Maaga pa lang ay hindi na magkandaugaga ang mga tauhan sa mansiyon nila Hannah. Ngayon ang araw ng pagbisita ng ina at mga kapatid ni Daxton. Kahit ayaw ni Hannah ay wala naman siyang choice kung hindi ang maging punong abala sa paghahanda ng mga pagkain para sa tanghalian.
"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Hannah sa kaniyang mga kasambahay na nakatoka sa kusina.
Katatapos lang iluto ng kanilang chef ang five main dishes. Her dietician also made a vegetable salad and potato salad for their appetizer and side dish.
"Handa na po ang lahat para sa tanghalian, Ma'am. Aayusin na lang namin sa lamesa mamaya kapag dumating na po ang mga bisita," sagot ng isa sa apat na kasambahay na kasama niya sa kusina.
Nakaramdam ng kapanatagan si Hannah.
Now it's time for her to fix herself.
Hindi siya puwedeng magmukhang basahan sa harapan ng pamilya ni Daxton. Alam niyang katakot-takot na panlalait na naman ang matatanggap niya sa mga ito, lalong-lalo na sa kambal na kapatid ng kaniyang asawa na hindk niya alam kung bakit napakalaki ng galit sa kaniya.
"That's good to hear, I'll leave it to all of you then. If you'll excuse me, aakyat muna ako sa kuwarto namin," paalam niya sa mga kasambahay.
"Sige po, Ma'am, huwag niyo na pong alalahanin dito sa kusina. Maya-maya lang ay ililipat na rin po namin sa dining area ang lahat ng 'to."
Umalis na si Hannah at tinungo ang kanilang silid. Abalang-abala siya samantalang si Daxton ay nadatnan niyang tulog pa rin. It's already ten 'o clock in the morning and yet he is still sleeping.
She walk towards her husband and checked if he was okay, fearing that he might have stiffened from the cold. Biruin mo ba naman hindi nito ginawang magkumot ng magdamag kahit napakalamig na. When she get near him, she heard his gentle purring. Mukhang ayos lang naman ito kaya hinayaan na lamang niya, dumiretso na siya sa banyo para maligo.
Ang mga mamahaling pampaligo niya gaya ng sabon, shampoo at body wash ay talaga namang kumakapit sa katawan ang bango. Saglit lang siyang naligo, matapos patuyuin ang buhok sa blower ay agad na ring lumabas ng banyo. Pumunta siya sa kaniyang walk in closet para humanap ng damit na maisusuot. Kailangan niyang mamili ng maganda mula sa mga damit doon na 90% ay bago lahat at hindi pa man naisusuot. Sa laki at lawak ng walk in closet niya ay mistula na itong tindahan ng mga luxury brands. Wala na ngang paglagyan ang iba. Ilang minuto rin bago siya nakahanap ng maisisuot. Isang puting spaghetti strap mini dress iyon na may maliit na may print na tatlong letrang kulay pula sa kaliwang dibdib. Iyon ang initial ng brand ng damit. Binagayan niya iyon ng skintone flat sandals dahil nasa bahay lang naman sila.
Hinayaan niyang nakalugay lang ang mahaba, madulas, makintab at tuwid niyang mushroon blonde hair. Nagpulbo siya ng konti, naglagay ng manipis na blush on at nag-lips stick, ang paborito niyang pale pink lips stick ang kaniyang ginamit. Bago tuluyang matapos ay nagwisik siya ng mamahaling pabango at nagsuot ng alahas. Mamahaling kuwintas na may palawit na puso na napapalibutan ng mga diyamante ang isinabit niya sa leeg, naglagay rin siya ng gold bracelet at gold watch. Tiningnan niya ang kabuuang sarili sa salamin. Nakuntento naman siya sa kaniyang itsura. Lumabas na siya ng marinig na may pumapasok na sasakyan sa loob ng kanilang bakuran. Sumilip muna siya sa terrace at nakita nga niya ang mamahaling sasakyan ng pamilya ng kaniyang asawa. Dali-dali na siyang bumaba para salubungin ang mga ito. Wala naman na siyang pagpipilian, hindi pa bumababa ang kaniyang asawa kaya siya muna ang mag-eestima sa mga ito.
Inabangan niya ang kakarating lang na mga bisita sa kanilang main entrance. Plinaster na niya ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi. Sinigurado niyang hindi magmumuhkang pilit iyon.
"Good mornig po, Mama," nakangiti at magalang na bati niya sa ina ni Daxton. Lumapit siya rito para bumeso. Mabilis lang ang ginawa niya dahil para siyang napapaso kapag napapalapit siya sa masungit na ginang. Nagmistulang tuod lang ito sa harapan niya at hindi man lang rumesponde sa gesture niya.
Tiningnan lamang siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi man lang ito ngumiti, ni hindi tinugon ang pagbati niya.
"Where is my son?" tanong nito na ang anak agad ang hinanap.
Ang ina ni Daxton ay higit na bata pang tignan sa kaniyang totoong edad. Matangkad ito at slim ang pangangatawan, magandang babae ito at dito nagmana si Daxton kaya naman gwapo ang kaniyang asawa. Maganda rin itong manamit, dati kasi itong sikat na modelo ng mga luxury brand noong kabataan pa niya. Alaga ito sa beauty treatment at marami na ring pinagawa sa mukha para manatiling bata ang itsura nito. Dahil galing ang pamilyang Guillebeaux sa mayamang angkan lahat ng luho sa katawan ay kumpleto ang ginang. Isang kilalang socialite si Pia Guillebeaux.
"Nasa taas pa po, bababa na rin po iyon. Medyo napagod kasi sa biyahe, may jet lag pa po," paliwanag niya.
Kanina ay ipinatawag na niya ang kaniyang asawa sa isa sa kanilang mga kasambahay. Ayaw niyang siya ang gumising dito dahil baka mabulyawan na naman siya.
"Pumasok po muna tayo sa loob, Mama, Mindy-Lizzy, dito tayo sa dining nakahanda na ang tanghalian," masiglang sabi niya, binalingan niya ang mga kapatid ni Daxton ngunit tinaasan lang siya ng kilay ng mga ito. Binalewala na lamang niya ang mga iyon dahil sanay na siya sa pamilya ni Daxton, bukod tanging ang ama lang nito na si Mr. Benjamin Guillebeaux ang mabait sa kaniya, kaya lang ay bihirang-bihira niya itong makita. Abala ito sa napakarami nilang negosyo at lagi itong nasa iba't-ibang bansa.
Ang totoo kaya inis na inis ang kambal na si Mindy at Lizzy kay Hannah ay dahil insecure ang mga ito sa asawa ng kanilang Kuya Daxton. Ilang taon ang tanda sa kanila ni Hannah ngunit kung titingnan ito ay parang kaedaran lang nila, mukha pa rin itong itong teenager dahil sa ganda at kinis ng kutis pati ang mukha ay batang-bata pa ring tingnan. Ang mas ikanaiinis pa nila ay nag ayos sila ng mabuti para ipamukha rito kung sino ang mas mayaman at mas maganda sa kanila ngunit parang napahiya lang ang dalawa. Ang damit na suot ni Hannah ay agad nakaagaw ng kanilang pansin kanina pa. Ginawa ng sikat na fashion designer sa Paris ang Selene cut dress na iyon. Nag iisa lang ang damit na iyon sa mundo, kahit ang prinsesa at reyna ng iba't-ibang bansa ay gustong magkaroon niyon pero sa pagtataka nila ay kung paanong napunta kay Hannah iyon. Sigurado silang hindi peke ang damit, imposibleng magsuot ng imitation si Hannah. Kahit naman sa unang tingin pa lang ay halata mo nang mamahalin ang materyales na ginamit. Pulidog-pulido ang pagkakatahi at ang mga burda sa laylayan ng damit ay ang signature design ng sikat na fashion designer na si Beatrice Bianchi.
Aminin man nila o hindi ay napakaganda ni Hannah sa damit na iyon, mistula itong manika sa suot niya. Walang anggulo na pangit siya. Natural kasi ang ganda niya at walang pina-enhance. Kaya buwisit na buwisit ang magkapatid sa kaniya, dahil kahit anong gawin nila ay hindi nila maungusan sa kagandahan kahit kailan si Hannah. Kaya kapag may event silang pinupuntahan na nagkataon namang naroon ang Kuya Daxton nila at kasama si Hannah ay hindi nila nilalapitan ang mga ito dahil ayaw nilang maikumpara rito. Siguradong mapipintasan lamang sila at ang makikita ng mga mapanuring mga mata ng mga atribidang tao ay ang mga imperfections nila.
Ipinaghila pa ni Hannah ng upuan ang ina ni Daxton. Sinigurado niyang komportable na itong nakaupo bago siya nagtungo aa kaniyang pwesto, ang mga hipag naman niya ay nakapwesto na rin ng upo. Hindi pa niya nailalapat ang puwet sa bangko ay biglang nagsalita si Pia.
"Aren't you going to call my son? Kakain ba tayo ng wala siya? Call him first bago ka umupo d'yan," mataray na utos ng kaniyang biyenan sa kaniya.
"Ah... okay po. Sandali lang po at tatawagin ko si Daxton." Nagmamadali na siyang lumabas ng dining para tunguhin ang kaniyang asawa sa kanilang silid.
"Oh, my gosh, Mommy, this is so unbelievable," overacting na sabi ni Lizzy, napahawak pa ito sa dibdib na akala mo ay inaatake ng kung ano.
"How could she? Ginawa lang niyang pambahay ang damit ni Beatrice Bianchi!Ano bang gustong palabasin ng babaeng 'yon? Ipinamumukha ba talaga niya sa atin kung gaano tayo ka-out of fashion. Kuya Daxton is too much of her, lagi niyang sinusunod ang luho ng babaeng iyon," inis na dagdag na sabi pa ni Lizzy ng mawala na sa kanilang paningin si Hannah.
"Oo nga, Mommy, grabeng pang iinsulto ang ginawa ng babaeng iyon sa atin. Ang damit na 'yon ay pinag aagawan ng prinsesa at reyna ay sa kaniya napunta? Magkano kaya ang binayad niya kay Beatrice Bianchi para mapasakanya ang damit na 'yon? Sinadya ba talaga niya iyon para pagmalakihan tayo?" segunda ni Mindy sa sinabi ng kaniyang kapatid.
Kahit si Pia ay hindi rin makapaniwala. Nang parating palang sila at makita ang damit na suot ni Hannah ay nabigla na siya ngunit hindi niya pinahalata sa mga anak, nanatili siyang kalmado at walang ipinapakitang emosyon. Ngunit ang totoo ay lalo lang nadagdagan ang inis niya sa manugang niya.
Walang kaaalam-alam si Hannah na pinag uusapan pala siya ng mag-iina. Naiinis ang mga ito dahil sa suot niyang damit samantalang hindi naman niya alam kung gaano kamahal at importante ang damit na 'yon. Iyon lang ang napili niya mula sa mga tambak niyang damit sa walk in closet dahil iyon ang sa tingin niya ay pinaka simple at puwedeng suotin sa bahay. Sa totoo lang wala siyang alam sa fashion. Ang stylist niya at si Daxton lang ang nag uusap tungkol sa pagpili at pagbili ng mga damit niya. Malay ba niya sa ganuong mga bagay. Sinusuot lang naman niya kung ano ang mga ibinibigay sa kaniya.