CHAPTER 16

1110 Words
NAPATIIM BAGANG si George habang tinatanaw mula sa di kalayuan si Patricia. Alam niya na maganda talaga ito noong una pa man niya itong nakita. But now that she’s confidently showing that beauty in the world, she looked more stunning. At naiinis siya dahil sa paghangang nakikita niya sa mukha nang mga lalaking napapatingin dito. Mas gusto niya pa dati, noong siya lang ang nakakakita ng tunay na ganda nito at ng ngiti nito. Noong siya lamang ang lalaking malapit dito. Noong sa kanya lang ito nakikipag-usap. He knows it’s so selfish on his part. But when it comes to her, he always feels like that. Naikuyom niya ang mga palad. He had the urge to run to her and dragged her away from those men looking at her like that. Subalit alam niyang hindi niya pwedeng gawin iyon. It was her job afterall. But damn, he hates that looks on their faces. “You look like a possessive boyfriend about to go bersek Mr. Calma,” komento ng isang boses babae. Lumingon siya. Isang babaeng nakasuot ng malaking sunglasses na halos tumakip na sa buong mukha nito at isang malapat na sombrero ang nakita niyang tumabi sa kanya. Nakamalong din ito na ipinatong sa swimsuit na suot nito. “And who are you?” kunot noong tanong niya. Tumawa ito. “Masungit ka talaga. I wonder how you became Yuuji’s bestfriend,” komento nito at inalis ang sunglasses. He suddenly recognized her. Ang showbiz reporter na kaibigan ni Yuuji na siyang nagsabi sa kanya tungkol sa photoshoot ng Young and Free. “Coffee. So it’s you.” Ngumiti ito. “At least you remembered me Mr. Calma.” Muli niyang ibinalik ang tingin kay Patricia na nag-popose pa rin. “Of course, you’re a big help.” Napakunot noo siya nang lumapit kay Patricia ang photographer at hawakan ito sa braso. Muli niyang ikinuyom ang mga palad. “So, you’re the possessive type. Mukhang anumang oras ay uumbagan mo ang lahat ng lalaking nakatingin at lalapit kay Risha. That’s not good Mr. Calma,” komento na naman ni Coffee. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili. “I know. That’s why I am resisting right now. I don’t want to get in the way of her job.” Hindi niya gustong magalit sa kanya si Patricia. Hindi pa nga niya nasasabi rito ang mga gusto niyang sabihin. Hindi pa nga siya nakakahanap ng tiyempo na maipaliwanag rito ang nangyari noon. At hindi pa siya nakakabawi sa mahabang panahong hindi sila nagkita. “You know what Mr.Calma, you might not need this pero sasabihin ko na rin. Sabihin mo na sa kanya na hindi mo naman talaga siya niloko noon para tapos na ang usapan. Risha might look so confident and so gorgeous, but we both know that she has doubt too right?” sabi nito. Napatingin siya rito. Kahit na ayaw niya ay napilitan siyang sabihin dito ang lahat nang araw na ipakilala siya rito ni Yuuji. Kapalit iyon ng impormasyong kailangan niya upang madala niya si Patrcia sa lugar na iyon at magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito. “Pwede ka namang bumawi sa kanya pagkatapos mong ipaliwanag sa kanya ang lahat hindi ba? I mean, if you’re really meant to be each other, you have forever to show how much you mean to each other. You better tell her how you feel as soon as possible okay? You see, maraming may gusto kay Risha. Baka maagaw pa siya sa iyo ng iba,” mahabang paliwanag nito. “I know,” sagot na lamang niya at muling tinanaw si Patricia. Palusong na ito. Mukhang tapos na itong kunan. May lumapit dito at inabutan ito ng malong. Nakahinga siya ng maliwag nang isinuot nito agad iyon. Ngunit napakunot noo na naman siya nang ang mga lalaking modelo na kanina lamang ay nanonood ay lumalapit na rito. Nakaramdam na naman siya nang inis nang makitang ngumiti si Patricia sa mga ito. “See that? I told you,” sabi na naman ni Coffee na parang isang konsiyensiya. Hindi niya lang alam kung isa itong anghel o hindi. Para itong si Yuuji sa kakulitan. “Hindi ka pa ba kikilos Mr. Calma?” sabi na naman nito. Tahimik siyang napamura. Hindi na nito kailangang sabihin iyon. Deretso ang tingin niya kay Patricia at mabilis na lumakad palapit dito.   NATIGILAN si Patricia sa pakikipag-usap sa mga lumapit sa kanya nang sa pagsulyap niya ay masalubong niya ang mga mata ni George. Sumasal ang t***k nang puso niya nang marealize na palapit ito sa kanya. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang huminto ito sa mismong harap niya. “George,” usal niya. “Tapos na?” kaswal na tanong nito. Alanganin siyang ngumiti. “Yes.” “Great. Let’s go.” Bago pa siya makahuma ay hinawakan na nito ang kamay niya at hinatak siya palayo roon. Tila hindi nito alintana ang mga tinging ipinupukol sa kanila. Basta, dere-deretso ito sa paglakad hanggang sa makalayo na sila sa mga tao. “George, saan tayo pupunta?” sa wakas ay naitanong niya. Huminto ito sa paglakad ngunit hindi inalis ang pagkakahawak sa kamay niya. Humarap ito sa kanya. “Gusto mong kumain?” tila walang anumang tanong nito. Bigla siyang nalito sa tanong nito. “Not really. Teka, hinatak mo ako papunta rito para lang tanungin ako ng ganyan?” takang tanong niya. Nag-iwas ito ng tingin. Napamaang siya rito. It was his gesture when he’s embarrassed. “No. Hindi ko lang napigilang ilayo ka sa mga lalaking iyon. I know it was your job but I got pissed off by that malicious look in their faces,” sagot nito. Lalo lamang siyang namangha sa sinabi nito. Ibig bang sabihin niyon ay kanina pa ito nanonood sa shoot? At lumapit lamang ito nang matapos na siyang kuhaan? Yes, that’s so him. The arrogant, possessive yet adorable George. Pakiramdam niya may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. She missed that side of him. No, actually, she missed everything about him. Hindi na siya nahihiyang aminin iyon sa sarili niya. Sumulyap ito sa kanya. “So? You want to eat?” tanong nito. Napangiti siya. “Okay. Wala naman na akong nakaline-up na shoot so puwede akong kumain ng marami ngayon.” Ngumiti ito. Parang gusto niyang mapabuntong hininga sa ngiting iyon. “Then let’s eat sweets,” anitong bahagya pang pinisil ang kamay niya. Pagkuwa’y hinatak na siya papunta sa kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD