CHAPTER 17

1819 Words
“THIS is delicious,” manghang sabi ni Risha pagkatapos sumubo nang cake na inorder ni George. Naroon sila sa isang cake shop sa loob ng resort. At talagang masarap ang cake doon. “Yuuji will be happy to hear that,” sabi nito. Nang lingunin niya ito ay bahagya na namang tumalon ang puso niya. He was staring at her again while smiling. “He owns this shop.” “Oh, I can’t believe he owns a place like this,” naiiling na komento niya. Tumawa ito. “Right. And he invented the cake you are eating.  Kumain ka pa,” anito at humigop sa tasa ng kapeng inorder nito. Ipinagpatuloy nga niya ang pagkain. manaka-nakang tinitingnan niya ito. At sa tuwina ay nahuhuli niya itong nakatingin lamang sa kanya. Bigla niya tuloy naalala ang araw na nakasama niya ang mga ito sa lamesa sa canteen. “George.” “What?” Tiningnan niya ito. “I know you might not remember it but... that time sa school canteen natin, talaga bang wala nang ibang bakanteng lamesa kaya sa lamesa kung nasaan ako kayo pumuwesto noon?” lakas loob niyang tanong. Tila naman nagulat ito sa tanong niya dahil napatitig ito sa kanya. Pagkuwa’y nag-iwas ito ng tingin. “It’s because I saw you sitting alone on that table,” mahinang sabi nito. Napatitig siya rito. “Then, how did you know my name?” maingat na tanong niya. Tumingin ito sa kanya. Tila pinag-iisipan pa nito kung sasagutin ang tanong niyang iyon o hindi. Sa huli ay bumuntong hininga ito. “I asked Martin to hack the university’s student’s files.” Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “You did that? Bakit?” manghang tanong niya. Sinalubong nito ang tingin niya. Biglang naging seryoso ang mukha nito. “Because I want to know you,” deretsong sabi nito. Sumasal ang kaba niya sa sinabi nito. “B-bakit?” Tumaas ang sulok ng mga labi nito. He looks amused. “Wala ka bang alam na sabihin kung hindi bakit?” anito sa nanunudyong tono. “A-ano namang sasabihin ko?” Napasinghap siya at naitakip ang kamay sa bibig niya nang may marealize siya. Their conversation sounds familiar.  Napatingin siya kay George na tipid namang ngumiti. “I miss that expression of yours. Too bad you’re not wearing your glasses. And we’re not on a fire exit. And you’re a celebrity now so I cannot kiss you in public.” Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya sa sinabi nito. Nagkatinginan sila. Wala siyang maisip isagot sa sinabi nito. At mukhang wala naman itong balak magsalita. They just stared at each other. Na para bang sa ganoong paraan ay mapupunan niyon ang sampung taong pagkakahiwalay nila. “Naks, sana nagdala ako ng camera para remembrance.” Napakurap si Risha nang makarinig ng boses ng lalaki sa kung saan. Halos sabay pa silang napalingon ni George sa katabi nilang lamesa. Nagulat siya nang makita si Yuuji. At kasama nito sa lamesa si Coffee. Pareho pang nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanila. “What the hell are you two doing in here? At ikaw Yuuji kailan ka pa nandito sa resort?” iritableng tanong ni George sa mga ito. Ngumisi si Yuuji. “Kani-kanina lang. I just want to know how things are doing in here kaya dumaan na ako. Sinilip ko na rin ang Sweet Fantasy dito. At nagkataong nakita ko itong si Coffee sa bandang dulo kaya inaya ko na siyang lumapit para mas ma-obsrebahan niya kayong dalawa,” sabi nito. “Yuuji! Huwag mo ngang ibisto ang imbestigasyon ko,” saway rito ni Coffee na tinawanan lang ng huli. Takang napatingin siya sa mga ito. “M-magkakilala kayong dalawa?” Sabay pang tumingin ang mga ito sa kanya. “Yep. Regular customer namin siya sa main branch ng Sweet Fantasy. Siya ang dahilan kung bakit dito nag sho-shoot ngayon ang Young and Free. No, actually ikaw ang dahilan,” sabi ni Yuuji na tumawa pa.  Tumango tango naman si Coffee bilang pagsang-ayon. “Pwede na nga akong magpalit ng propesyon. I could be an information seller you know. That’s why I know everything Risha,” baling sa kanya ni Coffee na may kakaibang ngiti sa mga labi. Bigla siyang nailang. Bakit ba pakiramdam niya ay magiging laman siya ng column nito? pero teka, talagang siya ang dahilan kung bakit in-offer ni George ang resort na iyon sa Young and Free? “Anyways, I’ve seen what you did a while ago George. It looks like you are claiming your territory in front of all those men, the way you held her hand. Good job man. Di ko akalaing kaya mo palang gawin iyon,” nakangising komento ni Yuuji. “Oo nga. Para akong nanonood ng sine kanina,” sang ayon naman ni Coffee at nanunudyo pang tumingin sa kanya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya sa mga sinasabi ng mga ito. “Shut up,” angil ni George sa mga ito dahilan upang mapatingin siya sa binata. Lumingon ito sa kanya. “Tapos ka na bang kumain?” Nakuha naman niya ang nais nitong sabihin kaya tumango na lamang siya. “Then let’s go.” Pagkasabi niyon ay tumayo na ito. Hinawakan nito ang kamay niya at inakay rin siya patayo. “How sweet,” komento ni Coffee. “Diyan na nga kayong dalawa,” angil na naman ni George sa mga ito at hinatak siya palabas ng shop. Noon niya lang napansin na madilim na pala. Pasimple niyang tiningala si George. Deretso ang tingin nito sa dinaraanan nila. “George,” tawag niya rito. Nilingon siya nito. “What?” tanong nito. Inalis niya ang tingin dito. “Nothing.” Hindi ito na ito nagsalita at nagpatuloy sa paglakad. