KATULAD ng hinala ni George ay madilim na nga ang paligid ng lumabas sila ng library. Kung hindi pa sila nilapitan ng librarian para sabihing magsasara na ay hindi pa siya lalabas.
Nayakap niya ang sarili niya nang biglang umihip ang malamig na hangin. Paskong pasko na ang lamig ng panahon. Bakit ba niya nakaligtaan magdala ng jacket sa raw na iyon? Ngayon tuloy ay –
Natiglan siya nang maramdamang may kung anong ipinatong sa balikat niya. It was a jacket. Tiningala niya si George. “Isuot mo iyan. Mas lalamigin ka kapag nakamotor na tayo,” sabi nito.
Bago pa siya may masabing iba ay nagpatiuna na ito sa paglakad sa motorsiklo nito. Walang salitang isinuot niya ang jacket nito. Masyado iyong malaki para sa kanya pero ayos lang. Napahinga siya ng malalim. Ang bango ng jacket nito, kaamoy nito, amoy citrus. Napangiti na naman tuloy siya.
“Patricia, let’s go,” pukaw nito sa kanya. Nakasampa na ito sa motor nito. Lumapit siya rito at alanganing tiningnan ito. “Ano pang hinihintay mo? Sakay na.”
Hindi siya tuminag. “Never pa akong nakakasakay ng motor sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako sasakay diyan.”
Nang hindi ito sumagot ay tiningnan niya ito. There was amusement in his eyes. Napasimangot siya. “Huwag mo nga akong pagtawanan,” asik niya rito.
“I’m not laughing at you,” nakangiting sabi nito. “Basta sumampa ka na. Kaya mo iyan. Don’t worry I assure you I will not let you fall.”
Kahit na naiilang siya ay sinubukan niyang sumampa sa motor nito. Bakit ba kasi ang taas niyon? Naipagpasalamat niya na nakaangkas siya ng maayos. Napabuga siya ng hangin.
“See? Madali lang. Kapit” sabi nito at dineretso ang motorsiklo pagkatapos ay binuhay ang makina niyon. Tarantang napakapit siya sa baywang nito. Bahagya siyang napatili ng paandarin nito iyon.
Napahigpit ang kapit niya rito nang masubsob siya sa likod nito. “George! Mahuhulog ako!” sigaw niya.
Tumawa ito. “Don’t worry, If you fall I’ll take responsibility,” sagot nito.
Hindi siya sumagot at itinukod ang noo sa likod nito. Naka t-shirt na lang ito kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula rito. Dahil rin nakakapit siya sa baywang nito ay nararamdaman niya ang matigas na katawan nito. Napabuntong hininga siya nang pumitlag na naman ang puso niya. Bagay na nakasanayan na niya sa dalas niyang maramdaman iyon tuwing kasama niya si George. I just hope he could really take responsibility if I fall… for him. Dahil kahit ayaw niyang aminin, alam niyang anumang oras ay mangyayari na iyon. Iyon ay kung hindi pa nga iyon nangyayari.
ANG akala ni Patricia ay deretso siyang ihahatid ni George sa dormitory niya. Ngunit himbis na gawin iyon ay huminto ito sa dulong bahagi ng soccer field na kasalukuyang puno ng mga estudiyante para sa Christmas concert na sponsored ng isang malaking liquor company.
Nang makababa siya sa motor nito ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Ni hindi niya napansin nang mga nakaraang araw na puno nap ala ng maliliwanag na Christmas lights ang parteng iyon ng campus nila. Sa isang bahagi ay may nakahilerang stalls ng mga pagkain at kung anu-ano pa. Wala pang tumutugtog sa stage ngunit may pumapailanlang na malakas na tugtugin.
“Magandang paminsan minsan ay nageenjoy ka naman. Masama rin ang palaging nag-aaral,” pukaw sa kanya ni George.
Nang lingunin niya ito ay nakangiti ito habang nakatingin din sa kanya. “Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan,” sabi niya.
Tumawa ito. “Patricia, for once forget you’re miss goddy two shoes okay? Teka nagugutom ako. Gusto mo ng hotdogs? Maya-maya pa naman magsisimula ang concert,” tanong nito. Tumango na lamang siya at pinagmasdan ito habang naglalakad patungo sa mga stalls.
Napabuntong hininga na lamang siya at bahagyang sumandal sa motorsiklo nito. iginala na lamang niya ang tingin sa paligid. Lahat ng mga estudiyante ay mukhang siyang siya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang sa isang panig ay may nakita siyang parehang naghahalikan. Then she realized na maraming gumagawa niyon sa lugar na iyon.
“Excuse me miss.”
Napalingon siya sa malambing na boses na pumukaw sa kanya. Napakunot noo siya nang isang lalaki ang makita niya. Ngunit base sa disposisyon nito ay mukhang binabae ito. “Y-yes?”
Ngumiti ito at inilahad ang isang calling card. “Hi, I am Andi, a talent manager from Timeless Modeling Agency. Kanina pa kita tinitingnan and I sense a star in you. Are you interested to be a model?” tanong nito.
Manghang napatitig siya rito. pinagtitripan ba siya nito? Anong nakita nito sa kanya at inaalok siya nito ng ganoon? Alanganin siyang ngumiti. “Nagkakamali ho yata kayo. I don’t think I look like a model. Height lang ho ang mayroon ako. I’m not even fashionable or glamorous,” tanggi niya.
Ngumiti ito at inabot ang kamay niya. Inilagay nito ang calling card nito roon. “Iyang mga sinasabi mong iyan darling, ay napag-aaralan. At hindi pa nagkamali ang mga mata ko kahit kailan. Keep my card at kapag ready ka na, call me. What’s your name?”
“P-patricia,” alanganin pa ring sagot niya.
Ngumiti ito. “Patricia, Risha, see? Even your name sounds like a star. Call me okay?” pagkasabi niyon ay umalis na ito. Napatitig siya sa calling card nito. Ang weird naman ng taste ng manager na iyon. Kung manager talaga iyon. For all I know raket lang niya iyon at dahil mukha akong mauuto ay akala niya papaya ako agad. Napailing siya at balewalang pinasok na lamang niya iyon sa isang bulsa ng bag niya.
Natutok ang mga mata niya sa stage nang biglang maghiyawan ang mga estudiyante. May ilang kalalakihang lumabas mula sa backstage. Hindi niya kilala ang mga ito ngunit base sa tiliian ng mga tao ay malamang sikat ang mga ito.
“Good evening everyone! We are Wildhorn! Are you ready to party!” malakas na sabi ng sa tingin niya ay bokalista. Nang humiyaw ang mga estudiyante ay pumailanlang ang tunog ng drums at gitara. And when the vocalist started to sing, the crowd got wild. Maging siya ay natameme.
Wow, they are good.
“Hey.”
Napalingon siya sa hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanyang si George. Seryoso na naman ang mukha nito. Walang salitang inabot nito sa kanya ang isang hotdog sandwich.
Napakunot noo siya. “Bakit parang galit ka?”
Lalo siyang napakunot noo ng umismid ito at pabalang na kumagat sa hotdog sandwich nito. “Mukhang enjoy na enjoy ka sa pakikinig sa bandang iyan ah. Don’t tell me may gusto ka na rin sa kanila?”
“Ha? Paano ako magkakagusto sa kanila e hindi ko nga makita ang mukha nila rito? Pero magaling sila I must say,” litong sagot niya.
“Ubusin mo na iyan, ihahatid na kita,” hindi tumitinging sabi nito.
Kahit na hindi niya maintindihan ang ipinagkakaganoon nito ay tahimik na lamang niyang inubos ang pagkain niya. Nang makita nitong naubos na niya ang pagkain niya ay sumampa na agad ito sa motor nito. Walang salitang sumampa siya sa likod nito. Mabilis na pinaandar nito iyon.
Sa bilis nitong magpatakbo ay nakarating agad sila sa tapat ng dormitory niya. Nang nakababa siya ng motor nito ay tangkang aalis na ito. Mabilis niyang hinawakan ang braso nito.
“George, why are you angry?” mahinang tanong niya. Nang tumingin ito sa kanya ay sinalubong nito ang mga mata niya. Pagkuwa’y bumuntong hininga ito.
“Sorry, I’m just being selfish,” mahina ring sagot nito.
“Ha?”
Muli itong bumuntong hininga. “I told you I am a bad person. I easily get angry, I am selfish, I am self-centered, I smoke, I drink, I do illegal things – ”
“George,” saway niya rito.
“And I easily get jealous,” dugtong nito.
Naumid ang dila niya sa sinabi nito. Napasinghap siya ng umangat ang kamay nito sa pisngi niya. “Nasanay ako na palagi ka lang sa akin nakatingin, that when I saw you looking admiringly at men other than me, I got angry because I want you to look only at me. I know I am being selfish.”
“G-george,” tanging nasabi niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Sorry, I ruined the night.” Napaderetso ito na tila may biglang naisip. “Patricia.”
“Bakit?”
Inalis nito ang kamay nito sa pinsi niya at binuhay ang makita ng motor nito. “Pumunta ka sa fire exit after fifteen minutes.”
Nang tumango siya ay pinaharurot na nito ang motor nito. Saglit pa siyang nanatili sa kinatatayuan niya. Pagkuwa’y napahawak siya sa pisngi niya. The heat from his hand still lingers there, making her hear beat faster. Then, she remembered what he said. That he’s jealous. Napangiti siya. Ah, she’s sure of it, that Christmas will surely be her happiest Christmas ever. Because that Christmas, she has George.