Finally, Hannah just arrived in her dream destination. Nasa harapan na siya ngayon ng mataas na arko ng El Grande Beach Resort.
She looked up at the ornate arch for a moment and then dragged her suitcase closer to its main entrance. Sa labas pa lang ng gate ay pinasadahan na siya ng tingin ng staff ng resort na siyang naka-assign sa bukana nito para sumalubong sa kanilang mga guest. The staff looked at her questionably from head to toe.
Sabagay, who would have believed that she could afford to stay at that luxury resort with her looks? Nawala sa isip niya na naka-disguise nga pala siya.
Ang itsura niya ngayon ay parang isang manang. Her curly black hair was loose. Ang totoo ay peluka lamang iyon, a wig made of real human hair, everybody can be deceived and no one will think that it's fake.
Ang damit niya ay floral long sleeve blouse na tinernuhan nang mahabang asul na palda na halos umabot na sa kaniyang sakong. In addition to her thick and heavily darkened eyebrows, she also wears thick reading glasses. To divert her face from its original appearance ay naglagay din siya ng itim na balat sa kaniyang kaliwang pisngi and that imitation of a birthmark was almost the size of ten centavo coins.
"Ano'ng kailangan? Sorry, but we are no longer accepting employees here. As of now, the staff and crew of this resort are sufficient and there are no more vacant positions in any department," mataray na sabi nito na napagkamalan pa talaga siyang aplikante.
"Excuse me, miss, I'm not here to apply for a job. I'm here for a vacation," mahinahon na sabi niya. Hindi siya nagpakita ng pagkainis, kahit na arogante ang kaniyang kausap. Ayaw niyang masira ang araw niya sa isang taong mapanghusga at nangmamaliit ng kapwa.
"Oh, talaga? Alam mo ba kung nasaan ka ngayon, manang? This is a luxury resort, meaning, mayayaman lang ang pwede rito. Baka nagkamali ka ng pinuntahan, sa kabilang isla siguro dapat ang tungo mo. Doon oh... sasakay ka ng motorboat para makatawid sa kabila. Mura lang ang entrance at kwarto sa pipitsugin na resort na 'yon. Sa tingin ko naman ay hindi mo afford ang mga rooms dito," mapang insultong sabi nito sabay turo sa ilang mga bangka na nakadaong sa pampang.
"Miss, hindi ako nagkamali ng pinuntahan na lugar. Ang mabuti pa ay papasukin mo na ako bago pa kita isumbong sa manager ninyo at mawalan ng trabaho. This resort doesn't need an employee like you who discriminates against people based on their appearance. Ano naman kung ganito ang itsura ko at ganito lang ang suot ko? That doesn't mean that I can't afford to go to this luxurious resort and pay my bills. Huwag mong ibase sa itsura ang pagtanggap ng bisita. Do not be deceived by the people who wear expensive and fancy clothes because some of them are just pretending to be rich but the truth behind their luxurious appearance, ay mas mahirap pa sila sa daga. Do you understand my point? Treat everyone equally, you don't know who you're talking to. Malay mo ang kausap mo ngayon kayang bilhin ang beach resort na ito pati na ang buhay mo ng sampung beses at higit pa. FYI, I'm a guest here. I already book a reservation. Pasalamat ka wala ako sa mood na magsungit ngayon, so don't you dare pissed me. Hindi mo alam kung paano ako magalit. Don't underestimate me, dear," she said in a serious manner. She tapped her shoulder and smiled at her meaningfully. She doesn't want to talk to her in an arrogant way, the truth is she just wants her to realize the foolishness of her behavior.
She also regretted what she said after, she should have just acted based on what character she is portraying right now. Isa siyang geek chic ngayon, iyon ang gusto niyang isipin sa kaniya ng mga tao.
Waring natameme naman ang empleyado ng makita kung gaano siya ka-seryoso. Binigyan siya nito ng daan at hinayaang makapasok sa loob. Agad siyang dumiretso sa reception area para kunin ang susi ng villa na kaniyang pina-reserved para sa apat na araw niyang bakasyon sa lugar na iyon. Isang hindi kalakihan na villa iyon na sapat lang para sa nag iisang guest na katulad niya ang kaniyang napili.
