Chapter 28- Sino Si Mrs. Guillebeaux?•

1615 Words
Kinabukasan ay pumunta si Cayden sa grand opening ng bagong negosyo ng kaniyang Uncle Ric. Maraming mga importanteng tao ang naroon, karamihan ay mga negosyante na kagaya rin niya. "Oh, Cayden... I'm so happy to see you here!" Bulalas na sabi ni Lizzy, sinalubong nito si Cayden, yumakap ito sa binata at humalik pa sa pisngi nito. Biglang nawalan ng gana si Cayden nang makita si Lizzy, kahit saan na lang siya magpunta ay naroon din ito. Sa totoo lang ay para na itong stalker niya. Alam naman niya noon pa na may gusto ito sa kaniya. Humahanap lang siya ng tamang pagkakataon na makausap ito, para unahan na ito at sabihin sa dalaga na wala siyang interes dito. Ayaw niyang umasa pa ito, baka mamaya ay isipan pa nito na gusto niya rin ito dahil pinakikisamahan niya. Ayaw niya lang maging bastos dito pero gusto na rin niya itong patigilin sa kabubuntot sa kaniya. Kumapit ito sa braso niya. "Mabuti na lang at nandito ka, wala akong escort ngayon kaya ikaw na lang," masayang sabi nito. "Bakit ako pa, marami namang iba d'yan," sabi niya na ipinahahalata ang pagkadisgusto niya sa sinabi nito. "Ay, ayoko sa kanila, ikaw ang gusto ko!" parang batang sabi nito na lalo pang hinigpitan ang kapit sa braso niya. Maraming bisita ang kaniyang Uncle Ric, ayaw niyang gumawa ng eksena kaya pinagbigyan na lamang niya si Lizzy. Lagi lang itong nakabuntot sa kaniya kaya lalo lang nadadagdagan ang inis niya rito. Nang may makita itong mga kakilala ay nakipag usap ito, sinamantala niya ang pagkakataong iyon para matakasan ang makulit na dalaga. Ang higpit ng pagkakabantay nito sa kaniya, akala nga niya ay hindi na niya ito magagawang takasan. Habang naglalakad ay may nakasalubong siyang waiter na may dalang kopita ng mga alak na nakalagay sa tray. Humingi siya ng isa at sinimsim iyon, nagulat siya ng may biglang sumiko sa kaniya. "Akala ko ba hindi ka interesado sa mga babae, bakit parang mukhang nagkakmabutihan na kayo ni Lizzy?" sabi ni Dave na may halong panunudyo, hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kaniya. "Hindi ako interesado kay Lizzy, pinakikisamahan ko lang," aniya. "Huh! Bakit maganda naman si Lizzy, ah? Baduy nga lang, pero kapag nabihisan naman siya ng maayos magmumukhang tao na rin 'yon," sabi ni Dave sabay tawa. Binalingan niya ng tingin ang kaniyang pinsan. "Hindi siya ang tipo kong babae," seryosong sabi niya rito. "Ano ba kasi ang mga tipo mo?" interesadong tanong naman ni Dave. "Yung simple lang at walang arte sa katawan, mahinhin kung kumilos at disente manamit," tugon niya sa tanong nito. "Yung maputi, makinis ang kutis, mahaba at makintab ang buhok, magandang ngumiti, prim ang proper at parang prisesa kung kumilos? Iyon bang malakas ang dating, 'yung tipong mapapalingon ka kapag dumaan siya sa harapan mo? Parang kagaya ba nun?" sabi ni Dave sabay nguso sa mga bagong dating na bisita. Nilingon ni Cayden ang sinasabi ng kaniyang pinsan at talaga namang nagulat siya ng makita niya si Hannah, ang mas ikinagulat niya ay kasama nito si Daxton na kapatid ni Lizzy. Hindi niya mapaniwalaan na si Mrs. Guillebeaux at ang kababata niyang si Hannah ay iisa lang. Kaya naman pala naroon din ito sa hotel. Nang hintayin niya si Mrs. Guillebeaux sa restaurant ay si Hannah ang nakita niya dahil iisang tao lang pala sila. Nanlumo siya ng malaman na may asawa na pala si Hannah, hindi na pala ito malaya kaya naman pala siya iniiwasan nito. Alam niyang hindi dapat ngunit nakaramdam siya ng matinding selos kay Daxton, nakikita niya kung gaano kalambing si Hannah rito at kung gaano ito kasaya habang kasama nito ang kaniyang asawa. "Kung gan'yan ang tipo mong babae sorry ka na lang dahil may asawa na siya. Ang ganda 'di ba? Ibang-iba ang ganda niya kung ikukumpara mo sa mga babaeng naririto. Nangingibabaw ang kagandahan ni Mrs. Guillebeaux, kaya naman proud na proud si Daxton sa asawa niya. Ang daming lalaking naiinggit sa kaniya." Nasa ganuon silang pag uusap ng biglang sumulpot si Lizzy sa kanilang harapan dahilan para magulat si Dave. "Pwede ba Lizzy, huwag ka ngang bigla-bigla na lang susulpot," inis na sabi ni Dave sa dalaga. "Hmp! Hindi ako naparito para sa'yo," mataray na wika nito. "Bakit may sinabi ba 'ko? Ang ganda-ganda ng tanawin bigla ka na lang bubulaga d'yan!" singhal ni Dave. "Tse! Hindi ikaw ang kailangan ko." Inirapan nito si Dave at pagkatapos ay hinarap naman si Cayden, mabilis na nagpalit ng reaksiyon ang mukha nito ng si Cayden na ang kaharap ay pagkatamis-tamis na ang ngiti ng dalaga. "Cayden, halika sumama ka sa akin ipakikilala kita sa mga friends ko," sabi nito at agad na umangkla sa braso ng binata. "Tsk! Tigilan mo nga ang pinsan ko, feeling mo naman boyfriend mo 'yan," mapang asar na sabi ni Dave. Inis kasi siya kay Lizzy, sobrang arte kasi nitong magsalita at kumilos na parang isip bata pa. Sinamaan siya ng tingin ni Lizzy sabay irap. "Halika na Cayden, sumama ka na sa akin." Hinatak nito si Cayden. Napilitan na lamang ang binata na pagbigyan na naman ang kapritso nito. Habang naglalakad sila ay hindi inaasahan ni Cayden na makakasalubong nila sila Hannah at Daxton. Nagulat ito ng makita siya, napatingin agad ito sa kamay ni Lizzy na nakakapit sa braso niya. Napansin naman ni Daxton ang kakaibang reaksiyon ni Hannah nang makita si Cayden, ganun din naman si Caydrn dito. Nagulat ang dalawa ng makita nila ang isa't-isa kaya parang bigla siyang kinutuban lalo pa ng mapansin niyang nagkasalubong ang tingin ng mga ito. Ilang saglit din ang mga itong nagkatitigan na para bang may gustong sabihin sa isa't-isa ngunit walang gustong maunang magsalita. "Oh, Kuya, nandito ka rin pala," sabi ni Lizzy inisnab nito si Hannah. As usual maganda na naman ito at bida na naman sa party kaya lalo niyang kinaiinisan ang asawa ng kaniyang kapatid. "See you around, Kuya. Let's go Cayden!" hinatak na niya ang binata para ilayo. Ayaw niyang magtagal pa sila roon dahil baka maakit ito sa ganda ni Hannah. Ayaw pa sanang umalis ni Cayden ngunit malakas na siyang hinila ni Lizzy kaya napilitan na siyang lumakad ngunit bago makalayo ay nilingon niya ulit si Hannah. "Did you know him?" may pagdududang tanong ni Daxton sa kaniyang asawa, kahina-hinala kasi ang kakaibang ikinikilos nito. Sunod-sunod ang pag iling ni Hannah. "No... hindi ko siya kilala," mariing pagsisinungaling niya. "Really! Alam mo ba kung ano ang pangalan ng lalaking 'yon?" Iling lang ang sinagot ni Hannah sa tanong na iyon ng kaniyanga asawa. "His name is Cayden, what a coincidence, right? Kapangalan siya ng kababata mo." Hindi makapaniwalang napatingin si Hannah sa kaniyang asawa. "So what are you trying to imply? Marami namang pangalang Cayden sa mundo. Bakit iniisip mo ba na si Cayden na kababata ko at ang lalaking iyon ay iisa? I told you I don't know him. Hindi siya si Cayden na kababata ko. Tigilan mo na nga 'yang pagsususpetsa mo," pilit niyang magmukhang galit ang tono ng kaniyang boses, ayaw niyang mahalata ni Daxton ang na nagsisinungaling siya. Nginitian siya ng kaniyang asawa. Maraming mga mata ang nakatingin sa kanila kaya kailangan nilang umakting na okay lang sila at masaya ang usapan nila kahit hindi naman. "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo dahil kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka, lagot ka sa akin pati na ang lalaki mo," mahina ngunit madiin at may halong pagbabanta na sabi ni Daxton. Kahit itanggi ni Hannah ang paratang niya rito ay hindi pa rin siya kumbinsido. Nakaramdam ng panghihina si Hannah, ginawa niyang kumapit ng husto sa braso ng kaniyang asawa dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka ma-out of balance siya. Iyon na nga ang ikinatatakot niya, wala pa nga siyang ginagawa ay pinagdududahan na siya nito. Ang kaligtasan ni Cayden ang inaalala niya, kailangan niyang maging maingat. Lahat ng klase ng pag iwas ay gagawin niya para lang hindi madamay si Cayden. Minsan hindi niya mapigilan ang mapasulyap sa kinaroroonan ng kaniyang kababata. Masaya itong nakikipag usap sa mga kaibigan ni Lizzy. Ang hipag naman niya ay parang ahas na nakalingkis dito, kapit na kapit ito na para bang binabantayan na huwag makawala. Napatanong tuloy siya sa kaniyang sarili kung saan kaya nagkakilala ang mga ito? Ngayon lang naman niya nakitang kasama ni Lizzy si Cayden. Nasaan na kaya ang magandang babaeng kasama ni Cayden noon sa El Grande Beach Resort. Kaya ba sinabi nito na wala siyang girlfriend dahil break na sila ng babaeng iyon at si Lizzy naman ang nililigawan niya ngayon? Lihim siyang nainis sa kaniyang hipag. Agad din niyang binawi ang kaniyang tingin ng hindi inaasahang biglang bumaling sa direksyon niya si Cayden. Nahuli siya nitong nakatingin sa kaniya. Nagpatay malisya siya at iniukol na lamang ang atensiyon sa kaniyang asawa na ng mga oras na iyon ay may kausap na politiko, nagpanggap na lamang siya na nakikinig sa usapan ng mga ito. Ngumingiti rin siya at tumatango na akala mo ay naiintidihan ang pinag uusapan nila kahit hindi naman. Samantalang si Cayden ay hindi pa rin matanggap na ang pinakamamahal niyang si Hannah ay kasal na sa iba. Kahit hindi na niya matagalan ang sitwasyon at gusto na niyang umalis ay hindi niya magawa dahil iyon lang ang pagkakataon na masisilayan niya ng matagal si Hannah. Kahit masakit sa mata na kasama nito ang kaniyang asawa ay tinitiis niya makita lamang si Hannah. Alam niyang mali at kasalanan, pero umiibig siya sa babaeng may asawa na. Parang dinudurog ang puso niya sa isipin na wala ng pag-asa ang pagmamahal niya rito, na sa malayo na lamang niya ito maaaring mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD