawa. “Hindi kita mahahalikan.”
Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Hindi niya makita kung ano ang reaksiyon nito dahil blurred ang mukha nito sa paningin niya.
“Can I?” tanong nito.
Napalunok siya. Ang ratiyonal na parte ng utak niya ay tumatanggi. but her heart that was beating wildly for him tells her other wise. Binitawan niya ang mga kamay nito. Saglit pa ay naramdaman na niya ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Then, she felt his lips on hers. And she was lost. Because at that moment she admitted to herself, that she was in love with him. And she knew, from the move of his lips and his arms that suddenly hugged her tight, that he feels the same way too.
ALAM ni Patricia, na kung may makakakita sa kanya sa oras na iyon ay tiyak mapagkakamalan siyang nasisiraan ng ulo. Kanina pa kasi niya hindi mapigilan ang sarili sa bigla biglang pagngiti niya habang iniimpake niya ang mga gamit niya. Christmas vacation na at kailangan na niyang umuwi ng Pampanga. Subalit tuwing naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi ay hindi niya talaga mapigilan. Because that night she shared with George was the happiest night of her life.
Awtomatiko niyang kinuha ang algebra book niya at binuklat iyon. Napangiti na naman siya nang makita ang pulang rosas na inipit niya roon. Nalulungkot siya na hindi niya pwedeng ilagay iyon sa vase o kahit sa baso man lang. Kapag kasi nakita iyon ng mga room mates niya ay siguradong magtatanong ang mga iyon. At wala siyang balak sumagot ng mga tanong kaya inipit na lamang niya iyon doon.
Bumuntong hininga siya at isinara ang libro niya. Isinilid na rin niya iyon sa bag niya. Tiyempo naman ang pagpasok ni Jenny at Tina. Mukhang dismayado ang mga ito. Sabay pang pabagsak na umupo ang mga ito sa kama ni Tina bago napatingin sa kanya na tila noon lamang siya napansin.
“Aba parang iba ang ayos mo ngayon ah. My God Patricia ang sexy mo ngayon. Dapat laging ganyan ang ayos mo para hindi ka mukhang pindangga,” prankang komento ni Tina.
Ngumiti na lamang siya. Hindi naman kasi siya na-offend. Totoong nagpaganda siya sa araw na iyon. Inilugay niya ang kulot niyang buhok at naglagay siya ng polbo at lipgloss. Mas hapit din ang blouse na isinuot niya. Gusto niya kasi kahit isang beses lang ay makita siya ni George na maganda. Sayang at wala siyang contact lenses.
“Ngayon na ba ang uwi mo Patricia?” tanong ni Jenny
Ngumiti siya. “Oo. Kayo hindi pa ba kayo uuwi para sa Christmas vacation?”
Excagerrated na bumuntong hininga si Tina. “Ayoko pang umuwi! sa laki ng school natin at sa dami ng guwapong lalaki wala man lang akong nakuhang boyfriend! At ang target ko naman ay may girlfriend na pala! This Christmas is the worst!” maktol nito.
Alanganin na lang siyang ngumiti. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot niya sa mga sinasabi ng mga ito. Tumingin siya sa wristwatch niya. Ang usapan nila ni George ay magkikita sila sa tambayan ng mga ito bago siya umuwi ng probinsya. Kailangan na yata niyang magpunta roon.
“Hay, kasi naman, may girlfriend na pala si George. Bakit hindi natin nalaman iyon nang maaga,” patuloy ni Tina.
“Oo nga eh, “sangayon ni Jenny na pabagsak na humiga sa kama.
Tumalikod siya sa mga ito. baka kasi ipagkanulo siya ng ekspresyon ng mukha niya. hindi niya naisip na sasabihin ni George sa marami ang relasyong mayroon sila. Yet, she’s happy. George’s girlfriend. Ang sarap pakinggan. Mas lalo lang niya itong gustong makita.
Pasimple siyang nagpaalam sa mga ito at lumabas ng silid nila. Huminga muna siya ng malalim at pinakawalan ang kilig na kanina pa gustong lumabas. Pagkuwa’y mabilis siyang lumabas ng dormitoryo nila.
MAGKAHALONG excitement at kaba ang nadarama ni Patricia habang naglalakad siya patungo sa umbrella hut kung saan niya unang nakilala si George. Marahil para sa iba ay over acting siya pero namimiss na talaga niya ito. Lalong tumindi ang kaba niya nang matanaw na niya ang umbrella hut. Kulang na lang ay takbuhin niya iyon.
Ngunit nang malapit na siya roon ay nanlaki ang mga mata niya sa nasilip niya roon. There was a couple kissing passionately! Nakatalikod ang lalaki sa kanya habang ang babae naman ay natatakpan ng katawan nito maliban sa mukha ng magandang babae na nakapikit pa. Nakalingkis ang mga braso ng babae sa katawan ng lalaki.
Tila itinulos siya sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa mga ito. Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig. Parang gusto niyang umiyak. Dahil kahit nakatalikod ang lalaki ay hindi niya maaring maipagkamali kung sino iyon. Si George. Bakit ito nakikipaghalikan sa ibang babae? Hindi ba nang nakaraang gabi lang ay siya ang hinahalikan nito? So why?
Itinakip niya ang kamay sa bibig niya bago pa siya makagawa ng tunog. Tatalikod na sana siya nang biglang dumilat ang babae. Bahagya itong lumayo kay George at hindi inalis ang tingin sa kanya.
“May tao, honey,” sabi ng babae sa malamyos na tinig. Ngunit parang patalim sa pandinig niya ang boses nito. Honey…
Nang lumingon si George ay nasalubong niya ang mga mata nito. Bumakas ang pagkagulat roon, Pagkuwa’y pagkataranta. “Patricia.”
Napaatras siya. Hindi naman siya tanga. Hindi na niya kailangan pang magtanong dahil obvious naman sa eksenang nasaksihan niya, sa tawag dito ng babae at sa pagkabahalang nasa mukha nito ang katotohanan.
"Oh, so it was you now. George, why do you keep on playing with other woman's heart when im not around huh?" sabi ng babae na tila walang anuman dito ang lahat.
“Mikha, stop it,” baling dito ni George.
Hindi ito tiningnan ng babae. “You see miss, ugali talaga ni George na lumapit sa mga inosente at mukhang goody two shoes na babae, it's a challenge for him. So did something happen to the two of you already?”
Hinawakan na ito ni George sa braso. “I said stop it!”
“No. Bakit George, hindi mo na naman ba sinabi sa babaeng iyan na may fiancée ka na? Na naglalaro ka lang habang hindi pa tayo ikinakasal pero hindi mo naman siya seseryosohin?” patuloy ng babae.
Tuluyan ng tumulo ang luha niya sa sinabi nito. parang hinati nito sa dalawa ang puso niya at ang mga pangarap niya kasama si George. Nang mapatingin sa kanya si George ay tumalikod na siya at tumakbo. Dahil base sa reaksiyon nito ay nagsasabi ng totoo ang babae. Dahil kung hindi ay bakit mukha itong guilty?
“Patricia!” narinig pa niyang tawag nito dito. Pero wala na siyang balak na lumingon. Ayaw na niya itong makita. At ayaw niyang makita nitong umiiyak siya ng dahil dito. Ang tanga niya para isiping siya ang girlfriend na tinutukoy ng room mates niya. She’s so naïve to believe that he could actually love her.
Ngunit pinaglalaruan lang pala siya nito. Samantalang siya, minahal niya ito ng totoo, ng sobra pa nga. Nagpaganda pa siya sa araw na iyon para dito. Wala na rin palang silbi. I hate you George! I hate you!
Hanggang sa makabalik siya sa dormitoryo niya ay umiiyak pa rin siya. Kahit kasi punasan niya ang mga luha niya ay patuloy pa rin iyon sa pagbagsak. Sa huli ay sumuko na rin siya at pumasok sa silid niya. Naabutan niya roon si Jenny at Tina na sabay pang tumayo ng makita siya.
“Patricia kanina ka pa namin… kung ganoon ay alam mo na,” sabi ni Jenny na bakas ang simpatya sa mukha.
Humikbi lamang siya. Lumapit sa kanya si Tina at tinapik siya sa balikat. “Don’t worry Patricia, magiging maayos din ang lagay ng mama mo. Kaya tahan na at umuwi ka na sa inyo. Kailangan ka niya.”
Awtomatiko siyang napatingin sa mga ito. “A-anong sabi mo?” litong tanong niya.
Nagtinginan ang mga ito. Dahilan upang lalo siyang makaramdam ng kakaibang kaba. “Akala namin nasabi na sa iyo ng land landy dahil umiiyak ka. Kani-kanina lang ay may tumawag dito na kapitbahay niyo yata, itinakbo daw nila sa ospital ang mama mo dahil inatake sa puso. Pinapauwi ka sa lalong madaling panahon,” sabi ni Jenny.
Para siyang pinanlamigan. Napahagulgol siya. God, why are you giving me all this heartaches at the same time? I don’t know if I can take this.