Kagaya nang naunang empleyado ay may pagdududa rin ang tingin sa kaniya ng iba pang mga tauhan sa resort na iyon ngunit ng makita naman ng mga ito na kaya niyang magbayad ng malaking halaga para sa mga facilities ng lugar at rumenta ng isang villa ay agad siyang in-accomodate ng mga ito. Hindi katulad ng mga mayayaman na guest nila rito na credit card ang ginagamit na pambayad sa lahat ng kanilang transaksyon, si Hannah ay cash ang ibinayad kaya nagulat lalo ang mga naroon at naging iba na ang tingin at naging pagtrato ng mga ito sa kaniya.
Hinatid siya ng isang staff hanggang sa villa na napili niyang okupahin.
"Perfect! It feels so good to be here! This is the life that I've been wanted," tuwang sabi niya habang nakamasid sa asul na asul na tubig.
The room in the villa that she occupied faces the sea. She just opened the curtain that covered the glass wall window, and the beauty of the whole place amazed her.
Saglit niyang inalis ang tingin sa dagat at ibinalik sa loob ng malawak na silid na iyon ang kaniyang mga mata.
The large circular bed with a load of cushions covered with white sheets and pillowcases grabbed her attention. It was as if the bed is pulling her and luring her to lie down and test its softness. Nagpadala naman siya sa tukso, lumapit siya sa kama at naupo sa gilid nito. Hinaplos niya ang sapin nito at dinama ang kalambutan niyon. Hindi siya na kuntento na namnamin lang iyon ng kaniyang mga kamay. Nahiga na siya ng tuluyan. Napangiti siya sa tuwa, iba talaga ang pakiramdam kapag malayo siya kay Daxton. Nakakagalaw siya ng malaya at walang nag didikta sa kaniya kung ano ang dapat at hindi dapat niyang i-kilos at gawin. Kinuha niya ang opurtunidad na iyon para saglit na umidlip. Dahil sa sobrang excited niya kagabi ay hindi siya nakatulog ng maayos. Masyado pang maaga para mananghalian, alanganin naman para mag almusal. Busog pa naman siya at wala pa siyang ganang maglakad para maghanap ng masarap na kainan sa lugar na iyon. Apat na araw siya sa El Grande Beach Resort at alam niyang marami siyang magagawa sa lugar na iyon sa loob ng apat na araw na ilalagi niya rito. She's looking for adventure that's why she chose this place.
_
Kausap ni Cayden ang kapatid na si Cloud sa kabilang linya. Nasa El Grande Beach Resort sila ngayon na pag-aari ng lolo ni Cloud. And because the owner of the resort is related to his brother, they were given a VIP treatment. They are in a luxurious villa and the employees there take good care of them. Everything they need is quickly provided by the management.
Natuloy din ang matagal na nilang plano ng kaniyang girlfriend na si Naomi na magbakasyon sa Pilipinas. Matapos niyang ipinakilala ang nobya sa kaniyang buong angkan ay diretso na agad sila sa isla na ito. It's their second day here, they only have three more days and then they will go back to Spain, because the jobs they left there are waiting for them.
"I'll take this call, Babe, you go to the spa first and I'll follow later," sabi niya sa nobya.
Sabay kasi sana silang mag pamasahe ngayon. Isa iyon sa mga pwede nilang gawin sa resort na iyon, dahil nga VIP guest sila ay libre ang lahat nang amenities nila rito.
"Okay, honey, I'll just wait for you there," tugon naman ni Naomi. Napaka-sexy nito sa suot na two piece black bikini na natatakpan lang ng ipinatong nitong see through robe na wala rin namang silbi kung tutuusin dahil kitang-kita rin naman ang tinatakpan. Halos lahat ng madaanan nito ay napapalingon dito. Ang mga kalalakihan ay talaga namang humahanga sa perpekto nitong kutis at katawan kaya naman hindi nila maiwasan ang hindi mapanganga. Samantalang, ang mga kababaihan naman ay napapasimangot kapag nakikita na si Naomi, lalo pa iyong may mga kasamang asawa o boyfriend dahil bigla na lang nababaling dito ang atensiyon ng mga partner nila.
Cayden doesn't care about that, It's not an issue for him. Namulat siya sa liberated na bansa. The truth is that, he feels so proud when he sees that many people admire his girlfriend.
Bago tuluyang umalis ang kaniyang nobya ay hinalikan pa siya nito sa labi. Many people witnessed their sweetness some were jealous while others frowned, lalo na ang mga kababaihan na kanina pa nagpapapansin sa binata. Ang mga ito ay padaan-daan sa harapan niya ngunit hindi naman niya pinag ukulan man lang ng pansin, kahit pa mga naka bikini lang ang mga ito at lantad ang magandang hubog ng kanilang mga katawan. There is only one person who gets his one hundred percent attention and that is none other than his girlfriend. Matapos ang masuyo nilang halikan na iyon ay tuluyan na siyang iniwan nito.
He almost forgot his call. It turned out that he was already on the other line and he was not able to talk to the caller because he was busy with his girlfriend.
_
Sa kasarapan ng pagtulog ni Hannah ay kung bakit ba napanaginipan niya na niro-romansa siya ng kaniyang asawang si Daxton. Hindi niya gusto ang pamamaraan na ginagawa nito, imbes na masarapan, kahit sa panaginip ay tila ba nasasaktan siya. Panay ang baling ng ulo niya at pag-ungol. Nakatali ang dalawa niyang kamay at mga paa ng itim na tela sa kama, habang ang mga u***g naman niya ay may nakaipit na tweezer clamp. Gusto na niyang magising para matigil na ito sa kaniyang ginagawa. Pinagsasabay nito ang pagkain at panggigigil na pagkagat sa kaniyang tinggil, habang mabilis na nilalabas pasok ang tatlong daliri nito sa kaniyang lagusan.
Napabalikwas siya ng bangon nang sa wakas ay makawala siya sa tila ba bangungot na panaginip na iyon. Hinihingal siyang naupo at napasandal sa headboard ng kama. Parang totoong nangyari. Napahawak siya sa kaniyang pang ibaba, ipinasok niya ang kamay sa suot na palda at dumapo iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita. Sinapo niya ang kaniyang panty at nararamdaman niya na basang-basa iyon.
Nakaramdam siya ng inis. Pati ba naman sa panaginip ay hindi siya nilulubayan ng kaniyang asawa.
Sinipat niya ang oras sa kaniyang cell phone, nagulat siya ng malaman na ala una na pala nang hapon. Kung hindi sumingit sa panaginip niya si Daxton ay siguradong tulog pa siya ngayon.
Bumaba siya sa kama at inayos ang sarili nakaramdam na siya ng gutom. Sa pagkakaalala niya ang huling kain pa niya ay alas sais nang umaga. Oatmeal at saging lang naman ang almusal niya.
May body size mirror sa loob ng silid na iyon, humarap siya rito at pinasadahan ng tingin ang sarili. Sino nga ba ang mag-iisip na siya si Hannah Guillebeaux, ang socialite at asawa ng sikat na negosyante na si Daxton Guillebeaux? Sa itsura niya ngayon ay walang sino man ang nakakakilala sa tunay niyang pagkatao. Sinuklay niya ang wavy at buhaghag na buhok at sinuot ang makapal na salamin. Tiningan niyang mabuti kung nananatili pa rin bang makapal ang kaniyang kilay. Sabagay, maayos naman ang pagkakalagay niya rito at hindi naman agad-agad nabubura iyon at wala ring kumapit na kulay nito sa higaan. Inilabas niya ang sling bag sa kaniyang maleta. Kumuha lamang siya ng sapat na pera para sa kaniyang pagkakagastusan. Ang balak niya ay pumunta sa hotel para doon sa restaurant na mananghalian.
Sinigurado niyang naka-lock ng mabuti ang kaniyang silid bago siya lumabas.
Habang binabagtas niya ang kahabaan ng daan patungo sa kinaroroonan ng five star hotel ay may mga nadaraanan siyang mga tao. Pagkadismaya ang nakikita niya sa mukha ng mga ito. Marahil dahil na rin sa klase ng pananamit na suot niya na balot na balot kahit nasa beach naman siya. Hindi na niya binigyan ng pansin ang mga iyon. Hinayaan niya na pagtinginan lang siya ng mga ito.
Naglalakad siya sa pasilyo ng hotel ng bigla na lamang siyang matigilan. May narinig siyang pamilyar na boses. Hindi siya maaaring magkamali, ang maarteng boses na iyon ay pag-aari ng kaniyang mga hipag. Ang kambal na kapatid ni Daxton na si Mindy at Lizzy.
Bigla siyang kinabahan, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sa dinami-rami naman ng lugar ay kung bakit sa resort na ito pa nagpunta ang dalawa? Palakas nang palakas ang boses ng mga ito, ang ibig lang sabihin ay palapit nang palapit na ito sa kinaroroonan niya.
Lumingon siya sa paligid. Sa malas ay wala siyang makitang lugar na malulusutan. Nataranta na siya at hindi makaisip ng tamang gagawin. Naririnig niya ang mga boses na tila ba nagtatalo pa ang mga ito, pakiwari niya ay ilang hakbang na lamang ang layo ng mga ito sa kinaroroonan niya. Malapit na, kaya sa sobrang pagkataranta niya ay nahablot niya ang isang matangkad na lalaki na bigla na lang sumulpot sa kaniyang harapan. Naisalya niya ito sa dingding. Masyadong matangkad ito kaya kailangan pa niyang tumingkayad ng husto para maabot ito. Napakapit siya sa batok nito at pikit mata na idinikit ang labi niya sa labi nito. Sa pagkabigla ng lalaki ay kumilos ito at gustong kumawala ngunit mas hinigpitan pa niya ang kapit sa batok nito.
"I'm sorry, I need your help. Please stay still," pakiusap niya. Pinanatili niyang nakalapat ang labi sa labi ng lalaki.
"Oh, how sweet!" narinig niyang sabi ni Mindy, alam niyang nasa tapat lang nila ang magkapatid.
"Sweet? Yuck! Looks so cheap. Well, I'm referring to the girl. She looks like trash. How come a stunning young man can afford to kiss a girl like her. Oh, gross!" maarteng sabi ni Lizzy.
"It's none of your business, Sister. Halika na nga umalis na tayo, huwag kang istorbo sa kanila," saway ni Mindy.
"Huh! Maghihiwalay rin kayo, tseh!" inis na sabi ni Lizzy. Dahil doon ay kinaladkad na ito ni Mindy palayo.
Kahit kailan talaga ay walang manners ang mga kapatid ni Daxton, iyon ang ikinaiinis ni Hannah sa mga hipag niya.
Napaigtad siya sa gulat ng bigla siyang itulak ng lalaki. Nakaalis na ang kambal at noon lang niya naalala na nakalapat pa rin pala ang labi niya sa labi ng kung sinong lalaki na iyon. Sa sobrang pagkantaranta niya na baka makita siya ng mga hipag niya ay hindi na siya nakapag isip ng tama. At ngayon ay na-realize niya na hindi na dapat pala niya ginawa ang bagay na 'yon dahil naka-disguise naman pala siya at hindi siya makikilala ng mga ito. Napakalaki niyang tanga para hindi maisip iyon at nagawa pa niyang mang istorbo ng ibang tao.
Napadilat ang mga mata niya at tumingin sa lalaki. Laking gulat niya at halos malaglag ang panga niya ng makita ito. Madilim ang mukha ng gwapong lalaki na tila ba galit. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Kinurot pa niya ang sarili sa pag aakala na nananaginip lang siya. Pero nasaktan siya sa kaniyang ginawa at ang galit na lalaki ay nasa harapan pa rin niya ngayon. Kahit matagal na panahon na silang hindi nagkita ay kilalang-kilala niya ito, hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon.
"Ca-Cayden!" tarantang sabi niya sa pangalan nito.
Nangunot naman ang noo nito.
"Did you know me?" tanong nito sa kaniya.
Ipinilig niya ang ulo sabay iling. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Hindi naman niya alam kung paano iyon sasagutin. Sa itsura niya ngayon ay dapat ba siyang magpakilala rito na siya si Hannah ang kababata nito? Paano kung hindi na siya naaalala nito? Ayaw niyang maging komplikado ang lahat.
Bumuka ang bibig nito at magsasalita pa sana nang biglang may dumating na maganda at sexy na babae. Matangkad ito at napakakinis ng morena nitong kutis.
"There you are, honey. Where have you been?" sabi ng magandang babae. Agad na kumapit ito sa braso ni Cayden at humilig pa sa balikat ng binata.
Hindi natitinag si Cayden at nakatingin pa rin ito kay Hannah. Noon lang napansin ni Naomi na bukod sa kaniyang nobyo ay may ibang tao pa pala roon.
"Who is she? Did you know her, honey? Is she your friend?" tanong ni Naomi sa nobyo ngunit ang mga mata ay nakapukol kay Hannah.
Umiling si Cayden, ibinaling niya ang tingin sa nobya at pagkatapos ay ibinalik kay Hannah.
"No... I don't know her. She's just a random girl passing by," sabi nito.
Hindi naman nabigla si Hannah sa sagot na iyon ni Cayden. Lihim pa nga siyang nagpasalamat dahil hindi siya nakilala nito.
"Oh, okay. Let's go honey! The foods are waiting for us." Hinatak ni Naomi ang nobyo at wala naman nagawa ito kung hindi ang sumunod. Nang malampasan na ng mga ito si Hannah ay hindi naiwasan ng binata na lingunin na naman ito. Nakakunot pa rin ang noo niya. Sa itsura kasi ng babae kanina nang makita siya ay parang gulat na gulat ito at ng bigkasin nito ang pangalan niya, pakiramdam niya ay kilala siya ng babae. Iniisip niya kung sino ito at kung kilala rin ba niya ito ngunit wala siyang maisip. Hindi niya maalala kung may kakilala ba siyang babae na ganun ang istura at ganu'n manamit noong kabataan niya.
Dahil wala naman talaga siyang maisip kaya hinayaan na lamang niya. Pumasok sila sa restaurant ng hotel. May pina-reserve nang table si Cloud para sa kanila at ipinaghanda sila ng masarap na pagkain.
Sa isang sulok ng restaurant, napiling pumuwesto ni Hannah. Tanaw niya mula sa kaniyang kinauupuan si Cayden at ang magandang babae na kasama nito na sa tingin niya ay nobya nito. Sino ba ang hindi mag-iisip ng ganu'n? Ang sweet-sweet ng dalawa, nagsusubuan pa at maya-maya ay nagki-kiss. Bigla tuloy niyang hinawakan ang kaniyang labi. Kanina ay lumapat iyon sa labi ni Cayden. Hindi naman sila totally nag-kiss ngunit nadama niya ang malambot na labi nito na pakiramdam niya ay nakadampi pa rin sa kaniya.
Nakaramdam siya ng matinding lungkot. Matagal na panahon na nga ang lumipas. Marami nang nagbago kay Cayden, kahit siya man ay nagbago na rin. Hindi niya iniisip na magkikita sila sa ganitong lugar. Masakit na ang tagal niyang minahal ang lalaking ito at inaalagaan ang pagmamahal niya rito ngunit may iba na pala itong mahal at sa tingin niya ay hindi na siya maaalala nito kahit na magpakilala pa siya rito.
Ngayon niya napatunayan na masakit pala talaga ang ma-broken hearted. Kanina gutom na gutom siya ngayon ay hindi man lang niya makuhang bawasan ang mga pagkain na nakahain sa harapan niya. Akala pa naman niya ay mag-eenjoy siya sa lugar na ito bakit naging kabaliktaran pa yata. Napakalungkot niya ngayon. Hindi na niya matagalan ang ka-sweetan ng dalawa kaya ipinasya na lamang niya na lumabas na ng restaurant at bumalik na lamang sa kaniyang villa.
Samantalang si Cayden ay walang kaalam-alam na ang kaniyang kababata na si Hannah ay nasa malapit lang. Masyadong okupado ni Naomi ang utak at atensyon niya.