TAHIMIK na nakatitig si Risha sa repleksiyon niya sa salamin habang abala si Darlyn sa kung anong ginagawa nito sa buhok niya. Kahit ayaw niya, ay bigla na naman niyang naaalala ang mga sinabi ni George. Napatitig siya sa blonde niyang buhok. Does she really look cheap with her hair? Bigla tuloy siyang nainsecure.
“Sa tingin mo ba dapat ko ng ipaitim ang buhok ko?” wala sa loob na tanong niya. Naramdaman niyang huminto ito sa ginagawa. Tiningnan niya ito sa salamin. “Ano sa tingin mo Darlyn?” alanganing tanong niya.
Ngumiti ito. “Bagay naman sa iyo ang blonde Miss Risha. Ikaw nga lang ang kilala kong pilipina na bagay ang ganyang buhok. Pero kung gusto niyo naman ng bagong look pwede rin. Kaya lang hindi ba asset niyo iyan?” malumanay niyang sagot.
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Oo nga naman. For ten years, her hair has been her asset. Hindi siya dapat makaramdam ng pagdadalawang isip sa sinabi ni George. Because if she does, it would be her lost. “You’re right. I think I’ll just leave it like that. Besides, hindi ako magpapaapekto sa mga sinasabi ng lalaking iyon,” usal niya.
Ngunit kahit sinabi niya iyon ay parang nag-e-echo na naman sa utak niya ang mga sinabi nito sa kanya. “Darlyn.”
“Hmm?”
“Kapag sinabihan ka ng isang tao ng mga nakakainis na mga bagay anong gagawin mo? I mean, kapag ang mga sinasabi niya ay nakakagalit talaga?” tanong niya rito. Hindi niya ugaling magbukas ng ganoong usapan sa kahit na sino. But she just felt like she can trust Darlyn. Isa ito sa mga kaunting taong pinagtitiwalaan niya mula ng maging modelo siya. Isa pa ay kailangan niya ng payo sa mga oras na iyon.
Tila naman nag-isip ito habang ipinagpatuloy ang ginagawa nito sa buhok niya. “Sumasagot ako. Pagsisisihan ko lang kung hindi man lang ako makakasagot sa kanya.”
Tumingin siya rito. “Paano kung hindi naman siya apektado sa mga sinasabi mo? Paano kung himbis na makaganti ka lalo ka pang magalit sa sasabihin niya pa?”
Tiningnan siya nito pagkuwa’y ngumiti “Sasampalin ko siya. O kaya para mas masakit susuntukin ko. Para di na siya makapagsalita,” aniya sa pabirong tono.
Bigla siyang natawa. Parang alam na niya kung kanino nito ginagawa iyon. “That’s a good idea. Ganyan ba ang ginagawa mo kay Eman?” nakangiting tanong nito. Si Eman ay kapwa niya modelo sa Timeless Modeling Agency. Kababata ito ni Darlyn. Halos kasabayan niya lang pumasok sa pagmomodelo si Eman at noon pa man ay kapansin pansin niya ang kulit nito. Si Darlyn ang madalas nitong asarin. Pero alam nilang lahat sa Timeless, na ginagawa lamang iyon ni Eman dahil mahal nito si Darlyn. Only Darlyn doesn’t seem to notice it.
Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Hindi lang. Pagdating sa kasing harot at sama ng ugali na gaya ng lalaking iyon kailangan ko pang sumigaw para makinig siya. Minsan sinisipa ko siya o kaya binabato ng kung anu-ano. Sa ngayon ay tinatangka ko siyang kalbuhin. Alam ko kasing mahal na mahal niya ang buhok niya,” dere-deretsong sabi nito habang abala ang mga kamay nito sa buhok niya.
“You two are really close,” komento niya. Bigla siyang nakaramdam ng inggit sa relasyong mayroon ito kay Eman. Parang ang saya-saya. Parang walang komplikasyon. At halatang may gusto rito si Eman. Base rin naman sa ikinikilos ni Darlyn ay may gusto rin ito sa binata. Hindi pa nga lang nito inaamin iyon. Unlike her one-sided love. And to an arrogant man at that.
“Naku hindi no!” tanggi nito.
Napangiti na naman tuloy siya sa reaksiyon nito. Pabiro niya itong tinaasan ng kilay. “Oh? Pero tuwing nagkikita kayo at nag-uusap parang ang close close niyo.”
“Alam mo naman iyong lalaking iyon, lahat ng tao kinakausap na parang kaibigan niya. Besides we grew up together kaya ganoon,” sagot nito.
“Hmm, but I think he treats you differently. Or maybe it’s just my imagination,” sabi naman niya.
Tumawa ito. “I think it’s just your imagination Miss Risha,” sagot nito.
Natawa siya dahil mukhang naiilang na ito sa usapan. “Well let’s see,” sabi na lamang niya.
Sabay pa silang napalingon nang makitang pumasok sa Celebrity Trend si Eman na may kasamang isang babae. Sa pagkakaalam niya ay isang socialite iyon. Nang sulyapan niya si Darlyn ay nakita niya ang bahagyang inis na dumaan sa mukha nito.
“Hi there Darlyn,” bati ng socialite.
“Hi,” simpleng sagot nito.
“Magpapagupit daw siya,” sabi naman ni Eman na nakangiti pa. Bumaling ito sa kanya. “Hi Risha.”
Base sa ngiti nito ay parang nahuhulaan na niyang sinadya nitong magpunta roon na may kasamang babae. Siguradong upang inisin na naman si Darlyn. At mukhang nagtatagumpay ito. “Ikaw talaga Eman,” sabi niya rito. Bahagya siyang napailing nang ngumisi ito at bahagyang hinawi ang buhok. Mukhang nagkakaintindihan sila. As always, Eman is trying to make Darlyn jealous.
Nakakainggit talaga ang dalawang ito. Lihim na lamang siyang napabuntong hininga.
NAKARAMDAM ng kakaibang kaba si Risha nang papasok na sila sa resort kung saan gaganapin ang shoot nang Young and Free. Lalo na nang mapatingin siya sa pangalan ng resort. Calma Beach Resort. O baka coincidence lamang na kapangalan iyon ng kumpanya ni George? Tama, ganoon nga iyon.
Nang bumaba sila ng sasakyan ay agad silang sinalubong ng isang morena at maliit na babae. Ngumiti ito. “Hi. Kanina ko pa kayo hinihintay.”
“Ikaw ba ang in charge sa shoot Mandy?” tanong ni Tiffany.
Bumaling rito ang tinawag nitong Mandy. “Actually hindi ate. Ako lang ang in charge sa accommodation.”
Ate? Tinawag niyang ate si Tiffany. Lumingon sa kanya ang babae at malawak na ngumiti. “Hi. Nice to finally see you Miss Risha Abejar,” bati nito. Alanganin siyang gumanti ng ngiti. Para kasing may kakaiba sa paraan ng pag-ngiti at pagtingin nito sa kanya.
“Oo nga pala Risha, kapatid ni Andrew si Mandy,” nakangiting sabi ni Tiffany.
“Oh. Kaya pala ate ang tawag niya sa iyo,” komento niya.
Tumawa si Mandy. “Yep. May ate na ako. Tara, sasamahan ko kayo sa magiging kuwarto niyo.”
Sumunod naman sila rito. Habang tinatahak nila ang loob ng resort ay namamangha siya sa ganda ng paligid. Isang tingin pa lang ay halatang mahal na roon. at tutuloy pa silang lahat sa mga silid doon?
“Mukhang malaki ang budget ng Young and Free para sa shoot na ito ha. Mukhang mahal dito,” komento ni Andi.
Lumingon sa kanila si Mandy at ngumiti. “Actually sponsored ang venue na ito. Ang may-ari mismo nang resort ang nag-offer sa amin na dito ganapin ang shoot.” Pagkasabi niyon ay tumingin ito sa kanya at lumawak ang ngiti. Lalo lang tuloy siyang kinabahan sa inasal nito.
“Wow, bakit naman kaya. Good Samaritan lang kaya siya?” tanong ni Andi.
Nagkibit balikat si Mandy. “Siguro. Pero sa tingin ko rin ay may sarili siyang agenda. Hay nakakainggit.”
Huminto sila sa isang silid. “Andi, this will be your room. Ang katabi naman nito ay sa amin ni ate Tiffany.”
“Oh magkasama ba kami ni Risha?” tanong ni Andi.
Makahulugang ngumiti na naman ito. “No. sasamahan ko pa siya sa room niya. Let’s go Miss Risha.” Nagsimula na naman itong lumakad.
Tumingin muna siya kina Andi bago sumunod kay Mandy. Nang umakyat ito nang hagdan ay hindi na niya napigilang magtanong. “Bakit nasa taas ang kuwarto ko?”
“Wala na kasing vacant sa baba”
Hindi siya kumbinsido sa sagot nito. lalo pa nang makitang mas engrade ang itsura nang ikalawang palapag. “Mandy, may kailangan ba akong malaman? I mean, this is weird right?”
Huminto ito sa tapat ng isang silid bago lumingon sa kanya. Ngumiti ito. “Just don’t worry about it too much Miss Risha. Here’s your room. The first part of the shoot will start later this afternoon kaya pwede naman kayong magpahinga muna.” Inabot nito sa kanya ang susi pagkatapos ay umalis na ito. Saglit siyang nanatili sa tapat ng pinto bago buntong hiningang binuksan iyon.
Katulad nang inaasahan niya ay malaki at magarbo nga ang silid na iyon. Ngunit ang unang umagaw nang atensyon niya ay ang nakapatong sa center table. Isang vase na puno ng red roses. Sumasal ang t***k nang puso niya. Isang tao lang ang naalala niya kapag nakakakita siya ng pulang rosas.
Lumapit siya roon at tumitig sa mga bulaklak. Bahagya niyang hinaplos ang mga iyon. Walang card na nakaipit doon. Her heart clenched. Sigurado siyang hindi lamang coincidence kaya naroon iyon. Because her heart is telling her that the flowers were from George. It is so him to not put card on it. Napangiti siya.
Pero teka, bulaklak lang ay lumalambot na agad ang puso niya? Napailing siya. Hindi puwede. Malaki ang kasalanan nito sa kanya. Hindi siya madadala ng bulaklak. Hindi puwede. Napatingin na naman siya sa mga bulaklak. Napabuntong hininga na naman siya. I am so pathetic. Because, deep inside, she’s happy.