"I'm so sorry, honey, but they want me back to Madrid ASAP. Our head doctor called me just now, they need me at the hospital. They've already booked a flight for me," Naomi said, filled with worry. Bago siya sumunod sa nobyo sa dalampasigan ay nakatanggap siya ng tawag buhat sa ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan.
Nabigla naman si Cayden sa hindi magandang balita na ibinungad sa kaniya ng nobya.
What?! But what about our vacation? I thought everything was fine when we left, and there wouldn't be any problems with your work. There are many doctors in your hospital. Why doesn't anyone step up and take your place for a while? Can't they just wait for your return? Why do they have to ruin our vacation?" dismayadong sabi ni Cayden, nasira ang kanina lang ay maganda niyang mood. Nasa tabi pa naman sila ng dagat at pinagmamasdan ang paglubog ng araw mula sa dalampasigan.
Naomi took a deep breath, preparing herself for the challenge of making her boyfriend understand the situation. Gusto niyang subukan ang lahat ng makakaya niya para mapapayag ito sa nais niyang mangyari.
"Honey, I understand how disappointing this is for both of us. Believe me, I was looking forward to this vacation just as much as you were. But sometimes, unexpected emergencies happened, and as a doctor, my primary duty is to help those in need, even if it means cutting our vacation short."
Masuyo niyang ginagap ang kamay ng nobyo habang nakatingin sa mga mata nito. "You know how dedicated I am to my work, and in this particular situation, my expertise is urgently required. It's not about them not having other doctors or waiting for my return. It's about emergency situation that demands immediate response, and It's my responsibility to be there," paliwanag niya.
Saglit siyang huminto sa pagsasalita. Umiisip pa siya ng tamang sasabihin sa nobyo para mapanatag ang kalooban nito. "I promise you, once this emergency is resolved, we can plan another vacation together. But right now, my patients need me, and I hope you can understand and support me in fulfilling my professional duties," sabi niya, umaasa siyang magkakaroon ng magandang resulta ang mga paliwanag niya.
Cayden pondered over his girlfriend's point in silence, realizing that she had a valid concern. He didn't want this particular issue to become the cause of a disagreement between them. He understood the importance of open and healthy communication in their relationship, and he didn't want to let this matter overshadow their connection.
Taking a deep breath, he decided to address the situation calmly and respectfully. He knew that resolving conflicts required compromise and understanding from both parties. He wanted to find a solution that would allow them to move forward without any lingering resentment.
Tiningnan niyang maigi ang kaniyang nobya. Gusto niyang ipaalam dito ang kaniyang saloobin. "You know what? You're right. I don't want this issue to create a rift between us. Our relationship means more to me than any disagreement we might have. Okay, fine, you win. We're going back to Spain," sabi niya, desidido na siyang sumama sa nobya pabalik ng Espanya.
Sunod-sunod ang naging pag iling ni Naomi. Hindi siya sang ayon sa nais mangyari ng kaniyang nobyo. "No, I am going alone. I want you to stay here and enjoy the rest of your vacation with your family. Okay lang ako, kaya kong bumiyahe nang mag-isa. Minsan ka lang makapag-relax, huwag mong sayangin ang pagkakataon," pangungumbinsi niya rito. Maraming plano si Cayden sa pag uwi niya ng Pilipinas at ayaw niyang tuluyang masira ang mga plano nito nang dahil sa kaniya.
"Are you sure?" nag alalangan na tanong ng binata.
Tumango ang nobya. "Yes. You can't go with me either, you don't have a ticket yet, remember? The ticket we applied for is scheduled three days from now. My flight is later at 1am. Kailangan ko nang lumuwas ng Maynila ngayon din. Do you know a chopper that can be rented to take me there?"
Saglit na napaisip si Cayden nang biglang pumasok sa isip niya ang kapatid.
"Yes! Si Cloud. I think, nandito ang chopper niya ngayon. I will try to contact him and asked for help."
"Okay, please... I need it so badly," pakiusap ng dalaga.
Cayden quickly took out his cellphone from his shorts pocket and dialed his brother's number. Sinagot naman agad ni Cloud ang tawag niya at pinagbigyan ang pakiusap niya. Nagkataon naman ng mga oras na iyon, ang piloto ng chopper ay naroon din sa resort.
_
Makalipas ang isang oras ay handa na ang mga dadalhin ni Naomi. Hinatid siya ni Cayden kung saan naka-park ang chopper na magdadala sa kaniya sa Maynila.
"Take care, and call me immediately once you arrive in Madrid. I want to know what's happening with you there, please keep me updated," bilin niya sa nobya.
"Yes, that's exactly what I'll do once I've returned. Don't worry, I'll always keep you informed," tugon naman nito.
Wala nang nagawa pa si Cayden kung hindi ang hayaan ang nobya na makaalis, malungkot man na maiiwan siyang mag-isa at hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang mag-enjoy sa bakasyon ng wala ito ay tinanggap na lamang niya na hanggang dito na lang kaiksi ang panahon na sila ay magkakasamang magbakasyon.
Inalalayan niya ito hanggang sa makasakay sa chopper.
Several minutes had passed since his girlfriend had left, yet he still couldn't bring himself to move from where he was standing. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya ngayon para libangin ang sarili.
Since he couldn't think of anything else to do, he decided to just walk along the seaside. He went far, and the surroundings started to darken. Nangunot ang noo niya at napatigil sa paglalakad ng makita ang babaeng nasa paanan ng malaking bato. Pamilyar ang mukha nito, hindi siya maaring magkamali. Ito lang ang bukod tanging babae sa resort na iyon na balot na balot kung manamit. Ito ang humablot sa kaniya kanina sa pasilyo ng hotel at nagnakaw ng halik sa kaniya. Ngayon nga lang niya napagtanto na nikawan nga pala siya ng halik nito. Ipinilig niya ang ulo, isinantabi na lamang niya ang isiping iyon, sa tingin naman kasi niya ay hindi naman siya hinalikan nito dahil may gusto ito sa kaniya. May ibang rason kaya nagawa nito ang bagay na iyon. Pinagmasdan niyang maigi ang ginagawa nito. Sa palagay niya ay gusto nitong akyatin ang bato ngunit nahihirapan naman itong gawin iyon. Ilang beses itong nagpilit na sumubok ngunit napapadausdos lang ito sa bato.
_
Hindi alintana ni Hannah ang madumihan, ang kagustuhan niyang marating ang tuktok ng bato ang nagbigay sa kaniya ng determinasyon na magpatuloy lang at huwag sumuko. Kanina pa niya gustong akyatin iyon kaya lang ay masyadong mataas.
Habang naglalakad-lakad siya sa tabi ng dagat kanina ay napansin niya ang batong iyon. Naingganyo siyang umakyat para maupo sa pinakataas niyon. Sa tingin kasi niya ay mas mapagmamasdan niya ang kabuuan ng dagat kung nasa mataas na puwesto siya.
"Ouch, ang sakit!" daing niya nang sa pagkapit niya sa bato ay dumulas ang malambot na palad niya rito at nagasgas.
Napakislot siya at nagulat nang bigla na lang may humawak sa magkabila niyang bewang at inangat siya pataas.
"I think you need some help. I'll lift you up and hold onto the ledge of the rock to climb up."
Hindi niya mapaniwalaan ang kaniyang nakikita. Kinusot pa niya ang mga mata dahil baka namali lang siya ng tingin. Si Cayden kasi ngayon ay buhat-buhat siya. Ilang saglit siyang natigilan.
"What are you waiting for? Grab the rock, my arms are getting tired," may pagkainip na sabi ni Cayden. Wala kasing katinag-tinag si Hannah at nakatitig lamang ito sa kaniya na para bang manghang-mangha.
"Ah, oo, sige..." Natarantang napakapit naman sa bato si Hannah. Sinikap niyang makaakyat, sa tulong ng binata at napagtagumpayan naman niya.
Nang makarating siya sa tuktok ay sumilip siya sa baba para makita ang binata at pasalamatan ito, ngunit sa pagtataka niya ay wala na ito sa paanan ng bato. Hinanap niya ito ng kaniyang mga mata at nakita niyang naglalakad na ito palayo.
She let out a sigh. It's so sad to think that the meeting she had once dreamed of with Cayden didn't turn out to be the scene she had imagined. Sa kaniyang pangarap ay masayang-masaya si Cayden na makita siya. Halos hindi na nga siya pakawalan nito dahil ayaw nitong magkahiwalay pa silang muli. Ngunit sa mga kilos nito at paraan ng pakikitungo sa kaniya ay para siyang estranghero na sa paningin nito. Sabagay, maiisip ba nitong siya si Hannah sa itsura niya ngayon?
Umayos na lamang siya ng upo sa bato. She hugged her knees and quietly observed the entirety of the sea from above.
Wala nang masyadong tao sa dagat, ipinagbabawal kasi ang paliligo rito ng gabi.
The gentle breeze caressing her skin felt delightful. It had been a long time since she last felt such a peaceful sensation.
Hindi niya namalayan ang oras, nalibang siya sa pagtanaw payapang tubig. She didn't know why she didn't want to leave that place. She decided to spend the morning there and wait for the break of dawn.
"Ganito pala ang pakiramdam ng walang pamilya," sabi niya sabay pakawala nang malalim na buntong hininga. Ulilang lubos na siya. The only relative she knew was her Aunt Yolanda. She had no friends because Daxton didn't allow her to interact with other people. Ang tanging nakakausap lang niya ay ang mga tauhan nila sa bahay. Sa ganitong pagkakataon ay wala siyang mapagsabihan ng nararamdaman niya.
Hindi niya alam na nakatulog na pala siya ng nakaupo.
_
Matagal nang nakabalik si Cayden sa kaniyang villa. Nagpapahinga na siya sa kaniyang silid. Maalinsangan ang panahon kaya binuksan niya ang sliding door, may terrace kasi sa kaniyang silid. Lumabas siya roon para makalanghap ng sariwang hangin. Kahit na may aircon sa kwarto niya ay iba pa rin ang hangin na dulot ng paghampas ng alon sa dagat. Malapit lang kasi ang kinatatayuan ng villa niya roon.
Natigilan siya ng mapagawi ang mga mata niya sa malaking bato. Hindi niya akalain na tanaw pala mula rito ang bato na iyon kung saan ay tinulungan niyang makaakyat ang baduy na babae. He stared intently at the rock, which wasn't that dark since there was a nearby lamppost. He noticed that there was still someone on the ledge. He couldn't see clearly, just a silhouette, but he thought it was a woman. Naisip niyang hindi pa rin umaalis ang baduy na babae sa batuhan. It had been three hours since he left her there. Kahit ayaw niyang mag-alala para rito ay hindi niya pa rin napigilan. He left his villa and headed towards the spot, fearing that something bad had happened to the girl or that she couldn't descend and was stuck on that rock.
"What do you think you're doing? Are you thinking of ending your life? It's quite risky to sleep on top of a rock like that. What if you fall? Do you think this rock will save you?" inis na sabi niya. Nadatnan niyang natutulog ang dalaga ng nakaupo habang yakp-yakap ang sarili. Imbes na makaramdam ng simpatiya rito ay inis ang naramdaman niya.
Napakislot sa gulat si Hannah nang marinig ang tila ba galit na boses na iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Cayden. Nakaakyat na pala ito sa bato ng hindi niya namamalayan at ngayon nga ay nakatayo ang binata sa harapan niya at sinisermunan siya. Galit ang itsura nito, salubong ang kilay at kunot ang noo.
She felt like her tongue was tied at that moment, she couldn't even construct any words to defend herself from him. She was taken aback and wondered why this man was reprimanding her so harshly.