Biglang nakaramdam ng hiya si Hannah sa posisyon nilang magkayakap ni Cayden kaya naman agad din siyang humiwalay rito at umayos ng upo.
Hindi naman nahalata ng binata ang ginawing iyon ni Hannah. Hindi nawawala ang mga tingin niya rito. Maganda na ito noong mga bata pa sila ngunit higit itong maganda ngayon. Kahit madilim ang ilaw sa paligid ang paningin niya rito ay parang isang babasaging kristal. Kumikinang ang makinis at maputi nitong kutis. Ang mala-anghel na mukha nito ay nakatatak na sa isipan niya noon pa. Hinaplos niya ang mahaba at madulas nitong buhok. Nababalot si Hannah ng magaganda at mamahaling kasuotan kaya alam niyang nakakaluwag na ito sa buhay ngayon, hindi katulad noon na kahit pambili ng sapatos pang eskwela ay wala ito at pinagtitiyagaan ang nakanganga ng rubber shoes. Kung susumahin ang mga suot nitong damit at mga alahas ay aabutin na ng milyon ang halaga. Nagpapasalamat siya dahil nalagpasan na nito ang hirap ng buhay nila noon.
"I am happy that your Tita Yolanda took good care of you. Where are you living now? Since she took you, we haven't seen each other, and I haven't had any news about you."
Napipilan si Hannah, gusto niyang magkwento kay Cayden, ngunit natatakot siya na baka hindi siya maintindihan nito at bigla siyang iwasan kapag nalaman nitong may asawa na siya.
"Don't you have anything to tell me? Is there something you want to share with me, huh, Hannah?"
Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Inilabas niya iyon sa suot niyang sling bag, nakita niya kung sino ang tumatawag, iyon ay walang iba kung hindi ang asawa niyang si Daxton na ng mga oras na iyon ay hinahanap na siya. Bigla siyang kinabahan, napatayo siya at ikinagulat iyon ni Cayden.
"Why? What happened?" tanong ng binata na tumayo na rin.
"Ha? Ah... emergency, kailangan ko ng umuwi," pagsisinungaling niya.
"Ihahatid na kita," presinta ni Cayden.
"No... hindi na salamat na lang, may dala akong sasakyan," may pagmamadaling sabi niya. Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi na niya nagawa pang isuot ang kaniyang sapatos, binitbit na lamang niya iyon at lakad takbong nakayapak na iniwan ang naguguluhang si Cayden.
Saglit na natigilan ang binata ngunit ng bumalik sa wisyo ay humabol ito kay Hannah. Hindi siya papayag na matatapos na lamang sa ganu'n ang kanilang pagkikita. Kailangang malaman niya kung saan na ito naninirahan ngayon, kailangan makuha niya ang cellphone number nito.
Mabibilis ang mga hakbang ni Hannah, ayaw niyang maabutan siya ni Cayden. Natatakot siya na baka sa mga oras na ito ay hinahanap na siya ni Daxton. Ayaw niyang makita siya ng kaniyang asawa na kasama niya si Cayden. Hindi puwedeng magpang abot ang dalawa dahil siguradong malaking gulo iyon. Kahit wala naman silang ginagawang masama ay kilala niya ang kaniyang asawa, may mapatingin nga lang sa kaniyang ibang lalaki ay pinagbabantaan na nito, paano pa kaya kapag nalaman nito na si Cayden ang kababatang sinasabi niya rito na madalas niyang mapanaginipan. Ayaw niyang magkita ang dalawa, ayaw niyang madamay si Cayden sa kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para malaman nito ang kalagayan niya.
Natataranta na siya, panay ang tunog ng cellphone niya at nakikita niya sa kaniyang likuran na humahabol pa rin sa kaniya si Cayden. Nakuha niyang iligaw ito nang magtago siya sa puno. Dahan-dahan siyang lumihis ng daan, doon sa hindi siya mapapansin nito. Nakita niya ang gate, malapit na pala siya sa labas kaya nagtatakbo siya patungo roon ng hindi napapansin ng kaniyang kababata. Nang tuluyang makalabas ay agad niyang hinanap ang kanilang sasakyan. Mabuti na lang at nakita niya ito agad dahil nakaparada lang naman ito malapit sa gate. Kinatok niya ang bintana, nasa loob ang kanilang driver. Nang makita siya nito sa labas ay nagmamadali nitong binuksan ang pinto. Pumasok naman agad siya at nagsumiksik sa likuran.
"Ma'am, okay lang po ba kayo? Ano po ang nangyayari?"nag aalalang tanong ng kanilang driver.
"I'm okay, don't mind me," aniya rito.
Sumilip siya sa labas, nakahinga siya ng maluwag ng hindi na niya nakita pa si Cayden, mukhang nailigaw na nga niya ito ng lubusan at hindi na siya nito nasundan.
Ang binata ng mga oras na iyon ay hindi na nagawa pang habulin si Hannah dahil tinawag siya ng kaniyang Uncle Ric para ipakilala sa mga bagong dating nitong mga bisita. Hindi siya makatanggi. Alam niyang wala ng pag-asa na abutan pa niya si Hannah, sa mga oras na iyon ay sigurado siyang nakaalis na ito. Nakaramdam siya ng labis na panghihinayang.
_
"What got into you at bigla mo na lang akong iniwan? And why aren't you answering your phone? I called you so many times. Iniinis mo na naman ba ako ha, Hannah? O baka naman nagbabalak ka na takasan ulit ako. Sinasabi ko sa'yo, kung may plano ka man ay huwag mo ng ituloy dahil hindi ka magtatagumpay," galit na sabi ni Daxton. Nasa kotse na rin ito. Sa kakahanap nito sa asawa ay nagawa nitong lumabas para tingnan ito kung nasa sasakyan na at nakita nga niya ito roon kaya ngayon ay walang tigil niya itong sinisermunan.
"I'm sorry, masakit na kasi ang mga paa ko, gusto ko lang tanggalin ang sapatos ko kaya pumunta na lang ako rito sa sasakyan. Nakakahiya naman kasi kung doon pa ako sa party maghubad ng sapatos," pagdadahilan niya.
"So, nandito ka lang pala bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" tanong na naman nito na hindi kumbinsido sa paliwanag niya.
"Ha? Ka-kasi naka-silent ang phone ko, hindi ko naririnig na may tumatawag pala. Sorry, hindi ko na uulitin," paumanhin niya.
Sinamaan siya ng tingin ni Daxton.
"Talagang hindi mo na uulitin ang ginawa mong 'yon dahil simula ngayon kapag nasa labas tayo ay hindi ka na pwedeng umalis sa tabi ko, naiintindihan mo? Hindi ako pumunta sa party na ito para maghanap lang sa nawawala kong asawa. Huwag mo akong pagmumukhaing tanga sa harap ng maraming tao!" inis na sabi nito na inambahan pa ng suntok si Hannah, kaya naman awtomatikong itinaas niya ang mga kamay bilang panangga kung sakali mang ituloy nito ang balak na pananakit sa kaniya.
"Mang Pablo, paandarin niyo na ang sasakyan at uuwi na tayo," utos ni Daxton sa kaniyang driver.
Pag-alis ng sasakyan nila Hannah ay siya namang paglabas ni Cayden, nakahanap na siya ng tiyempo para makapagpaalam sa kaniyang Uncle Ric na uuwi at pinayagan naman siya nito.
Hindi na niya naabutan ang sasakyan nila Hannah, paglabas niya ay siya namang pag alis nito ngunit narinig naman niya ang tunog ng papalayong sasakyan, hindi niya naisip na si Hannah ang sakay niyon.
_
"Why are you so quiet? Minsan nga lang akong pumasyal mukhang ayaw mo pa akong kausap," sabi ni Cloud, ang kapatid ni Cayden. Sinadya siya nito sa kaniyang opisina para kamustahin.
"Naaalala mo ba si Hannah?" Mula sa pagkakasandal sa kaniyang swivel chair ay dumiretso ng upo si Cayden at hinarap ang kapatid.
Nangunot ang noo nito. "Ha-Hannah? Who's Hannah?" alanganing tanong ni Cloud.
"Hannah, yung classmate ko noong high school," pagpapaalala niya rito.
Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Cloud.
"Oh, si Hannah, ang first love mo," may panunudyong sabi nito.
"Yes, she was my first love," seryosong sabi naman ni Cayden.
Tumango-tango si Cloud. "So what about her? Kaya naman pala nanahimik ka d'yan dahil iniisip mo siya. Akala ko pa naman kayo na ang magkakatuluyan ni Naomi, si Hannah pa rin pala ang nasa puso mo."
Umiling si Cayden. "Totoong minahal ko si Naomi and I am willing to marry her. Actually bago ako bumalik dito ay nagpropose ako sa kaniya but she refused my proposal. But I understand her."
"Ganu'n ba? Bakit hindi mo kasi ako gayahin, chill-chill lang. Masyado kang seryoso pagdating sa babae, tingnan mo tuloy nasasaktan ka lang ngayon."
"Kahit kailan talaga hindi ka na nagbago, mga bata pa tayo pinag aawayan na natin ang pagiging babaero mo. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin natututo? You should know how to treat a woman properly. Hindi gan'yan ang itinuro sa atin nila Mommy at Daddy," sermon niya sa kapatid.
"Teka... bakit sa akin napunta ang usapan? Huwag ako ang pag usapan natin, kung hindi si Hannah. Bakit ano ba'ng meron kay Hannah? Nagkita ba kayo?"
Bumuntong hininga muna ng malalim si Cayden bago tumango. "Yes. I saw her at Uncle Ric's birthday party," sagot niya.
"Oh, ayon naman pala nagkita kayo. Baka si Hannah talaga ang destiny mo at hindi si Naomi kaya hindi kayo nagkatuluyan."
"Ano, kamusta, maganda pa rin ba siya kagaya ng dati? I remember her before, kahit luma na ang mga damit na suot at simple lang ay makikita mo talagang maganda siya. She has this angelic face and magnetic charm. Kung hindi mo nga lang binakuran, siguro niligawan ko na."
May nadampot na papel si Cayden sa ibabaw ng kaniyang lamesa at ibinato niya iyon sa kapatid. Hindi kasi niya nagustuhan ang sinabi nito. Hindi naman nito inasahang gagawin niya iyon kaya naman hindi nito naiwasan ang papel at tumama sa mukha niya.
"See, how possessive you are? That was just a joke," natatawang sabi ni Cloud, ibinalik nito ang inihagis ni Cayden na papel sa kaniya sa lamesa.
"I want to see her again, Cloud." Biglang sumeryoso ang mukha ni Cayden.
"Gusto mo pa lang makita bakit hindi mo puntahan?"
"I don't know where she live."
"Kung hindi mo alam kung saan siya nakatira di tawagan mo na lang and ask her to go out. Kumain kayo sa labas o 'di kaya mamasyal. I suggest mag out of town kayo para malayo-layo ang biyahe at marami kayong mapag uusapan habang nasa sasakyan."
"I hope ganu'n nga lang kasimple, kaya lang I don't get her number too, how can I contact her?"
"What? Nagkita lang talaga kayo sa mata at wala kayong pinag usapan?" hindi makapaniwala na tanong ni Cloud.
"No, not really, kaya lang she seems so in a hurry. I don't know, but I have this feeling that she's hiding something from me."
"Baka naman binigla mo siya? Ang tagal ninyong hindi nagkita, what did you expect? The way of her thinking is not the same as yours. What if may boyfriend na siya? What if may asawa at anak na siya. She was just trying to distance herself to you dahil baka makita ka ng boyfriend or husband niya at pagselosan ka dahilan para mag away pa sila. You have to think of that scenario too."
Biglang nakaramdam ng lungkot si Cayden. May punto ang kaniyang kapatid pero ayaw niyang ipasok sa utak niya ang mga sinabi nito. Ayaw niyang isipin na may boyfriend na nga si Hannah or worst may asawa na.
"Don't worry, malay mo naman hindi totoo ang mga sinabi ko. I hope na magkita kayo uli para magkausap kayo ng maayos."
"Yeah, we need more time to talk. Sayang nga lang at nagmamadali na siyang umalis ng gabing iyon."
"Why don't you ask Uncle Ric kung kilala niya si Hannah? She's at the party, bisita niya ito so, siguro kilala niya si Hannah."
Nagkaroon ng ideya si Cayden sa sinabing iyon ng kapatid. Nang hapon ding iyon ay maaga siyang nag out sa trabaho, sinadya niya ang kaniyang Uncle Ric sa opisina nito.
"Oh, Cayden, what brings you here?" tanong ni Enirique, hindi niya inaasahan ang pagbisitang iyon ng kaniyang pamangkin.
"May itatanong lang sana ako sa'yo Uncle kaya ako pumunta rito," tugon niya.
"It must be important dahil dinayo mo pa ako rito. Ano ba ang itatanong mo sa akin?"
"Ah... Uncle, may kilala ka bang Hannah—Hannah Delos Santos?"
"Hmm... Hannah Delos Santos," pag uulit ni Enrique sa pangalan na tinatanong nito. Tumingala ito na tila ba nag iisip. Naghihintay naman si Cayden sa sagot nito.
Umiling si Enrique. "I'm sorry, wala akong kilala na ganiyan ang pangalan," anito.
"Are you sure, Uncle? Nakita ko kasi siya sa birthday party mo, naroon siya."
"Ganu'n ba? Pero wala talaga akong kilalang Hannah Delos Santos, baka naman bisita siya ni Justin o ni Dave. Why don't you ask them?"suhestiyon ni Enrique.
"Yeah, maybe you're right, Uncle. Sige po, I'll go and ask them."
Tumango ito sabay tapik sa kaniyang balikat.
"Puntahan mo na lang sa opisina nila ang mga pinsan mo, I'm sure hindi pa umuuwi ang mga iyon."
Matapos ng konti pang pag uusap ay umalis na rin agad si Cayden para puntahan naman ang kaniyang mga pinsan. Nasa iisang kompanya lang ang mga ito nagtatrabaho. Sa fifth floor ang opisina ng dalawa.
Una niyang pinuntahan si Dave tinanong niya ito tungkol kay Hannah, ngunit hindi siya nito nabigyan ng ano mang impormasyon. Hindi nito kilala si Hannah at hindi siya ang nag imbita rito sa party kaya tinungo naman niya ang opisina ni Justin na katabi lang ng opisina ni Dave.
"I'm sorry Cayden, wala akong kilalang Hannah Delos Santos, but I know someone who's name is Hannah. I saw her in Dad's birthday party."
"Huh! Talaga?"
Tumango ito. "Yes, but I don't think siya ang hinahanap mo. I'm reffering to, Mrs. Guillebeaux—Hannah Guillebeaux, she's the wife of our business partner, Daxton Guillebeux."
Nangunot ang noo ni Cayden, parang pamilyar sa kaniya ang pangalang, Mrs. Guillebeaux, parang narinig na niya ito noon. Hindi niya matandaan kung saan, pero sigurado siyang narinig na talaga niya iyon.
"If you want to make sure you can search them on internet, siguradong lalabas ang mga pictures nila doon."
"Ok, I'll do that later. Sige uuwi na rin ako," paalam niya.
"Wait... Hindi ba tayo lalabas? Bakit hindi muna tayo mag inuman bago ka umuwi?"pigil ni Justin sa kaniya.
"Oo nga, nasa kondisyon pa naman ako ngayon."
Sabay silang napalingon sa papasok sa pinto na si Dave.
"Okay, fine, mukhang wala na akong kawala sa inyo,"natatawang sabi niya.
"So, let's go," aya ni Justin tumayo na ito.
"Teka ang aga pa, mag-iinom na agad tayo," reklamo ni Cayden. Nang sipatin niya ang oras sa suot niyang wrist watch ay alas singko pa lang ng hapon.
"Oo nga naman, five o' clock palang," sang ayon ni Dave.
"Ganu'n ba? Ang mabuti pa kumain muna tayo sa labas. Nagugutom na ako, I'm sure nagugutom na rin kayo."
"Okay, that's a good idea, Kuya. It's your treat," ani Dave.
"No problem," mabilis na sagot naman nito.
"Sasama ka sa amin, Cayden. Sa Davids Grill tayo." Binalingan naman nito si Cayden.
"Okay, hindi na ako sasabay sa sasakyan ninyo, susunod na lang ako may dala akong sasakyan."
"Okay, sige magkita na lang tayo doon."
Tumayo na silang tatlo at lumabas nang opisina. Nang makarating sa parking ay nagkaniya-kaniya na silang sakay sa kani-kanilang mga sasakyan.
Fifteen minutes drive mula sa opisina ng mga Leviste ang restaurant na pupuntahan nila. Naunang nakarating sina Justin at Dave, huminto pa kasi si Cayden sa gasoline station para magpagasolina.
Paalis na sana siya ng mapabaling ang tingin niya sa mamahaling sasakyan na pumarada para magpagasolina.
Bumaba ang bintana ng sasakyan sa backseat. Nagbayad ang sakay nito gamit ang credit card. Napadiretso siya ng upo. Sinipat niyang mabuti ang tao sa loob. Hindi siya maaaring magkamali si Hannah ang sakay niyon.
Bababa na sana siya para puntahan ito kaya lang ay bumusina ang sasakyan sa likod niya at pinapaabante na siya dahil tapos na nga siyang magpa-gasolina. Wala siyang nagawa kung hindi ang umabante. Inihinto niya sa gilid ang kaniyang sasakyan, pababa na sana siya kaya lang ay paalis naman na ang sasakyan ni Hannah, tapos na itong magpagasolina. Umabante na ito at nilagpasan siya kaya naman ang ginawa niya ay sinundan na lamang ito. Gusto niyang makausap si Hannah. Kung susundan niya ito ay baka sakaling malaman niya kung saan ito nakatira.
Binantayan niyang maigi ang sasakyan, hindi niya nilubayan sa pagsunod, kaya lang ng makarating sila sa intersection ay may biglang dumaan na mahabang truck sa harapan niya.
Dahil sa haba niyon ay natagalan siya at hindi na nahabol pa ang sasakyan ni Hannah.
Napalo niya ng malakas ang manibela sa labis na inis, tinamaan niya ang busina nito at lumikha iyon ng malakas na ingay. Hindi niya mapaniwalaan na sa pangalawang pagkakataon ay nawala na naman si Hannah sa kaniyang paningin.
Itinigil niya muna sa gilid ng daan ang kaniyang sasakyan. Tumunog ang kaniyang cellphone kaya sinagot niya ang tawag.
"Hello!" aniya na hindi na nag aksaya pa ng panahon na tingnan kung sino ang kaniyang kausap.
"Cayden, where are you? Bakit wala ka pa, ang lapit lang naman ng restaurant, huwag mong sabihing naligaw ka pa?" sabi ni Dave sa kabilang linya.
Napakamot siya ng ulo ng maaalala niya na may usapan nga pala sila ng mga pinsan niya na kakain sa labas. Nawala na sa isip niya iyon dahil sa kakahabol kay Hannah. Sumilip siya sa labas ng bintana at tiningnan kung saang lugar na siya naroroon.
"Wait for me, may dinaanan lang ako sandali. I'm on my way now," pagsisinungaling niya.
"Okay, o-order na kami ng pagkain natin."
"Sige," mabilis na tugon niya.
Muli pinaandar niya ang sasakyan at nag- u turn para makabalik. Malayo-layo na rin pala ang narating niya sa kakahabol kay Hannah.
Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin siya na hindi niya ito nagawang abutan. Gustong-gusto niya itong makausap.
Umasa na lamang siya na makikita niya itong muli, ngunit sa susunod nilang pagkikita ay sisiguraduhin niya na magkakausap na talaga sila.
Nang makasama niya ang mga pinsan ay kinalimutan muna niya ang tungkol kay Hannah. Masayang kasama sina Justin at Dave kaya nalibang siya ng husto. Dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita ay marami silang napagkwentuhan.