Chapter 8- Lihim na Itinatago•

1510 Words
"Te-teka lang... hindi naman ako nagpapakamatay na gaya ng iniisip mo. At saka bakit ka ba nakikialam sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. Hindi niya alam kung bakit ba bigla na lang susulpot ang binata sa harapan niya na galit na galit kahit wala naman siyang ginagawang masama. "Hindi nga ako dapat na makialam sa'yo. It's not like I have any concern for you anyway. I'm only thinking about the welfare of this resort. I suppose that when you come here, you already know the rules and regulations in this place. It's not allowed for guests to go swimming in the sea or anywhere near the sea during the night." "Granted na bawal na nga rito pag gabi eh ano naman sa'yo? Bakit ikaw ba ang may ari ng resort na 'to?" inis na tanong niya, hindi na kasi niya nagugustuhan ang pagsusungit nito sa kaniya. "I may not be the owner of this beach resort, but it belongs to my brother. I'm concerned about him. I don't want him to have any problems or for the reputation of his business to be damaged because of you." Hannah took a deep breath. She didn't want to argue anymore, even though she didn't have any ill intentions with what she did, she decided to surrender and not engage in further argumentation with him. "Okay, sige na, bababa na ako, para matigil ka lang. Huwag ka ng magalit," aniya rito. "Okay, that's better," anito. Kumilos ang binata at bumaba na sa bato. Tangkang iiwan na nito si Hannah kaya lang ay tinawag siya nito. "Mi-mister, sandali!" malakas na sigaw ni Hannah. Napakunot naman ang noo ni Cayden, tiningala nito ang tuktok ng bato at nakita niya ang baduy na babae na nakadungaw roon at parang hinahanap siya. "What?" walang ganang tanong niya. Lumabas siya sa gilid ng batuhan at nagpakita rito. "Hi-hindi ako makababa, pwede bang tulungan mo ako?" nahihiyang pakiusap nito sa kaniya. He scratched his head in frustration. He had no choice but to climb up the rock and assist her in descending. Kapag hindi niya ginawa ang bagay na 'yon ay baka hindi na ito umalis sa batuhan. "Pumasan ka sa likod ko. Ikapit mo ang kamay mo sa leeg ko, huwag kang bibitiw kahit na ano'ng mangyari," utos niya kay Hannah, na agad naman nitong sinunod. Nag-piggy back ride ito sa likod niya. And because he's an athlete, it was easy for him to descend from the cliff even while carrying a load. He carefully set Hannah down on the ground. However, he couldn't help but be affected when he felt the softness of her breast pressed against his back earlier. He couldn't deny that the girl, despite her outdated style, had a well-endowed breast. He stubbornly insisted, it's not right for him to think about such matters. He simply ignored and dismissed that thoughts. Gusto na niyang bumalik sa kaniyang villa. Pasado alas diyes na ng gabi at nakakaramdam na siya ng antok, sanay kasi siya na maagang natutulog. Habang naglalakad ay naramdaman niya na may sumusunod sa kaniya kaya naman nilingon niya ito. "Are you following me?" medyo iritado ang tono ng boses na tanong niya. Nabigla naman si Hannah. "Huh! Hindi noh, bakit naman kita susundan? Doon ang villa ko, oh... Nakikita mo ba 'yung may pine tree sa harap? Doon ako naka-check in," sagot nito. She didn't expect Cayden to be an arrogant man. Even though he seemed rude and unapproachable before, he turned out to be kind and very respectful towards others. But now, Cayden seems to be completely different from the person he knew before. Hindi naman nakaimik si Cayden wari bang napahiya siya. Hindi naman niya akalain na magkatapat lang pala ang villa na inoukupahan nila ng baduy na babae. He simply turned towards the road and continued walking, paying no further attention to a strange lady who was behind him. When he reached the front of his villa, he quickly entered the passcode on the door and went inside. Samantalang si Hannah ay hindi pa rin pumapasok sa loob ng kaniyang silid nanatiling nakatanaw lang siya sa binata. Abot kamay na niya ang lalaking kaniyang pangarap ngunit wala siyang lakas nang loob na ipagtapat ang totoo niyang pagkatao rito. Malungkot na ipinasya niyang pumasok na lamang, binalingan niya ang pinto at pinihit ang seradura niyon matapos ipasok ang kaniyang passcode sa security lock nito. _ Alas singko nang umaga ay gising na si Cayden, katulad ng kaniyang nakagawian kapag nasa Madrid siya ay hindi siya pumapalya ng takbo tuwing umaga. Kahit nasa bakasyon siya ngayon ay ginawa pa rin niyang mag-jogging, hinahanap-hanap ng kaniyang katawan ang pinagpapawisan. Sa tabi ng dagat niya napiling tumakbo. Masyado pang maaga kaya naman bukod tanging siya lang ang tao sa lugar na iyon. Ang hindi niya alam, ng mga oras na iyon ay gising na rin si Hannah. Nasa terrace ito at umiinom ng kape. Nagbabasa siya ng libro ng maagaw ang atensiyon niya ni Cayden. Nakita niya mula sa 'di kalayuan ang binata na puspusan sa pagjo-jogging. She placed the book she was holding on the table and bookmarked the page she had already read before closing it. Despite the early hour of barely past five in the morning, it was already bright. She felt tempted to leave her reading behind and simply watch Cayden instead. Kahit nasa malayo ay kaya niyang i-describe ang kabuuan nito. Matangkad ang binata, sa tingin niya ay mahigit sa six feet ang taas nito. Maganda ang tindig, malapad ang balikat at well-developed ang katawan nito, na halata mong mataas ang endurance at hindi basta-basta napapagod. Napapaisip tuloy siya kung ano na ang pinagkakaabalahan ni Cayden ngayon, kung ano ang trabaho meron ito, at saan ito nakatira? Habang nakatitig siya rito ay hindi niya inaasahan na mapapalingon ang binata sa direksyon niya. Muntik na siyang mahulog sa kaniyang kinauupuan sa gulat. Tarantang dinampot niya ang kaniyang libro at inginudngod ang ulo roon, nagkunwari siyang abala sa pagbabasa kahit na nakita na siya ni Cayden na nakamasid siya rito ay nagpatay malisya lang siya. "Stupid Hannah, why do you always make it obvious? That guy might think you have feelings for him. Stop it, it's unlikely for you to be together. You're married now, and he already loves someone else. Accept the truth that the love you had when you were young is just a memory," sermon niya sa kaniyang sarili. Para hindi na magkasala ang mga mata niya na patuloy na maakit sa binata ay umalis na siya ng terrace at pumasok sa loob. Inisip niyang tapusin na lang ang baksyon niya sa El Grande Beach Resort at sa condo na lang niya palipasin ang mga araw, kaya lang ay nanghihinyang namam siya sa kaniyang ibinayad. May pinirmahan siya at hindi na niya makukuha ang r****d kapag nag-check out siya kahit wala pa sa tamang oras. Bandang tanghali ay naisipan niyang sa restaurant na lamang ng resort siya kumain. Tahimik lang siya sa isang sulok. Napatingala siya ng may maglapag ng tray ng pagkain sa lamesa niya. "Would you mind if I can share a table with you? Hindi nakakagana kumain kapag mag-isa lang. I don't know anyone here. Ikaw lang ang bukod tanging nakita ko na pamilyar sa akin kaya dito na ako pumunta, sana naman ay hindi mo masamain," sabi ni Cayden, hindi niya ginawang umupo hanggat hindi pumapayag si Hannah na makisabay siya rito sa pagkain. Wala naman nang nagawa si Hannah kung hindi ang tumango, kung tatanggi siya ay mapapahiya naman ang binata. Maramirami din ang mga kumakain sa restaurant na iyon ang karamihan nga ay nakatingin pa rito. Wala silang imikan habang kumakain. Pinapakiramdaman niya si Cayden. Mukhang wala naman itong balak na makipag usap sa kaniya, sadyang ang may makakasabay lang sa pagkain ang gusto nito. "You already know my name so what's yours?" tanong ni Cayden mula sa pananahimik. Bahagyang napaawang ang bibig niya. Bigla niyang naalala na tinawag nga pala niya ito sa kaniyang pangalan sa unang engkwentro pa lang nila sa. "Ha... A-Anna, my name is Anna." Muntik na niyang masabi ang tunay na pangalan niya rito, mabuti na lamang at maagap na naawat niya ang sarili. "So Anna, how did you know my name?" tanong na naman nito sa kaniya. Muntik ng hindi malunok ni Hannah ang nasa bibig niya dahil sa pagkagulat. Agad naman siyang uminom ng tubig bago pa siya masamid. "I saw your pictures on my newsfeed while I was browsing. Kaya naman ng makita-kita ay naala ko 'yung nasa newsfeed familiar ang mukha mo at pangalan," pagsisinungaling niya. "I didn't know that news about me has reached the Philippines as well. I hope that the article you read about me was positive." "Ah, ayos lang naman ang nabasa kong balita tungkol sa'yo. Wala naman akong nakitang masama sa mga sinabi sa article," aniya, kahit ang toto ay wala naman talaga siyang nakita at nabasa na artikulo tungkol dito. Tiningnan siya ng binata ng may pagdududa para kasing hindi ito naniniwala sa mga pinagsasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD