Chapter 11- Panghihinayang•

1421 Words
Kinabukasan ay maayos ang pakiramdam ni Hannah nang siya ay magising. May pumuntang staff ng resort na naka-assign sa food and beverage department sa kaniyang villa na pmay dalang mga pagkain. She was surprised because she didn't order any food, she wondered why someone delivered it to her. "Where did that food come from? I don't remember ordering anything for my breakfast," aniya sa staff. "Pinabibigay po ni Mr. Frio, Ma'am, siya po ang umorder nito para sa inyo. Ibinilin niya sa amin na hatiran kayo ng almusal," tugon ng staff. Hindi makapaniwala ang tingin ni Hannah sa kaniyang kausap. "Are you reffering to Cayden?" alanganing tanong niya. "Yes po, si Mr. Cayden Frio, nga po, Ma'am," sang ayon nito. "So, where is Cayden now?" agad na tanong niya. "Wala na po sa resort si Mr. Frio, kanina pa po siya nag-check out, mahigit isang oras na po siyang nakakaalis." "Ha! Umalis na siya?" hindi makapaniwalang bulalas ni Hannah. Nakaramdam siya ng lungkot, parang biglaan naman ata ang pag alis nito. Could it be that Cayden's vacation at that resort is already over, or did Cayden choose to end his vacation early? She felt guilty, thinking that she might be the reason why Cayden's vacation was cut short. She felt like a burden to him, as if she had become his responsibility. She hadn't given anything positive since the day she first saw Cayden at the villa. Instead of enjoying during his vacation, she only added to his worries. Perhaps Cayden decided it was best to end his vacation at this resort to distance himself from her. "Ma'am, nailagay ko nang lahat sa lamesa ang mga pagkain ninyo, enjoy your breakfast po," sabi ng staff, itinulak nito ang dalang tray trolley palabas at iniwan na si Hannah na hindi na nagawa pang magpasalamat dito dahil abala ang utak niya sa mga posibleng dahilan kung bakit biglaan ang naging pag-alis ni Cayden. To ease her mind, she simply convinced herself that she wasn't the reason. Cayden wasn't angry with her or anything, because if he were, he wouldn't have been sent breakfast to her room. Until the end, Cayden still cared about her well-being. She had been drunk last night, and Cayden hadn't forgotten to send her a cup of hot coffee. Tahimik siyang kumain. Kailangan niyang ubusin ang lahat ng iyon dahil si Cayden ang nagbigay niyon sa kaniya at iyon na ang huling bagay na matatanngap niya rito. Hindi niya alam kung magkikita pa ba silang muli. As she ate, tears welled up in her eyes. In the brief time they spent together at this resort, she felt that she had found an ally in Cayden. He valued her and her emotions. Na-appreciate niya ang mga ginagawa nito sa kaniya, lalo na kagabi. Nahihiya nga siya sa inasal niya rito. Tinapos na lang din niya ang kaniyang bakasyon sa beach resort na iyon. Hindi niya ginawang maligo sa dagat o kahit sa swimming pool doon. Iniiwasan niyang magka-sunburn at umitim dahil mahahalata agad ni Daxton ang pagbabago sa balat niya. Alagang-alaga pa naman nito ang mga skin treatment niya dahil gusto nito na lagi siyang flawless at hindi kakikitaan ng kahit na anong marka ng peklat sa katawan. Nang makabalik siya sa Maynila ay dumiretso muna siya sa kaniyang condo para doon magpahinga, may isang araw pa siya bago umuwi. _ Napilitan si Cayden na hindi na tapusin ang kaniyang bakasyon sa El Grande Beach Resort dahil nagkaroon ng emergency sa kanilang bahay. Tumawag ang kaniyang kapatid na si Briella, may sakit daw ang kanilang ina kaya labis ang pag aalala niya. He felt regretful because he didn't have the chance to bid farewell to Anna before leaving. He had an early flight, so he didn't get the chance to go to her villa, knowing that she would still be sound asleep at that hour. Since he didn't have her number or any other means of communication with her, he decided to send her breakfast to her villa instead. By that time, siguro naman ay magtatanong ito at hahanapin siya at malalaman nito sa mga staff ng resort na nakaalis na siya. Sa maiksing panahon na nakilala niya si Anna kahit na pasaway ito ay nakaramdam pa rin siya ng pag aalala rito. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin na nararamdaman niya para rito. Pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala at kailangan niya itong protektahan. May pinagdadaanan ito at inisip niya na sana kahit pa paano ay nakatulong siya rito at kahit papaano ay napabago niya ang damdamin nito at huwag ng makaisip na gumawa pa ng mga bagay na ikasasama niya. "Kuya, I'm glad you're here!" Sinalubong siya ng yakap ng kapatid niyang si Brielle, pagtapak na pagtapak pa lang niya sa loob ng kanilang bahay. Gumanti naman siya ng yakap dito at hinalikan ito sa buhok. "Where is mom? What happened to her?" nag aalalang tanong niya sa kapatid. "Nasa kwarto siya, Kuya. Pasensiya ka na kung tinawagan kita, wala kasi si Daddy, nasa Berlin siya ngayon. Ayoko namang ipaalam sa kaniya na may sakit si Mommy dahil siguradong mag-aalala iyon at uuwi agad kahit hindi pa tapos ang business niya roon. Ikaw ang nasa malapit kaya ikaw na lang ang tinawagan ko. Ilang araw na kasing nilalagnat si Mommy, ayaw naman niyang magpadala sa ospital. Baka ikaw, Kuya, mapilit mo siyang magpa-check up." "Okay. It's a good thing na tinawagan mo ako. Sige kakausapin ko si Mommy," aniya sa kapatid, inakbayan niya ito at sabay na silang umakyat sa taas para tunguhin ang silid ng kanilang ina na si Lara. Pagdating nila roon ay nadatnan nilang natutulog ang kaniyang ina. Lumapit siya sa kinaroroonan nito at naupo sa gilid ng kama. Dinama niya ang noo nito ng kaniyang palad. Medyo mainit pa nga iyon. Hinaplos niya ang madulas na buhok ng kaniyang ina. Sa paglipas ng panahon ay nananatili itong maganda. Ang kaniyang ina ay hindi tumatanda, madalas pa ngang pagkamalan itong kapatid nila. Katulad ni Briella ay hindi rin siya sanay na may sakit ang kanilang ina. Ilang minuto pa ay nagising si Lara, naramdaman nito ang paghaplos ng kung sino sa kaniyang buhok. Dumilat siya para alamin kung sino iyon at napangiti siya ng mabungaran ang mukha ng kaniyang panganay na anak. "Cayden, anak! Nakabalik ka na pala, kamusta ang bakasyon mo?" agad na tanong nito. Inilibot ang mga mata sa paligid na para bang may hinahanap. "Teka, nasaan ang girlfriend mo? Nasaan si Naomi?" "Bumalik na siya ng Madrid, Mommy. Kailangan siya sa ospital nila kaya umalis siya agad at hindi na tinapos ang baksyon namin," tugon niya. "Ha, ganu'n ba? Sayang naman minsan lang mangyari na makapagbakasyon kayo." "It's okay, Mom. Huwag mo nang isipin 'yon. Ang kailangan nating bigyan ng pansin ay ikaw, may sakit ka raw sabi ni Briella at ayaw mong magpadala sa ospital." "Huu... ayos lang ako, huwag kayong mag-alala sa akin simpleng lagnat lang ito," pagbabalewala ni Lara. "Anong simpleng lagnat lang? Dalawang araw na 'yan at hindi pa rin nawawala. Whether you like it or not ay pupunta tayo sa ospital ngayon. Tiyak na mag aalala si Daddy kapag nalaman niyang may sakit ka at ayaw mong magpa-check up. Gusto mo bang ipaalam pa namin kay Daddy ang kalagayan mo?" pananakot niya sa ina. "No... huwag niyong sasabihin, busy ang Daddy niyo sa trabaho ayokong ma-istorbo pa siya at mag alala sa akin buhat sa malayo," mariing tanggi nito. "Iyon naman pala ayaw niyong mag-alala si Daddy sa inyo, kami man ni Briella ay nag-aalala rin. Ang mabuti pa ay sundin mo na lang kami, magpa-check up ka na. Masyado po kasi kayong masipag, sabi ko naman hinay-hinay lang sa trabaho. Alam ko naman na ginagawa niyo lang iyon para malibang pero huwag niyo naman pong abusuhin ang katawan ninyo, kaya nga tayo may kasambahay para may katuwang kayo sa gawaing bahay," sermon niya sa ina. "Oo nga, Mommy, halika na magpa- check up na tayo, sasamahan tayo ni Kuya," sabat ni Briella sa usapan ng dalawa. Para namang nakonsensiya si Lara. Hindi naman niya gusto na pati ang mga anak niya ay mag alala para sa kaniya. Okay fine, sige magpapa- check up na nga ako, mapilit kayo eh," aniya. Natuloy ang mag-iina na pumunta sa ospital. Para kay Cayden ang kaniyang ina ang pinakamahalaga sa kaniya. Mahal na mahal niya ito at na-appreciate niya ang mga sakripisyo nito sa kanila kaya naman marapat lang na suklian niya rin ng pagmamahal ang mga sakripisyo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD