Biglang napatitig si Emily, sa mukha ng kanyang Ma'am Natasha. Hindi nya alam kung nagbibiro lang ba ito sa kanya o hindi. Pero mukhang totoo naman ang mga sinasabi nito sa kanya. Pero kung totoo man ang inaalok sa kanya ni Natasha, ay magpapa salamat pa siya ng malaki dito dahil tutulongan siya nitong maipagamot ang kanyang ama. "Ma'am Natasha, totoo po bang tutulongan n'yo ang tatay ko na maka pag pa-opera?" tanong ni Emily. Bigla din siyang nabuhayan ng loob dahil sa offer sa kanya ni Natasha. Bibigyan pa siya nito ng Scholarship para maka pagpatuloy siya sa pag-aaral niya sa College at meron pa siyang pera. Saan ba siya makakakita ng ganon kalaking pera, kung pagkakatulong lamang ang alam niyang gawin. "Tama ang lahat ng narinig mo Emily, basta pumayag ka lang sa gusto kong mangyar