"Da-Daxton!"
Napabalikwas ng bangon si Hannah dahil sa gulat. Pagmulat ng mga mata niya ay nabungaran niya ang asawa na nakatayo sa tabi ng kaniyang kinahihigaang kama at matalim ang tingin sa kaniya.
"Good morning, my dear wife! How's your sleep?" tanong ni Daxton sa kaniya na tila ba nang uuyam.
"How did you get in here? How did you know that I am here?" naguguluhang tanong niya sa asawa.
"Hahaha! Hindi mo pa talaga ako ganu'n kakilala, Hannah. I told you, I have my eyes everywhere and I have my resources. Kung hindi ka ba naman tanga, hindi ka nag-iisip. You use my extension card, paanong hindi ko malalaman?"
Ngayon lang napagtanto ni Hannah ang napakalaking kamalian na nagawa niya. Tama si Daxton, napakatanga niya para kalimutan na madali nga palang mate-trace ng kaniyang asawa kung nasaan siya kapag ginamit niya ang credit card nito.
"You stand up there and let's go home!" utos nito sa kaniya.
Umiling si Hannah. "Hindi... hindi ako sasama sa'yo! Ayoko nang tumira sa iisang bahay na kasama ka!" matapang na sabi niya.
Nagdilim ang mukha ni Daxton, nagsalubong ang mga kilay nito.
"May ipinagmamalaki ka na ba ngayon, ha? Kaya mo na bang mabuhay ng mag-isa? You have the guts to tell me those things. Who do you think you are, Hannah? You are just my slave, and you have no right to speak to me like that. Whether you like it or not, you can't do anything but to embrace everything you see. You can't complain, you can't even get angry. Just accept the fact that you cannot deal with me. Our marriage is just a piece of paper, huwag mong ipagmalaki sa akin iyon."
"Bakit hindi mo pa ako palayain? Hayaan mo na ako, hindi ko kailangan ng kayamanan mo. Wala akong pakialam sa pera mo. Kahit anong klase ng buhay tatanggapin ko basta malayo lang sa'yo. I want peace of mind. Please, give me my freedom!" pakiusap niya sa asawa.
"Kahit kailan ay hindi mo makukuha ang gusto mo. Hinding-hindi ko ibibigay ang kalayaan na nais mo. Habang buhay mo akong pagsisilbihan. Hindi kita pakakawalan, hindi pa ako nagsasawa sa'yo at hindi ako magsasawa sa'yo. Akin ka lang Hannah! Tandaan mo 'yan!"
"Halika na bumaba ka na d'yan, uuwi na tayo!"
Hindi natinag si Hannah. Hindi siya bumaba sa kama na gaya ng utos ng kaniyang asawa. Nanatili siyang nakaupo. Ginawa niyang magmatigas kahit alam niyang wala rin namang patutunguhan ang pagmamatigas niyang iyon. Hinablot ni Daxton ang kamay niya at malakas siyang hinatak para maialis sa kama. Sa sobrang lakas ng pagkakahatak nito sa kaniya at halos mabalian na siya ng buto. Sumakit ang braso niya, napangiwi siya sa kirot na dulot niyon, parang may na-dislocate na buto sa kaniya. Dahil hindi niya kaya ang lakas ng kaniyang asawa ay nagawa nitong maialis siya sa kama. Kahit nasasaktan na ay nagmatigas pa rin siya. Nagpabigat siya at umupo sa sahig para hindi mahila ni Daxton.
Nainis ito sa kaniya, isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaniyang pisngi. Natumba siya sa sahig dahil sa lakas niyon. Hindi pa nakuntento si Daxton. Hinablot nito ang buhok niya at hinatak iyon para mapilitan siyang tumayo. Pakiramdam niya ay hihiwalay na ang buhok niya sa anit sa lakas ng pagkakahila ni Daxton.
"Bitiwan mo 'ko! Nasasaktan ako!" Pinagpapalo niya ang kamay ni Daxton ngunit kahit anong lakas ng paghampas niya ay hindi man lang nito iniinda, nananatiling nakasabunot ang kamay nito sa buhok niya.
"Bakit mo ba ako pinahihirapan ha, Hannah! Kung sumasama ka sa akin ng maayos ay hindi ka masasaktan ng ganiyan. Ang tigas ng ulo mo. Nagmamatigas ka pa, wala ka namang kalaban-laban sa akin."
"Ayoko ngang sumama sa'yo! Ayoko sa'yo, kinamumuhian kita. Hindi kita mahal at kahit kailan ay hindi kita magagawang mahalin. Halimaw ka, napakasama mo. Sinira mo ang buhay ko. Sinira mo ang mga pangarap ko. Wala kang kwentang tao! Demonyo ka!" galit na sigaw niya rito. Gusto niyang ipamukha sa asawa kung ano talaga ang tingin niya rito at kung ano talaga ang nararamdaman niya rito. Lahat ng kinikimkim niyang galit ay gusto niyang ilabas ngayon. Kahit kailan ay hindi niya pinagsalitaan ang kaniyang asawa ngunit ngayon ay gusto niyang malaman nito ang lahat ng saloobin niya para rito kahit ang kapalit nito ay kapahamakan.
Nakita niya kung paano nagtiim bagang si Daxton. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Napangiwi siya ng lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok niya. Hinila iyon pataas para mapatingala siya at mapatingin dito.
"Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal. Bakit sa tingin mo ba minahal din kita? Hindi kita pinakasalan dahil mahal kita. Ang katawan mo lang ang gusto ko. Magpasalamat ka pa nga sa akin dahil pinakasalan kita. Ang ibang mga babae nga d'yan, pagkatapos kong angkinin ay iniiwan ko na. Sila ang nagmamakaawa na balikan ko, sila ang nagmamakaawa na angkinin kong muli. Kung gugustuhin ko kahit ngayon din ay makakakuha ako ng ipapalit sa'yo, kaya lang hindi pa ako nagsasawa sa'yo kay hindi pa kita bibitawan."
"Huwag kang magmalaki sa akin, Hannah! Sino ka ba para mahalin ko? Kahit kailan ay wala akong minahal na babae! Parausan lang ang turing ko sa'yo at sa iba pa."
"Let's go, huwag mo ng hintayin na lalo pa akong magalit."
"Ayoko... ayoko ng sumama sa'yo! Tigilan mo na ako!" histerikal na sabi niya. Nagwawala na siya at pilit na kumakawala sa mahigpit na hawak ng asawa.
Hindi na napigilan pa ni Daxton ang galit sa kaniyang asawa. Isang suntok sa sikmura ang ibinigay nito kay Hannah dahilan para mamilipit ito sa sakit. Nakaramdam ito ng panghihina, nagdilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng malay.
Sinalo siya ni Daxton, binuhat at inilabas sa hotel. Pinagtitinginan sila ng mga taong naroroon, curios ang tingin ng mga ito, ngunit walang pakialam si Daxton kahit ano pang isipin ng iba.
Maraming gustong magtanong ngunit walang naglakas ng loob na magsalita.
Nang makarating sila sa lobby sakay ng elevator ay natanaw siya ng manager, agad itong lumapit sa kaniya.
"Do you need our help, Mr. Guillebeaux? What happened to your wife?" tanong nito.
"She's drunk, I will take her home. Thank you for accomodating her here," sagot niya na hindi man lang nabahala, alam na niya ang gagawin. Lumabas siya ng hotel at tinungo ang kaniyang sasakyan na ipinark niya sa main entrance nito. Isinakay niya sa loob ang asawa, pinahiga sa backseat at siya naman ay pumuwesto na sa driver seat at pinaharurot ang sasakyan pauwi sa kanilang bahay.
_
Matapos magdilim ang paningin at mawalan ng malay ang mga sumunod na nangyari ay hindi na alam ni Hannah. Nagising na lamang siya na nasa loob na siya ng isang silid. Hindi ito ang silid nila ni Daxton, sa pagkakaalam niya ang kwartong kinaroroonan niya ngayon ay isa sa kanilang mga guest room. Walang ibang tao doon maliban sa kaniya. Nagtataka siya kung bakit siya naroon? Bumangon siya at bumaba sa kama ngunit napaupo ulit siya dahil nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan. Ang anit niya ay mahapdi rin, ang braso niya ay tila ba napilyan, hindi niya maigalaw ng maayos dahil may parte na sumasakit.
Bumalik sa alaala niya ang nangyari sa hotel kanina at ang mga pananakit na natamo niya buhat sa kaniyang asawa. Sinubukan niya muling tumayo, sa pagkakataong ito ay dinahan-dahan na niya at nagtagumpay naman siya, ngunit hindi niya magawang tumayo ng diretso dahil lalo lang sumasakit ang kaniyang tiyan. Sapo-sapo niya ito habang naglalakad palapit sa pinto. Pinihit niya ang seradura para buksan, ngunit laking pagtataka niya na hindi ito bumukas. Kahit anong pihit at tulak niya ay hindi bumubukas ang pinto na para bang naka-lock iyon mula sa labas.
Pinagbabayo niya ang pinto.
"Daxton, buksan mo 'to! Buksan mo ang pinto! Pakawalan mo ako rito!" sigaw niya habang patuloy na binabayo ang pinto.
Ilang minuto na siyang sumisigaw at hinahampas ang pinto ng paulit-ulit ngunit parang walang nakakarinig sa kaniya. Walang sinuman sa mga kasama nila sa bahay ang pinagbuksan siya ng pinto. Nanlulumo at parang nauupos na kandila na napasalampak na lamang siya sa sahig. Pagod na pagod na siya, wala na siyang lakas pa para sumigaw. Hinang-hina na ang mga kamay at braso niya. Nawalan na siya ng pag-asa na makakaalis pa sa poder ni Daxton.Tanging ang umiyak na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Napahagulgol siya, samu't-saring emosyon ang nadarama niya ngayon ngunit nanaig dito ang pagkamuhi niya kay Daxton.