Chapter 15- Harapang Pagtataksil•

1555 Words
Nangunot ang noo ni Pia nang makita kung sino ang kasama ng kaniyang anak na si Daxton. Narito sila ngayon sa bahay ng kababata nitong si Chloe dahil inimbitahan sila nito para sa hapunan. "Why did you bring that girl here with you, son?" may diin sa bawat salita ngunit mahina lang na pagkakasabi ni Pia sa anak pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Hannah na katabi lang naman ng kaniyang asawa. Hindi naman niya gustong sumama sa dinner na ito, ni hindi nga niya alam na dito sila pupunta. Ngayon lang niya nalaman na bahay pala ito ng childhood friend ng kaniyang asawa na kauuwi lang galing abroad. Kung hindi pa niya narinig sa kambal ay hindi niya malalaman. "Why? What's the problem if I'm with my wife?" tanong ni Daxton. "Do you think Chloe will be happy to see her and to know that you are now a married man?" "I don't know. Maybe yes, maybe no, that's why I bring my wife here to get her reaction," kibit balikat na sabi ni Daxton na pilyo pang ngumiti. Naiinis si Hannah na nagagawa siyang pag usapan ng mag-ina ng harap-harapan. Ngayon lang niya napagtanto na may hidden agenda pala ang kaniyang asawa sa pagsama sa kaniya rito. Gusto nitong pagselosin si Chloe. Kung anong relasyon totoong meron ang dalawa ay ngayon niya malalaman. Hindi pa bumababa si Chloe tanging ang mga magulang palang nito ang naroon at umi-estima sa kanila. Pinalipat na sila sa dining room. Napakahaba ng lamesa nito na kasya ang dalawampung katao. Nakahain sa mesa ang mga masasarap at sosyal na pagkain na isang sikat na chef ang nagluto. Napakalaki ng bahay ng mga ito, sa tingin ni Hannah ay doble pa iyon sa laki ng bahay nila. Mayaman nga ang pamilya ni Chloe, pagpasok mo pa lang ay mapapansin mo na ang napakataas na ceiling at malaking chandelier na inimport pa galing Italia. Mahilig sa painting ang may ari ng bahay may collection ang mga ito ng mga mamahaling painting na gawa ng sikat na mga pintor na nakadisplay sa paligid ng bahay. Nagkalat din ang mga de unipormadong kasambahay na paroot-parito, abala ang mga ito sa kung anong bagay. "Please bear our daughter, alam niyo naman noon pa ay mabagal na talaga siyang kumilos," sabi ni Mr. Esteban sa kaniyang mga bisita. "Ano ka ba naman Fred, our daughter has changed. Pinaghahandaan lang niya ang muling pagkikita nila ni Daxton. She's been excited since last night that she couldn't even sleep," sabi naman ni Mrs. Esteban na siniko pa ang asawa. Napangiti naman si Daxton na parang tuwang-tuwa sa kaniyang narinig. Pumapalakpak ang tenga nito sa kasiyahan. Napapailing na tiningnan lang ito ni Hannah. "It's okay we understand, girls will be girls. There are indeed many rituals that we women, do before going out and facing people," nakangiting sabi ni Pia. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang kanilang hinihintay, parang iisang taong napatingin ang lahat kasama na si Hannah sa pagpasok ni Chloe sa dinning room. "Good evening everyone, I'm sorry for being late. I just had a phone call with one of our company's clients. I couldn't hang up the phone because he's a VIP. He's our big investor," paliwanag ni Chloe ang ganda ng pagkakangiti nito, habang nagsasalita ay kay Daxton lang nakatuon ang mga mata nito. Napansin din ni Hannah na ang asawa niya ay titig na titig dito. Nagpapalitan ng malalagkit na mga tingin ang dalawa. Aminin man niya o hindi ay talagang maganda si Chloe, matangkad ito at slim ang pangangatawan, kung hindi mo siya kilala ay mapapagkamalan mo siyang, celebrity, beauty queen o 'di kaya ay model. Malakas ang dating nito at mataas ang kompiyansa sa sarili. Ang sexy rin nitong manamit. Halos pumutok na nga sa sikip ang hapit na hapit nitong damit. Ang kalahati ng dibdib ay halos lumuwa na. Malaki ang hinaharap nito na siya nitong best asset at pang akit sa mga kalalakihan. Maliit ang bewang, malapad ang balakang at matambok ang puwet, hulmang-hulma sa suot nitong black halter dress na hindi umabot sa tuhod ang haba. Isa-isa nitong binati ang kanilang mga bisita. Nakipagbeso ito sa mga kapatid ni Daxton, gayundin sa ina nitong si Pia, matagal din silang nagyakap at pagkatapos ay binalingan naman nito si Daxton. Buhat sa pagkakaupo ay tumayo ito at sinalubong ng yakap ang kababata na matagal na panahon din niyang hindi nakita. "It's been a long time, Daxton, I miss you so much!" sabi ni Chloe kumapit ito sa batok ni Daxton at walang pasabing siniil ito ng halik sa labi sa harapan pa mismo ni Hannah. Napaawang ang bibig ng magkapatid na Mindy at Lizzy, nagtinginan ang mga ito sabay hagikhik. Si Pia naman ay makahulugang napangiti at palihim na tiningnan ang reaksiyon ni Hannah. Gusto niyang matawa sa hindi maipaliwanag na ekspresyon ng mukha ng kaniyang manugang na pinaghalong gulat at inis. Kitang-kita ni Hannah ang pagpisil ni Daxton sa matambok na puwet ni Chloe habang gumaganti sa halik nito. Hindi niya alam kung bakit naroon pa siya sa lugar na iyon at natatagalan ang ganuong kahalay na mga eksena. Ang tatag ng loob niya para makayanang panoorin ang ganun na makikita mo ang asawa mo na may kahalikang iba sa harapan pa mismo ng pamilya nito. Ang masakit pa roon ay kinukunsinti naman ng mga ito ang maling gawa ni Daxton, tila ba tuwang-tuwa pa nga ang mga kapatid at ina nito. Matapos ang kanilang mainit na paghahalikan ay hindi sinasadyang mabaling ang mga mata ni Chloe kay Hannah. Natigilan siya, hindi niya nakita kanina na may iba pa palang tao silang bisita bukod sa pamilya ni Daxton. "Who is she?" agad na tanong niya, napalingon siya sa mga tao sa kaniyang paligid, nanghihingi siya ng kasagutan sa mga ito. "Ako lang naman ang asawa ng taong nilalandi mo! It was indeed a nice scene! It's like I'm watching a porn movie. Kasama ang pamilyang kunsintidora," sabi niya sabay palakpak at tawa ng nakakinsuto. "I don't think my presence needs here. Kung dinala mo ako rito para gawing audience ng live show niyo, nakakatuwa naman dahil nag-enjoy ako. Ngayon ko lang napatunayan na mas masahol ka pa sa halimaw, Daxton!" matapang na sabi ni Hannah. Hindi siya ganu'n kabait na basta na lang tatanggapin ang lahat kahit niyuyurakan na ang pagkatao niya ng harap-harapan. Natigilan ang lahat at hindi nakapagsalita sa ginawa niya. Maging si Pia at ang mga kapatid ni Daxton ay gulat na gulat din. Hangga't maari kasi ay pinakikitunguhan niya ang mga ito ng maayos at kahit na nilalait siya at minamaliit ng mga ito ay tinatanggap lang niya, pero ngayon ay sobra na. Hindi na tama. Dali-dali siyang lumakad palabas ng dinning room. "Wait... ma-may asawa ka na, Daxton? Bakit walang nagsabi sa akin na may asawa ka na?" gulat na tanong ni Chloe. Wala talaga siyang ideya na ikinasal na sa ibang babae ang kaniyang kababata, kahit ang mga magulang nito ay hindi alam iyon. Ang napagkasunduan kasi nila noon ay si Chloe at Daxton ang magiging mag-asawa. "Ha- Hannah!" sigaw ni Daxton hindi nito inintindi ang sinabi ni Chloe. Tangkang hahabulin nito ang asawa ngunit pinigilan siya ng kaniyang ina. "Bakit mo pa susundan ang bastos na babaeng iyon? Sinabi ko na lalabas din ang totoong ugali niyan, ugaling hampas lupa. Isinama mo pa kasi rito hindi naman siya imbitado, tingnan mo tuloy pinahiya pa tayo," inis na sabi ni Pia. Kung hindi lang sila nilayasan ni Hannah ay siya na mismo ang kakaldkad dito palabas. Sasabunutan niya ito, hihilahin ang buhok at itatapon sa labas ng gate. Galit na galit siya sa ginawa nitong pambabastos at pagpapahiya sa kanila sa pamilya ni Chloe. Nang mga oras na iyon ay hindi alam ni Hannah kung saan siya tutungo. Gusto niyang pagsisihan ang ginawa niya kaya lang ay huli na, nangyari na ang nangyari. Alam niyang magagalit ng husto sa kaniya si Daxton at sasaktan na naman siya nito kapag nakita siya nito kaya napagdesisyunan niyang hindi muna siya uuwi sa kanilang bahay. Habang lumalakad siya ay nagkataon namang may paparating na taxi. Huminto siya at hinintay na makalapit iyon sa kaniya at saka pinara. Nagpahatid siya sa hotel, doon muna siya magpapalipas ng gabi. Mabuti na lang bukod sa mga credit card na laging nasa bag niya ay dala rin niya ang ATM niya at may konti pa siyang cash sa kaniyang wallet. Bahala na bukas, ang importante ay ang ngayon. Gusto muna niyang magpahinga, sumasakit ang ulo niya sa kakaisip. Sa isang five star hotel siya tumuloy at umokupa ng VIP suite. Sasamantalahin niyang gamitin ang credit niya habang hindi pa ipinapa-freeze ni Daxton sa bangko. Magbubuhay reyna muna siya ngayong gabi. Kulang pa nga iyong kabayaran sa ginawa nito sa kaniya. Tumawag siya sa food and beverage department, nagpahatid siya ng mga pagkain at alak. Gagawin niya ang lahat ng naisin niya ngayong gabi at walang makakapigil sa kaniya. Hindi rin niya maiwasang itanong sa kaniyang sarili kung ano na ang nangyari sa mga iniwan niya. Natuloy pa rin kaya ang kanilang dinner? Natawa na lamang siya, kung ano man ang naging resulta ng ginawa niya ay wala na siyang pakialam. Sawa na siyang maging mabait. Nagsasawa na siyang maging sunud-sunuran at alipin ng kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD