"Hon, tutulogan mo na naman ba ako? isang lingo din tayong hindi nagkita, pero hindi ko man lang ma feel na nami-miss mo ako!" may pagka irita na tanong ni Natasha, sa kanyang asawa, habang inaalog nya ito upang magising. Nagtagal pa naman sya sa shower, para paghandaan ang muli nilang pagtatabi ni James. Ngunit paglabas nya ng kanilang banyo ay naka pikit na ang mga mata ng kanyang asawa. Hindi man lang sya nito hinintay, upang maka pag-usap pa sila at makapag happy time man lang sila bago sila matulog.
"Ang tagal mo naman kasing kumabas Hon, kaya inantok na ako..." tamad na sagot ni James.
Bigla naman dumapa si Natasha sa ibabaw ni James, saka nya, hinalikan ang labi ng kanyang asawa. Miss na miss na niya ito, kaya gusto n'yang maramdaman ang bawat paghalik at yakap nito sa kanya.
"Hon, before i forgot! may naka usap pala akong magaling na O & G Specialist sa States." biglang naalala ni Natasha, ang pinuntahan n'yang doctor sa America, para magtanong kung ano ang mga iba pang paraan upang magkaroon ng anak ang isang couple na walang kakayahan na mag buntis ang babae.
Two years ago, ay napag alaman ni Natasha, na may deperensya sya sa kanyang ovary, kaya hindi sya nabubuntis. Iyak sya ng iyak noon matapos n'yang malaman na sya pala ang may problema at hindi si James. Matagal din bago niya natanggap ang katutohanan na kailan man ay hindi sya magkaka anak dahil baog sya. Ngunit ang pangarap n'yang mag karoon ng anak ay hindi nabago. Kaya lagi n'yang kinukumbinsi si James, na mag ampon na lamang sila ng bata, sa bahay ampunan. Ngunit ayaw ni James, dahil para sa kanya ay hindi naman importante kung mag kaanak man silang mag-asawa o hindi. Ang mahalaga kay James, ay mag kasama silang lagi ni Natasha. Ngunit makulit si Natasha, dahil kung saan-saan pa ito nag patingin sa mga specialist, para lang maka hanap sya ng lunas sa kanyang kapansangan. Hanggang ngayon ay lagi pa rin n'yang pinipilit si James na mag ampon na lang sila.
"Ano na naman ba ito, Natasha?! hindi ba't napag usapan na natin ito na itigil mo na ang pag punta-punta mo sa mga Doctor." hindi napigilan ni James, na mag taas ng boses, dahil sa inis nya sa kanyang asawa.
"James, ito na ang pag kakataon natin para matupad ang matagal na natin pinapangarap. Intrauterine insemination (IUI) yun ang tawag sa bagong technology na ini-offer sa akin ng OB. Mag babayad tayo ng isang babae, para magdala ng anak mo, James. Ang gagawin mo lang ay magbigay ng Sperm cell mo, at iyon ang gagamitin nila para ipasok sa cervix, fallopian tubes or uterus ng babae. Ang babaing babayaran natin ang magdadala ng magiging anak natin James, magkakaroon na tayo ng anak na matatawag natin na atin..." halos maluha si Natasha, dahil sa pinag halong saya at pananabik na magkaroon na sila ng anak na mag-asawa. Gustong gusto na n'yang mag-alaga ng baby at matawag na Mommy. Kaya lahat ng paraan ay gagawin nya matuoad lamang ang kanyang pangarap.
"NO!!!" mariing pagtanggi ni James, sa gustong mangyari ng kanyang asawa. Bigla din n'yang itinulak si Natasha, sa kama saka sya umupo sa gilid at nasapo ang kanyang ulo.
"But why? diba sabi mo gusto mong mag kaanak kung sayo mismo manggagaling ang anak na aalagaan natin?" nagtatakang tanong ni Natasha, hindi talaga nya maunawaan ang gusto ng kanyang asawa. "Ito na ang pag kakataon natin James, pumayag kana please..." paki usap ni Natasha, sa kanyang asawa. Parang gusto na rin n'yang umiyak para kaawaan sya ng kanyang asawa.
"Kung magka anak man ako, gusto kong sa akin mismo siya nanggaling. Yung ako mismo ang gumawa at hindi ginawa sa pamamagitan ng experimento! test tube baby? isang experimento lamang yun Natasha, at hinding hindi ako mag bibigay ng sperm, para lang sa isang experimento nyo! at hindi ko pa rin aangkinin na anak ko yon, dahil magmumula lamang iyon sa isang injection na ipapasok sa loob ng matres ng babae!... Ngayon Natasha, sabihin mo sa akin kung paano ko tatanggapin na anak ang isang batang hindi ko naman binuo." malakas na sigaw ni James, kay Natasha. Hindi na rin nya napigilan ang kanyang sarili at talagang nasigawan na nya ang kanyang asawa. Hindi nya alam kung nasaan ang utak ng kanyang asawa ngayon. Napaka talino naman nito, bakit ngayon ay tila nilamon na ng kanyang pangarap na magka anak ang kanyang utak. Pati ang artificial insemination at gusto ng patulan, matupad lamang ang pina pangarap nitong mag kaanak.
Umiyak na lang si Natasha, dahil sa sama ng loob sa kanyang asawa. Bakit ba hindi sya maunawaan nito. Simple lang naman ang gusto nyang mangyari, iyon ay ang mag karoon sila ng anak na dalawa. Bakit minamasama ito ng kanyang asawa, ang mga ginagawa n'yang hakbang upang matupad ang kanilang matagal ng pina pangarap. Isang simpleng pag sang-ayon lamang ang gagawin ni James, at siya na ang bahala sa lahat.
