"Hoy Emily, ano bang nangyari sa'yo kanina at bakit ka sumigaw ng napaka lakas ha?!" bungad na tanong ni ate Maring, kay Emily. "Oo nga, mabuti at hindi ka pinagalitan ni Sir, ayaw na ayaw pa naman nun ang maingay." sang-ayon naman ni Delia. "Grabe maka hawak sa'yo si Sir, ha! naku Emily, huwag na huwag kang lalapit kay Sir James, kapag nandito si Ma'am Natasha, kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso. Alam mo bang selosa yang amo natin at lahat ng babaing lumalapit kay Sir James, ay pinag babantaan nya. Kaya sa susunod, ikaw na lang ang umiwas para walang gulo." wika naman ni Belen. Matagal na rin sya sa paninilbihan sa mag-asawa, kaya kilala na nito ang ugali ni Natasha. "Nagulat lang po ako kaya ako napa sigaw ng ganon kalakas. Akala ko kasi may ibang taong naka pasok dito sa loo