Chapter 12- Ang Pagbabalik•

1875 Words
"What took you so long to open that goddamn door? Ginagalit mo ba 'ko?" iritadong tanong ni Daxton sa asawang si Hannah. Kababalik lang niya galing sa business trip. Hindi siya sanay na hindi pinapansin nito. Kanina lang pagdating niya ay hindi niya ito nakita sa ibaba. Ni hindi nga nito inabangan ang pagdating niya. Dati sa tuwing uuwi siya galing abroad ay nakatayo na ito sa harapan ng pinto ng kanilang mansiyon at inaabangan na siya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang binabalewala siya nito. "And so what if you're now here? Do you think I will still be nice to you after what you did to me?" mataray na tanong ni Hannah sa asawa. She doesn't care anymore about what will happen to her, what's important is for her to express her anger towards her husband. Hindi biro ang ginawa nito sa kaniya para magbulag-bulagan lang siya at magbingibingihan. Kahit sinong taong nasa katayuan niya ay siguradong hindi rin palalampasin ang ganitong klase ng pagtataksil ng kaniyang asawa. Nagulat siya ng bigla na lang lumapit sa kaniya si Daxton, mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay kinuwelyuhan siya nito. "Because you're angry with me, you're going to ignore me, is that it? I give you all the luxuries, even your aunt benefits from my money. I married you even though my family is against you. You know why they're not in favor of you? Because you're nothing! I married you not to worship you and put you on a pedestal, Hannah. I married you to be my slave. That's what you are to me... my expensive slave!" "Huwag mo akong pagmalakihan, if it weren't for me, where would you end up? If it weren't for me, you wouldn't be experiencing all the luxury you enjoy right now. Just because we're married doesn't give you the right to interfere with my life. In this relationship, I am the superior and not you. You are just my slave. Your only duty is to follow my every command. You will do whatever I want whether you like it or not because if you don't obey me, I will ruin you. You don't care how many women I sleep with every day, don't meddle in my affairs. Just serve me, that's your role in my life. Babayaran mo nang serbisyo mo ang bawat singkong kusing na ginagastos ko para sa'yo, naiintindihan mo 'ko?" galit na galit na sabi nito. Halos masakal na siya sa higpit ng pagkakakwelyo nito sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Ang kanina ay matapang na mukha ni Hanna ay napalitan ngayon ng takot. "Bi-bitiwan mo 'ko, Daxton, nasasaktan ako!" aniya habang pinipigilan ang kamay nito. Binitiwan nga siya nito ngunit malakas naman siyang itinulak kaya napahiga siya ng patihaya sa kama. "Know your worth first before you dare to confront me. If you think you're capable and brave enough to defy me, then fight me. Just by looking at you now, I can clearly see how scared you are of me. You can never win to me, Hannah, keep that in mind!" may halong pagbabanta na sabi nito at pagkatapos ay tinalikuran na ang asawa at lumabas ng silid. Ilang minuto nang nakakaalis si Daxton ngunit nanginginig pa rin ang katawan ni Hannah dahil sa takot. Nang araw na iyon ay hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Matagal na nawala si Daxton. Ang galit nito sa kaniya ay hindi basta-basta matatapos. Ang masakit na katotohanan kay Hannah ay ito na nga ang may kasalanan at may ginawang mali ngunit ito pa ang may ganang magalit sa kaniya. Kung hindi lang dahil hawak siya sa leeg ni Daxton at kung hindi dahil sa mga pagbabanta nito ay matagal na niyang iniwan ang walang kuwenta niyang asawa. Alam niya na darating ang panahon na magsasawa rin ito sa kaniya at maghahanap ng iba. Bilang asawa kahit wala siyang pagmamahal dito ay masakit pa rin na mayurakan ang kaniyang pagkatao. Alam na nga niyang niloloko siya nito ngunit kahit may karapatan siyang magalit ay minamabuti na lang niya ang manahimik dahil ayaw niyang makatikim ng parusa nito. Nakahanda na ang hapunan at ipinatatawag na siya ni Daxton para saluhan ito sa hapag kainan. Napilitan siyang bumaba kahit ayaw niyang harapin ang asawa ay wala siyang magagawa kung hindi ang pakisamahan ito. Bumaba siya at dumiretso sa dining. Humatak siya ng upuan at naupo malapit sa puwesto ng asawa. Nang makita niya ang mga masasarap na pagkain na nakahain sa lamesa ay natakam siya. Ngunit, agad din siyang nadismaya ng dumating ang kaniyang dietitian, ipinatong nito ang isang plato ng sari-saring gulay sa harapan niya. Gusto niyang magreklamo. Gusto niyang magprotesta. Kaya ayaw niyang kasabay sa pagkain si Daxton kapag nasa bahay sila dahil imbes na mabusog ay lalo lang siyang nakakaramdam ng gutom. "Why are you looking at me like that?" kunot noong tanong ni Daxton nang mapansin na nakatitig siya rito. "Pu-pwede ba akong makahingi kahit isa lang d'yan sa mga pagkain mo?" alanganing tanong niya. Natatakam siya sa tomato butter roast chicken na nakahain sa harapan nito. "No... How many times do I have to tell you that you should only eat what is served on you?" "But I don't really get full from the food you gave me. I'm getting tired of eating vegies, can you give me a little bit of your roast chicken instead," apela niya. "A big no! Iyan ang parusa mo sa pagiging matapang sa akin. Kung naging mabait ka ba naman at sinalubong ako ng may lambing pagdating ko kanina ay baka sakaling napagbigyan ko pa ang gusto mo." "Isa pa, napansin kong medyo nagkalaman ka ngayon. Baka naman habang wala ako ay pinanay-panay mo ang pagkain. Sinamantala mo ang pagkawala ko para makain ang lahat ng gusto mo." Sunod-sunod ang naging pag iling ni Hannah, medyo kinabahan siya sa sinabing iyon ni Daxton. Totoo naman, nang mga huling araw niya sa El Grande Beach Resort ay hindi na niya napigilan ang sarili na maparami ng kain. Siguro nga ay nadagdagan ang kaniyang timbang. Hindi niya nakuhang timbangin ang kaniyang sarili dahil natatakot siya sa magiging resulta nito. "Starting today you're on strict diet. You need to lose the weight you've gained." Nanlulumong napatingin na lamang si Hannah sa kaniyang asawa. Kahit anong gawin niyang protesta ay hindi naman siya papansinin nito. Tahimik siyang kumain, pikit mata na nilunok niya ang pagkaing wala man lang kalasa-lasa. Wala namang problema sa kaniya ang kumain ng ganito, paborito niya ang mga gulay, hindi siya mapili sa pagkain pero kung araw-araw naman na ganito ang kinakain mo ay talagang magsasawa ka rin. Habang inaabala niya ang sarili sa pagkain na hirap na hirap naman siyang lunukin ay naramdaman niya ang pagtayo ni Daxton. Inilagay nito ang table napkin na kanina ay nasa kandungan nito sa ibabaw ng lamesa. Tapos na itong kumain konti lang ang nabawas nito sa mga ulam na nakahain sa hapag kainan. Binalingan siya ni Daxton. "Bilisan mo ang pagkain," sabi nito sa kaniya. She didn't pay attention to her husband, nagpatuloy lang siya sa pagkain ni hindi niya ito tiningnan dahil inis siya rito. Narinig niya ang paghakbang nito ngunit bigla ring tumigil. "Oh, I forgot to tell you, papasyal nga pala si Mommy at ang mga kapatid ko rito bukas. Gusto kong pagsilbihan mo sila ng mabuti Minsan lang pumunta ang pamilya ko sa bahay natin kaya dapat pakisamahan mo sila ng maayos." Hannah's mind became even more troubled upon hearing the news from her husband. Kung kontrabida si Daxton sa buhay niya ay mas lalong higit na kontrabida ang ina nito at ang kambal na kapatid. Kung puwede lang hilingin na huwag nang sumapit ang umaga ay ginawa na niya para hindi makita ang pamilya nito. Nawalan na siya lalo ng ganang kumain kaya hindi na niya inubos ang laman ng kaniyang plato. Iniwan niya ang kusina, hindi muna siya umakyat sa kanilang silid. Lumabas siya para magpahangin. Pumunta siya sa swimming pool. Napakaganda nitong pagmasdan kapag gabi dahil sa iba't-ibang makukulay na ilaw buhat dito. Naupo siya sa canopy chair, masarap ang simoy ng hangin, nagugustuhan niya ang pagdampi niyon sa kaniyang balat. Sinadya niyang huwag munang dumiretso sa kanilang kuwarto dahil ayaw niyang makita si Daxton. Gusto niyang sa pag akyat niya ay tulog na ito. Habang nagmumuni-muni siya ay inalala niya ang mga nangyari sa resort na kasama niya si Cayden. Miss na miss na niya ito, gusto niya itong muling makita. Kung alam lang niya kung nasaan ito ngayon ay gagawin niyang puntahan ito. May mga pagkakataon na gusto niyang alamin ang naging buhay ni Cayden kaya lang ay hindi niya magawa dahil natatakot siyang madiakubre iyon ni Daxton, kaya kahit kaya niyang magbayad ng private investigator para ipahanap ito at makibalita tungkol sa naging buhay nito ay hindi niya ginawa. Noong nakaraan lang na napanaginipan niya ito at narinig ni Daxton na binanggit niya ang pangalan ni Cayden ay katakot-takot na pananakit na ang ginawa nito sa kaniya, paano pa kaya kapag nalaman nitong pinapahanap niya ito at gusto niyang makibalita rito? Hindi puwedeng madamay si Cayden sa gulo ng buhay niya. Tumayo siya sa canopy chair at lumapit sa swimming pool, umupo siya sa gilid nito at inilublob ang paa sa tubig. Nang unang dumampi sa talampakan niya ang tubig ay kinilabutan siya sa lamig, ngunit unti-unti niyang sinanay ang sarili sa temperatura nito hanggang sa mailubog na niya ang halos kalahati ng kaniyang binti. Yumuko siya para pagmasdan ang tubig. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang pinagdadaanan sa buhay. Kahit anong hirap ng buhay niya ay hindi niya magawang mag-isip ng masama, patuloy lang siyang lumalaban. Lagi niyang ipinapasok sa kaniyang isip na matatapos din ang lahat. Darating ang araw na magiging maayos din ang buhay niya, ang mga simpleng pangarap na gusto niyang mangyari ay matutupad din. Siguro nga hindi pa ngayon, hangga't kaya niyang magtiis ay magtitiis siya. Umabot siya ng halos dalawang oras sa pool bago niya naisipang pumasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang at hindi siya pinatawag ni Daxton at hinayaan lang siya nito. Pag akyat niya sa kanilang silid ay naabutan niya ang asawa na tulog na tulog. Nakahiga ito ng padapa sa kama ng hubo't-hubad. Nakahinga siya ng maluwag ng malaman na malalim na ang tulog nito. Maingat ang bawat kilos niya, iniiwasan niyang makagawa ng kahit kaunting ingay, ayaw niyang magising ito dahil sigurado kapag nagising ito ay aangkinin na naman siya nito. Pumosisyon na agad siya ng higa sa sofa bed. Hindi siya tatabi sa kaniyang asawa. Maisip lang niya na sumisiping ito sa iba't-ibang babae ay nandidiri siya rito. Pinilit niyang makatulog. Nagtakip siya ng kumot at nagsumiksik sa sofa. Napakalamig ng kanilang silid, nakatodo ang bukas ng aircon. Nilalamig na siya, nagtataka nga siya kay Daxton kahit anong lamig ay kung bakit nakahubad pa rin ito kung matulog? Parang hindi ito tinatalaban ng lamig. Ganu'n siguro talaga ang mga halimaw na kagaya niya, sadyang makakapal ang mga balat. Tinigilan na niya ang kakaisip sa kaniyang asawa. Sinubukan niyang masasayang bagay naman ang kaniyang isipin dahil baka pati sa panaginip ay makita pa rin niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD