NAPANGITI si Risha nang muling bistayan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang pala at nagdala siya ng maong jeans sa pagpunta nila roon. At kahit wala siyang t-shirt ay pinatungan naman niya ang blouse niya ng jacket. Hindi rin siya nagsuot ng contact lenses at nag eyeglasses lamang. Kung hindi lang blonde ang buhok niya ay para na siyang ang sarili niya noong kolehiyo. Ang sabi kasi ni George, mas gusto raw nito ang porma niyang ganoon. So she will oblige, since he made her so happy last night.
Tumingin siya sa wristwatch niya. Mag aalas kuwatro pa lang ng umaga. Isang oras pa bago siya sunduin ni George. Ang tagal pa pala niyang maghihintay. Oo nga pala. Maagang maguumpisa ng shoot ang Young and Free ngayon. Tama, sisilipin na lang muna niya ang preparasyon ng shoot habang hinihintay niyang mag alas singko. Sa naisip ay mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at susi ng silid niya at lumabas.
Dahil madaling araw pa lang ay tahimik ang paligid nang lumabas siya. Hanggang sa makababa siya sa first floor ay wala siyang nakasalubong na tao. Nakalabas na siya at palakad na siya patungo sa dalampasigan kung saan naroon ang staff ng Young and Free nang may pigura siyang nakita sa gilid ng kanyang mga mata.
Huminto siya sa paglakad at lumingon doon. Napamata siya nang makitang si
George pala ang nakita niya. Nakatayo ito sa tabi ng motorsiklo nitong sa pagkakatanda niya ay ang gamit nito noong kolehiyo sila. At nakangiti ito habang nakikipag-usap sa kung sino. Lumipat ang tingin niya sa kausap nito. Parang may kabayong sumipa sa dibdib niya nang marekognisa kung sino iyon. Matagal na panahon na ang lumipas pero hindi siya maaring magkamali. It was Mikha, ang babaeng nakita niyang kahalikan nito noon, his fiancée.
Bakit magkasama ang mga ito nang ganoon kaaga? At mukhang ang saya saya pa ng mga ito habang nag-uusap? She suddenly felt something painful in her chest. Then, her heart seemed to stop beating when Mikha tiptoed and hugged George tightly. At si George naman ay nakangiti pa nang gumanti ng yakap sa babae. Nanlaki ang mga mata niya nang pumorma si George na hahalikan si Mikha.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi na niya gusto pang makita ang eksenang iyon. It would be too much. Subalit ano ang ibig sabihin ng eksenang iyon? She thought George missed her. She actually thought that he loves her. But then, he’s acting that way towards another woman. No, it’s not another woman. It was his fiancée. Nawala lamang sa isip niya ang bagay na iyon dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya. She’s so stupid.
Tatalikod na sana siya nang may biglang lumapit sa kanya. Si Coffee “Risha, sabi ko na nga ba ikaw iyan? Is that a disguise? Anyways mabuti at nakita kita bago ka umalis. I forgot to interview you regarding… hey, are you crying?” manghang tanong nito.
Nilingon niya ito kasabay ng marahas na pagpunas niya ng luhang hindi niya namalayang tumulo na pala. “No, I’m not –
“Patricia?” tawag sa kanya ni George.
Nakagat niya ang ibabang labi bago lakas loob na bumaling rito. Gulat ang nababasa niya sa mukha nito. Habang ang babaeng kasama nito ay may curisousity sa mukha. Naramdaman na naman niya ang pagtulo ng luha niya. Marahas niya iyong pinunasan at umatras.
“Wait, this is not what you think okay. Let me –
“I don’t care!” hindi niya napigilang sigaw. Bahagya itong napahinto sa tangkang paglapit sa kanya. She looked straight at him. Mas mabuti nang makita nito kung gaano siya nito sinasaktan. “Why are you doing this to me George? Bakit palagi mo na lang akong pinaglalaruan? Am I really that naïve to you?”
Bumakas ang pagkataranta sa mukha nito. “No, of course not. Listen Patricia –
“No! I won’t listen to you anymore! I won’t trust you anymore so just… just leave me alone! Just stick with your fiancée at huwag mo na akong guluhin!” sigaw niya at tuluyan nang tumalikod. Patakbo siyang lumayo sa mga ito.
Napasinghap siya nang bigla siya nitong hawakan sa braso at hatakin paharap. Nanalaki ang mga mata niya nang walang kaabug-abog na siilin siya nito ng halik sa mga labi. Pagkuwa’y naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa baywang niya.
Hindi siya nakahuma. Kahit nang pakawalan na nito ang mga labi niya ay maang na nakatingin lang siya rito.And when she met his eyes, she became speechless.
“Are you calm now? Can you listen to me now?” mahinang tanong nito.
Nakita niya sa gilid ng kanayang mga mata ang pag-ngiti ni Coffee habang nakatingin sa kanila at ang pagtakip ni Mikha ng palad sa bibig nito. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking ito at hinalikan siya sa harap ng fiancée nito? himbis na matuwa siya ay nahiya pa siya sa sarili niya.
Tinangka niyang kumalas dito ngunit hindi niya maialis ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya. “Why… did you kiss me? And in front of her?”
Bumuntong hininga ito at tumitig sa kanya. “Why you say. Because I want to kiss you. I even want to kiss you in front of everybody to let them know how much you mean to me. And to let you know how special you are to me.”
Napatitig siya rito. “But... she’s your fiancée,” parang bikig sa lalamunan niya ang dating niyon nang sabihin niya.
“That’s what I want to say to you today. She was my fiancée. Was. Bata pa kami nang ipagkasundo kami ng mga magulang namin. But the catch was, we will just get married if we still haven’t found a person to love when we reached thirty. But I found you. Pero bago ko maipaliwanag sa iyo ang lahat ay nawala ka na. I tried to found you pero hindi ko nagawa dahil bigla akong ipinadala sa amerika ni papa. Please believe me Patricia.”
Napamaang siya rito. Parang tunog alibi ang sinabi nito sa kanya. Sinong mga magulang ang gagawa niyon sa panahong iyon?
“It’s true,” singit ni Mikha. Napatingin siya rito. May ngiti na sa mga labi nito. “Yun nga lang hindi niya sineryoso ang kasunduang iyon noon pa. Pero ako sineryoso ko iyon. Because honestly, I did fell in love with him then. Ang kaso hindi niya ako type. At ang lakas pa ng loob niyang sabihin sa aking may mahal na siyang babae kahit nag-effort akong dalawin siya sa eskuwelahan niya?! So, I kissed him to let him know that he could not resist me. But even my kiss was rejected since he didn’t respond. I really hated George then,” mahabang sabi nito. Pagkuwa’y tumingin sa kanya. “Besides, I know ever since that he has a weird taste when it comes to women. And I’m already married,” anitong nagningning pa ang mga mata.
Ibinalik niya ang tingin kay George na nakatitig lamang sa kanya. “T-totoo?”
Ngumiti ito. “Oo naman. Kasalanan ko rin na hindi ko nasabi kaagad sa iyo ang tungkol doon. It’s just that whenever I’m with you, I tend to forget everything not related to you. Besides, I would never ever play with you. Because I love you. I fell in love with you the moment you bump in me, and you loose your eye glasses. I don’t even know why, but... it just hit me then. That’s why I asked Martin to find out who you are. Kahit illegal pa ang gawin niyang paraan. Hindi ko lang masabi sa iyo ng maayos noon. Kaya sasabihin ko na sa iyo ngayon. Patricia Abejar, I know I’m not perfect, I have lots of shortcomings, and you know I am not a good person either. But one thing I can assure you, I love you.”
Napahikbi siya. “Oh, George, I love you too. I’m sorry for not trusting you. From now on, I will believe in you.” Niyakap niya ito ng mahigpit. “I love you.”
Gumanti ito ng yakap. “I know. I feel the same way too you know.”
Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap dito at nagkusa nang dampian ito ng halik sa mga labi. Then, a camera flushed. Sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan niyon. Nakangising si Yuuji at Coffee ang nakita nila.
“Now, I got to get a remembrance,” sabi pa nito.
“Pahingi akong kopya niyang ha, gagamitin ko sa column ko,” sabi naman ni Coffee. Pagkuwa’y tumingin sa kanila. “Pwede naman siguro no? May naitulong naman ako kaya kayo nagkasundo.
Nagkatinginan sila ni George pagkuwa’y sabay pa silang natawa. “Do whatever you want,” sagot ni George pagkuwa’y hinawakan siya nito sa kamay at hinatak siya.
“Bakit?” gulat na tanong niya.
Pinisil nito ang kamay niya at lumapit sa motorsiklo nito. “It’s already five. You promised to watch the sunrise with me right?”
Oo nga pala. Napangiti siya. “Yes.” willing din siyang panoorin ang mga susunod pang pagsikat ng araw. Kahit gumising pa siya palagi ng maaga. Basta kasama niya ito.
“O siya, umalis na kayo,” taboy sa kanila ni Mikha nang makasampa na sila sa motor.
Tumawa si George at binuhay ang makina. “Kapit.”
And she oblige. She hugged him tight. “If I fall you need to take responsibility,” sabi niya rito.
Bahagya itong lumingon sa kanya at ngumiti. “I will.”
And that’s enough for her.