Ang plano ni James, na maglaro ng Golf ay nauwi sa mainit nilang pagtatalo ng kanyang asawa. Hindi kasi niya matanggap na ginagawa lamang siyang tao-tauhan ni Natasha. At ang asawa na rin niya mismo ang nagtutulak sa kanya, upang tumikim sa ibang babae. Makikisama siya sa ibang babae, para lang mabuntis ang kinuhang Surrogate ni Natasha, at magkaroon sila ng anak na dalawa. Ni Hindi nga naisip ni James, na maghanap ng ibang babae, kahit lagi silang nag-aaway na mag-asawa. Dahil mahal na mahal niya ang kanyang kasawa at iginagalang niya ito kahit hindi niya maramdaman na iginalang din siya ni Natasha. Ngunit sa mga ginagawa ngayon ni Natasha, ay unti-unti naman nagbabago si James, sa kanyang asawa. Parang nagsasawa na rin siya sa laging pagbabaliwala ni Natasha, sa kanyang damdamin. Lagi