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. “Are you tired?” tanong nito. Pinakiramdaman niya ang sarili. Medyo nakakaramdam na nga siya ng pagod. Pero parang ayaw niya pang maghiwalay sila. Ayaw niya pang bitawan nito ang kamay niya. Dahil noon, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong gaya niyon. “H-hindi pa naman,” aniya.  Napabuntong hininga siya nang marealize na ilang beses na siyang nag-stammer tuwing kausap niya ito. When all the years she is a model, she believed that she already gained enough confidence. Pero dito ay hindi niya maiwasang kabahan. Pero iyong tipo ng kaba na masarap sa pakiramdam. That nervousness one feels when she’s with someone she loves. Natigilan siya sa realisasyong iyon. Pagkuwa’y muling napatingala kay George. Bahagya siyang napasinghap nang masalubong niya ang tingin nito. Tumigil ito sa paghakbang at humarap sa kanya. Napalunok siya. Bahagyang napakunot ang noo nito. Pagkuwa’y umangat ang kamay nito at inilapat sa pisngi niya. “You look tired to me. Tinitingnan pa lang kita kanina habang nagpo-pose ka ay nakikita ko ng nakakapagod ang trabaho mo,” sabi nito. Napamaang siya rito. “So… you’ve been watching my shoot?” manghang tanong niya. Tumikhim ito at ibinaba ang kamay. Hindi niya napigilang makaramdam ng kahungkangan ng mawala ang init na nagmumula sa kamay nito sa pisngi niya. Ngunit saglit lamang iyon dahil muli nitong hinawakan ang kamay niya at nagsimulang lumakad. “Yes.Hindi ko natiis na hindi sumilip. Lalo pa at narinig ko ang mga tauhan ko na sisilip daw sa shoot dahil gusto ka nilang makita. I just want to make sure that no one will try to make pass on you.”  Napatingin siya rito. She hid a smile when she saw that embarassed expression on his face again. Ngunit nang tumingin ito sa kanya ay tuluyan na siyang napangiti. Tumikhim ito. “Ihahatid na kita sa kuwarto mo.” “Okay,” nakangiti pa ring sagot niya. Matapos niyon ay tahimik na lamang silang naglakad patungo sa silid niya. Ngunit hindi siya nakaramdam ng pagkailang sa katahimikang iyon. In fact, she felt comfortable with their silence. Parang noong mga gabing nasa fire exit sila at nag-aaral siya habang ito ay tahimik lamang na nakaupo sa tabi niya. Only now, they are holding hands. Kaya naman nang makarating na sila sa tapat ng pinto ng kuwarto niya ay bigla siyang nalungkot. Parang ayaw niya pang matapos ang gabing iyon. It was too good to be true. Natatakot siya na baka kapag isinara na niya ang pinto ng silid niya at matulog siya ay bigla na naman siyang magising sa reyalidad. “May shoot ka pa ba bukas?” basag nito sa katahimikan. Tiningala niya ito. “Wala na. Babalik na kami ng Maynila bukas ng tanghali,” sagot niya. Now that she remembered it, parang ayaw niya pa yatang bumalik ng Maynila. Tumitig ito sa kanya at tila nag-isip. Pagkuwa’y muli nitong pinisil ang kamay niya. “Then, do you want to go somewhere with me tomorrow morning? I know a part of the resort where we can have a good view of the sunrise,” alok nito. Saglit siyang napatingin lamang dito. “And... I also have a lot of things to tell you. So, before you go back to manila, can you go with me?” tanong nito. Ngumiti siya. “Okay.” Her heart did a somersault when he smiled back. “Great. And wear jeans tomorrow okay. And a jacket. Mag-momotor tayo. Matagal ko nang hindi nasasakyan iyon,” anitong tila excited na excited pa. Lalo tuloy siyang napangiti. “Okay.” Tila naman natigilan ito at napatitig sa kanya. “B-bakit?” Masuyo itong ngumiti. “I miss that smile. The smile that is only for me. Honestly. The reason why I got angry when I saw you in CFB is because you are smiling wildly in front of them. Dati kasi ako lang ang nakakakita ng ngiti mo.” She smiled. Nakalimutan na nga niya ang mga sinabi nito nang araw na iyon. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hatakin palapit dito at yakapin ng mahigpit. “George,” gulat na tawag niya rito “I’ve been wanting to do this. Ang sabi ko sa sarili ko noon, kapag nakita kita uli, ang unang una kong gagawin ay yakapin ka ng mahigpit. Now that I have the chance hindi ko na palalampasin.” Pagkasabi niyon ay naramdaman niyang humigpit pa ang yakap nito. “And I’ve also been meaning to tell you this…I missed you,” bulong nito sa tainga niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Gumanti siya ng yakap dito. Maya-maya pa ay pinakawalan na siya nito. “Magpahinga ka na. See you tomorrow. Around five okay?” Nakangiting tumango siya. Hanggang sa makapasok na siya ng silid niya ay hindi nawala ang ngiting iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD