Lumipas ang ilang oras. Napakislot si Hannah nang marinig niya na may pumipihit sa pinto. Buhat sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay agad siyang tumayo at lumapit dito. Inaasahan niya ang kaniyang asawa na pumasok, ngunit hindi si Daxton ang iniluwa ng pinto kung hindi ang kaniyang dietician na si Leri. May dala itong tray ng mga pagkain. Tanghalian na pala hindi niya namalayan dahil hindi naman siya nakaramdam ng gutom.
"Leri... nasaan ang asawa ko? Nasaan si Daxton? Bakit ako nakakulong dito?" sunod-sunod na tanong niya rito.
Umiling si Leri. Ipinatong muna nito sa lamesa na naroon ang dalang tray bago sinagot ang tanong ng kaniyang amo.
"Hindi ko po alam kung bakit ka ikinulong ni Sir. Ang sabi lang niya sa amin ay huwag ka naming palalabasin ng kwarto at huwag na huwag hayaang makaalis ng bahay. Galit na galit si Sir, Ma'am, pinagbantaan niya kami na kung sino man ang magtatangkang tumulong sa'yo na makalabas dito ay mananagot sa kaniya, paparusahan, tatanggalin sa trabaho at ipapakulong kaya wala pong nagtatangkang lumapit dito. Hindi ka rin po makakalabas Ma'am, dahil may mga cctv at nakikita ka ni Sir Daxton. Naka-monitor po siya sa'yo, kahit sa loob ng kwartong ito ay may ipinalagay siyang cctv," tugon ni Leri.
Hindi makapaniwala si Hannah sa kaniyang mga narinig hindi niya akalain na ganu'n kalupit ang kaniyang asawa at nakahu siyang ibilanggo nito. Paano siya makakalabas? Wala na siyang takas ngayon. Hindi naman siya puwedeng magpatulong kay Leri dahil siguradong ito ang pagaaaaaaaaaàbubuntunan ng galit ni Daxton. Ayaw niyang may madamay na mga inosenteng tao dahil sa kaniya.
"Ma'am, kumain po kayo ng marami, para mayroon po kayong lakas. Pasensiya na hindi na ako pwedeng magsalita pa ng kahit na ano dahil naririnig tayo ni Sir, pinanonood po niya tayo," mahinang sabi ni Leri, sinadya nitong hinaan ang boses at hindi gaanong ibuka ang bibig para hindi mapansin ni Daxton na kinakausap niya si Hannah. Bago kasi siya pumasok sa silid na iyon at maghatid ng pagkain ay pinagbantaan na siya ng amo niyang lalaki.
"Sige na Leri, iwan mo na ako. Ako na ang bahala rito," tanging nasabi ni Hannah.
Kung siya ngang asawa ni Daxton ay madali lang na pagbuhatan ng kamay nito, paano pa kaya ang mga kasama nila sa bahay na hindi naman nito kaano-ano? Hindi na siya nagpilit na magpatulong dito para makatakas, tinanggap na lamang niya ang katotohanan na mabubulok na siya sa silid na ito. Kung hanggang saan siya titiisin ni Daxton na ikulong ay hindi niya alam.
_
"Oh look, who's coming, your handsome boyfriend is here, Naomi."
Napalingon si Naomi sa itinuro ng kasama niyang doctor. Nakita niya ang paparating na nobyong si Cayden, may dala itong bungkos ng puting rosas at papalapit na sa kinaroroonan niya.
"I'm sorry, I need to go. I have a patient waiting for me. I'm truly thrilled for you, my dear. Your boyfriend is incredibly sweet, and I sincerely hope that your relationship will last for a lifetime," sabi ni Dr. Lee, ang mabait na doktor na kaibigan ni Naomi.
"Thank you so much, Rachel." Nginitian ni Naomi ang kaniyang kaibigan, tinapik naman siya nito sa balikat at ginantihan ng ngiti. Kumaway pa muna ito kay Cayden bago tuluyang umalis.
"Hello, babe, how's your day going?" bungad bati ni Cayden sa nobya. Hinalikan niya ito ng mabilis sa labi at pagkatapos ay ibinigay ang hawak na bulaklak dito. "Roses for my beautiful girl," anito.
"Oh, thank you, you're so sweet, honey!" tuwang tinanggap ni Naomi ang bulaklak dito, inilapit pa ito sa ilong para amuyin iyon.
"You're welcome," tugon ni Cayden.
"So, why are you here? How's your practice game?" Yumakap si Naomi sa bewang ng nobyo. Inaya niya itong lumakad. Lumabas sila ng ospital at nagtungo sa garden. May mga bench doon na pwede silang maupo at mag usap. Kakaunti lang ang mga taong naroon, karamihan ay mga pasyente na gustong magpahangin.
Ipinatong niya ang hawak na bulaklak sa upuan sa tabi niya. Humilig siya sa dibdib ng nobyo at inakbayan naman siya nito.
"I am planning to take a break in playing soccer," sabi ni Cayden na ikinagulat ni Naomi. Nakatingin ang binata sa malayo habang nagsasalita. Tumatagos ang tingin nito na para bang may malalim na iniisip.
"What? But why? Isn't it your ultimate dream to lead your team to the finals and seize the championship title? The season has only just begun. Did something occur that influenced your decision to think that way?" sunod-sunod na tanong ng dalaga sa kaniyang nobyo.
"No... nothing really bad happened, it's just that I want to go home and be with my family. I miss them so much. I want to see them every day, especially my mom. It's been eight long years since that I've been away from them."
Hindi nakaimik si Naomi. Kung tungkol sa pamilya ang dahilan ni Cayden ay hindi siya makikialam sa desisyon nito. Alam niyang lumaki ang kaniyang nobyo sa isang masaya at mapagmahal na pamilya. Ang totoo ay kinaiinggitan niya iyon. Napakaperpekto ng pamilya ng kaniyang nobyo, puno sila ng pagmamahalan, hindi katulad ng pamilya niya. Hiwalay ang kaniyang mga magulang at may kani-kaniya ng pamilya. Sa murang edad ay natuto na siyang mamuhay ng mag-isa.
"If that's your decision, I won't stop you. You have already proven yourself as a soccer player. You have received many awards. If playing soccer no longer makes you happy, then do whatever will bring you joy."
Napatingin si Cayden sa kaniyang nobya.
"Thank you for being so understanding.
Will you come with me when I return to the Philippines? I would like us to settle down there. Let's get married and live there together."
Napipilan si Naomi, hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kaniyang nobyo. Gusto niya itong makasama ngunit hindi niya kayang iwan ang trabaho niya rito. Mahal niya ang propesyon niya. Mahal niya ang trabaho niya at bilang isang doktor ay marami pa siyang pangarap na gustong tuparin.
Napansin ni Cayden ang pananahimik ng nobya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito sang ayon sa gusto niyang mangyari.
"If you're contemplating your career, there is a plenty of hospitals in our country that would undoubtedly vie for the opportunity to have you join their ranks. Your skills as a doctor are truly exceptional. Wouldn't you desire to return home and lend a helping hand to our fellow countrymen who are in need of medical assistance? Our nation is in dire need of someone like you, someone with exceptional expertise and unwavering dedication to their craft," pahayag ni Cayden. Bilib siya sa galing ng kaniyang nobya bilang isang doktor. Kaya naman alam niyang madali lang para rito ang makanap ng ospital na pagtatrabahuhan kapag bumalik na sila ng kanilang bansa.
Napatitig si Naomi sa kaniyang nobyo.
"I'm sorry, honey. You caught me off guard, and I can't simply make a decision to leave here just like that. There are so many things I need to take into account, weighing my options carefully," malungkot na sabi niya.
Nabigla si Cayden, hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot sa kaniya ng kaniyang nobya. Ang akala niya ay sapat na ang pagmamahal nito sa kaniya para talikuran nito ang lahat at piliin na makasama siya. Nagkamali pala siya ng pagkakakilala kay Naomi.
"Does that mean you're choosing your job here over me?"
Naomi bowed her head, unable to meet the inquisitive gaze of her boyfriend. Though it pained her, it was the harsh reality. At this moment, even though she loved her boyfriend dearly, he was not her priority.
Imbes na sagutin ng salita ang tanong nito ay tumango lamang siya bilang tugon.
Cayden's heart felt shattered with pain. He couldn't accept the fact that Naomi had turned away from him, but he couldn't force her to do what he wanted either. She had her own mind, and he couldn't dictate her. Despite the pain, he needed to respect her decision. Nevertheless, even without her, his plan to return to the Philippines would still continue. No one could stop his decision, not even Naomi.
"So I guess this is it. We need to part ways. It's difficult to accept, but I have to. Don't worry, I'm not mad at you. It hurts, but I understand. I don't want to force you, and I don't want you to blame me in the end for the wrong decisions that you make. I will continue on my path. Take care here of yourself. Even though I won't be by your side anymore, please don't over work yourself and don't skip your meals. I wish you all the best. Fulfill all your dreams. I know how courageous you are and how independent you can be and I also know that you won't be afraid to be alone."
Hindi na napigilan ni Naomi ang mapaiyak. Alam niyang pagsisisihan niya na pinakawalan niya si Cayden. Wala na siyang lalaki na makikita pa na hihigit pa rito. Nasa kaniya na ang lahat ng magagandang katangian na hinahanap ng babae sa isang lalaki. Buong buhay niya ay walang nagbigay ng pagmamahal sa kaniya kung hindi si Cayden lang. Napakaswerte niya at naranasan niyang mahalin nito.
"I'm so sorry! If you're hurting, I'm hurting even more. Perhaps we really need to part ways to grow individually. If we are truly meant for each other, destiny will bring us together again. We don't know what our fate truly holds, but I hope that in the end, it will still be us. Farewell for now, Cayden. I wish for your happiness. I love you deeply, and I will never forget you," taos sa pusong sabi ni Naomi.
Kinabig ni Cayden ang dalaga, sa huling pagkakataon ay niyakap niya ito ng mahigpit.
Ilang minuto nang nakakaalis si Cayden ay hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si Naomi. Gusto niyang sundan ito, gusto niyang bawiin ang desisyon niya ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili.
Nang mga sandaling iyon ay hinahanda na ni Cayden ang kaniyanh mga dadalhin pabalik ng Pilipinas. Hindi niya sinabi sa kaniyang pamilya ang kaniyang desisyon. Alam niyang magugulat ang mga ito sa pagbabalik niya.
Simula ng magkasakit ang kaniyang ina nakaramdam ng takot si Cayden para sa kaniyang pamilya. Ayaw na niyang maulit ang ganun at siguradong pagsisihan niya kung mangyari uli iyon kahit sino sa kaniyang pamilya na wala siya sa tabi ng mga ito. Nagawa na niya ang lahat ng gusto niya sa bansang ito. Noon ang gusto lang naman niya ay ang makatapos ng pag-aaral. Natupad naman niya iyon with flying colors, dagdag na lang na nakuha siyang varsity player ng soccer team sa kanilang eskwelahan at sa kaniyang pagsisikap ay naging sikat na professional soccer player. Tama namang pamilya naman niya ang i-priority niya ngayon. Gusto niyang makatulong sa kaniyang ama sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. Gusto niyang alagaan ang kaniyang ina. Gusto niyang bantayan ang kaniyang kapatid. Maliit pa ito nang umalis siya at magtungo sa Madrid, ngayon ay dalaga na ito. Maraming panahon ang nawala sa kanila ng kaniyang pamilya kaya gusto niyang bumawi.