"Sir, pinapatawag po kayo ni Sir Draco sa opisina niya."
Nilingon ni Cayden ang kaniyang sekretarya.
"Bakit daw?" tanong niya.
"Wala pong sinabi ang secretary ni Sir Draco sa akin, basta ang sabi lang ay pinapupunta raw po kayo ng Daddy n'yo sa office niya," tugon naman nito.
"Okay, sige, pupunta na ako." Iniwan muna niya ang kaniyang ginagawa, tumayo na siya at tinungo ang opisina ng kaniyang ama. Agad naman siyang pinapasok ng secretary nito sa loob.
"What is it Dad? Why did you call me?" bungad na tanong ni Cayden sa amang si Draco.
Umikot ang swivel chair nito at humarap sa anak. "I want you to handle this contract," sabi nito. Ibinigay nito ang folder na naglalaman ng mga papeles kay Cayden.
"What contract is this, Dad?" tanong niya sa ama ng matanggap ang inabot nitong folder.
"Mr. Guillebeaux has finally agreed to have his wife become the image model of Yawarakai Hada. I will give you the task to handle Mrs. Guillebeaux's contract and projects with us. All the details of her scope as our endorser are already in that folder. They only agreed to a six-month contract, but if you can convince them to extend her contract to us, please do so. She's a significant asset to our company. Hannah Guillebeaux is a very private person, and many people will be curious about her once she appears in the public. Her role as the image model and endorser of our products will greatly help strengthen our market presence. We are proud to target not only successful and working women with our exceptional cosmetic products but also modern housewives, and that's why we have chosen Mrs. Guillebeaux as a representative."
"Before presenting the contract to them, we need to create a lineup schedule for all possible projects she may have with us. Ikaw na ang bahala sa lahat ng iyon. My team already done their part in convincing Mr. Guillebeaux, so I'll leave to you the rest."
Natigilan si Cayden, hindi niya alam na may ganuon pa lang proyekto na nakasalang ang kanilang kompanya para kay Hannah. Nakipag-collab na sila sa mga sikat na content creator para mag-endorse ng kanilang mga produkto sa lahat ng social media platform. Bukod pa roon ay may endorser na silang mga beauty queen at celebrity, kaya hindi niya naisip na mapipili si Hannah para idagdag sa mga ito at gawin na kanilang brand ambassador.
"Why does it seem like you're hesitating, son? Don't you want to be the one in charge of this project? Aren't you happy to see your childhood friend again?" tanong ni Draco sa anak ng mapansin na para bang natitigilan ito.
Umiling si Cayden. "No, Dad, it's just that, I think it wouldn't be good if I handle this project," alanganing tugon niya.
Kumunot ang noo ni Draco.
"Why not? I entrusted this project to you because I knew it would provide you with a valuable opportunity to reconnect with your childhood friend, Hannah. Knowing how long it has been since you last saw each other, I thought this project could serve as the perfect platform for you to not only work together but also to catch up on each other's lives, reminisce about old memories, and strengthen your bond as friends. I had confidence in your abilities and believed that you would handle the project with great professionalism and competence, son," buo ang tiwala na sabi ni Draco sa anak.
"Dad, it will just become more complicated if I take charge of it. It's not that I'm refusing to do the work, but could you please assign it to someone else? Your team worked hard to convince Mr. Guillebeaux, and it would be a waste if the project doesn't push through because of me. As you said, having a model like Hannah is a big asset to the company," paliwanag niya.
"I don't see anything wrong if you're the one who handle it."
Bumuntong hininga ng malalim si Cayden. "Dad, may asawa na si Hannah at sigurado akong hindi gugustuhin ng asawa niya na makatrabaho niya ang childhood sweetheart niya." Napilitan na siyang sabihin sa ama ang totoong dahilan niya kung bakit ayaw niyang pumayag na siya ang humawak ng proyektong iyon.
Napangiti si Draco, tumingin sa anak na tila ba nanunudyo. "Finally, you admitted the truth about your past relationship with her. Why did you keep it a secret from us? Your mom and I actually liked her for you back then, but we allowed you to decide because you were both still young at that time. If you had fought for your love with her, we would have supported you both and even helped her with her education so you could always be together. It's regrettable that she got married early, and you didn't end up together. You're right, it's probably best to assign this project to someone else, even though we know work and personal life are separate, there will still be moments when you might forget the boundaries as colleagues. I've been through that before, son, and I can say it's not that easy and I don't want you to experience it as well."
"Thanks for understanding, Dad. I will work hard next time," sabi ni Cayden.
Tumango lang si Draco at hinayaan na ang anak na makalabas sa kaniyang ospisina. Tinawagan niya ang kaniyang sekretarya at mabilis naman na dumating ito.
"Yes, Sir, ano po ba ang ipagagawa ninyo sa akin?" tanong nito.
"Give this papers to Axel. Sa kaniya ko na ipapahawak ang project na 'to. I want him to report at my office today."
"Sige po, Sir, dadalhin ko na ito sa kaniya ngayon din."
"Okay, go ahead."
-
"What is this?" takang tanong ni Hannah kay Daxton ng may ihagis itong envelop sa ibabaw ng kama. Alanganing kinuha niya iyon.
"Invitation ng Yawarakai Hada. I want you to go there tomorrow. Gusto ka nilang makausap regarding your contract."
"Huh! Contract... para saan?" naguguluhang tanong niya.
"I already said yes to them. I have finally agreed to their long-standing request for you to become an image model for their products," sagot nito.
"Akala ko ba ayaw mo, bakit ngayon pumayag ka?" takang tanong niya, hindi niya alam kung ano ang nagpabago sa desisyon ng kaniyang asawa para pumayag ito sa alok ng cosmetics company na iyon.
Noong isang taon pa nagsabi ang kompanya na gusto siyang kuning endorser ng mga ito kaya lang ayaw ni Daxton. Masyadong mahigpit ang kaniyang asawa kaya ipinagtataka talaga niya kung paano ito napapayag ngayon? Kung siya naman ang tatanungin ay ayaw rin niya, wala siyang hilig sa mga ganuong klaseng bagay, lalo na sa mga cosmetics. Lipstick at blush on lang naman ang laging gamit niya. Ayaw niyang lumabas sa telebisyon o sa kahit na anong media platform. Ayos na sa kaniya ang tahimik na buhay. Hindi naman siya katulad ng ibang mga babae na gustong-gusto ang napag uusapan at publicity. Ayaw niya sa limelight.
"I am planning to run as the mayor of our town in the upcoming election, and I believe that your role as an endorser for a beauty product, along with your representation of women, can significantly contribute to the success of my campaign in the future. Masyado kang low profile kaya kailangan nating gumawa ng ingay para makilala ka at ang pangalan mo. I want you to have a brand that resonates with the public, and for them to recognize you not just as my wife. You need to strengthen my name and reputation in the public eye as well."
Lihim siyang napasimangot, sinabi na nga ba niya, may ibang motibo ang kaniyang asawa kaya ginusto na nitong ilabas siya sa publiko. Wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi ang sundin na lamang ang gusto nitong mangyari.
"Okay, pupunta ako," walang ganang sagot niya.
"Pwede bang si Leri na lang ang maging assistant ko, tutal wala na naman na akong stylist?" aniya sa asawa. Hindi niya kasi alam kung bakit bigla na lang nawala si Joana, ni hindi ito nagpaalam sa kaniya na hindi na ito papasok sa trabaho. Tinanong niya si Daxton ang sabi nito ay nahuli nito na nagpupuslit ng mga damit at mga alahas niya sa walk-in closet ang kaniyang stylist kaya pinalayas nito. Hindi nga niya mapaniwalaan na may ganuong ugali pala si Joana.
"Okay, do whatever pleases you, but make sure that you won't embarrass me in front of them. You're not the only model for that company, so you need to impress them. I want you to be their priority in everything. I won't interfere anymore since they have given me a copy of your contract, and I have already approved it. I don't want them to think that I'm a stage husband and I'm the one making decisions for you."
"Okay, I understand," matipid na sagot niya.
Umalis na si Daxton para pumasok sa trabaho, samantalang siya ay binuksan ang sobre at tiningnan kung ano ang nakasulat doon. Alas dos ng hapon ang nakalagay na schedule ng appointment niya sa VP for marketing manager ng kompanya na si Axel Frio.
Ipinatawag niya si Leri sa isa sa kanilang mga kasambahay para makausap. Ilang minuto siyang naghintay bago ito dumating, may dala itong isang baso ng freshly squeez orange juice.
"Pinatawag mo raw ako, Ma'am?" anito habang inilalapag ang baso sa ibabaw ng lamesa.
"May lakad ako today, I want you to accompany me. From now on, aside from being my dietician I will also assign you to be my private assistant."
Labis na pagtataka ang mababakas sa mukha ni Leri.
"Don't worry, bukod sa sweldo mo bilang dietician ko ang sweldo mo bilang assistant ko," sabi niya para maliwanagan ito at hindi naman mag-alangan na tanggapin ang dagdag na trabaho na inatang niya rito.
"Bakit ayaw mo ba nu'n mas lalaki pa ang sweldo mo nagyon?" tanong niya rito dahil nanatili lang itong nakatingin sa kaniya at hindi nagsasalita.
Umiling si Leri. "Wala naman pong problema, Ma'am. Ang pinagtataka ko lang ay bakit kailangan niyo pa ng assistant bihira lang naman kayong lumabas ng bahay?"
"I think mapapadalas na ang alis ko ngayon that's why I need you. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa pamamahay na ito," sersyosong sabi niya.
"Saan ba ang lakad natin ngayon, Ma'am?"
"Sa FGoC (Frio Group of Companies)" tugon ni Hannah.
"Ano pong gagawin ninyo doon, Ma'am?"
"Tungkol sa trabaho ang ipupunta ko roon. I will start my job for them in few days time."
Biglang umaliwalas ang mukha ni Leri pagkarinig ng balita.
"Wow! Magtatrabaho ka na pala, Ma'am, masaya ako para sa'yo, hindi ka na maiinip dito sa bahay at pwede ka nang lumabas."
"Oo tama ka, umaasa ako na sana ay ito na ang simula ng kalayaan ko."
"Bakit kasi ayaw mo pang takasan si Sir Daxton, Ma'am? Marami ka ng pagkakataon na umalis bakit hindi mo pa ginagawa?" Mahinang boses na sabi ni Leri, nag iingat pa rin ito na marinig sila ni Daxton buhat sa cctv cam."
"Oo, marami ngang pagkakataon na pwede ko siyang takasan, kaya lang kahit ano naman ang gawin ko ay nahuhuli pa rin niya ako. Natatakot na rin akong umulit dahil baka kung anong parusa na naman ang ibigay niya sa akin. Sa ngayon ay hindi na naman ganu'n kalala ang sitwasyon ko sa piling niya."
"Kayo pong bahala, Ma'am, pero kapag nagbago ang isip ninyo, bukas pa rin naman ang tulong na inaalok ko sa inyo. "
Tumango siya. "Sige, hindi ko naman kakalimutan 'yan. Salamat sa pag-aalala mo sa akin."
"Ano po bang ihahanda ko sa pag-alis natin?"
"Ikuha mo na lang ako ng damit na pwede kong isuot para sa meeting ko."
"Naku, Ma'am, kayo na lang po ang pumili, baka hindi niyo po magustuhan ang mapili ko. Hindi naman po ako stylist na kagaya ni Joana, ang totoo nga niyan ay wala talaga akong kaalam-alam sa fashion," mariing tanggi nito.
"Ano ba'ng nakikita mong mga suot ko? Kahit ano na lang ang makita mo, wala akong ganang maghanap pa ng maisusuot basta siguraduhin mo lang na presentable at disente," pamimilit niya rito.
"Sige, Ma'am, susubukan kong magpaka-stylist ngayon," alanganin at kakamot-kamot ulo na sabi nito.
Natawa naman si Hannah sa ginawing iyon ni Leri.
"Sige na, kumuha ka na ng damit ko, aalis tayo after lunch," utos niya rito.
Nagmamadali ng lumabas sa silid si Leri para gawin ang ipinag uutos niya.
_
Nag aabang na ang lahat ng empleyado sa FGoC sa pagdating ni Hannah. Excited ang mga ito na makita sa personal ang bago nilang modelo.
Pagpasok pa lang ng building ay sinalubong na siya ng malaking banner.
WELCOME TO YAWARAKAI HADA FAMILY, MRS. HANNAH GUILLEBEAUX
Iyon ang nakasulat sa malaking tarpaulin sa pinaka sentro ng lobby ng building. Nasa main office siya, hindi pa mismo ito ang opisina ng YAWARAKAI HADA, isa lang naman ang cosmetics company na ito sa maraming negosyo ng mga Frio.
"Flowers for you, Ma'am," sabi ng receptionist na naka assign sa front desk. Sinalubong siya nito at ng iba pang mga empleyado na naroon sa main entrance pa lang ng building.
Si Leri na kasama niya ngayon ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakita.
"Ma'am, magiging model ka ng mga cosmetics products nila?" tanong nito sabay kalabit kay Hannah.
"Oo," matipid na sagot niya rito habang ang mga atensiyon ay ibinibigay sa mga taong naroon, panay ang ngiti niya at pasasalamat niya sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kaniya.
Sa first floor pa lang ay pinagkakaguluhan na siya, halos lahat ay may mga dalang cellphone at kinukuhanan siya ng picture at video ngunit hindi na alintana ni Hannah iyon. Ipinasok niya sa isip niya na ganu'n naman talaga ang mangyayari once na magsimula na siya sa kaniyang trabaho.
Inasiste sila ng PR manager ng kompanya patungo sa conference room kung saan naroon ang VP for marketing at iba pang mga empleyado na may kinalaman sa proyekto na para sa kaniya.
Nang makarating sila sa 8th floor kung saan naroon ang conference room at opisina ng mga executive ng kompanya ay hindi niya inaasahan na makakasalubong niya sa daan si Cayden. Gwapong-gwapo ito sa suot na business suit. Dahil sa matangkad ito at matikas ang pangangatawan, kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong isa siyang modelo o celebrity at hindi executive ng kompanya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Nanghina ang mga tuhod niya dahil sa tensiyon kaya napakapit siya kay Leri. Si Leri naman ng mga oras na iyon ay kay Cayden din nakatingin, manghang-mangha ito pagkakita pa lang sa binata, humanga siya sa kagwapuhan nito.
"Good afternoon, Sir Cayden!" bati ng PR manager ng kompanya sa binata. Pati ang ibang mga empleyado ng kompanya na kasama nila Hannah na nag-aasiste sa kanila ay bumati rin dito.
Saglit lang na sinulyapan ni Cayden si Hannah. Inaasahan na niya na darating ito ngayong araw, bukod pa sa mukha nitong nasa banner sa lobby na nakita niya ng pumasok siya kanina ay usap-usapan na ng mga empleyado ang pagdating nito.
Nabigla si Hannah at hindi niya inaasahan na hindi siya pinansin ni Cayden ni hindi siya binati nito. Nilagpasan lamang siya at dire-diretsong lumakad na para bang walang nakitang bisita.
Napaawang na lamang ang bibig niya.
Bakit parang nakaramdam siya ng matinding lungkot kahit iyon naman ang gusto niyang gawin ni Cayden ang tigilan na siya nito at layuan. Ngayong hindi na siya pinapansin ng kaniyang kababata ay parang nasasaktan siya.
"Kilala mo ba 'yong, suplado na 'yon, Ma'am? Model din ba siya ng Yawarakai Hada? Napakagwapo noh, kaya lang may pagkasuplado, hindi ka man lang binati o kaya nginitian. Sabagay baka hindi ka pa niya kilala, ngayon ka lang kasi nagpakita sa mga tao," madaldal na sabi ni Leri.
Hindi naman niya ito pinansin at hinayaan lang niya ito na magsalita nang magsalita. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa niya ang ginawang hindi pamamansin sa kaniya ni Cayden.
Nang makarating sila sa harapan ng conference room ay pumasok na siya sa loob at isinama niya pati si Leri. Sinalubong agad siya ng bati ni Axel Frio ang isa sa anak ng may ari ng kompanya. Ang FGoC ay kompanya na pinamumunuan ng magkakapatid na Frio at isa si Axel doon.
Katulad ng pagtanggap sa kaniya sa lobby ay mainit din ang pagtanggap ng mga tao sa conference room sa kaniya. Kinausap siya ni Axel at ilan pang mga empleyado roon at ipinaliwanag sa kaniya kung ano ang magiging papel niya sa kompanya bilang image model nito at kung ano ang mga gagawin niya at sakop na trabaho ng kontrata na pinirmahan niya.
Umabot din ng halos dalawang oras ang meeting nila dahil marami pang inisplika sa kaniya ang mga ito at inisa-isa pang ipaliwanag ang mga produkto na imo-modelo niya.
"Tomorrow is your press conference and contract signing, Mrs. Guillebeaux. Everything is ready. Don't worry, we have already briefed the press on what they should ask you. We'll provide you with a copy of the questions from the press itself so you can study and prepare your answers. If there's any question you're uncomfortable with, please let us know, and we'll remove it from the list right away. Our main priority here is to make you feel comfortable and not pressured as much as possible," sabi ni Axel.
"Okay, Mr. Frio," matipid na sagot ni Hannah sabay ngiti.
"It's a great pleasure to meet you in person, Mrs. Guillebeaux. My team didn't make a mistake in choosing you as our model. Our company needs new and fresh faces like you. Even though it's very challenging for them to convince your husband, it's definitely worth the effort," papuring sabi ni Axel.
"And it's my pleasure too to be part of Yawarakai Hada family. Bago ang lahat ng ito sa akin, I hope you will take good care of me."
"Yes, of course! We are committed to ensuring that your journey with our company is not only filled with joy but also marked by seamless excellence. Who knows, you might even decide to extend your contract with us, given how much you'll enjoy it," pahapyaw na sabi ni Axel. Masyado kasing maiksi ang six months contract na ibinigay ni Daxton para sa kanila kaya gusto nilang pahabain pa iyon ng kahit isang taon at iyon ang trabaho ni Axel ang makumbinsi si Hannah na i-extend pa ang kaniyang kontrata.
"Let's see what will happen in the future, Mr. Frio. Who knows, I might actually end up liking to stay longer in this company," sagot naman ni Hannah na nakuha ang gustong ipahiwatig ni Axel.
Ngumiti naman ito sabay tango na para bang nagustuhan ang sagot niya.