Chapter 21- Ang Pagtatagpo•

2185 Words
"Cayden—anak, hindi ka ba uuwi for dinner today?" tanong ni Lara sa anak, isang hapon iyon ng tawagan niya ito. "I'm so sorry, Mom, bukas na lang. Today is Uncle Ric's birthday, remember? After ko rito sa opisina ay doon na ako didiretso. Sabi ko kay Dad, ako na ang bahalang um-attend ng party para makauwi siya ng maaga tonight. Hindi niya pwedeng palampasin ang niluto mong ginataang langka na may alimasag. Siguro sa condo na lang muna ako matutulog ngayong araw." "Ganu'n ba? Okay sige. Mag iingat ka anak, huwag kang magpapakalasing, kung hindi mo kayang mag-drive pauwi tumawag ka lang para papuntahin ko doon si Mang Igme." "Okay, Mom. Don't worry too much about me, I'm old enough to take care of myself," aniya sa ina. "I know son, but I can't help it. Sa tagal mong nawala sa piling ko, pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang sa'yo." "Mom, don't say that! You're always been there for me. Kahit magkalayo tayo, I always feel your presence. Sige na, tama na ang drama, see you tomorrow, I love you so much." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaniyang ina sa kabilang linya. "I love you too, anak." Matapos ang kanilang pag uusap ng kaniyang ina ay ibinalik na muli ni Cayden ang atensiyon sa mga nakatambak na papeles sa kaniyang lamesa. Unti-unti na niyang pinag-aaralan ang pamamalakad ng kanilang kompanya. Dalawang linggo pa lang simula ng mag umpisa siyang magtrabaho. Sa ngayon ay nahihirapan pa siyang mag-adjust dahil iba ang nakasanayan niya. Noong nasa Madrid siya ay panay practice sa field at excercise ang ginagawa niya, samantalang ngayon ay maghapon lang siyang nakaupo. Mas sumasakit ang katawan niya nang walang ginagawa kaya naman kapag pakiramdam niya ay parang hindi na dumadaloy ng maayos ang dugo sa katawan niya ay tumatayo siya at gumagalaw-galaw. Ginagawa niya ang mga simpleng exercise lang para mabanat ang kaniyang buto. Katulad ngayon, nangalay na ang batok niya sa kayuyuko. Tinutukan niyang basahin at pag-aralan ang mga bagong negosyo na papasukin ng kanilang kompanya. Sa sobrang abala ay hindi na niya namalayan ang oras, uwian na pala. Napaangat ang ulo niya ng maramdamang may nagbukas ng pinto ng kaniyang opisina. "Aren't you going, son? Don't pressure yourself too much, just take it easy, you'll learn all of it in the long run. I'm going home, your mommy is waiting for me. Please just tell your Uncle Ric, happy birthday. You know I hate parties. Babawi na lang ako sa kaniya sa susunod," sabi ni Draco sa kaniyang panganay na anak. "Okay, Dad. I'll tell him what you said," tugon naman ni Cayden sa sinabi ng kaniyang ama. Hindi na rin nagtagal si Draco, matapos magpaalam ay umalis na rin ito kaagad. Natutuwa si Cayden sa kaniyang ama. Lagi itong excited na umuwi ng bahay para makita ang kaniyang ina. Humahanga siya sa pagmamahalan ng kaniyang mga magulang. Pangarap rin niya na magkaroon ng mapapangasawa na katulad ng ugali ng kaniyang ina, mapagmahal, maalalahanin at maalaga. Kaya naman mahal na mahal ito ng kaniyang ama. Hinanda na niya ang sarili para umalis. Umuwi muna siya sa kaniyang condo unit na malapit lang sa kanilang opisina para magpahinga ng konti at magpalit ng damit. Alas siyete ang simula ng party. Magpapakita lang siya sa kaniyang Uncle Ric at hindi rin magtatagal, iyon ang plano niya. _ Hindi ipinahahalata ni Hannah sa asawang si Daxton ang hindi niya pagiging interesado sa okasyon na kanilang pupuntahan. Kung pwede nga lang tumanggi ay magpapaiwan na lamang siya. Mas masarap pang matulog kaysa gumala pa sa gabi, kaya lang mapilit ang kaniyang asawa. Hindi niya ito pwedeng tanggihan dahil tiyak ay magagalit na naman ito ng husto sa kaniya. Takot na siyang makulong kaya naman kahit labag sa kalooban niya ay nagmimistula na lamang siyang robot na sunud-sunuran dito. Hindi niya kilala kung sino ang pupuntahan nila na may kaarawan. Bihis na bihis siya. Ang stylist niyang si Joana ang namili ng damit, sapatos at accessories na isusuot niya. Nagustuhan naman niya ang kaniyang itsura ng tingnan niya ang sarili sa salamin ngunit ganu'n pa man ay tinatamad pa rin siyang umalis. "Let's go, baby," sabi ni Daxton ng makababa, hinihintay niya ito sa paanan ng hagdan. Nagmamadali ito kaya nauna nang lumakad at nilagpasan siya. Lakad takbo naman ang ginawa niyang paghabol dito. Nahihirapan siyang lumakad ng mabilis dahil sa taas nang takong ng sapatos na suot niya. "Ano ba, bakit ang bagal-bagal mo?" singhal sa kaniya ni Daxton, nakasakay na ito sa kotse, nakabukas ng sagad ang pintuan sa passenger seat kung saan ito nakapuwesto ng upo. "Ito na nga, and'yan na," tarantang sabi niya. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at tumabi ng upo rito. Isinara naman ng kanilang driver ang pinto. Mabilis na tinungo nito ang driver seat at sinimulan nang paandarin ang makina. Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Hannah, samantalang si Daxton kahit gabi na ay marami pa ring kausap sa cellphone, maya't-maya ay may tumatawag dito, karamihan ay mga babae na kung sino-sino. She can still hear him flirting with those women on the phone. Harap-harapan na ipinapakita sa kaniya ang kaharutan nito sa mga babae, ngunit hindi na niya iyon pinapansin. Sinanay na niya ang sarili na maging bulag, pipi at bingi sa harapan ng kaniyang asawa. Sa isang malaking bahay na may malawak na bakuran huminto ang kanilang sinasakyan. Sa labas pa lang ng gate ay naririnig na ang kasiyahan sa loob. Luxury cars come and go, dropping off people in beautiful and expensive attire, mga bisita rin na kagaya nila ang mga iyon na halos lahat ay kakilala ni Daxton, binabati siya ng mga ito kapag nakikita siya. Pumasok na sila sa loob at sinimulan ang kanilang drama. Like they always do, they will once again pretend to be the perfect couple in front of many people. Hannah plastered a smile on her lips. Haharapin niya ang mga naroon na may ngiti sa mga labi dahil iyon ang papel niya sa araw na ito. Ang magpanggap na masaya sa piling ng kaniyang asawa sa harapan ng ibang tao. Gusto kasing palabasin ni Daxton na isa siyang mabuti, maalaga at mapagmahal na asawa, kaya kailangan lagi siyang maganda sa paningin ng lahat. Nakakapit siya sa braso ng kaniyang asawa, lahat ng makasalubong nila ay binabati si Daxton at ipinakikilala naman siya nito sa mga iyon. Nangangawit na ang panga niya sa kakangiti, pati ang mga binti niya ay ngawit na rin sa katatayo, kahit kailan talaga ay hindi siya masanay sa mataas na takong ng sapatos. Sa wakas natapos na rin si Daxton sa pagbati sa mga bisita na akala mo naman ay siya ang may kaarawan. Naisipan na rin nito na sila ay maupo. _ Nang umuwi si Cayden sa kaniyang condo galing sa trabaho ay nakatulog siya, hindi niya namalayan ang oras kaya pasado alas nuebe na ng makarating siya sa party ng kaniyang Uncle Ric, ito ang pinsang buo ng kaniyang ama. Isang magaling na negosyante si Enrique Leviste kaya marami itong mga kaibigan. Puno ang venue ng mga negosyante at importanteng tao na kaniyang mga bisita. "Uncle Ric, happy birthday!" salubong na bati ni Cayden sa kaniyang tiyuhin. "Oh, Cayden, I'm glad you came. Where is your Dad?" tanong nito, hinanap pa sa paligid si Draco. "Hindi siya makakapunta, medyo busy si Dad. Pinasasabi niya 'happy birthday' babawi na lang daw siya sa'yo." Natatawang napapailing si Ric. "Ang Daddy mo talaga kung hindi ko pa siya kilala ay nagtampo na ako sa kaniya. Kaya lang kilalang-kilala ko ang Daddy mo na hindi mahilig sa party at ayaw na ayaw sa lugar na maraming tao kaya pagbibigyan ko siya, pero maniningil ako sa kaniya next time, sabihin mo 'yan sa kaniya. Mahal ako maningil," pabiro na may halong katotohanan na sabi ng may kaarawan. Napangiti na lamang si Cayden at hindi na ipinagtanggol pa ang kaniyang ama dahil tama naman ang mga sinabi ng kaniyang Uncle Ric. "Sige, kumain ka na. Nariyan ang mga pinsan mo, hanapin mo na lang at e-estimahin ko pa muna ang iba pa nating mga parating na bisita." "Okay, Uncle. Huwag mo na akong alalahanin ayos lang ako rito," sabi naman niya. Tinapik pa muna siya nito sa balikat bago iniwan. Dahil hindi naman siya naghapunan ay dumiretso na siya sa mahabang lamesa kung saan naroon ang mga masasarap na pagkain. Kumuha lang siya ng mga gusto niyang kainin at naupo na sa lamesa. Tinawag siya ng mga anak ng Uncle Ric niya na si Dave at Justin kaya doon siya tumuloy matapos makakuha ng pagkain. "Kamusta ang pagtatrabaho sa opisina, nag-eenjoy ka naman ba?" tanong ng kaniyang Kuya Justin. Umiling siya. "Kind'a boring but I'll get used to it. Ang dami ko pang dapat aralin para matuto," aniya sa pagitan ng pagnguya. "Yeah, gan'yan din ako noong una. You know ang tagal ko rin sa US, malayong-malayo ang trabaho ko doon kumpara rito pero sa katagalan natuto na rin ako at nasanay," sabi naman ni Dave. "Kaya konti tiyaga pa," payo ni Justin. Tinanguan lang niya ang mga pinsan bilang pagsang ayon. Maraming tao sa paligid lahat ay nagkakasiyahan halos lahat ay magkakakilala. Sa tagal na panahon na nawala si Cayden, seventeen years old pa lang siya ng lumipad siya patungong Espanya kaya bihira lang ang nakakakilala sa kaniya. Kung hindi pa siya ipinakikila ng kaniyang Uncle Ric sa mga bisita nito na siya ang panganay na anak ni Draco Frio ay hindi siya makikilala ng mga taong naroon. Napagod na siya sa pakikiharap sa mga tao. Naghihintay lang siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na sa kaniyang Uncle Ric na uuwi. Habang abala pa ito ay naglibot-libot muna siya sa paligid. Bata pa siya ng huli siyang makarating sa bahay na ito, marami nang nagbago. Dumiretso siya sa likod ng bahay kung saan naroon ang gazebo na madalas nilang tambayan ng Kuya Justin niya at ni Dave. Mas gumanda at naging moderno na ang disenyo nito ngayon. Dim light lang ang ilaw na nakabukas kaya hindi gaanong maliwanag sa kinaroroonan nito. Maraming upuan doon na komportable kang makakaupo. Napangiti siya dahil walang tao, hindi pa nadidiskubre ng mga bisita ang lugar. Lumakad siya palapit dito ngunit napahinto rin siya ng may makitang babae na paika-ikang naglalakad palapit doon. Naunahan na siya nito. Nangunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang babae na tila ba pamilyar sa kaniya ang mukha. Nang mga sandaling iyon si Hannah ay nakahinga ng maluwag. Naghahanap kasi siya ng lugar na walang tao kung saan maaari siyang makapagpapahinga ng walang nakakakita sa kaniya. Ang sakit na kasi ng mga paa niya at gustong-gusto na niyang hubarin ang sapatos niya. Nakita niya ang gazebo kaya doon siya dumiresto. Abala pa ang kaniyang asawa, umiinom ito kasama pa ng ibang mga bisita kaya tumakas muna siya saglit. Naupo siya sa mahabang sofa agad niyang tinanggal ang kaniyang sapatos at hinilot-hilot ang nananakit niyang mga paa. Nakaramdaman siya ng kaginhawaan sa kaniyang ginagawa. Hindi niya namalayan na may taong papalapit sa kinaroroonan niya. "Ha-Hannah! Is that really you? Tell me, I'm not dreaming right? You're real!" Napatingala siya at nagulat ng makita si Cayden sa kaniyang harapan. Halos mahulog siya sa kaniyang kinauupuan sa sobrang pagkabigla, mabuti na lang at nakakapit siya sa sandalan ng upuan. Agad namang lumapit sa kaniya si Cayden para alalayan siya. "Hindi ka nga isang panaginip, totoo ka. Ikaw si Hannah!" bulalas ni Cayden, habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa kaniya. Napaawang ang bibig ni Hannah at hindi nakapagsalita, nakatingin lang siya sa binata na ngayon ay nakahawak sa kaniyang bewang. Nakaalalay ito para hindi siya tuluyang mahulog sa kaniyang kinauupuan. Nagpanagpo ang kanilang mga tingin. "Ang tagal na kitang gustong makita, Hannah." Gustong mapaiyak ni Hannah. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang magkita sila ni Cayden bilang siya si Hannah at hindi nagpapanggap na ibang tao. Nang mga oras na iyon ay parang nakalimutan niya ang lahat. Napayakap siya kay Cayden, gumanti rin ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. "You don't know how much I miss you, Hannah. You're still beautiful, very beautiful!" humahangang sabi ng binata. Nagdiwang ang puso ni Hannah sa labis na kaligayahan. Hindi niya napigilan ang mapaiyak. "Cayden!" tanging nanulas sa bibig niya sa pagitan ng paghikbi. "How are you? Are you doing good?" tanong nito. Hindi siya nakaimik. Gusto niyang sabihin na hindi, hindi naging maganda ang buhay niya. Ngunit hindi niya masabi ang totoo rito. Taliwas sa totoo ay tumango siya. "O-oo, ayos ako. Maganda at masaya ang buhay ko ngayon," pagsisinungaling niya. "Oh, thanks God! Lagi kong ipinapanalangin na sana ayos ka lang at nasa mabuting kalagayan. Now that I saw you, I can be sure that you're doing good." Labis ang saya ni Cayden na makita si Hannah, ang bilis ng t***k ng puso niya. Ganitong-ganito ang nararamdaman niya noon sa tuwing makikita niya ito sa eskwelahan. Akala niya noon ay tuluyan na niyang nakalimutan ito dahil meron na siyang Naomi pero hindi pala. Naroon pa rin ang damdamin niya para rito, hindi nawawala at nakatago lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD