“I’M glad you like it.”
Mula sa pagkakatitig sa mga bulaklak ay mabilis na napalingon si Risha sa pinto nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Her heart skipped when she saw George leaning on the frame of the door. Nakatitig ito sa kanya.
“P-paano ka nakapasok?”
Dumeretso ito ng tayo at isinara ang pinto. Bahagya siyang napaatras. “You didn’t close the door Patricia.”
Oo nga pala. Dahil sa pagkakakita niya sa mga bulaklak ay nawala sa loob niyang isara ang pinto. But still, does he has to enter her room just like that. At gaano katagal itong nakatayo roon nang hindi niya napapansin? Nakita kaya nitong nakatitig siya sa mga bulaklak? She suddenly felt embarrassed. “S-so? Does that give you permission to enter my room?” aniya rito upang itago ang pagkapahiya.
Nanatili ito sa kinatatayuan nito. Mukha namang wala itong balak na lumapit sa kanya. Bagkus ay sinalubong nito ang mga mata niya. Ni mukhang wala itong balak magsalita. Basta nakatitig lamang ito sa kanya na para bang miss na miss siya nito. Natigilan siya. Possible nga bang namiss siya nito? Imposible. “A-ano bang kailangan mo? At... para saan ang bulaklak na iyan?” turo niya sa mga rosas.
Bumuntong hininga ito. “I want to say sorry. For saying those harsh words to you the last time we saw each other. Kahit pa iyon ang unang beses na nagkita tayo makalipas ang mahabang panahon. I... didn’t really mean that. Nagulat lang ako na makita kitang ganyan.”
She was caught off guard by what he said and by the look on his face. It was the same expression he had before when he is embarrassed, or when he has a lot of things to say but he can’t. “I-is that it?” tanong niya.
Nag-iwas ito ng tingin. “Yes. But it doesn’t mean na pabor na ako sa pagpapakita mo ng katawan. O, sa pagbibihis mo ng ganyan. For me, I still like the old you.”
Napatitig siya rito. I still like the old you. Kung ganoon ay mas gusto nito noong mukha siyang old-fashioned at nakasalamin sa mata? Wala siyang makapang salita na maari niyang isagot dito.
Tumingin ito sa kanya at bumuntong hininga. “But still, I am glad to see you again Patricia. Your shoot will start any minute already right? Halika na, ihahatid na kita hanggang sa baba.”
Napakurap siya. “H-hindi na kailangan,” tanggi niya. Nakakawindang ang biglang kabaitang ipinapakita nito sa kanya.
Bumakas ang inis sa mukha nito. “Halika na sabi. I am being considerate here okay.”
Bago pa siya makahuma ay nakalapit na ito sa kanya at nahawakan siya sa braso. “Do you have to bring anything?” tanong nito. Nang umiling siya ay inakay na siya nito palabas ng silid niya.
Manghang nakatingin lamang siya rito habang naglalakad sila. Nang lingunin siya nito ay bahagyang kumunot ang noo nito. “Bakit?”
Napakurap siya. Bigla na naman kasi niyang naalala ang nakaraan. Ganoong ganoon kasi ang ugali nito noon. Gusto palagi ito ang masusunod. Pero himbis na mainis siya noon sa pagiging bossy nito ay natutuwa pa siya. Because she knew then that it was his own way of showing he cares. “W-wala,” sabi na lamang niya. “Thank you for the flowers by the way.”
Hindi ito sumagot. Pero nang makababa sila sa first floor ay mahina itong nagsalita. “That’s nothing compared to the pain I brought you before.”
Napatingin siya rito. Tipid itong ngumiti. “Sige na. Hayon ang mga kasama mo hindi ba?” anitong bahagyang lumingon sa malapit sa entrance.
Nang lumingon siya roon ay nakita niya nga si Andi at Tiffany, gayun din ang ilang staff ng Young and Free na nakatingin sa kanila. Muli siyang bumaling kay George.
Her heart seems to melt when she saw the soft expression in his eyes while looking at her. It seems as if he has a lot to say to her. Tipid itong ngumiti at tinapik siya sa ulo na tulad ng ginagawa nito sa kanya dati. “Break a leg. I’ll try my best not to get angry when I saw you in two piece again.” Pagkasabi niyon ay walang anumang lumakad ito palayo.
Sinundan niya ito ng tanaw hanggang sa lumiko ito at mawala na sa paningin niya. Napabuntong hininga siya. For a moment there she had the urge to hug him. Kung makatingin kasi ito ay parang ganoon din ang gusto nitong gawin sa kanya. Parang bigla gusto niyang kalimutan ang mga hindi magandang bagay na namagitan sa kanila noon. Parang ang gusto na lamang niyang alalahanin ay ang mga panahong sa sarili nitong paraan ay pinapakita nitong mahalaga siya rito.
She sighed again. Pagkuwa’y nagsimula nang lumakad palapit kina Andi.
“AYAN, okay na iyan Miss Risha, mukha ng sun kissed ang balat mo,” nakangiting sabi ni Darlyn sa kanya.
Napakurap siya at napatingala rito. Kung saan-saan na naman lumilipad ang isip niya at nawala sa loob niya na inaayusan nga pala siya ni Darlyn para sa shoot. “Thank you,” tipid na sagot niya.
Kunot ang noo nito. “May problema ba Miss Risha?”
Napatingin siya rito. Pagkuwa’y pilit na ngumiti. “W-wala. Sige ha, pupunta na ako doon,” sabi na lamang niya. Napailing siya. She should not affect her work just because she could not forget the look on George’s face a while ago. O kahit pa marami siyang gustong itanong rito. Tama, nakapagdesisyon na siya. Pagkatapos ng shoot na iyon ay makikipag-usap siya ng masinsinan dito.
Lumapit na siya sa dalampasigan kung saan kasalukuyang kinukunan si Ace Ricafort, isa ring modelo at kasama niya sa Timeless. Hindi niya naiwasang mapangiti nang makitang ang mga babaeng artista at modelo na kasali sa pictorial na hindi mapigilang titigan si Ace. Paano ay walang ibang suot ang binata kung hindi swimming trunks. Kulang na lang tuloy ay dambahin ito ng mga babae roon.
Lalong lumawak ang ngiti niya nang masalubong ang mga mata ni Ace. Ngumiti ito at napailing. Nang sabihin nang photographer na tapos na itong kunan ay lumakad ito palapit sa kanya.
“Ang dami mong fans,” nakangiting komento niya.
Bumuntong hininga ito. “Nagkataon lang na puro babae ang nandito. Wait when it’s your turn. Lahat ng lalaki sa iyo nakatingin,” sagot nito.
Nagkibit balikat siya. “I’m getting used to it.”
Tumitig ito sa kanya. “Are you okay?”
Nabigla siya sa tanong nito. “Yes. Why?” takang tanong niya.
Ito naman ang nagkibit balikat. “Wala naman. So, did you meet the owner already?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Ace! How did you know that... I mean...”
Ngumiti ito. “Sorry. I just heard about it from a very nosy person. Sinusubukan ko siyang pigilan na makielam sa inyong dalawa ng first love mo pero ayaw niyang magpapigil.”
“F-first love?” pagkuwa’y bigla niyang naalala kung kanino niya naikuwento ang tungkol roon. “Si Coffee ba ang nagsabi niyang sa iyo?” manghang tanong niya.
“Who else”, paiwas na sagot nito.
Si Coffee ay isang sikat na showbiz reporter. Ito ang reporter na kung saan saan sumusulpot. Madalas hindi niya ito nakikita pero kapag nabasa na niya ang article nito sa Star Magazine ay malalaman na lamang niya na naroon din pala ito.
Natatandaan niyang isang beses ay ininterview siya ni Coffee at may naitanong ito tungkol sa kanyang unang pag-ibig. Dahil masyado itong friendly at nangako itong kung hindi niya iyon gustong ipaalam ay off the record iyon kaya nasabi niya rito ang tungkol kay George. Subalit sa pagkakaalam niya ay hindi siya nagbanggit ng pangalan dito.
Tumingin sa kanya si Ace. “Pero kahit ganoon ang babaing iyon, gusto lang niya na maging masaya ang mga tao sa paligid niya. Ikaw lang talaga ang target niyang pasayahin ngayon.”
Pasayahin? What does it mean?
“Miss Risha, it’s your turn,” tawag sa kanya ng isang staff.
Tumingin siya rito at ngumiti. Pagkuwa’y bumaling siya kay Ace. Bakas pa rin ang concern sa mukha nito. Napangiti siya. Kahit noon ay may brotherly aura talaga ito sa kanya. And she’s thankful of that. “Thanks Ace.”
Gumanti ito ng ngiti. Tumalikod na siya at lumusong sa tubig. Humarap siya sa photographer at huminga ng malalim. Time to do her job.