....
Kinabukasan ay abala ang lahat sa paglilinis ng buong Mansion. Darating na kasi ang kanilang Ma'am Natasha, kaya kailangan malinis ang buong bahay. Galing ang kanilang amo sa ibang bansa at isang lingo itong hindi umuwi, dahil sa kanyang Modeling Career.
Ayaw na ayaw kasi ni Natasha, na nadadatnan ang kanyang bahay na marumi o maalikabok. Maselan kasi ang balat nya at madali syang mangati, kapag marumi ang kanyang paligid. Lagi din ito nagba bahing kapag maalikabok ang paligid niya. Kaya laging sinisiguro ng mga katulong nito sa bahay na malinis ang lahat kahit sa kasulok-sulukan na bahagi ng bahay.
"Emily, naayos mo na bang mabuti ang mga gamit ni Ma'am Natasha? baka kasi magalit sya kapag hindi maayos ang mga gamit nya. Ang gusto pa naman nun ay laging naka organized ang kanyang mga gamit." nag aalalang tanong ni Belen, kay Emily. Kilala na nito ang kanilang amo, dahil mahigit tatlong taon na rin sya sa paninilbihan sa mag asawang James at Natasha.
"Tapos na Ate Belen, pati ang mga damit na naka hanger na medyo kusot ay na plansa ko na rin. Ganong din sa kanyang Vanity cabinet, malinis na at maayos na ang kanyang mga gamit." sagot ni Emily, kinakabahan din sya dahil ayaw n'yang mapagalitan sya ng kanyang amo sa una nilang pagkikita.
"Mabuti naman kung ganon. Ang huli kasing taga linis at taga ayos sa kuwarto ni Ma'am ay pinaalis lang niya, dahil hindi marunong mag linis at mag-ayos ng mga gamit ng amo natin. Pinag hahalo-halo kasi ang mga gamit nilang mag-asawa, kaya galit na galit si Ma'am Natasha, noon sa kanya. Tapos ang mga Sapatos ni Ma'am na nasa Cabinet ay pinangtanggal at nilagyan ng mga towel. Kaya ikaw, huwag mong iibahin ang mga ayos ng mga gamit ni Ma'am para hindi ka pagalitan at palayasin." kuwento ni Belen kay Emily. Pina alalahanan din niya si Emily, upang malaman nito ang mga ayaw ni Natasha.
"Salamat ate Belen, salamat pala sa paalala sa akin. Ngayon alam ko na kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin." wika ni Emily sa kanyang kasama.
Lalo namang kinabahan si Emily, dahil sa narinig. Taimtim din s'yang nanalangin na sana magustuhan sya ng kanilang amo. Para magtuloy tuloy na sya sa kanyang trabaho sa Mansion na yon. Sayang din kasi ang 8k na sasahurin nya mula sa kanyang amo. Ang sabi pa ay starting lamang daw iyon, dahil 'pag nagustuhan ang trabaho nya ay itataas pa nila ang kanyang sahod hanggang 12k. Saan nga ba sya kukuha ng ganong kalaking halaga? tapos lebre pa sya sa lahat sa bahay ng kanyang amo.
Sa kusina naman ay abala sa pagluluto sina Ate Maring at Delia. Para sa hapunan ng kanilang mga amo. Kahit dadalawa lang ang kanilang pinag sisilbihan sa bahay na yun ay daig pa nila ang may bisita. Dahil ang gusto ni Natasha, ay maraming special dishes sa hapag kainan. Kahit hindi naman nila ito kainin ng mag-asawa, dahil kaunti lamang silang kumain. Sila-sila din na mga kasamang naglilingkod sa bahay ang kakain ng mga pagkain na kanilang niluluto.
Bago dumating ang kanilang mga amo ay nakatayo na ang mga kasambahay sa labas ng main door, upang salubungin ang pagdating ng kanilang Ma'am Natasha. Ito ang utos sa kanila ni Natasha, mag mula pa noon. Na kapag parating na sya ay kailangan nilang lumabas lahat at pumila sa harapan ng pinto, habang hinihintay syang dumating.
Unang bumaba ang kanilang Sir James, sa sinasakyan nilang kotse. Saka nito inalalayan ang napaka ganda nitong asawa, palabas ng sasakyan. Isa itong mayaman at sikat na sikat na International Model at Designer. Kilala din sa buong mundo ang pangalan nya, dahil sa mga damit na denisign nito.
Nakayuko naman ang mga kasambahay na naghihintay sa kanila sa harapan ng Main door. Pati ang mga hardenero at guard ay naka yuko rin, para magbigay respeto sa kanilang Ma'am Natasha.
Taas noo naman na naglakad si Natasha, habang naka hawak sya sa braso ni James. Deretso silang naglakad na mag-asawa, papasok ng kanilang Mansion. Naka sunod din ang mga alipores ni Natasha, na may dala ng kanyang mga gamit.
Para itong Reyna na napaka daming bodyguard na kasama. Kahit saan ito pumunta ay may mga kasa-kasama itong dalawang Assistant at dalawang makeup artist at ang Secretary nito.
Napaka dami rin nilang mga gamit na dala-dala. Mga gamit ito ni Natasha, sa kanyang pag mo-Model, kaya hindi pweding hindi nila ito dalhin.
Hiwalay ang table ng mag-asawa, nasa dining table silang dalawa, habang ang mga alipores ni Natasha ay nasa kusina, kasama ng mga katulong. Malawak ang kusina ng Mansion, kaya nagkasya ang napakaraming tao sa loob.
Nang maka kain na ang lahat ng mga kasama ni Natasha, ay nag paalam na ang mga ito na uuwi sa kani-kanilang bahay.
Matapos kumain ng mag-asawa, ay agad nilang tinawag ang kanilang mga katulong sa bahay. Agad naman na nagsi labasan sina Emily at ang mga kasama nito.
"Magandang gabi Ma'am Natasha, Sir James..." halos sabay-sabay na pagbati nila sa kanilang mga amo.
"Magandang gabi rin sa inyong lahat!" sagot ni James sa kanila. Nagtama pa ang mga paningin nina James at Emily, kaya agad na nagyuko ng ulo si Emily, dahil nahihiya siya sa kanyang amo. Kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon. Habang si Natasha naman ay tumango lang sa kanila, bilang tugon sa kanilang pagbati sa kanya.
Nang muling mag-angat ng paningin si Emily, ay nagtama naman ang mga mata nila ni Natasha. Hindi naman malaman ni Emily, kung ngingitian ba nya ang kanyang amo o hindi. Ngunit iisa lang ang napag tanto nya sa mukha ni Natasha. Napaka ganda pala nya sa personal, kahit simple lang ang makeup nito at malayo sa mga mukha nito sa mga Magazine at posters.
"Ikaw ba ang bago kong katulong?" kaswal na tanong ni Natasha, habang naka titig sya kay Emily.
"A-Ako nga po M-Ma'am... ako po si Emily Alvarez." sagot ni Emily, sa malumanay na boses.
"Emily... nice name!" wika ni Natasha, ngunit hindi man lang ito ngumiti.
"Emily, siguro naman habang wala pa ako dito ay napag-aralan mo na ang lahat ng magiging trabaho mo?! tandaan mo, ayaw na ayaw ko ng tatamad tamad dito sa pamamahay ko. Kaya kung gusto mong mag tagal sa pagtatrabaho dito, kailangang ayosin mo ang trabaho mo." deretsahan na wika ni Natasha.
"O-opo Ma'am, naiintindihan ko po." mabilis na sagot ni Emily. Napaka lakas din ng kaba ng kanyang dibdib, dahil sa takot kay Natasha. May pagka mataray pala ito at isa rin itong perfectionist. Kung sabagay bagay naman sa mukha niya dahil wala ka talagang maipintas sa kanyang panlabas na anyo. Napaka yaman din nito at ang kuwento ni Ate Maring at Delia ay si Natasha Albert daw talaga ang may-ari ng Mansion na iyon na pinaglilingkuran nila. Dahil si James Del Valle, ay galing sa pamilyang pangkaraniwan lamang. Umaman at sumikat lamang ang kanyang pangalan dahil kay Natasha Albert at sa ama nito na s'yang pinanggalingan ng mga kayamanan at ari-arian ng mag-asawa.
Tahimik lang si James, habang ang asawa naman nya ay hindi tumitigil sa pagka usap sa mga katulong nila. Pati ang mga hardenero ay kailangan mag report sa kanya, para sa kanilang mga trabaho. Si Ate Maring na siyang namamahala ng kusina ay ipinakita rin ang mga listahan ng mga pinamili niya sa loob ng isang lingo. Pati ang natirang pera sa halagang ibinigay sa kanya ni Natasha, ay ipinakita nito sa kanilang amo. Si Delia, naman ay ipinakita ang inventory ng mga stocks nila sa bahay. Para alam ng kanyang amo kung alin ang wala at meron pa.
Hindi nga madali ang trabaho ng mga kasambahay sa Mansion ng mga Del Valle. Dahil napaka strikto ng kanilang Ma'am Natasha, sa lahat ng bagay. Ang gusto nito ay laging nasa maayos ang lahat at ang mga kailangan sa bahay ay kailangang kompleto at nandyan na kaagad kapag kailangan nila. Hindi yung lalabas kapa at bibili, kung kailan na gagamitin na.
"Bukas gusto kong mamili kayong tatlo ng mga lulutuin, para sa sabado ng gabi. Gusto kong magluto kayo ng masasarap na pagkain para sa Party ko. Bukas ko ibibigay ang listahan ng menu, para makapag lista kayo ng mga dapat n'yong bilhin." ani ni Natasha, kay Ate Maring.
"Sige po Ma'am Natasha..." magalang na sagot ni Ate Maring. Kahit mas matanda sya sa kanilang amo, ay nag "po" at "opo" pa rin sya sa kanilang amo.
"Ikaw naman Emily, bukas pag-alis ng asawa ko ay agad mo akong puntahan sa kuwarto ko. Dahil gusto kong ayusin mo ang mga gamit ko at ilagay sa tamang lalagyan ang lahat. Kailangan tandaan mo kung saan mo ibabalik ang mga gamit ko at kung paano ito i-handle, maliwanag?!" baling naman ni Natasha kay Emily.
"Opo Ma'am, masusunod po..." agad na sagot ni Emily, habang naka yuko sa harapan ng mag-asawa.
"Tama na 'yan! let's go upstairs. Gusto ko ng mag pahinga!" wika naman ni James, sabay tayu sa kanyang kina uupuan. Inalalayan pa nya ang kanyang asawa, upang tumayo sa upuan nito at saka pina una sa paglalakad.
Binuhat din ni James, ang dalawang malalaking maleta ng asawa. Agad din na binuhat ni Delia at Emily ang ibang gamit at isinunod ito sa mag-asawang paakyat ng hagdan. Si Natasha naman ay tanging ang Hemès bag lang nito ang bitbit na umakyat.