bc

The Story of Us: 38 DAYS with the CEO (Rated SPG!)

book_age18+
20.0K
FOLLOW
146.5K
READ
love-triangle
HE
arrogant
neighbor
boss
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Masarap daw ang bawal na pag-ibig. Anong gagawin mo kung sa unang pagkakataon sa iyong buhay ay magmahal ka, at sa lalaking may asawa pa? Ipaglalaban mo ba ang karapatan mo, o hahayaan na lamang na maging masaya siya sa kanyang tunay na pamilya?

Simply lang ang pangarap ni Emily Alvares, 18 years old. Ang maka pagtapos ng pag-aaral at makakita ng magandang trabaho at mapagamot ang kanyang ama na may sakit.

Ngunit nahinto siya sa pag-aaral, dahil hindi na siya kayang paaralin ng kanyang ama dahil sa malubhang sakit nito. Kaya napagpasyahan niyang mamasukang katulong sa Manila, para makatulong sa pagpapa gamot ng kanyang ama. Ngunit biglang nangailangan ng malaking halaga ang kanyang ama, para maoperahan ito sa Kidney. Kaya naglakas loob siyang umutang ng malaking halaga sa kanyang mayamang amo, para may maipadala siya sa kanyang amang nasa Hospital. Pumayag naman ang kanyang amo na bigyan siya ng malakin halaga, ngunit may kapalit na hinihinge ang amo niya para sa halagang 2 Million Pesos na ibibigay sa kanya. Iyon ay ang pagpayag niyang maging Surrogate Mother sa magiging anak ng mag-asawa, ngunit gagawin nila ito sa natural na paraan. Dahil ayaw pumayag ng amo niyang lalaki na mabuo ang magiging anak nito sa test tube lamang.

Hanggang saan ang kayang gawin ni Emily, para maka hanap ng malaking halaga at mapa operahan ang kanyang mahal na ama? Makakaya ba niyang ipag-palit sa pera ang kanyang dangal at kinabukasan? Paano kung ang isang kasunduan lamang kapalit ng malaking halaga ay mauwi sa pagmamahalan? Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang mahal, kung ang kalaban niya ay napaka yaman at makapangyarihan? Tatanggapin na lamang ba niya ang katutohanan na isa lamang siyang kasangkapan at bayaran upang mabuo ang pamilya ng lalaking kanyang minamahal?

chap-preview
Free preview
Prologue
RATED 18+ FOR ADULT ONLY!!! SUPER SPG! WARNING: Some scenes are not suitable for young readers, some vulgar words are used. READ AT YOUR OWN RISK!!! "Are you sure you want to do this, Emily? isipin mong mabuti ang gagawin mo habang may oras pa, dahil once na sumakay tayo sa Sea Plane, there is no turning back. Isang buwan tayong mananatili sa Private Island na dalawa upang isakatuparan ang plano. Hindi rin tayo makakabalik dito sa Maynila dahil napaka isolated ng Island na pupuntahan natin. Tanging ang Sea Plane lamang na iyan ang pwede nating masakyan pabalik dito." Masinsinang kinausap ni James, si Emily, bago pa sila sumakay ng Sea Plane, patungo sa Private Island ni James na nasa parteng Eastern Visayas. Doon sila mananatiling dalawa sa loob ng isang buwan para isakatuparan ang plano ni Natasha. "Sigurado na ako Sir James, gagawin ko 'to para kay Tatay. Gusto ko ho siyang mapa operahan at gumaling sa kanyang sakit. Alam kong malaking sakripisyo ang gagawin ko, pero buo na po ang loob ko. Ito lang po ang madaling paraan para mapa operahan ko ang Tatay ko kahit anong oras." sagot ni Emily, habang naka yuko ang kanyang ulo. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig sa kanya ng kanyang amo na si Mr. James Del Valle. Ang kilalang CEO ng bansa at asawa ng isang sikat na Model at Fashion Designer na si Natasha Albert - Del Valle. "Nag-aalala lamang ako sa'yo Emily, sobrang napaka bata mo pa para gawin ang mga napag kasunduan ninyo ng asawa ko. Naaawa ako sa'yo, Emily, baka hindi mo kayanin ang..." hindi na naituloy ni James ang kanyang mga sasabihin, dahil nakita niyang parating na ang kanyang asawa. Para itong rumarampa sa intablado dahil sa paraan nito ng paglalakad. "James... Honey... you're leaving in thirty minutes. Hindi mo man lang ba ako kakausapin privately, para naman magka sarilinan pa tayo bago kita hayaang lumayo sa akin. Isang buwan ka ring mawawala Honey, kaya gusto kong magkasama muna tayo ng ilang sandali..." malamyos na tinig ni Natasha, saka naglambitin sa leeg ng kanyang asawa. Bakas din sa mukha nito ang lungkot dahil malalayo sa kanya si James sa loob ng isang buwan. "Isn't this your plan, Honey? sabihin mo lang kung nagbago na ang isip mo, habang nandito pa ako. Pwede naman na hindi na lang ituloy ito." walang kangiti ngiting wika ni James, sa asawa. Para kung mag bago ang isip ni Natasha, ay hindi na sila tutuloy ni Emily sa Island. "Hon, diba napag-usapan na natin ito? tapos na rin ang plano, ang gagawin mo na lamang ay isakatuparan ito. Inaamin ko naman na mahirap para sa akin na hayaan kitang may kasamang iba, but Hon... gagawin natin ito para mabuo ang pamilya na pinapangarap natin. Pagkatapos nito ay lalayo na tayo at doon na tayo sa ibang bansa maninirahan." may lungkot sa mukha ni Natasha, habang kausap ang kanyang asawa. Masakit para sa kanya ang gagawin nila, ngunit ito lamang ang tanging paraan upang magkaroon siya ng kompletong pamilya. "Basta walang sisihan, ikaw ang may plano nito. Kaya pangatawanan mo ang mga kalalabasan ng plano mo." seryosong wika ni James, sa kanyang asawa. Hindi Talaga siya sang-ayon sa plano ni Natasha, ngunit wala naman siyang magawa dahil mahal niya ito at lahat ay gagawin niya para lang maging masaya ang kanyang asawa. Nakatayo lang si Emily, sa labas ng bahay. Nandito sila ngayon sa Beach House ng mag-asawang James at Natasha Del Valle. Naka tanaw siya sa harden ng mansion, ngunit napaka layo naman ng kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa Island, kapag naiwan na silang dalawa doon ng kanyang amo. Alam niyang bahagi ito ng plano na sinang ayunan niya, ngunit natatakot pa rin siya para sa kanyang sarili. Takot na ngayon lamang niya naramdaman sa tanang buhay niya. Tumingala pa siya sa itaas saka umusal ng dasal para sa kanyang kaligtasan. Para sa isang dalaga na katulad niya na wala pang karanasan sa pag-ibig ay natatakot siyang makisama sa isang lalaki na malayo ang tanda sa kanya. Kung hindi lamang dahil sa kanyang ama na may sakit ay hindi siya papayag sa ganitong Arrangement. Mas pipiliin pa rin niyang, magpakahirap at magbanat ng buto upang kumita ng pera. Ngunit paano naman ang kanyang ama? kung hindi niya ito ipapa opera ay mawawalan naman siya ng ama. Maaga na nga siyang nawalan ng ina, kaya hindi na niya mapapayagan na mawala din pati ang kanyang mahal na ama. Emily's POV Ako si Emily Alvarez, 18 years old. Bata pa lang ako ay pangarap ko ng maging isang Business woman. Kaya ng mag college ako ay kumuha ako ng Business Administration. Maaga akong naulila sa ina, at tanging si Tatay na lang ang gumabay sa amin ng ate ko. Dadalawa lang din kaming magkapatid ni ate Ligaya. Ngunit ako lang ang nakatungtong sa College, dahil sa hirap ng buhay namin. Namasukan si ate bilang yaya sa Maynila, upang makatulong siya sa mga gastisin sa pag-aaral ko. Isang taon na ako sa College ng magsimulang magkasakit si Tatay. Hindi namin alam ang kanyang karamdaman, dahil hindi naman siya nagpupunta sa Doctor. Katwiran niya ay gastos lamang daw ang magpa tingin sa Doctor. Kaya nagtityaga na lamang siya na uminom ng mga Herbal medicine. Hanggang sa lumala na ang sakit ni Tatay, kaya napilitan na kaming dalhin siya sa Doctor. Doon namin nalaman na malubha na pala ang kanyang sakit sa Kidney, at kailangan na niyang ma-dialysis. Kaya natigil ako sa aking pag-aaral, dahil naubos na sa mga gamot ni Tatay, ang lahat ng mga naipon namin. Kasama na rin ang mga sinasahod ni Ate Ligaya ay sapat lang para mabili ang kanyang mga gamot. Kaya nag desisyon na rin akong lumuwas na ng Maynila, upang mamasukan na rin na kasambahay katulad ni ate Ligaya. Mas malaki kasi ang kikitain ko sa pagkakatulong sa Maynila, kaysa mamasukan ako bilang Saleslady dito sa aming bayan. Libre din ang lahat ng kailangan ko sa magiging amo ko, kaya pumayag akong sumama na lang sa kakilala namin na Recruiter. Habang sakay ako ng Bus, patungong Maynila ay iniisip ko rin kung anong magiging buhay ko sa Lungsod. Ngayon pa lang ako makaka apak ng ibang lugar, kaya naman kinakabahan talaga ako. "Emily, matulog ka muna dahil malayo pa tayo sa Maynila, para din hindi ka mahilo sa biyahe." sabi ni Ate Flor, sa akin. Siya ang kasama ko papuntang Maynila. Siya din ang nagdala noon kay ate Ligaya, sa Agency. "Kinakaban ako Ate Flor, baka masungit ang magiging amo ko?." sagot ko kay Ate, ang lakas kasi ng kaba ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, ngunit iisa lang ang alam ko, natatakot ako sa bagong buhay na tatahakin ko. Kung may ibang trabaho nga lang na mapapasukan sa lugar namin ay hindi ko guhustuhin na lumayo pa. Doon na lang sana ako sa Isla Paraiso upang mabantayan ko rin si Tatay. "Huwag kang kabahan, magdasal kana lang na sana ay mapunta ka sa isang pamilya na mabait at hindi ka pahihirapan. Ngunit sinisiguro ko sa'yong magiging maayos ang kalagayan mo sa magiging amo mo. Ang taas pa magpasahod, tingnan mo nga walong Libo kaagad ang offer sa'yo na sahod at libre kapa sa lahat." pagpapakalma sa akin ni Ate Flor. Pagdating namin sa Agency ay agad din na dumating ang susundo sa akin na Driver ng magiging amo ko. Sumakay ako sa napaka garang kotse na may luha sa aking mga mata. Takot at pangungulila ang lumukob sa aking katawan sa mga oras na ito. Takot dahil pupunta ako sa isang pamilya na hindi ko kilala kung mabuti o hindi. Pangungulila dahil sa unang pagkakataon ay nawalay ako kay Tatay. Malayo na ang Maynila sa lugar na kinalakihan ko. Hindi na ako basta-basta makakabalik sa aming bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
88.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook