Panyo na mabango...

1511 Words
Kinabukasan ay maagang nagising ang mga katulong sa Mansion ng mga Del Valle. Maaga din silang naghanda upang pumunta sa palengke. Habang hindi pa bumababa ang mag-asawang amo nila ay minabuti nilang maglinis na lang sila ng kabahayan. Naglinis muna sila ng kusina matapos nilang mag kape, saka isinunod ang buong kabahayan, upang hindi sila mapagalitan ng kanilang Ma'am Natasha, kapag nagtagal sila sa palenke mamaya. Tumulong na rin si Emily, sa pag lilinis upang mapadali ang trabaho nila. Baka kasi biglang bumaba ang kanilang mga amo, at makitang hindi pa sila nakaka linis ng bahay. "Emily, pweding ikaw na lang ang maglinis sa sala ng second floor. Kami na dito sa baba, para madali natin matapos ang paglilinis bago pa magising ang mga amo natin." paki usap ni Belen, kay Emily. Agad naman tumalima si Emily, para matapos na nila ng mabilis ang pag lilinis sa buong kabahayan. Mamaya pag naka alis na ang kanilang among lalaki, ay sa loob naman sya ng kuwarto ng mag-asawa maglilinis. Kailangan din n'yang ayusin ang lahat ng mga dala ni Natasha, na umuwi kagabi. "Sige Ate Belen, ako na ang bahala sa taas. " agad namang sagod ni Emily, saka kinuha ang kanyang mga gagamitin sa pag pupunas, kasama ang walis at dust pan. Agad s'yang pumanhik sa itaas ng bahay, upang simulan ang kanyang pag lilinis. Ngunit bigla s'yang napa tigil sa pag akyat ng makita nya ang isang bulto ng lalaki na naka tulog sa sahig ng second floor. Medyo madilim sa bahaging iyon ng sahig kaya hindi nya makilala kung sino ito. Dahil sa pagtataka ni Emily, ay dahan-dahan s'yang humakbang upang lapitan ang lalaking natutulog. Naka talikod ito sa kanya, kaya hindi nya alam kung sino ito. Dahan-dahan din n'yang ibinaba ang mga dala-dala n'yang panlinis, upang malapitan ang lalaki. Maingat din s'yang naglakad patungo sa likod ng nahihimbing na lalaki, saka sya dumukwang upang tingnan ang mukha ng natutulog na iyon. Hindi nya alam kung sino ito at baka meron ng ibang tao ang naka pasok sa loob ng bahay ng kanilang mga amo. "Bakit merong lalaki na naka tulog sa sahig? wala kaya itong bahay na mauuwian? Ah, baka isa sa mga Bodyguard ni Ma'am Natasha!." mga tanong sa isipan ni Emily, nagtataka talaga sya kung bakit ito natulog doon sa sahig ng second floor. Hanggang sa hinawakan ni Emily, ang balikat ng lalaki. Saka nito ginising ang nahihimbing ang lalaki sa pagtulog. "Hoy! hoy! gising! gumising kana dali... baka makita ka dito ni Ma'am Natasha..." pabulong na wika nya, sabay uga sa katawan ng lalaki. Natatakot din si Emily, baka makita ng kanyang mga amo ang lalaki na natutulog sa sahig ng kanilang bahay ay pagalitan ito o palayasin. Kawawa naman kasi kung mawalan ito ng trabaho. Ngunit sa gulat ni Emily, ay napa sigaw pa siya ng malakas. Para din s'yang nakakita ng multo, dahil sa kanyang pagka bigla. Ang inakala n'yang tauhan lang ni Natasha, na nakatulog sa sahig ay ang kanya palang Sir James. "Aaaaaah!" malakas na sigaw ni Emily, dahil sa pagka gulat. Napa upo din sya sa sahig kaya hindi sya agad maka alis sa kanyang kina uupuan. "Huuh!" gulat naman ang reaction ni James, dahil sa biglang pagtili ni Emily, na nasa kanyang tabi. Kukurap-kurap pa ang kanyang mata, dahil naalimpunhatan sya sa napaka lakas na boses ni Emily. Mabilis naman na nagsi akyatan sina Ate Maring, Delia at Belen, dahil sa narinig nilang napaka lakas sa pag sigaw galing sa taas ng bahay. Kabado rin ang bawat isa sa kanila, dahil sa pagka gulat. "S-Sir James, pasensya na po kayo sa akin, akala ko po kasi isa lamang Bodyguard ni Ma'am Natasha, ang naka tulog dito. Hindi ko naman po akalain na kayo pala mismo ang naka tulog sa sahig." nanginginig sa takot na wika ni Emily. Agad namang tumayo si James, dahil bigla din s'yang nahimasmasan dahil sa pagsigaw ni Emily. "Pasensya kana rin sa akin, Emily, kung natakot ka sa akin. Tumayo kana dyan, huwag na sanang makarating ito sa asawa ko ha?!" wika ni James, kinuha din niya ang kamay ni Emily at saka ito hinila upang makatayo si Emily, mula sa pagkaka upo nito sa sahig. "Anong nayayari dito?!" bungad na tanong ni Ate Maring, magka kasunod pa silang tatlo na umakyat upang tingnan si Emily. "Wala 'yon, nagulat lang si Emily, sige na, bumalik na kayo sa mga trabaho nyo!" sagot ni James, sa maotoridad na tono. Kaya nagsi babaan na ang tatlong babae, maliban kay Emily, na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni James, ang kamay at baywang. "S-Sir James, a-ayos na po ako. Maglilinis na po ako..." kinakabahang wika ni Emily, sa kanyang amo. Bigla din n'yang hinila ang kanyang kamay, dahil bigla na lang s'yang nakaramdam ng kakaiba. Parang biglang uminit ang loob ng kanyang katawan na tila merong napaka lakas na boltahe ng kuryenteng biglang dumaloy sa kanyang mga ugat. Napaka lakas din ng kanyang kaba na tila tinatambol ang kanyang dibdib. "Sigurado ka bang ayos kana? bakit ang lamig ng kamay mo, pero pinag papawisan ka naman?." may pag-aalalang wika ni James, sa dalaga. "Sadyang matatakutin lang po ako sir, kaya po mahirap maka adjust ang katawan ko kapag nagugulat ako." sagot ni Emily, habang naka yuko ang kanyang ulo. Nagtataka rin si Emily, dahil iba ang dating sa kanya ng mga titig ng kanyang amo. Hindi nya kayang salubongin ito, kahit anong pilit nya sa kanyang sarili. "Pumunta ka muna sa kusina at uminom ng tubig, para ma-relax ang pakiramdam mo. Sige na, papasok na ako sa kuwarto." wika ni James, bago nya iwan si Emily. Bigla din s'yang nahiya para sa kanyang sarili dahil nakita siya ng kanilang mga kasambahay na natutulog sa sahig. Kapag nalaman ito ng kanyang asawa at sandamakmak na sermon na naman ang aabutin niya kay Natasha. Baka iyon na naman ang pagmulan ng kanilang away na dalawa. Pag pasok ni James, sa kanilang kuwarto ng asawa ay nakita n'yang mahimbing pa rin na natutulog si Natasha. Kaya dumeretso na lang sya sa banyo, upang maligo. Naaamoy din nya ang matapang na amoy ng alak mula sa kanyang katawan. Lalo na sa kanyang hininga, hindi talaga maikakailang uminom sya ng marami kagabi. Dahil lamang sa pagtatalo nilang mag-asawa, kaya hindi na naman namalayan ni James na nagpaka lango na naman pala sya sa alak. Matapos maligo ni James, ay agad na s'yang nag bihis ng kanyang pang opisina. Aalis na lamang sya ng maaga, upang hindi sya makita ng kanyang asawa. Baka kulitin na naman sya nito para sa binabalak nitong Artificial Insemination. Baka masaktan na nya si Natasha, sa pagkakataon na ito kapag muli pa s'yang pilitin ng kanyang asawa sa isang kalokohan na gusto nitong mangyari. Pag labas ni James, ng kanilang kuwarto ni Natasha, ay nadaanan pa nya si Emily na nag mop ng sahig. Napa tingin naman sa kanya si Emily, at tipid itong ngumiti sa kanya, saka muling ipinag patuloy ang kanyang ginagawa. "Ah, Emily, pag hinanap ako ng Ma'am Natasha mo, sabihin mo na lang na maaga akong pumasok sa opisina." bilin nya kay Emily, kaya muling napa angat ang paningin ng dalaga sa kanya. Kitang-kita rin ni James, ang pawis ni Emily, na naglalandas sa buong mukha nito dahil sa paglilinis. "Opo sir James, ako na po ang bahalang magsabi kay ma'am Natasha." malumanay na tugon ni Emily. Pinunas din nya ang kanyang pawis sa pamamagitan ng likod ng kanyang kamay. Agad naman na kinuha ni James ang kanyang panyo na nasa loob ng kanyang bulsa, saka ibinigay kay Emily. "Gamitin mo ito, para pamunas sa pawis mo. Sa'yo na yan, para meron kang magamit kapag ganyan na pinag papawisan ka!." wika ni James, sabay pahid sa noo ni Emily. "S-Salamat po Sir, a-ako na lang po ang mag pupunas sa sarili ko sir." nahihiyang kinuha ni Emily, ang panyo na ibinibigay sa kanya ng kanyang amo. Alanganin pa s'yang ngumiti dahil talagang nahihiya sya sa lalaki. Nag-aalala din sya na baka meron makakita sa kanila at bigyan pa ng malisya ang ginagawa nilang dalawa. "I'll go ahead! pagkatapos mo dyan, magligo ka agad at magpalit ng damit. Baka magka sakit ka." bilin pa sa kanya ng kanyang sir James. Napatango na lang si Emily, dahil na touch aya sa kabaitan ng kanyang among lalaki. Hindi nya akalain na mabait pala ito, hindi kasi ito pala ngiti at madalang din na magsalita. Hindi kagaya ng kanyang Ma'am Natasha, na hindi nauubusan ng sinasabi. Muling pinunasan ni Emily, ang kanyang mukha. Ngunit napa hinto sya sa pag pupunas dahil naamoy nya ang pabango ng kanyang Sir James, sa panyong hawak nya. Napaka lamig nito sa ilong at hindi nakaka sawang amoyin. Ilang beses pa n'yang inamoy amoy ang panyo, dahil nare-relax ang kanyang pakiramdam sa bango nito. Hanggang sa nag pasya syang itago na lang sa kanyang bulsa ang panyo na bigay sa kanya ng kanyang amo. Parang ayaw din n'yang labhan ito, dahil nag-aalala s'yang baka mawala ang pabango na naka lagay dito, sayang naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD