Chapter 23-Isa Nanamang Pagtataksil•

2285 Words
Nang mga oras na iyon, walang kamalay-malay si Hannah na nakita pala siya ni Cayden sa gasoline station at sinundan pa siya nito. Nagmamadali kasi siya kanina dahil pinapupunta siya ni Daxton sa opisina nito, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpapapunta nito sa kaniya doon. Nang makarating siya sa malaking kompanya ng kaniyang asawa, ang lahat ng empleyadong makasalubong niya ay bumabati sa kaniya ng may paggalang. Hindi niya naabutan si Daxton sa opisina nito. Ang sabi ng secretary nito ay may emergency meeting lang daw ang kaniyang asawa, patapos na rin daw ang meeting at palabas na ito sa conference room kaya naghintay na lamang siya. She sat on a long black leather sofa and let her eyes wander around the entirety of his husband spacious room. Nasa 14th floor ang opisina nito. His office table is near the glass wall, covered by tall and wide curtains. Nakita niya ang remote niyon sa lamesa kaya kinuha niya at pinindot para bumukas ang kurtina. Bumungad sa kaniya ang magandang tanawin. Nagtataasang mga building ang makikita sa paligid. Tumayo siya at lumapit sa babasaging dingding, halos malula siya ng sumilip siya sa baba. Nakita niya ang mga sasakyan sa kalsada. Ang mga tao ay abala na paroo't parito. Tinigilan na niya ang pagsilip dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Pabalik na sana siya sa sofa ng mapayuko siya at maagaw ng pansin niya ang kumikinang na bagay sa paanan ng swivel chair ni Daxton. She bent down to see the shining object closely. Kinuha niya ito ineksamin ng maigi, isa itong gold earring na may puting perlas sa gitna. Wala na ang pakaw niyon. She brought the earring to the sofa and placed them on the center table. While waiting for her husband, she occupied herself by browsing her cellphone. Ilang sandali ay napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon. She furrowed her brow when she saw a woman enter the room, she wasn't Daxton's secretary. The woman's face was not familiar to her. She wasn't frequently in her husband's office, but she recognized most of his employees. "Yes, Miss, did you anything?" tanong niya sa babae. Tila ba may hinahanap ito, hawak-hawak pa nito ang kaliwang tenga kaya tumaas ang kilay niya. Parang alam na niya ang pakay nito sa opisina ng kaniyang asawa. Nagulat pa nga ito ng marinig ang boses niya, hindi yata alam na naroon siya. "Are you looking for something?" medyo mataas na boses na tanong niya. Nairita siya sa babae dahil hindi nito sinagot ang tanong niya kanina. "Are you a new employee here?" tanong na naman niya rito. Binalingan siya ng tingin nito, sa pagkabigla niya ay tinaasan din siya ng kilay ng babae. "It's none of your business!" pabalang na sagot nito sa kaniya na lalong ikinabigla niya. She was about to speak when Daxton's secretary, Marie, suddenly arrived. "Huh! What are you doing here, Paula? You are not suppose to be here," sabi ni Marie sa babae. Gulat ang itsura ni Marie, hindi kasi niya inaasahan na basta na lang papasok ang bago nilang empleyado sa opisina ng kanilang amo. "I'm just looking for something. I think I left it here," sagot naman nito na para bang walang pakialam sa kausap. "Hindi ka pwedeng basta-bast pumapasok dito, Paula," paninita ni Marie. Masamang tingin ang ipinukol nito kay Marie. "I can come in here anytime I want. Don't reprimand me as if you're my boss. Even Sir Daxton doesn't treat me that way, you're just a secretary," pabalang at mapang insultong sabi nito. Napabuga ng hangin si Marie dahil sa labis na pagkadismaya. "Who is she, Marie?" tanong ni Hannah. Nakita niya kung paanong taray-tarayan ng babaeng iyon ang sekretarya ng kaniyang asawa. Sa tingin pa lang niya rito at sa uri ng pananamit nito ay alam niyang hindi na gagawa ng tama. Mas bagay itong magtrabaho sa club kaysa sa opisina dahil sa halay ng pananamit nito. Naka micromini skirt ito at spaghetti strap blouse na may malalim na uka sa dibdib, ni hindi man lang pinatungan ng blazer para kahit papaano ay magmukhang disente. Talagang sinasadya pang ipakita ang mga dapat na hindi ipipakita. As professionals working inside the office, they should be mindful of their attire and ensure that it aligns with the nature of their work. "Ma'am, she's Paula De Vega, bagong empleyado po," sagot naman ni Marie. Tumayo siya at lumapit sa mga ito. "Huh! You're just a new employee, but why do you respond that way? You act like you're even superior to the company owner. The way you behave, it's as if you think you're above everyone else. Kung umasta ka akala mo mas mataas ka pa sa kalabaw. Bakit dahil ba natikman ka na ng asawa ko kaya feeling mo amo ka na rin? Kaya ka ba nandito ay dahil hinahanap mo ang hikaw mo na naglaglag dahil sa paglalampungan ninyo ng asawa ko?" Nagulat si Paula nang malaman niya na ang kausap pala niya kanina na tinarayan pa niya ay asawa ng amo nila. Ang buong akala kasi niya isa lang din ito sa mga babae ni Daxton. "Ma'am, I'm sorry! I apologize for my behavior earlier," paumanhin nito na ngayon ay hindi na makatingin ng diretso kay Hannah dahil sa labis na kahihiyan. "Marie, fire her now while I can still control myself. I don't want to see that woman's face in this company anymore," utos niya sa sekretarya. "Yes, Ma'am," maagap na sagot naman ni Marie. Naiinis nga siya kay Paula dahil ilang linggo pa lang ito sa kompanya, kung umasta ay parang amo na, ni hindi siya ginagalang bilang secretary ni Daxton at pitong taon ng nagta-trabaho sa kompanya. Napapansin din niya ang malalagkit na tingin nito sa kanilang amo at pagsusuot ng masyadong revealing na damit na para bang inaakit talaga nito si Daxton. "Huh! Why are you firing me? I haven't violate any company rules and besides, you're not my boss. If anyone has the authority to terminate me, it's Sir Daxton and not you," pangangatwiran nito. Lalo lang nag init ang ulo ni Hannah sa pangahas na babae. Awtomatikong tumaas ang kamay niya at hinablot nang malakas ang buhok nito. Napangiwi naman sa sakit si Paula. Akmang hahawakan nito ang kamay niya para pigilan ngunit inunahan na niya. "Don't you dare lay your dirty hands on me, you b*tch! Just because something happened between you and my husband once, it gives you the right to act like a superior in this company. You don't know Daxton, he easily gets tired of women. Once he's had a taste of you, he won't taste you again, so don't expect him to adore you or treat you well. After he's done with you, he'll treat you like a trash. Do you really think that if I fire you now, he'll come running after you? He doesn't care about you, dear. He's heartless, so don't hold onto any hope. Pack up your things now, don't wait for Daxton to kick you out because it'll only be more embarrassing for you. You should be thankful that I'm the one terminating you and not him. I still have my decency." "Get the hell out of here now! But, before you leave, take your earring with you, I don't want any trash scattered in my husband's office." Binitiwan niya ang buhok nito at itinulak sa direksyon ng center table kung saan niya ipinatong ang hikaw nito. Natakot naman si Paula, dali-dali niyang kinuha ang kaniyang hikaw sa lamesa at lumabas na ng opisina. Lihim na napangiti si Marie. Bilib siya sa katapangan ni Hannah at sa kung paano ito magtaray na may class pa rin. Binata pa si Daxton ay nagtatrabaho na siya rito bilang sekretarya nito. Alam niya ang ugali ng kaniyang amo, mahilig ito sa babae. Maraming babae ang sumusugod sa opisina nito noon at nagpapaangkin dito. Wala itong sineryosong babae maliban kay Hannah at pinakasalan pa nga nito. Alam niyang may nakita si Daxton dito na nagustuhan nito kaya hindi nito mabitaw-bitawan si Hannah. "Ma'am, tapos na ang meeting parating na si Sir Daxton. Aalis na muna ako, aasikasuhin ko pa ang mga naiwang papeles sa conference room," paalam ni Marie. "Okay, thank you, Marie," nakangiting sabi ni Hannah. Kahit pinainit nang Paula na iyon ang ulo niya ay madali pa ring mag-switch ang mood niya. Hindi niya kayang idamay ang mga walang kinalaman sa init ng ulo niya. Nang makalabas si Marie, ilang minuto lang ay dumating na si Daxton. "You're here," anito ng makita siya. "Bakit mo ba ako pinapunta rito?" walang ganang tanong niya sa asawa. Umupo muna sa couch si Daxton, niluwagan ang kaniyang necktie at ipinatong ang mga paa sa lamesa bago sinagot si Hannah. "My friends from the US arrived. They invited me to join them for a drink, and they requested that I bring you along. They want to meet you." Nadismaya si Hannah sa narinig na balita mula sa kaniyang asawa. Hindi niya gusto ang makisalamuha sa ibang tao, lalo pa at mga malalapit kay Daxton dahil kailangan na naman niyang magpanggap. "Okay, fine," matipid na sagot niya, nandoon na siya, wala na siyang magagawa para tumanggi at mag-imbento ng dahilan para hindi makasama. "Wait a moment, I still have some things to do before we leave." Tumayo na ito at tinungo ang kaniyang office table. Kinuha nito ang mga folder sa ibabaw ng kaniyang lamesa at pinasadahan ng basa ang mga iyon bago pinirmahan. Nakamasid lang si Hannah sa ginagawa nito. "By the way, I just wanted to let you know that I have already fired your employee, Paula. Just in case na hanapin mo siya at hindi mo makita. Sinabi ko na sa'yo agad para hindi ka na magtaka. I'm sure you already know the reason why I fired her. Kung gagawa ka kasi ng kababalaghan siguraduhin mong malinis at pulido para hindi ka agad nabibisto," pasaring niya rito. Tiningnan lamang siya nito sandali at ipinagpatuloy na ang kaniyang ginagawa na para bang wala namang pakialam sa sinabi niya. "Wala ka bang sasabihin?" tanong niya, gusto kasi niyang malaman kung ano ang nararamdaman nito. Poker face ang kaniyang asawa, hindi niya makuha ang gusto niyang reaksyon sa mukha nito. Nagsalubong ang kilay ni Daxton. "What do you want me tell you? Do you want me thank you for firing her? Oh, come on baby, wala akong pakialam sa babaeng iyon. I don't care wether you fire her or not. She's not a big deal in this company," balewalang sabi nito. Hindi na umimik pa si Hannah. Maraming ginagawa ang asawa niyang kalokohan kapag nakatalikod siya at alam na alam niya iyon. Sampung minuto ang lumipas at natapos na rin si Daxton. Alas sais y medya ng umalis sila sa opisina nito. Kumain muna sila sa isang Italian restaurant bago nagtuloy sa sikat na bar kung saan mayayaman lang ang may access na makapasok. Isa iyong VIP club na karamihan ay mga mayayamang kabataan na anak ng mga sikat na negosyante sa bansa ang miyembro. Nang makita ng guwardiya si Daxton ay wala ng tanong-tanong at agad na itong pinapasok. Sa tingin ni Hannah ay suking-suki na at madalas sa bar na iyon ang kaniyang asawa kaya kilala na ng halos lahat ng empleyado na naroon. "Daxton! We're here!" sigaw ng babaeng hindi umabot sa balikat ang blonde na buhok. Bra top lang ang suot nito na binagayan ng low waist na ripped jeans. Panay ang kaway nito sa mag-asawa para makuha nito ang atensiyon ng dalawa. Tatlong babae at apat na lalaki ang naroon sa iisang lamesa, halos kasing edaran lang ni Daxton ang mga ito, kaya nagkaroon na ng ideya si Hannah na ito ang mga kaibigan ng kaniyang asawa na balik bayan. Hinawakan siya ng kaniyang asawa sa kamay at hinila papunta sa kinaroroonan ng grupo. "It was indeed a pleasure to see you again after four years. You haven't changed a bit, you're still the incredibly handsome and stunning Daxton Guillebeaux that all the girls are dying to be with," bulalas ng babae na tumawag sa kanila. Sinalubong nito ng yakap at halik sa pisngi si Daxton. "And I'm also happy to see the sexiest member of our group again. Timeless beauty, still incredibly sexy," papuri ni Daxton dito. Matapos iyon ay isa-isa nitong binati ang iba pang mga kasamahan. "By the way, this is my wife, Hannah," pagpapakilala ni Daxton sa kaniyang asawa sa mga kaibigan niya. "Wow! The news is so true, your wife is really beautiful, Daxton. Now I understand why you settled down quietly, is it because you didn't want anyone else to snatch her away from you," sabi ng isa sa mga lalaki sa grupo sabay tawa. "Yes... you're right," tugon ni Daxton. "By the way, baby, these are my friends back in college, Veron, Ruby, Danly, Jet, Vinz, Gab and Saj," pagpapakilala nito kay Hannah sa kaniyang mga kaibigan habang itinuturo isa-isa. "Hello, Hannah!" bati ng karamihan. "Hi! It was nice to meet you all," ganting bati ni Hannah. Pumuwesto na sila ng upo sa tabi ng mga ito. Nagkasiyahan habang nagkukwentuhan ang lahat. Nag-eenjoy ng todo ang mga ito maliban kay Hannah. Pakiramdam niya ay out of place siya, hindi siya maka-relate sa topic ng mga ito dahil ang pinag uusapan ay puro tungkol sa mga nakaraan nilang experience sa eskwelahan na dati nilang pinapasukan. Tahimik lang siya sa isang tabi at pangiti-ngiti lang kahit ang totoo ay gustong-gusto na niyang umuwi at matulog na lamang sa bahay. Nilibang na lamang niya ang sarili sa pagsimsim ng alak. Hindi niya ipinahalata ang pagkainip, nagpanggap lang siya na interesado sa pinag uusapan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD