Labandera

1525 Words
Parang gustong manlambot ang mga tuhod ni Emily, dahil sa sobrang panginginig ngbkanyang katawan. Hindi niya inaasahan na ngayon niya makaka harap ang amo nyang lalaki. May pagka masungit pa ata ito at mukhang matapang. "A-Ako nga po Sir, saka eighteen na po ako sir, hindi na po ako bata." nakayukong sagot ni Emily sa kanyang among lalaki. Parang natakot din siya dito dahil napaka laking tao pala nito at nag mumukha siyang dwende sa harapan nito. "You still so young para mag trabaho! nasaan ba ang mga magulang mo at bakit ka nila hinayaan na mag trabaho kahit alam naman nilang napaka bata mo pa?!" tanong ulit ni James, kay Emily. "Wala na po akong Nanay, Sir. Ang Tatay ko naman po ay may malubhang karamdaman. Kaya po ako nandito para po magtrabaho at maka pag padala sa kanya ng perang ibibili niya ng kanyang gamot." sagot ni Emily, parang gusto din nyang umiyak, dahil muli na naman niyang naalala ang kanyang mahal na ama. Na miss na kaagad n'ya ito, kahit kaalis pa lamang niya sa kanilang lugar. "I'm sorry to hear that, sige na, pumasok kana sa kuwarto mo at mag pahinga." biglang naawa si James, kay Emily, dahil sa nalaman nito mula sa dalaga. Napa hawak na lang din siya sa kanyang baywang, saka nagbuga ng marahas. Mabilis naman na naglakad si Emily, patungo sa Maid's Quarter. Nanginginig pa rin sya dahil sa takot at nanlalamig din ang kanyang mga kamay dahil sa nerbyos. Pagbukas n'ya ng pinto ng kanyang kuwarto ay agad din s'yang pumasok sa loob at saka inilock ang pinto. Naisipan n'yang maligo na lang upang maibsan ang kanyang kaba sa dibdib. Alam n'yang ang malamig na tubig lamang ang kakalma sa kanyang sestima at marerelax din siya kapag nakaligo siya. Makakatulog pa siya ng mahimbing kapag presko ang pakiramdam n'ya. Kinabukasan ay maaga syang nagising upang maghanda para sa kanyang mga trabaho. Kumain muna siya ng agahan, kasama ng mga kapwa niya kasambahay. Nang maka alis na ang kanilang Sir James, ay agad na s'yang umakyat sa kuwarto ng kanyang mga amo. Inuna ni Emily, na tanggalin ang mga kurtina, saka nito nilinisan ang mga bintana. Matapos malinisan ang bintana ay saka naman niya inilagay ang bagong kurtina. Ingat na ingat pa sya sa paglalagay dahil ayaw nyang masira ang bagong kurtina ng kanyang amo. Nag-alala din siya na baka pabayaran sa kanya ang kurtina na yon pag nasira nya. Kailangan pa naman ng kanyang ama ng malaking halaga para sa nalalapit nitong Dialysis. Kailangan n'yang maipadala na buo ang sasahurin n'ya sa susunod na buwan, upang makapag pa-dialysis ang kanyang Tatay. Nang mailagay na nya ang kurtina ay isinunod naman n'yang palitan ang bed sheet at Comforter and pillow case. Saka n'ya ibinaba ang mga labahin at ipinasok sa washing machine. Itinabi muna niya ang mga damit na kanyang iha-hand wash, dahil kailangan pa n'yang linisan ang Cr at ang kuwarto ng kanyang mga amo. Paakyat na sana s'ya ng tawagin s'ya ni Ate Maring, kaya muli s'yang bumalik sa kusina upang kausapin ang babae. "Ate Maring, bakit po? may kailangan po ba kayo sa akin ate?" tanong ni Emily, pagka pasok nya sa loob ng kitchen. Ibinaba rin n'ya ang dala-dala n'yang balde na may laman na mga pang linis. "Kumain kana muna Emily, bago ka bumalik sa trabaho mo, para makapag pahinga kana rin. Hinay-hinay rin sa trabaho, baka naman bigla kang magkasakit sa ginagawa mo!." wika sa kanya ni Ate Maring, saka siya ipinaghain ng pagkain. Napa isip pa si Emily, kung anong oras na. Dahil hindi na pala niya naramdaman ang paglipas ng oras. Tanghalian na rin at hindi man lang niya ito naisip, hindi rin kasi s'ya nakaramdam ng gutom kaya hindi niya maalala ang oras. Nawili kasi s'ya sa kanyang trabaho, kaya nakalimutan na niya ang oras. "Pasensya na po Ate Maring, hindi ko na po kasi namalayan ang paglipas ng oras." hingi nito ng paumanhin. Napapa iling na lang si Ate Maring sa kanya, dahil hindi inakala ng babae na napaka sipag pala ni Emily sa trabaho. Sa unang araw pa lang nito ay makikitaan na sya ng kasipagan at pagkukusang gawin ang mga trabahong naka atang sa kanya. Hindi rin sya ang klasi ng tao na maghintay muna ng utos, bago ito gumalaw at magtrabaho. "Sige na, umupo kana dyan at kumain. Damihan mong kumain para naman tumaba taba ka... ang liit-liit ng katawan mo. Baka magkasakit ka dito kapag nagtagal ka, dahil wala kang lakas na magtrabaho." wika pa sa kanya ng babae, kaya umupo na lang siya at nagsimulang kumain. Matapos kumain ni Emily, ay nag pahinga muna sya sandali sa kanyang kuwarto, bago muling bumalik sa kanyang trabaho. Alas tres na rin ng matapos nyang linisan at ayusin ang kuwarto ng kanyang mga amo. Malinis naman ang loob ng kuwarto, ngunit maraming kalat sa loob. Lalo na sa loob ng Walk in Closet nilang mag-asawa. Magulo ang mga naka tuping damit at ang ibang naka hanger ay nakukusot dahil basta na lang isiniksik sa loob na walang ayos. Kaya naman sinigurado ni Emily na maayos ang lahat ng damit, bago siya tuloyang lumabas ng kuwarto. Pagka baba nya ay muli na naman niyang itinuloy ang pag lalaba ng mga kurtina. Sa washing machine naman niya nilabhan ang mga ito kaya hindi na siya nahirapan. Automatic din ang washing Machine, dahil pagkatapos nitong maglaba ay pwede na kaagad itong isampay dahil nabanlawan na ito at na spin na rin. Muli na naman siyang tinawag ni Ate Maring, upang mag meryenda, dahil alas quatro na ay patuloy pa rin sya sa kanyang paglalaba. "Dios ko naman, Emily... may bukas pa naman, bakit ba ayaw mong mag pahinga?!" iritang tanong sa kanya ni Ate Maring. Naaawa kasi siya kay Emily, dahil napaka bata pa nito at ang payat din ng katawan, ngunit napaka sipag mag trabaho. "Hayaan mo na lang ako Ate Maring... maganda nga po na lagi akong busy, para hindi ko maisip si Tatay. Baka umiyak lang kasi ako kapag namiss ko ang Tatay ko..." malumanay ang boses na tugon ni Emily, kay Ate Maring. Hindi kasi siya sanay na malayo sya sa kanyang Tatay, kaya ngayon na nasa Maynila na siya ay talagang napaka hirap para kay Emily, ang hindi makita ang kanyang ama. Baka bigla na lang din siyang umiyak at bumalik sa kanilang probinsya na wala sa oras pag nagkataon. "Huwag kanang malungkot, Emily... andito naman kami nina Delia at Belen. Kung nalulungkot ka, puntahan mo lang ako dito sa kusina. Pwede tayong mag-usap dito habang nagkakape. Mag mula ngayon, ituring mo na rin kaming kapamilya mo, para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila mo sa Tatay mo, ha?!" pag kumbinsi sa kanya ni Ate Maring. Niyakap na lang ni Emily ang babae, dahil talagang na touch sya sa mga sinabi nito. Matapos niyang mag meryenda ay muli na naman syang bumalik sa Laundry area, para tingnan kong tapos na sa paglalaba ang washing machine. Laking pasalamat din ni Emily, dahil meron ganitong uri ng washing machine na pwede ng isampay kaagad ang mga nilabhan pagkatapos nitong tumigil. Hindi na siya mahihirapan sa pag babanlaw at pag piga ng mga naglalakihang mga kurtina. Pati ang mga bed sheet ay mabibigat din dahil pang Air Conditioned room ang mga gamit ng kanyang mga amo. Meron din dryer ang kanyang mga amo, kaya hindi na rin sya magsasampay pa sa sampayan. Problema pa sana nya kung paano isasampay ang mga naglalakihang kurtina, dahil malayong mahaba pa ang sukat ng mga kurtina kaysa sa kanya. Kaya ang mga damit lang ng kanyang mga amo ang inilagay nya sa hanger, saka isinabit sa sabitan ng mga labada. Alas syete na ng gabi sya natapos sa kanyang paglalaba. Agad din siyang pumunta ng kusina upang kumain ng hapunan. Naparami din sya ng kain ngayon dahil siguro sa kanyang pagod sa trabaho. Kailangan din niyang kumain ng tama ngayon, para may lakas siya kina bukasan, para muling harapin ang kanyang trabaho. Nang matapos s'yang kumain ay nag paalam na sya sa mga kasama nya upang pumunta sa kanyang kuwarto at mag pahinga. Agad naman syang pinayagan ng mga ito, dahil nakikita nila sa mukha ni Emily, ang sobrang pagod. Naaawa sila sa dalaga, ngunit wala din silang magawa dahil ayaw papigil ni Emily, sa kanyang mga ginagawa. Kaya ang tanging magagawa na lang nila ay ang subay-bayan sya sa kanyang mga gawain. Dahil nag-aalala silang lahat na baka mag kasakit ito sa kakatrabaho. Umupo muna si Emily, sa upuan na plastic na nasa loob ng kanyang kuwarto. Mag papahinga muna sya bago maligo. Ayaw kasi n'yang matulog na hindi muna naliligo. Nakasanayan na nya ito mula pa noong bata sya. Kahit pinapagalitan sya ng kanyang Tatay, noon dahil malamig ang klima sa Isla Paraiso, ay tuloy pa rin sya sa pagligo sa gabi. Ganon din pag gising nya sa umaga. Mag kakape lang muna sya, tapos maliligo na agad. Napa buntong hininga na lang si Emily, dahil muli na naman niyang na alala ang kanyang mahal na ama. Iniisip din nya kung kumusta na ito doon sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD