Unang pagkikita

1618 Words
Halos malula si Emily, sa laki ng bahay na kanyang papasukan. Tila isa itong Mall sa laki at napaka ganda rin ng loob ng bahay. Napaka lawak din ng kanilang bakuran, at meron pang swimming pool na pagka linis-linis ang tubig. "Emily, halika na sa loob para makilala mo ang mga kasama mong katulong dito. Huwag kang mahiya, dahil mababait ang mga makakasama mong katulong." wika ng Driver, na sumundo sa kanya. Tinulungan din siyang buhatin ang dala niyang bag na nilagyan niya ng kanyang mga damit. "Salamat po kuya..." pasalamat ni Emily, napaka lumanay ng kanyang boses at halatang mahiyain talaga siya. "Ilang taon kana ba, Emily? mukhang napaka bata mo pa para magtrabaho." may pag-aalalang tanong sa kanya ng driver. Bakas din sa mukha ng lalaki ang awa sa dalagang probinsyana. "Labingwalong taon gulang na po ako kuya. Kaya lang naman po ako pumunta dito sa Maynila at magtrabaho ay dahil po kay Tatay ko. May malubha po kasi siyang karamdaman at kailangan po n'yang bumili ng kanyang gamot. Kaya po ako nag disisyon na tumigil na lang po sa pag-aaral at magtrabaho. Para po makatulong ako sa pagpapagamot ng tatay ko." tugon ni Emily, talagang likas sa kanya ang malumanay na mag salita. Kaya lahat ng nakikipag usap sa kanya ay nawiwili dahil sa kanyang boses. Napaka galang din niya sa lahat ng kanyang kausap. "Maring, Delia, Belen! nandito na ang bago n'yong makakasama." pagtawag ni Mang Kardeng, sa mga katulong ng Mansion na pinag lilingkuran nila. "Kayo na ang bahala sa kanyang magdala sa magiging higaan niya. Ituro na rin nyo ang mga magiging trabaho niya. Para pagdating ni Ma'am Natasha, ay marunong na sya sa kanyang mga trabaho, ng sa gayon ay hindi sya mapagalitan ni Ma'am. Ayaw na ayaw pa 'man nya ng may maraming mali." bilin ni Mang Kardeng, bago ito lumabas ng bahay. "Hi Emily, ako nga pala si Belen, ikinagagalak kitang makilala..." masayang pakilala ni Belen kay Emily. "Ako naman si Maring, Pero tawagin mo na lang akong Ate Maring, ako kasi ang pinaka matanda dito sa atin." pakilala naman ni Maring, na isang matandang dalaga. "Ako naman si Delia, maligayang pagdating Emily. Sana makasama ka namin dito ng matagal." ani naman ng isa pang katulong. "Hello po! ikinagagalak ko po kayong makilala. Ako po si Emily Alvarez, galing po ako sa Isla Paraiso." nahihiyang pakilala ni Emily sa kanyang mga kasama. Naka yuko rin sya, habang naka lagay ang kamay nya sa kanyang likod. "Naku Emily, huwag ka nang mahiya sa amin. Halika at ituturo ko sa'yo ang magiging kuwarto mo." wika ni Delia, saka hinawakan sa kamay si Emily, at hinila patungo sa magiging kuwarto niya. Habang patungo sila sa Maid's Quarters ay palinga-linga naman si Emily. Napaka ganda nga naman talaga ng mga naka display. Tag-iisa din ng kuwarto ang mga katulong sa bahay ng may-ari ng Mansion na sina Mr. & Mrs. Del Valle. Napaka laki ng kanilang tahanan, ngunit dadalawa lamang silang nakatira doon. Araw-araw din na wala ang mag-asawa, dahil busy sila sa kanilang mga Negosyo. Ngunit ngayon ay nasa ibang bansa si Mrs. Del Valle, para sa kanyang Fashion Show sa England. Pagdating nila sa pinaka dulo ng hallway ay saka binuksan ni Delia ang pinto ng isang kuwarto. Sinindihan din niya ang ilaw, upang magliwanag ang loob ng silid. "Emily, ito ang magiging kuwarto mo. May sarili kana rin banyo sa loob, meron din Cabinet na pwede mong lagyan ng mga gamit mo. Single bed lang ang kama pero maganda naman at malambot, kaya makaka pahinga ka ng maayos sa gabi. Meron din aircon, para hindi mainit kapag natutulog ka sa gabi. Oh, diba, sosyal?!" pagmamalaki pa ni Delia, kay Emily. Tahimik lang si Emily, habang pinagmamasdan niya ang loob ng kuwarto. Napaka ganda nga nito at sa katulad niyang galing sa mahirap na buhay, ay sobrang napaka ganda at ayos na ng magiging kalagayan niya sa bahay ng kanyang mga amo. "Salamat ate Delia..." malumanay na wika ni Emily, sa babae. Nahihiya pa rin kasi siya dahil hindi pa niya nakakasanayang kasama ang mga ito. "Iwanan mo na muna ang mga gamit mo dyan, at ipapasyal muna kita dito sa loob ng Mansion. Para maituro ko na rin sa'yo ang magiging trabaho mo." muling lumabas ng kuwarto ang dalawa, saka sila nag ikot sa loob ng kabahayan. Ang una nilang pinuntahan ay ang kuwarto ng kanilang amo, upang ipakita kay Emily, ang magiging trabaho niya dito. "Ito ang Masters Bedroom, ito ang lilinisan mo araw-araw. Gusto kasi ni Ma'am Natasha, na iisang tao lang ang pweding maglinis at mag-ayos ng kanilang mga gamit na mag-asawa." sabi ni Delia, saka ipinakita ang mga gamit na dapat ay laging maayos. "Ang kama ay kailangan maganda ang pagkakaayos. Once a week ka magpapalit ng bedsheet at ang kurtina naman ay once a month. Ang CR kailangan araw-araw malinis at ang mga labahin ay kailangan mong labhan araw-araw. Itong Pink na Laundry basket ay kailangan na i-handwash mo. Ang nasa blue naman ay sa washing Machine mo labhan. Ang isa pang basket na nasa loob ng walk in closet ay para yun sa Dry Clean. Ibigay mo lang kay Mang Kardeng ang damit na laman nun at siya na ang magdadala sa Laundry. Tingnan mo rin ang mga gamit nila dito sa banyo kapag paubos na at lagyan mo kaagad ng bago. Nasa stock room lahat ang mga gamit, kaya doon ka lang pumunta kapag kailangan mong maglagay ng gamit nila sa paliligo." tahimik lang na nakikinig si Emily, sa mga sinasabi sa kanya ni Delia. Ngunit natatandaan naman niya lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Nang matapos sila sa Masters Bedroom ay sa Laundry area naman sila pumunta. Napaka laki din ng Laundry area at kompleto sa lahat ng gamit. Pati ang Laundry room, kung saan nakalagay ang mga gamit sa paglalaba at pamamalansa ay kompleto. "Salamat ate Delia, tatandaan ko po lahat ang mga sinabi mo sa akin." wika ni Emily, ngumiti din siya sa babae. "Naku Emily, masanay kana sa kadaldalan ko ha! ganito talaga ako e, maingay." pabirong wika ni Delia. Kaya napatawa na rin si Emily, dahil natutuwa siya kay Delia. "Ate Delia, anong oras po darating ang mga amo natin?" tanong ni Emily, sa kasama. "Sa makalawa pa darating si Ma'am Natasha, si Sir naman ay gabi na umuuwi, kaya habang wala pa si Ma'am, ay pag-aralan mo ng mabuti ang mga trabaho mo dito. Pag tapos mo na ang trabaho mo at wala kanang ginagawa, pwede kanang magpahinga sa kuwarto mo. Kung gusto mo naman na magpahangin, pumunta ka lang sa harden. Maraming bulaklak doon at siguradong mawiwili ka at mari-relax." wika ni Delia, nakangiti rin siya kay Emily. "Salamat ate Delia." pasalamat ni Emily sa kasama. "Walang anu man 'yon. Basta kapag may tanong ka ay huwag kang mahihiya na magtanong sa akin o kaya ay kay ate Maring at Belen." ani niya, saka sila muling pumasok sa loob ng kusina. "Delia, Emily, mag meryenda muna kayo dito. Kanina ko pa kayo hinahanap na dalawa e!." pagtawag sa kanila ni Ate Maring. "Salamat po Ate." kyeming pasalamat ni Emily, sa babae. "Mahiyain ka talaga Emily, masanay kana... dahil ngayong nadito kana sa bahay na ito ay kailangan mong maging alerto. Ayaw na ayaw pa naman ni Ma'am Natasha ng masyadong mahinhin. Baka masabihan ka pa niya na makupad." sabi ni Ate Maring, sa kanya. Matagal na si Ate Maring sa paglilingkod kay Natasha. Hindi na nga rin siya naka pag asawa dahil sa pagbabantay niya kay Natasha. "Hayaan mo po Ate Maring, sasanayin ko po ang sarili kong maging alerto sa lahat ng oras. Pasensya na po kayong lahat sa akin, kasi po ngayon lang talaga ako nakarating ng ibang lugar. Kaya po naninibago ako ngayon na makipag halubilo sa ibang tao." paliwanag ni Emily sa kanyang mga kaharap. "Ayos lang yun, ganyan din naman ako noon bago pa lang ako dito sa Maynila. Galing din kasi ako sa Negros, kaya nga napaka ignorante ko sa lahat ng bagay noon. Pero nasanay din ako ng magtagal na ako dito." kuwento ni Belen, sa kanila habang sila'y kumakain ng Meryenda. Matapos nilang kumain ng meryenda ay pina pag pahinga muna nila si Emily, sa kanyang kuwarto. Alam kasi nilang pagod siya sa biyahe, kaya hinayaan muna nilang mag pahinga ito. Kina gabihan ay muling lumabas si Emily sa kanyang kuwarto, para mag hapunan. Nang matapos na silang kumain ay nagpasya siyang mag pahangin muna sa harden. Kaya lumabas siya ng bahay, upang pumunta sa harden na sinasabi sa kanya ni Delia. Napaka ganda nga ng Harden, napaka daming bulaklak din ang makikita dito at meron din mga ilaw sa paligid bilang palamuti. Inabot din siya ng isang oras bago siya muling pumasok sa kabahayan upang bumalik sa kanyang kuwarto. Naglalakad siya patungo sa hallway ng kanilang Maid's Quarters, ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. "Who you?!" biglang nagtayuan ang mga balahibo ni Emily, dahil sa takot nito sa laki ng boses ng lalaking nagsalita sa kanyang likuran. Kaya bigla siyang tumigil sa paglalakad at unti-unti din siyang lumingon sa taong may-ari ng boses. "H-Ho! ah... eh... E-Emily po ang pangalan ko S-Sir, at bago lang po ako dito." halos lumabas na sa dibdib ni Emily, ang kanyang puso, dahil sa sobrang kaba. Medyo nanginig din siya dahil sa takot niya sa lalaking napaka laki ng boses. "Ikaw ang bagong Maid na kinuha ng asawa ko?! bakit kumuha ng bata ang asawa ko! ilang taon kana ba?!" naka kunot ang noong tanong ni Mr. Del Valle, kay Emily. Bakas din sa mukha niya ang pagka gulat dahil sa nakita niyang bata sa loob ng kanyang pamamahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD