Dahil abala si Daxton sa pakikipag usap sa mga kakilala nito ay sinamantala naman ni Hannah na umalis muna para magtungo sa powder room. Gusto lang niya na ipahinga ang nangangawit na panga sa kangingiti. Nakasanayan na kasi niya ang magbigay ng ngiti sa mga taong kaniyang nakikita kapag nasa kasiyahan sila kahit hindi naman niya kilala ang mga ito. Iyon ang mahigpit at laging bilin sa kaniya ni Daxton kapag magkasama sila, ang maging magiliw siya sa mga tao.
Ang hindi niya alam ay kanina pa nakamasid sa kaniya si Cayden, pinagmamasdan nito at pinag aaralan ang bawat kilos niya. Nakita nito ang pag alis niya kaya sinundan siya nito.
"Huh!"
Muntik ng mapalundag sa gulat si Hannah nang bigla siyang hablutin ni Cayden at isalya sa sementadong dingding, pagkatapos ay dumagan ito sa kaniya para hindi niya magawang makaalis. Kinorner siya ng binata, sadyang ginawa iyon ni Cayden para hindi siya makawala dahil lagi na lang niya itong tinatakasan.
"Is he the reason why you are avoiding me?" seryosong tanong ni Cayden, titig na titig siya kay Hannah.
Saglit na natigilan si Hannah ngunit hindi siya nagpahalata, pinagmukha niyang matapang at palaban ang kaniyang sarili at nagpanggap na hindi siya naapektuhan sa presensiya ng binata. "Yes, now that you know that I am married, stop getting close to me nor go near me!" sabi niya, lumaban siya ng titigan kay Cayden.
Umiling ang binata. "Just because I've learned that you're already married doesn't mean I'll avoid you. Don't dictate to me what I should do. Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin."
Ikinagulat ni Hannah ang sinabing iyon ni Cayden, hindi niya akalaing magmamatigas ito at ipipilit ang gusto kahit malinaw na mali ang ginagawa niya.
"Could you please stop this! Let me go! Pakawalan mo na ako. We're not kids anymore. I'm no longer the Hannah you can mess with when you're bored. We're adults now. I am married, do you understand? Hindi ako maaaring basta-basta na lang makipag usap sa kahit na kaninong lalaki," inis na sabi niya. Gusto niyang maliwanagan ito sa katotohanan na hindi dahil gusto siyang makausap nito ay ayos lang sa kaniya, maraming dapat na isaalang-alang.
Pilit niyang tinutulak ang kababata palayo sa kaniya pero hindi niya kaya. Malaking bulas ito at isa pa ay matikas ang pangangatawan nito, sa bigat nito ay mistula siyang dinaganan ng bato.
"Tell me, do you love him? Do you love your husband?!" may awtoridad na tanong ni Cayden. Binalewala nito ang ginagawa niyang pangtulak dito, mas lalo pa nga nitong idiniin ang katawan sa kaniya. Damang-dama niya ito at halos hindi na siya makahinga. Labis ang tensiyon na dulot ni Cayden sa kaniya.
Ang tanong na iyon ang nagbigay ng takot sa kaniya.
Paano ba niya sasagutin ang tanong na iyon?
Gusto niyang maging totoo sa sarili niya at kay Cayden. Gustong-gusto niyang sabihin dito na hindi niya mahal ang kaniyang asawa at kahit kailan ay hindi niya ito nagawang mahalin, ngunit hirap siyang sabihin dito ang totoo.
Namayani ang katahimikan.
"Oh come on, why can't you speak? Is it just a yes or no that you'll answer, Is that difficult?" nang aarok na sabi nito.
Huminga muna ng malalim si Hannah doon siya humugot ng lakas ng loob na sagutin ang mapangahas na tanong na iyon ng kaniyang kababata. "Yes, I deeply love my husband, and I cherish our relationship. Please, refrain from acting like a stalker towards me. Don't ruin me and my marriage!" matapang na sabi niya.
Pinakatitigan siya ng husto nito, mga titig na nang-aarok at tila ba may bahid ng pagdududa. "You're lying! That's not what I see in your eyes. Your gaze betrays a different truth, and it tells me that you're not genuinely in love with your husband. Your actions are speaking for you, revealing the hidden emotions you try to suppress. It's evident that you're merely protecting yourself from him, putting up a shield to guard against his influence, huh! It's as if he holds a tight grip on you, exerting control over your life and decisions. Look at you, you look so scared and confused, it's as if you're torn between telling a lie and the truth," pagsasabi niya ng kaniyang saloobin. Iyon kasi ang nakita niya habang inoobserbahan ang mga ito kanina.
Nakakabiglang marinig ang mga pahyag na iyon ni Cayden. Parang alam na alam kasi nito ang nangyayari sa kaniya at ang nararamdaman niya. Lahat ng sinabi nito ay totoo, pero hindi niya kailangang magpadala rito.
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya, gusto niyang panindigan ang naging sagot niya. "That's not true. Just because we were close to each other before doesn't automatically grant you an intimate understanding of who I truly am, nor does it grant you the ability to read my innermost thoughts through your eyes. Our past closeness may have given you some insights into my character, but it doesn't encompass the entirety of my being or the complexities that lie within me," matigas na sabi niya.
Ipinilig ni Cayden ang kaniyang ulo. "This is the only way I know to find out the truth." Pagkasabi niyon ay bigla niyang kinabig sa batok si Hannah, yumuko siya at inabot ang mga labi nito. Ginawaran niya ng masuyong halik ang kaniyang kababata.
Hindi malaman ni Hannah kung ano ang kaniyang gagawin. Gusto ng isip niya na pigilan si Cayden sa ginagawa nitong paghalik sa kaniya ngunit ayaw naman ng katawan niyang umayon sa kagustuhan ng isip niya. Masarap ang mga halik na iyon ni Cayden, masuyo at may pagmamahal. Pilit niyang nilalabanan ang sarili na huwag tugunin ang halik nito ngunit lubhang naakit siya sa malambot at matamis na labi ng binata. Kahit kailan sa buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang ganito kasarap na halik. Kailan man ay hindi nagawa sa kaniya ni Daxton ang ganito. Sa mga labi pa lang ni Cayden na nakadampi sa mga labi niya ay nag-iinit na siya ng husto. Kusang gumalaw ang mga kamay niya at kumapit sa batok ng binata. Hindi na niya naisip kung nasaan sila ng mga oras na iyon. Nagpakawala siya ng impit na pag-ungol, kahit pigilan niya ay kusa itong lumabas sa bibig niya. Hindi na niya kontrolado ang kaniyang sarili, kumikilos na ito ayon sa kaniyang kagustuhan. Nalulong na siya sa mga halik ng binata na habang tumatagal ay lalo lang nagbibigay ng ibayo at walang kapantay na kaligayahan sa kaniya.
"Hannah... Baby, where are you?"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hannah at bigla niyang naitulak nang malakas si Cayden upang mapalayo siya rito. Labis siyang nataranta ng marinig niya ang boses ni Daxton.
"Umalis ka na! Pakiusap, umalis ka na bago pa tayo makita ng asawa ko," pagsusumamo niya, pinagsalikop pa niya ang mga kamay, nanginginig ang katawan niya sa takot at hindi nakaligtas iyon kay Cayden. Nakaramdam siya ng pag-aalala para rito. Hindi niya dapat ikompromiso ang kaligtasan ni Hannah. Tama ito, hindi sila dapat makita ni Daxton na magkasama.
Kung tama ang hinala niya na ang 'monster' na naka-register sa phonebook ni Hannah at ang lalaking galit na galit sa telepono at kung ano-anong masasamang salita ang itinatawag kay Hannah ay si Daxton, masasabi niyang delikado nga si Hannah.
"Fine, I'll leave for now, but I'll come back. I'll come back for you, Hannah. Babawiin kita kay Daxton, especially now that I am so sure that you love me too, I won't allow us to be apart anymore." Mabilis siyang ginawaran nito ng halik sa labi bago nagmamadaling umalis.
Napahawak sa dingding si Hannah, nanginig ang mga tuhod niya sa labis na panghihina. Halo-halo ang damdamin na nadarama niya ngayon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot.
"There you are! What are you doing here?" agad siyang napalingon sa kaniyang likuran.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng makita ang pagmumukha ng kaniyang asawa. Alam niyang may nagawa siyang kasalanan dito, bumigay siya sa pang aakit ni Cayden. Hindi niya kayang kontrolin ang damdamin niya para rito nang ganu'n na lang at ngayon ay nagi-guilty siya.
"Ha! Ah, nag-retouch lang ako sa powder room," aniya kahit na ang totoo ay hindi nga niya nagawang makapasok man lang sa loob niyon, malayo pa lang ay hinarang na siya ni Cayden kanina.
"Hmm... okay. I'm tired, I wanna go home, let's go."
Pilit siyang ngumiti sabay tango at kumapit sa braso ng asawa. She fluster a fake smile on her lips. Ayaw niyang makahalata ito ng kahit na ano.
Mula sa 'di kalayuan ay nagtatago lang si Cayden. Pinagmamasdan niya si Hannah at Daxton. Kumuyom ang palad niya dahil sa galit. Naiinggit siya, kinaiinggitan niya si Daxton dahil nagagawa nitong mahawakan at mayakap ng malaya si Hannah.
sa harap nang maraming tao. Samantalang ito siya ngayon nagtatago sa isang sulok para hindi nito makita. Kahit na sumasampal sa kaniya ang katotohanan ay hindi iyon naging hadlang para panghinaan siya. Hindi iyon naging hadlang para sukuan niya si Hannah. Ano kung kasal sila, hindi naman hawak ni Daxton ang puso ni Hannah? Umalis na siya sa kaniyang pinagtataguan at bumalik sa kasiyahan. Iniwasan niyang magpakita kay Lizzy. Alam niyang kanina pa siya hinahanap nito pero hindi na niya hahayaan ang sarili na pagbigyan pa ang mga kapritso nito.
Dahil abala ang kaniyang Uncle Ric ay kay Dave na lamang siya nagpaalam.
"Pakisabi kay Uncle na umuwi na 'ko," aniya sa pinsan.
"Uuwi ka na? Teka, paano ang usapan natin, 'di ba sabi mo babawi ka sa amin? Bakit hindi na lang natin ituloy ang inuman? Tatawagan ko si Kuya Justin at Cloud. Let's go somewhere else," aya nito.
Napaisip siya. Masama ang loob niya ngayon, tama lang siguro na mag inom siya at ibuhos sa alak ang sama ng loob niya, kaysa naman magkulong siya sa kwarto niya. Lalo lang niyang maiisip ang mga bagay na hindi dapat, katulad na lang ng isiping natutulog si Hannah na katabi si Daxton, masakit para sa kaniya ang katotohanan na iyon.
"Okay, doon tayo sa resthouse namin sa sa San Martin, tawagan mo na ang dalawa. Mauna na tayo, pasunudin mo na lang sila," utos niya sa kaniyang pinsan.
"Sige, areglado," tuwang sabi naman nito.
Sumabay na lang sa kaniya si Dave, bumiyahe sila ng mahigit na tatlong oras papunta sa kanilang resthouse. Bago pa man sila pumunta roon ay tinawagan na niya ang mga care taker nila roon at ipinaalam ang kanilang pagdating para makapaghanda ang mga ito ng kung ano man ang mga kakailanganin nila. Nang may madaanan silang supermarket ay tumigil sila para bumili ng mga alak at pagkain na pwedeng maging pulutan.
_
"What happened? Why there's a sudden out-of-town trip?"" tanong ni Cloud.
Sa apat na magpipinsan ay ito ang pinakahuling dumating sa resthouse.
"Ewan ko, mukhang may problema ang isang 'yan, kanina pa tahimik at panay ang inom," tugon ni Dave habang nakatingin kay Cayden.
Kasalukuyang nasa rooftop terrace ng bahay ang magpipinsan at doon nag iinom. Ang mga caretaker ng resthouse ay nagtutulong-tulong para pagsilbihan sila, meron pa ngang nag-iihaw ng manok, isda at baboy para sa kanilang pulutan.
Umupo sa bean bag chair si Cloud, nilingon niya si Cayden. "Is there a problem?" tanong niya.
"I saw Hannah earlier," sabi ni Cayden, hindi nito nilingon ang kapatid, nanatili lang itong nakatitig sa bote ng alak na kaniyang hawak.
Napalingon naman ang noon ay namumulutan na si Justin sa kaniyang pinsan. Si Dave ay bigla ring naging interesado sa sinabing iyon ni Cayden.
"Really? Saan kayo nagkita?" tanong ni Cloud.
"Kanina sa grand opening ng Leviste Real Estate," sagot ni Cayden.
"What... nandoon si Hannah kanina? Bakit hindi mo sinabi sa akin para nakita ko sana," may panghihinayang sa tono ng boses na sabi ni Dave. Sa kanilang apat siya at si Cayden lang naman ang pumunta sa okasyon na 'yon, si Cloud at Justin ay may kani-kaniyang importanteng nilakad kaya hindi nakarating.
"I am in pure sadness at this moment. I hate what I found out. It feels like the universe has played a cruel trick on me," malalim na wika ni Cayden, hindi nito pinansin ang sinabi ni Dave.
Nangunot ang noo ni Justin. "Bakit? Ano ba ang nangyari?" curious na tanong nito.
"I just found out that the woman I've been searching for all this time is already married. Kasal na si Hannah sa ibang lalaki. It breaks my heart so badly. Every moment I spent trying to connect with her, every flicker of hope that grew with each encounter, now feels like a bittersweet memory. Biglang gumuho ang mundo ko, nawalan ako ng pag-asa," madamdaming pahayag niya.
"Wow! Ang saklap nga niyan," napapailing na sabi ni Cloud.
"For the second time broken hearted ka na naman. That's precisely why I refrain from taking women seriously. From my own observation, it often seems that women bring nothing but problems and headaches. They can effortlessly swing between making you happy and causing you sadness at the same time. They have this power to drive you crazy," dagdag na pahayag pa ni Cloud.
"Hahaha!" Ang lakas ng tawa ni Dave sa sinabing iyon ng binata. "Para ka talagang may pinaghuhugutan, ah," pambubuska nito. "Umamin ka nga, naranasan mo na ring masaktan, noh?"
"Of course not, It's just the way I see it. Sabi ko nga opinyon ko lang 'yon. I hate to see men crying their ass out because of women."
"And you're hating Cayden now, don't you? Bakit hindi ka na lang kasi makisimpatya sa kapatid mo? What if you find yourself in a similar situation as his? What he's going through is not a joke. There's nothing wrong with falling in love, but the problem is, on his part, the woman is already married. Kapag ganu'n ang sitwasyon ay wala ka ng ngang pag-asa na mapasa'yo pa siya. Aasa ka na lang talaga sa second life," ani Justin.
"Tsk. Mas masakit pa nga ang sinabi mo kaysa sa akin. Sa sinabi mo, inalisan mo na agad ng pag-asa si Cayden. Lalo mo lang dinagdagan ang iniisip niya. Sabihin mo ba naman na umasa na lang siya sa second life. Mas maganda sana na sinabi mo na lang na umasa siya sa himala. Hahaha! Iyon talaga ang epic!" tuwang sabi ni Cloud.
"Hoy, tumigil na nga kayo, hindi kayo nakakatuwa!" saway ni Dave sa dalawa.
Habang nagkukulitan ang kaniyang mga pinsan ay nanatiling tahimik lang si Cayden. Itinuon niya sa alak ang kaniyang buong atensiyon. Hindi na muna siya mag-iisip ngayon, hahayaan na lamang niyang makalimot siya kahit na sandali.
Parang may sariling mundo si Cayden ng mga oras na iyon, nanahimik siya sa isang sulok. Iginalang na lang ng mga kasama niya ang pananahimik niya. Nag-enjoy ang tatlo na hindi na siya kinulit pa.
Dahil sa kalasingan ay kung saan siya nakaupo ay doon na rin siya nakatulog. Pinagtulungan na lang ni Cloud at Dave na dalhin siya sa kaniyang silid para makatulog ng maayos.
"Wait! Tama nga kaya ang iniisip ko na si Hannah na kababata ni Cayden at ang asawa ni Daxton Guillebeaux ay iisa lang?" tanong ni Dave kay Justin. Magkasama sila sa iisang silid ngunit magkahiwalay naman sila ng kamang tutulugan. Malakas ang tolerance ng magkapatid pagdating sa alak kaya naman hindi agad sila nalalasing kahit marami pa ang nainom.
Napaisip si Justin. "Siguro nga tama ka. 'Di ba noong birthday party ni Dad nakita ni Cayden si Hannah? That same night ay naroon din si Mrs. Guillebeaux. Tapos kanina naman sa grand opening ng bagong kompanya natin, 'di ba sinabi mo sa akin na naroon din ang mag-asawang Guillebeaux?" Pinagtagpi-tagpi ni Justin ang mga posibilidad base sa mga nangyari.
"Oh, what a small world. Paano kapag nalaman ni Lizzy na may gusto si Cayden sa asawa ng kuya niya? Patay na patay pa naman ang brat na 'yon sa pinsan natin."
"Don't worry about Lizzy, worry about Daxton instead. What if Daxton finds out about Hannah and Cayden's past? I heard something bad about him. They say he's a dominant and strict husband.
Isa pa ayaw na ayaw raw niya na may tumitingin na ibang lalaki sa asawa niya. He's so possessive and jealous."
"What? Imposible namang walang tumingin sa asawa niya. Her wife is such a goddess, he can't blame men for glancing at her. Even I find myself looking at her because she is truly beautiful. Kasalanan ba 'yon ni Hannah? Kasalanan niya dahil nag asawa siya ng maganda. If he doesn't want others to look at his wife, then he should just keep her locked up at home para walang makakitang iba."
"He deliberately sought after it. He chose to marry someone who was not only beautiful but also younger than him, believing it would elevate his self-esteem. He feels that it would give him superiority over other men, causing his self-confidence to soar to new heights. In his eyes, his wife became a trophy wife—a great possession he is very proud to flaunt." Pag aanalisa ni Justin.
"You're right, he just display his wife to make everyone envy him. He wants everybody's attention, and he gets it because of Hannah. Poor Cayden, kahit na ano ang gawin niya ay hindi mapapasakaniya ang babaeng gusto niya. Daxton will never let go of Hannah."
"Dapat tanggapin na lang niya ang katotohanan na hindi na pwedeng maging sila. Kung ipipilit niya ang gusto niya ay mapapahamak lang sila ni Hannah."
"Kaya nga, bilang mga pinsan niya kailangang tulungan natin siya na makalimutan na si Hannah."
"We don't know how far Cayden can go when it comes to love, Dave. Maraming nagagawa ang pag-ibig, minsan kahit imposible na ay pwedeng mangyari."
"Tsk. He shouldn't be stubborn and insist on what he wants. Mahirap na kalaban si Daxton. We all know how shrewd he is when it comes to business. What more when it involves his personal life? I'm afraid for Cayden. He should stop pursuing Hannah and move on, there are plenty of women out there. Binata siya gwapo, mayaman, matalino, lahat na ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaniya na. There's no woman who wouldn't desire him."
Hindi alam ni Cayden na siya ang topic ngayon ng kaniyang mga pinsan sa kabilang silid, tulog na tulog kasi siya dala ng labis na kalasingan.