"Bakit ba hindi mo ako maintindihan, James? ginagawa ko ang lahat ng ito para din sa'yo... sa atin... para pagtanda natin ay meron tayong maiiwanan ng lahat ng meron tayo ngayon. Ano bang gusto mong gawin ko? gusto mo bang kumuha ako ng babae na aanakan mo? sabihin mo, James, kung iyon lamang ang tanging paraan para pumayag ka! maghahanap ako ng babaing papayag na tumihaya at magpa anak sa'yo. Gagawin ko yun, James, basta pumayag ka lang... kahit masakit sa akin, ipipikit ko na lang ang mga mata ko para sa'yo!." halos mamaos ang boses ni Natasha, na pagmamakaawa sa kanyang asawa. Siguro nga ay baliw na siya, kaya nasabi na rin nya ang lahat ng mga binitiwan n'yang salita. Pero kung iyon lamang ang makakapag pabago ng isip ng kanyang asawa. Ura mismo, maghahanap sya ng babaing may kakayahan na magbuntis, para anakan ng kanyang asawa.
"Sino namang babae ang papayag na mag paanak sa lalaking hindi nya kilala? sige, maghanap ka ng babaing katulad mong disperada, baka sakali na pumayag nga na maanakan ko.!" pauyam na sagot ni James. Ayaw man n'yang patulan ang asawa n'yang disperada sa anak, ay hindi naman nya mapigilan ang kanyang sarili dahil sa pagka inis nya sa asawa.
Biglang tumayo mula sa kama si James, at mabilis na lumabas ng kanilang kuwarto. Naiinis sya kay Natasha, dahil sa mga pinagsasasabi nito. Magpa palipas muna siya ng init ng ulo at galit sa kanyang asawa. Baka masaktan pa nya ito, kung ipipilit pa rin sa kanya ni Natasha, ang mga gusto nito. Pabalibag pa n'yang isinara ang dahon ng pinto, kaya lumikha ito ng napaka lakas na lagabog sa buong kabahayan.
Bumaba na lang si James, at nagtungo sa kanyang Bar Counter. Agad din s'yang kumuha ng baso at ice cubes, saka nagsalin ng alak sa kanyang baso at agad nya itong nilagok. Ilang sunod-sunod na tagay pa ang kanyang ginawa, saka nya bintawan ang kanyang baso. Parang gusto na rin n'yang magwala dahil sa pagka inis nya kay Natasha. Bakit ba napaka disperada ng kanyang asawa, pagdating sa usaping anak? bakit hindi na lamang ito makontento sa buhay nilang dalawa. Halos wala na nga silang pahinga na mag-asawa, dahil sa dami ng mga trabahong naka atang sa kanilang mga balikat. Pero gusto pang kumuha ng dagdag alagain nila.
Hahamunin pa sya na ihahanap sya ng babaing papayag na mag paanak sa kanya. Natawa na lang si James, sa isiping iyon. Natanong tuloy nya ang kanyang sarili, kung matino pa ba ang isip ng kanyang asawa? bakit ito nakaka pag-isip ng mga ganong bagay, kung matino ang isip nun. Hindi kaya naka drugs ang kanyang asawa? pero napaka imposible na mag take ng drugs si Natasha, dahil sigarilyo nga ay ayaw nito ang amoy.
Umabot din ng isang oras na naka upo si James, sa kanyang high chair. Nararamdaman na rin nya ang ipekto ng alak sa kanyang katawan, kaya minabuti n'yang pumanhik na sa taas upang matulog. Baka tulog na rin ang kanyang asawa ngayon, kaya wala ng mambubwesit sa kanya.
Hindi namalayan ni James, na naparami pala sya ng inom. Kaya naman pagtayo nya ay biglang umikot ang kanyang paligid. Napa hawak pa sya sa kanyang upuan dahik para s'yang matutumba ng sya'y makatayo. Pasuray suray din s'yang nag lakad, paakyat sa kanilang kuwarto ng kanyang asawa.
Pag dating niya sa taas ng hagdan ay parang gusto na n'yang matulog. Kaya bigla na lang s'yang humiga sa sahig dahil hindi na nya kaya ang kanyang sarili.
Hindi naman mapakali si Natasha, sa loob ng kanilang kuwarto ni James. Gusto man niyang sundan si James, sa labas ngunit nag-aalala naman sya na baka sigawan na naman sya nito at marinig pa sila ng kanilang mga katulong. Mabuti na lang at sound proof ang kanilang kuwarto, kaya alam niyang walang nakarinig sa kanilang pagtatalo na mag-asawa. Ayaw kasi n'yang silang mag-asawa ang laman ng usapan ng kanilang mga katulong sa bahay. Kaya naman kapag nasa harapan nila ang kanilang mga katulong ay hindi sila nagpapakita ng anu mang hindi maganda. Sa loob lang ng kuwarto sila nag uusap at nag sisigawan.
Hindi na rin bago sa kanya na masigawan ni James. Dahil lagi talaga silang nag tatalo na mag-asawa, simula pa noon. Lalo na kapag madalas s'yang wala sa bansa dahil sa kanyang Modeling Career at nabalitaan n'yang nasa Party si James, at may mga kinakausap na babae. Nag seselos kasi sya sa mga babaing nakaka salamuha ni James, kaya lagi silang nag-aaway na mag-asawa. Dahil ayaw n'yang paniwalaan na kaibigan lamang ni James, ang mga kina kausap nya.